Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently Editing

Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently Editing

149,060 6,697 39

Patintero, Tagu-taguan, langit-lupa, jack-en-poy at habulan... Ilan lamang 'yan sa mga madalas nating laruin, buong maghapon maghapon tuwing bakasyon. Ngunit papaano kung isang araw ang lahat ng ito ay mapapalitan ng pag-akyat ng bundok, pagtawid sa mga batis, pagsakay sa lumilipad na barko, pakikipaghabulan sa mga engkanto at elemento at pakikipagsapalaran sa isang kaharian na kung saan dalawa ang araw na simisikat at dalawang buwan ang lumulubog. Sa isang kaharian na kung tawagin ay Arentis.Papaano kung ang buong bakasyon mo ay mapunan ng mga ganitong pangyayari?Anong gagawin mo?***First time ko po sa Wattpad, sana po ay magustuhan ninyo ang kwento ko. Pasensya na rin kung may mangilan-ngilang malalalim na tagalog. Taga San Pablo e :)P.S. May music po sa media section. Para lang mas exciting magbasa. :)M.K. Brugada / kembing©2014-2015All Rights Reserved.…

Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently Editing

Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently Editing

155,923 7,716 68

Isang nakakatakot na alamat tungkol sa isang nilalang na kayang wasakin ang mundo at ibigay sa mga tao ang isang kalunoslunos na kamatayan, ang mabilis na kumakalat sa buong Arentis. Marami ang hindi naniwala, sa pag-aakalang isa lamang itong alamat na madalas gamitin ng mga magulang upang takutin ang mga anak nila para matulog o umuwi ng maaga sa gabi. Oo nga naman. Sino nga ba ang naniniwala sa alamat? Lalo na sa alamat ng nilalang na 'yon? Walang sinuman ang may taglay ng ganoong kapangyarihan at kaalaman. Walang sinuman ang nabahala... Walang sinuman ang naniwala... Iyon ang kanilang pagkakamali. ------------------------------------------------------------------------------------------ P.S. Ikalawang libro po ito ng Arentis. Mas mabuti po kung uunahin n'yong mababasa 'yung book [1] bago ito para hindi po kayo malito :) ------------------------------------------------------------------------------------------ Arentis II - Tribong Uruha M.K. Brugada / kembing ©2015-2016 All Rights Reserved…

Arentis 3 | Propesiya | Ongoing

Arentis 3 | Propesiya | Ongoing

31,459 1,590 23

Kumalat na ang balita patungkol sa muling pagkabuhay ng halimaw na dati ng naminsala at muntikan ng umubos sa mga nilalang na naninirahan sa kaharian ng Arentis--si Minukawa. At dahil sa balitang ito'y muling umusbong ang usap-usapan sa propesiyang inilahad ng yumaong manghuhula na si Pelayon sa reyna ng Arentis...Subalit... Papaano kung hindi lamang si Acacia ang nakakaalam ng propesiyang ito? Papaano kung may ibang mga tao pa pala ang nakaaalam sa propesiyang inilahad ni Pelayon? Papaano kung hindi lamang sina Gayle, Paolo at Kelvin ang tatlong taga-lupang hinirang?Papaano mapapatunayang totoo ang propesiya?---------------------------Ito na po ang huling libro ng Arentis! Sana po ay magustuhan ninyo ito. Samahan n'yo pong muli sina Kelvin, Gayle at Paolo sa kanilang huling paglalakbay sa mahiwagang mundo ng Arentis :)---------------------------Arentis [3] [Propesiya]Written by: M.K. Brugada / @kembing©2015ALL RIGHTS RESERVED---------------------------…

Ashereth | A Chronicle | Ongoing

Ashereth | A Chronicle | Ongoing

18,483 922 29

Mahilig ka ba sa ulan? Nakakaramdam ka ba nang kapanatagan sa t'wing maririnig mo ang malakas na lagaslas na patak nang ulan sa matibay ninyog bubong? Gustong-gusto mo ba 'yung malamig at preskong pakiramdam na bumabalot sa buong paligid tuwing sumasabay ang malakas na ihip nang hangin kapag ganitong masungit ang panahon? Sinasabayan mo rin ba nang kape? O mainit na sabaw nang sopas o 'di kaya'y mami? Anong pangontra sa lamig ang ginagawa mo tuwing umuulan? Soundtrip? Magmuni-muni? Panoorin ang malakas na patak nang ulan sa labas habang tahimik kang nakadungaw sa mamasa-masa n'yong bintana? Kaparehong-kapareho mo si Van, isang simpleng binatang namamasukan sa isang maliit na mamihan. Gaya mo eh, paborito rin n'ya ang panahon nang tag-ulan; dito s'ya nakakakuha nang konsentrasyon-dito s'ya nakakapag-isip. Dito s'ya nakakaramdam nang kapanatagan... Pero, paano kung isang araw... Pagkatapos mong magising mula sa preskong pagtulog, sa mahaba at maaliwalas mong paghimbing ay magising ka sa isang mundo kung saan maraming kakaibang nilalang ang nabubuhay? Mga makinaryang pinapagana nang mga nagliliwanag na bato, mga halimaw na anino, mga taong may kakayahang gumamit nang iba't ibang klase nang mahika... Gulat na gulat ang binatang si Van, nang masaksihan niya ang lahat ng ito. At ito, ay kagagawan nang isang malakas at nakakapanatag na buhos nang ulan.... --- Ashereth (A Chronicle) Written by: M.K. Brugada Copyright: 2016 All Rights Reserved…

Arentis | Character Sketches | On Hiatus

Arentis | Character Sketches | On Hiatus

20,875 732 17

Para po ito sa inyo, mga walang sawang sumusubaybay ng Arentis. Para na rin po ito sa mga nagtatanong sa akin kung ano ba ang mga itsura ng ilan sa mga karakter sa ating munting kwento. Kakaunti pa lamang po ang mga ito, pero susubukan ko naman pong dagdagan sa mga susunod pang araw... Depende pag sinipag si Pareng JL HAHA XDSalamat pong muli! ------------------------Arentis Written by: M.K. Brugada / @kembing©2014 -2015Sketches by: JL Abquilan / @NherFright©2015ALL RIGHTS RESERVED…

Tambi | Mga Kwentong Tambay | Kembing

Tambi | Mga Kwentong Tambay | Kembing

1,122 67 5

Mga random shizz na gusto ko lang isulat.Wala lang, pampalipas inip. --------------------------------------------------------Tambi: Mga kwentong tambay.Written by: M.K. Brugada / @kembing©2015-2016ALL RIGHTS RESERVED…