Pula ang Puso
SYNOPSISCara James, a Jamaican descent who grew up in the Philippines and was trained by her father as a thief. Siya ang pinakamagaling na magnanakaw at kayang-kayang nakawin ang pinakamahalagang mga bagay sa sinuman. Nabighani siya sa Ruby Stone na nasa pangangalaga ng France. Mapagtatagumpayan niya na sana itong makuha kung hindi lang umepal sa eksena ang Gemstone Corp president na si Bryan Scott at nagapi ang dalaga. Imbis na parusahan ay inalok siya nito sa isang misteryosong misyon na ibalik ang 4 blackstones sa tunay na may-ari. Ayon sa sabi-sabi ay may kaakibat na sumpa ito sa sinumang makakahawak ng walang proteksiyon. Naengganyo siya sa mahalimuyak na reward at ginawa ang sinasabing misyon. Si Renzo, isang manggogoyong negosyante na Tsinoy at nakilala ni Cara sa kalagitnaan ng misyon. Dahil sa pagnanasa at interes nito sa blackstone ay binubuntutan siya ang nito. Nang matagpuan ng dalaga ang mga bato ay agad siyang nahintakutan sa katotohanang taglay ng sumpang iyon. Takot siyang maging sunud-sunuran at maging tanga sa isang tao. Takot siyang siyang ma-inlove. Pero paano kung ang sinasabing sumpa ay maging epektibo sa kanya? Paano kung ang isang tigasing babae ay mainlove sa isang lalaking nagiging anino na niya? Paano kung ang lalaking mapipili ng sumpa ay ang isang matinik na manloloko? Paano kung hindi na maalis ang sumpa kailanman? Paano kung hindi magiging pareho ang nararamdaman ng dalawa? Magkakaroon pa ba ng happy ending ang dalawang tao sa ilalim ng sumpa?…