Chapter 1

Ang pangalan ko ay Cassandra De Guzman, Cass for short. Ako ay 19 years old at pumupunta sa Newton Academy. May kapatid ako na lalake. Pero enough about me, let's get on with the story.
-----

"Uy bes! Kung ipagpapatuloy mo ang pagtititig sa kanya baka matunaw yan." Nagulat ako sa sinabi ni Daffodil kasi nahuli nanaman niya akong nakatitig sa aking crush na si Simon.

"Anong pinagsasabi mo?" Tanong ko at tumingin ako sa libro na hawak ko.

Kunyari binabasa ko para hindi nya ako asarin ulit.

"Naku, palusot.com kapa diyan. Kitang kita naman na nakatitig ka kay... Simon." Binulong niya sa akin ang pangalan ng aking crush at naramdaman ko nag blush ata ako.

"Wag kang masyadong maingay." Hinila ko siya sa gilid at tinignan ko kung may nakarinig sa amin.

Buti nalang at wala kung hindi, marami pang makakaalam ng sikreto ko.

"Daffzkie baka may makarinig sayo!" Sinabi ko sa kanya at nag cross arms siya.

"Kailan mo pa kasi aaminin sa kanya na gusto mo siya? Cass, three years ka nang may gusto sa kanya pero hanggang tingin kalang! Ano toh, mamamatay kana pero tititigan mo parin siya?" Nag buntong hininga ako sa sinabi nya.

"Di naman kasi ganun kadali Daff, oo three years ko na siyang gusto pero... babae ako. Bakit ako ang gagawa ng first move? Diba gawain yun ng lalake? Besides, we don't even talk much so what's the point para umamin pa ako?" Tanong ko sa kanya at nag buntong hininga din sya.

"Wala namang mawawala kapag umamin ka diba?"

"Friendship namin mawawala." Nireplyan ko siya. "Tyaka di na nga kami masyadong nag-uusap tapos papaaminin mo pa ako sa kanya? Eh ano nalang mangyayare nun? Edi mas lalo pa siyang lalayo sa akin diba?" I gave her an obvious look and she finally drops the subject.

"Asha bahala ka, pag yan nag-kajowa wag kang iiyak ahh." Tumawa ako sa sinabi niya.

"Bakit naman ako iiyak? Diba nga dapat mas sasaya pa ako kasi may jowa na siya na mag-papasaya sa kanya?"

"Ay sus maryosep! Drama mo gurl ahh. Tara na nga sa classroom at baka malate pa tayo." Lumakad na siya papalayo at sumunod ako pero bago ako umalis, tinignan ko ulit si Simon one last time.

Simon Fraser,  ang lalakeng iniibig ko ng tatlong taon at hanggang ngayon ay patuloy ko paring iniibig. Di man kami masyadong close sa isa't isa ngunit siya ang bumihag nang aking puso. Bakit ba kamo?

It's because he was the one who saved me three years ago.

Flashback

I was washing my hand in the toilet nang biglang pumasok ang tatlong mga demonyita. 

"Look who's here, the wannabe smarty Cassie." Sabi saken ng leader nila.

"Please wag ngayon." Nag-madali akong umalis pero hinarangan nila ang exit.

"Not so fast, akala mo matalino kana kasi nasagot mo ang question ni sir? Napaka-yabang mo naman. No one, as in no one embresh me in front of the whole class." Bigla na lamang ako natawa sa sinabi nya.

"Embarrass na ngalang hindi mo pa masabi, embarrassing kanga talaga." Hindi ko alam kung san ako nakakuha nang lakas ng loob para masagot ko sila pero wala ako sa mood para makipag-talo sa kanila.

"How dare you!" Sasampalin na sana ako ng leader nila pero sinalo ko ang kamay nya.

"Sabi ko. Wag. Ngayon." Babala ko and I pushed her aside.

"Get her!" After that, inatake nila akong tatlo.

Wala akong laban sa tatlo kaya nabugbog ako hangang sa hindi na ako makatayo.

"Maybe next time you will not knowing not to cross with me." Sabi ng leader nila bago sila umalis.

"Babalaan na ngalang ako sa english spokening, mali mali pa." Tawa ko sa sarili ko.

Hindi koba alam kung bakit pa ako natatawa sa sitwasyon ko ngayon, nababaliw na ata ako sa mga nangyayare sa buhay ko. 

Nalaman ko na iniwan kami ng tatay ko dahil sa kabet nya and my mom blamed me for it. To add to that, nalaman ko na ang leader ng mga demonyita, ay ang anak ng kabet ng tatay ko. Ang galing diba? Naiwan nanga ng tatay ko, nabully pa ng step daughter nya. Hay buhay nga naman.

After reminiscing my problems, I forced myself to stand up and cleaned myself. I went out to the rooftop, where I usually stay dahil wala naman masyadong mga taong pumupunta dito and I stood on the balcony.

Maybe, just maybe, if I end my life here then wala na akong magiging problema. Di na ako sisisihin ni mama, I won't need to suffer whenever I see the leader of the demonyitas to remind me that her mother was the reason kung bakit nag cheat ang father ko.

Yeah, if I end my life here, I won't need to suffer.

"Bakit naman ganito buhay ko? What did I do to deserve this?"

"Sa totoo lang hindi kodin alam." Nagulat na lamang ako ng may sumagot sa aken.

Lumingon ako sa gilid at nakita ko si Simon doon.

"Pero kung ang solusyon mo ay tumalon, then I don't that would help." Lumapit sya saken at inoffer ang kamay nya. "We all had our bad days, but that's not the reason why we should end our life. Come on, if you take my hand I promise you na in the future, you will have better days."

I didn't realized it pero umiiyak na pala ako. Tumingin ako sa baba, ang taas pala at natakot ako bigla. I almost went out of balance pero bigla akong hinila ni Simon. He fell on his back while I fell on top of him pero ni-wrap nya ang mga kamay nya around me in order to protect me from the fall.

When I look up, I was met with his light brown eyes. He flashed me a smile kahit na kita ko sa mga mata nya na nasaktan sya. Everything seemed to be in slow motion and I felt my heart beating.

That was the day I fell in love with him, that was the day I saw light for the very first time.

End of flashback

Not long after, I met Daffodil and Simon was right, I will have better days in the future.

"Iniisip nanaman nyan si Simon oh." Daffodil interrupted my thoughts and I covered my mouth.

"Wag kang maingay, marinig ka ng iba ehh." Dinilaan ni Daffodil ang kamay ko at agad ko namang tinangal sa bunganga nya. "Haluh kadiri kanaman."

"Pag si Simon yan di ka mandidiri noh."

"Tara na nga."

Umupo na kami ni Daffodil sa aming upuan at maya maya, dumating na din si Simon at ang kanyang mga kaibigan na si Juan, Yvonne at Keith. Silang apat ang pinaka-popular na studyante dito sa Newton Academy. Si Simon na laging MVP at pinaka mabilis sa Basketball. Top player din siya sa Soccer, Badminton at Volleyball.

Si Yvonne na top student sa musika at best female player sa Volleyball. Si Juan na top student sa arts at pumapangalawa sa best player in Basketball. At si Keith na top student in English, Science at Mathematics. Di man sya magaling sa sports, may title sya ng King of Gamers dito sa academy dahil magaling sya sa mga computer games.

So yeah, parang sila ang F4 ng Newton Academy. After them, ang grupo ni Demonia at ang kanyang dalawang underlings na si Jessica at Fatima ang pumapangalawang sikat. Popular lang naman si Demonia dahil anak siya ng Prinsipal pero walang nakakaalam na ang step dad nya ay ang tatay ko.

After the incident three years ago, natuto akong mas lumaban dahil minsan ang target nila ay si Daffodil. Syempre hindi ko namang papayagan na bullyhin nila ang best friend ko.

"Uy bes!" I was brought back to reality nang kalabitin ako ni Daff.

"Oh, ano yun?" Tanong ko sa kanya.

"Yung bestfriend mo ohh." Tinuro niya sa akin ang top one na bully sa school.

Demonia...

"Bestfriend ko ba yan? Kailan pa?" Tanong ko sa kanya at tumawa siya.

"Yun na nga ang point, since lagi kayong nag-aaway edi parang mag-bestfriend na kayo kasi nga diba ang sabi nila, The more you hate, the more you love. Baka siya na ang nakatadhana sayo!"

"Eh pambihira ka naman talaga oh, ginawa mo pa akong tomboy. Straight kaya ako!" Tinignan niya ako sa harap at likod.

"Grabe, babae ka pala? San diyan yung harap mo te?" Pabiro niyang tanong at hinampas ko siya ng mahina.

"Grabe ka ah, porket flat-chested lalake na? Babae po ako. Kahit na minsan tomboyish ang dating ko, babae parin ako." Tumawa siya sa sinabi ko at nainis na ako sa kanya. "Bahala ka nga diyan, mag-hanap ka na ng ibang bestfriend mo. Yoko na sayo."

"Uy ito naman di na mabiro. Joke lang yun bes! Pinapatawa lang naman kita eh." Ang sabi niya na natatawa parin.

"Porket malaki sayo nilalait mo na yung akin, lalaki din toh hinatyin mo lang."

"Huh? Lalaki paba yan? Parang hindi na bes eh, parang wala nang pag-asa."  Tinignan niya ang chest ko nang malapitan at tinakpan ko ang mukha niya.

"Di masamang umasa noh, lalaki din yan balang araw." Bumalik ang attention namin kay Demonia nang marinig namin siyang kinakausap si Simon.

"Uy Simon, congrats nga pala ulit sa game niyo. Ang galing galing mo talaga, the best ka talaga." Ang sabi ni Demonia in flirtitious way.

"Naku po! Nagiging Dragon ka nananaman diyan te." Pabulong na sabi ni Daff. "May usok na lumalabas sa ilong mo oh."

"Loko ka talaga." Ngumiti ako at napangiti din siya. "Hayaan mo siya, loyal sa akin si My Labs noh."

"Aaah, si My Labs na di mo naman nakakausap masyado and in fact, baka di niya pa alam na you exist."

"Yan ka nanaman, lagi ka nalang panira di mo nalang pag-bigyan yung tao." I pouted at dinilaan niya lang ako.

Maybe he doesn't know that I exist nga, baka nakalimutan na nya ang nangyare three years ago. Haaayst~

"Make a move kasi gurl, walang mangyayare kung tititigan mo lang siya." Nag cross arm siya at nag roll eyes ako.

"Ako po ang babae hindi siya, hintayin ko nalang na lapitan ako ni My Labs. Nahihiya lang yan."

"Nahihiya saan? Sa flat-chested mo? Naku gurl mga lalake ngayon katawan nalang ang habol sa mga babae."

"Wag mong lahatin, iba si My Labs. Kontento na siya sa boobs ko." Parehas kameng natawa.

"Bahala ka na nga diyan, basta wag iiyak pag maging sila ni Demonyo- este Demonia pala."

"Ako iiyak? Bakit naman ako iiyak?" Pinagpatuloy ko ang pag-nood kay Simon at Demonia.

Demonia was touching Simon on his shoulders.

"Abay malay ko, maybe because your worst enemy ang nakinabang sa My Labs mo?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top