Shades of Violet Series #1: Lilac
Wala sa utak ng eighteen year old girl na si Ginnayah Lilac Ramirez ang mag-boyfriend. At least not until she finishes studying. Alam niya kasi ang consequences ng pagpasok sa isang relasyon, given na marami siyang kilalang magjowa na in the end, nagbebreak lang din naman. At isa pa, wala rin siyang pake sa saya na madudulot no'n, dahil kuntento naman na siya sa kilig na nabibigay ng mga napapanood at nababasa niya. How naive of her, right? Kung lumaki ka sa kakabasa ng Wattpad stories at kakanood ng Korean Dramas, imposibleng hindi mo gustuhin na maranasang kiligin at magkaro'n ng sarili mong Prince Charming. And there goes Philipp Rudy Gonzales, ang kaklase niyang magbabago ng pananaw niya. But in what way, though?…