Tadhana

TADHANA
by: Astarfromabove


Childhood friend ko siya at gano'n din ako sa kanya. Palagi kaming magkasama kung saan siya at ako pupunta. Simula noong elementary hanggang sa highschool ay magkaklase kaming dalawa. Fate was really playful.

Tawanan.

Kulitan.

Iyakan.

Bangayan.

Lambingan.

Palagi kaming ganyan. Daig pa namin ang mga taong nasa isang relasyon. Best buddy kumbaga.

Nang tumuntong na kami sa kolehiyo  ay doon na kami naghiwalay. S'yempre iba ang gusto niya at iba rin ang sa 'kin. Magkaiba ang karerang nais tahakin naming dalawa.

Kinuha ko ay pagdo-doctor at sa kanya naman ay engineer. Kahit na magkaiba kami ng kursong kinuha ay palagi pa rin naming nakakasama ang isa't isa.

We give time for each other.

Nakasanayan na yata namin 'yon.  Ang saya-saya ko 'non dahil makakasama ko pa rin siya. I thought we will not be together.

Iniyakan ko pa siya dahil sa rasong iyon. Nakakatawa mang isipin pero nasanay na akong kasama siya at hindi ko matanggap na magiging madalang na lang ang pagkakasama namin.

He's a perfect man and every girl's dream.

He's smart.

He got the talent.

Handsome.

Kind.

Caring and sweet.

All in one.

"Hoy! Madison Mendoza tulala ka na naman! Kanina pa kita tinatawag! Sino iniisip mo ha?" natatawang kuha nito ng atensyon ko sabay pitik sa noo ko.

Napadapo amg kamat ko sa parte nang pinitik niya at sinamaan siya nang tingin.

"Aray! Masakit 'yon ah?" reklamo ko sabay hampas sa kanya.

Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ng university at dito naisipang mananghalian. Sakto lang ang  laki nito at sobrang garbo ng mga disensyo. Air-conditioned din. May mga janitor na tagasunod ng mga kalat ng mga estudyante at mga naka-abang na tagalinis sa bawat mesa.

Konti lang ang mga estudyanteng kumakain ngayon kaya hindi masyadong mahaba ang pila.

Nilapag niya ang order naming dalawa at umupo sa unahan ko.

I just rolled my eyes.

"Hoy ka rin Nathan Gonzales, ewan ko sayo! Kapag sinabi ko bang ikaw ang iniisip ko anong gagawin mo ha?!" He just stared at me in a few seconds and burst out to laughter.

"Hahahahahahahahahah."

Pagtatawanan niya lang ako.

He thought that I was just cracking a joke and making him laugh. Kaya hindi ko maamin-amin sa kanya that I've already fallen inlove with him.

I'm scared!

Hindi sa kadahilanang mahal ko siya ngunit sa rasong baka masira ang pagkakaibigan naming dalawa.

I have a lot of what if's. They always clouding my mind and I can't stop thinking about it.

What if, the feeling is not mutual?

Saan mapuputa ang pagkakaibigan namin? Masisira na lang ng basta-basta?

I can't afford to lose him. Not him! Oh God! Please!

"Hahahaha w-wait hahahahahahahahah," sabi nito sa pagitan nang pagtawa niya.

"Nakakatuwa na 'yun Nat? Mukha kang unggoy d'yan! Tumigil ka na nga, nakakainis ka!" wika ko sabay salubong ng kilay ko.

Bigla niya naman niya ginaya ang mukha ng unggoy sabay gaya nito ng tunog.

"Hoo hoo haa haa!"

"Hahahahahahahahahahahah," sabay na tawa naming dalawa.

"Mukha kang gagong nakadroga Nat," tugon ko habang natatawa.

"Mad, itong gagong 'to na tinatawag mo ay ubod ng gwapo," ani nito sabay kindat pa at hawi ng buhok niya.

Namula ako sa pakindat ng gunggong na'to.

May kinikilig ng palihim dito Nat ano kebe!

Palaging ganyan ang mga pinaggagawa namin. Mga kalokohan naming dalawa na kami lang ang nakakarelate. Asaran na parang walang bukas at magkakapikonan sa huli.

Para kaming mga aso't pusa. Ganyan nga talaga kapag matalik mong kaibigan ang isang tao.

At dumating ang araw na siyang nagpaiyak sa 'kin sa saya.



NAGTIPON- tipon ang lahat ng mga estudyante rito sa gymnasium dahil may iaanunsyo daw ang mga Dean ng bawat kurso.

Kanina pa kaming lahat naghihintay dito ngunit wala pa rin sila.

Nilibot ko ang aking mata sa paligid at kitang-kita dito kung gaano na ka bored ang lahat.

Sobrang ingay dahil sa mga daing ng bawat isa subalit biglang natahimik ang lahat sa pagtugtog ng musika.

Nagsilabasan ang mga estudyanteng may dalang mga rosas at lobo. Nasa sampu silang lahat at luminya sila sa harapan ng stage.

They are all smiling and looking at my direction.

Simula pa lang ng kanta ay alam ko na kung sino ang nagmamay-ari ng boses na 'to.

What would I do without your smart mouth
Drawing me in, and you kicking me out
You got my head spinning, no kidding, I can't pin you down

What's going on in that beautiful mind
I'm on your magical mystery ride
And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright
My head's under water, but I'm breathing fine
You're crazy and I'm out of my mind

Bumilis ang tibok ng puso ko at pilit kong pinipigilang umiyak. Biglang nag-slow motion ang lahat at tanging siya lamang ang aking nakikita.

Tama nga talaga ang mga napapanood ko sa telebisyon. Kusa na lang babagal ang lahat na animo'y kayo na lang dalawa ang natitirang tao sa mundo.

'Cause all of me
Loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me
I'll give my all to you
You're my end and my beginning
Even when I lose I'm winning
'Cause I give you all, all of me
And you give me all, all of you, ohoh

Mararamdam mo talaga ang emosyon sa kanya habang kumakanta. Nathan is good in singing. Madadala ka nito ng malamig niyang boses. Pikit mata siyang kumakanta at bawat lirikong binibitawan nito ay nag-iiwan ng tama sa bawat taong nakakarinig ng tinig niya.

How many times do I have to tell you?
Even when you're crying you're beautiful too
The world is beating you down, and I'm around through every mood
You're my downfall, you're my muse
My worst distraction, my rhythm and blues

Lahat ng mata'y sa kanya nakatuon.

Paghanga ang masasalamin mo sa bawat estudyanteng nakasaksi sa pagkanta niya.

Ang iba'y nakangiti at napapapikit pa.

Ang iba naman ay kilig na kilig na.

Sinasabayan din ng iba ang pagkanta nito.

Palapit ng palapit ito sa direksyon ko habang patapos ang kanta.

'Cause all of me
Loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me
I'll give my all to you
You're my end and my beginning
Even when I lose I'm winning
'Cause I give you all of me
And you give me all of you
And I give you all of me
And you give me all, all of you, ohoh

Ng matapos ay ngumiti ito bago magsalitang muli.

"I'm very happy because you came into my life. You're with me in times of sadness. You make me smile. Na kahit hindi ko kaya ay magagawa mo parin akong mapangiti. Ikaw rin ang naging sandalan ko sa mga oras na ako'y lugmok." He smiled.

"Ikaw ang dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban. I can't imagine my life without you. My life isn't perfect without you in it." Nathan got down on one knee and pulled a red box inside his pocket and opened it.

A diamond ring!

Nanlalaki ang mata ko at mapatakip na lamang ako ng bibig habang pinagmamasdan ang singsing na hawak niya.

It was beautiful but. . .

"Can you allow me to be in your life forever? I love you so much and God knows that. Will you marry me Samantha Agalsini Smith?" patuloy nito habang nakaluhod.

Samantha was so shock. Kumapit ito sa akin. Tears started to roll down in her cheeks. She looks surprised that can't even utter a single word at the moment. She look at me but I nodded and smile in return.

Biglang natahimik ang lahat habang hinihintay ang pagsagot niya kay Nathan.

"Yes! I'll marry you! I'll marry you Nathan Gonzales!" tuwang-tuwa na sagot n Sam sabay pinatayo si Nathan at hinalikan.

Nagsigawan ang lahat dahil doon. Kasabay no'n ay pag kuha ng lahat ng litrato sa kanila.

I'm happy for my bestfriend.

Tumulo na lamang ang luha ko dahil sa saya. Masaya akong nakikitang maligaya siya sa babaeng minamahal niya.

Kahit sobrang sakit ay susuportahan ko siya sa kanyang mga desisyon at alam kong masaya siya dun. Makita ko lang na masaya siya ay okay na ako.

Oo, hindi ako! Hindi ako ang taong minahal niya kundi ang kaklase kong si Samantha.

Hindi ako umamin ng nararamdaman kay Nathan at 'di rin ito alam ni Sam.

Totoong ngang napakasakit ng pag-ibig.
Hahagupitin ka nito sa hindi inaasahang pagkakataon.

Tadhana nga!

Tadhanang para si Sam at Nathan sa isa't isa.

Loving my best friend secretly leaves a deep cut in my heart but I will always wish the best for him—for them.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top