Extra Bullet
Hinahangaan at matagumpay na sa buhay si Detektik Ria Del Pilar. May angking rin itong kabaitan at mabuting kalooban. Idagdag pa ang katangkaran at balingkinitang pangangatawan.O 'di ba? Ano pa bang hahanapin ng mga lalaki? Kaso nga lamang nang magsabog ng kagandahan ang Maykapal, hindi siya nakasalo kahit katiting. Siya ang tunay na bersyon ng makabagong hipon.Kaya naman sa edad na tatlumpu't siyam ay dalaga pa rin siya. Tanggap na niya ang kapalarang mamatay siyang isang birhen dahil hindi naman niya maatim na makipag-one night. Mahalaga pa rin sa kanya ang tunay na pag-ibig na binura na niya sa kanyang bokabularyo.Kaya naman sino ang mag-aakalang titibok pa ang pasaway niyang puso? Oo, pasaway. Biruin mo ba namang tumibok ito sa disiotso anyos na guwapong binata.Sinong hopeless romantic o despirada ang kikiligin at mananalangin na magkaroon siya ng happy ending?Ikaw ba? Naku po! Maawa kayo sa binata. Kahit ang magaling na manalunulat ay walang magagawa upang baguhin ang kuwento ng kanyang buhay pag-ibig. Subalit, ang buhay raw ay puno ng supresa't hiwaga. Idamay pa ang pakialemerang tadhanang magbibigay ng pangalawang pagkakataon sa detektib na hipon.Nasa iyo ang pagpapasya kung nais mo tuklasin ang inialay ng tadhana para sa ating bida.Date started: 30 May 2020EXTRA BULLETEiramana325Copyright © 2020All Rights Reserved.…