Huli Na Pala 'Yon?
Warning: Please, do not read this if you're mentally unstable. You have been warned.---Lumaki sa masayang pamilya si Ciela. May gulo at sakitan man pero hindi ito nagtatagal. Para sa kan'ya ano mang bagyo ang dumaan sa kanilang pamilya sisikat at sisikat pa rin ang araw. Pero nagbago iyon nang pinili ng kanilang ama na umalis para makasama ang bago nitong pamilya. Pagkatapos no'n ay napilitan din mangibang bansa ang kanilang ina para matustusan ang pangangailangan nila. Kaya napilitan si Ciela na tumayo bilang haligi at ilaw ng tahanan, naging mas panganay pa siya kahit na siya ang pangatlo sa kanilang limang magkakapatid. Ang pagiging panganay sa murang edad ay hindi isang biro. Lahat ng responsibilidad ng kanilang magulang ay napunta sa kan'ya. Imbes na naglalaro siya sa labas, nasa loob siya ng kanilang bahay para maglinis at mag-alaga ng mga kapatid niya. Maraming tiniis si Ciela, ang mga nasaksihan niyang dapat ilihim na lang, ang masasakit na salitang binato sa kan'ya, at ang pisikal na pananakit sa kan'ya. Hindi namalayan ni Ciela na sa kan'yang pagtitiis, nauubos at napapagod na siya. Hanggang sa nawalan na siya ng pag-asa at nawalan ng ganang harapin pa ang bukas. May aabutan pa kayang 'Ciela' ang pamilya niya o huli na pala 'yon?…