COLD HEARTED LONER (HINDI PA)
Oo na, alam kong ang iniisip niyo ay brutal yung bida, cold personality and mamamatay tao. Aabot rin tayo diyan... Except dun sa mamamatay tao (may pagkabarumbado lang). XDPero una sa lahat, kailangan muna nating malaman kung paano nabuo ang kanyang kakaibang personalidad.~~Cold ako. Kapag malungkot kayo, wala lang yun sakin, yung ang nakikita ng mga tao. But I care. Sabi niyo nasasaktan kayo tapos ako deadma lang.Wala raw akong pakialam. Nakakahiya raw ako. Despite all, my thoughts say that I still care but my eyes don't reflect my thoughtfulness that people misunderstand.Gusto kong ipakita na gusto ko kayong damayan. Pero ni anong pilit ko, naubos na yata yung mga luha ko, naubos sa pagluluksa sa mga nangyari sa nakaraan ko. Noong hindi niyo pa nakita 'ni hibla ng buhok ko.Kinaya ko, hindi na ako nasasaktan ngayon. Pero kapag hinuhusga niyo ako ay ibinababalik niyo ako sa panahong iyon, at sariwang sariwa pa ang memorya at mga dalang emosyon noong mga pangyayaring hindi ko sana dapat maalala pa.Hindi ako cold hearted. Hindi PA.…