Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.

Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.

12,397 287 41

Pasensya na po kung masyadong emo, broken, pagkabigo, trying hard, etc. etc. Lahat po kasing ito ay nasulat ko lang dahil wala akong mapagsabihan. Sa pamamagitan ng pagsusulat ay naiibsan ang aking kalungkutang naramdaman, kaya sana po ay pagpasensyahan nyo na po kung masyadong trying hard ang mga ito. Naisulat ko ang mga tulang ito nang dahil lang sa dalawang babaeng labis kong minahal, kahit alam kong wala naman akong makukuhang patingin para sa kanila. Naipon ang mga ito sa loob ng anim na mga taon. Mga taon na hindi ko alam kung anong klaseng tanga ba ako. Ayun, sana kahit papaano ay may kumurot sa mga puso nyo sa isa o ilan sa mga tulang ito.…

Paglalakbay para sa ikatlong bagay [One-Shot!]

Paglalakbay para sa ikatlong bagay [One-Shot!]

5,054 149 1

Tayo na at sama-sama nating hanapin ang ikatlong bagay. :)Genre: Short story, Adventure, Mystery, Drama, Romance, Slice of life.Pasensya na po kung may maling wordings, mga salitang hindi naman dapat nandoroon sa pangungusap (dahil hindi ito nabura ng baguhin ko ang mismong pangungusap.) Mga paulit-ulit na salita katulad ng "ay tapos ay tapos" parang ganyan xD. Mga misspell, mga letra na dumikit sa isang salita or nagdagdag ng extra letter. (dahil sa msword ko po ito isinulat. May auto correct kasi doon xD.) in short po ay sana pakiunawa na lang po ang aking mga pagkakamali. Mahirap po kasing hanapin ang mga ganong kaliit pero napakahalagang bagay. At sana po ay nakuha nyo ang mensahe ng istorya ko at sana po ay napukaw ko ang inyong mga damdamin. Ito po ay nalikha lang sa aking isipan at hindi po talaga totoong naganap. Ayun, maraming salamat po sa mga nagbasa at nagshare ng aking pinaghirapan. :)…

The Crow Merchant

The Crow Merchant

95,832 6,080 93

Genre: Fantasy, Adventure, ActionSi Lyze Erizalde Vorstin, prinsesa nang isang malaking bansa, kasama ang kaniyang tagapagsilbing si Sophia ay hindi inaasahang maglalakbay kasama si Crow, isang mangangalakal. Nangyari ito, matapos nilang madukot ng hindi kilalang mga lalaki sa kanilang palasyo at nangyari ito sa gitna ng isang piging. At nakilala nila si Crow, matapos silang mailigtas nito sa ilang mga bandido nang hindi sinasadya. Dito naisipan ni Lyze na sumama kay Crow, kahit hindi nito gustong may kasama. Subalit sa pagtagal ay tila natanggap na din sila nito ng tuluyan.Sa ngayon ay nasa kalabang bansa sila at patuloy na naglalakbay upang makabalik sa kanilang bansa. Subalit masyado itong mahirap para sa kanila, dahil na rin sa dami ng panganib na maaari nilang harapin sa paglalakbay. Gayumpaman ay nagagawa na ni Lyze na makibagay sa bago niyang mundo.…

School of Myths

School of Myths

2,025,415 38,945 55

Genre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Si Rain, isang 15 years old boy na high school student, kasama ang kaniyang ate na si Rachelle ang napunta sa lugar kung saan kinatatakutan ng lahat ng tao. Ang "The Den of Evil". Lagi kasing nasisipa itong si Rain sa lahat ng school na napapasukan niya, dahil sa kalagian nitong pakikipag-away. Kaya lagi din silang palipat-lipat ng bahay upang sa ibang lugar ay makapag-aral ito. At dito na nga sila napadpad.. sa lugar na tinatawag na "The Den of Evil". At sa lugar na ito magbabago ang takbo ng buhay niya.…

Puting Krayola [COMPLETED!]

Puting Krayola [COMPLETED!]

15,029 515 9

Babala:Ang mga nilalaman ng kwentong ito ay labis na mapangahas, brutal, sekswal at lubhang kinakailangan ng matinding pang-unawa.Hindi ko ito nirerekominda sa mga edad 17 pababa, ngunit hindi ko naman kayo maaaring pigilan na hindi ito basahin. Tanging paalala lang ang aking maibibigay. Ibang-iba kasi ito sa mga kwelang storya na nasulat ko na at kung iniisip nyo ngayon na ang babala na ito ay isang biro lang, nagkakamali kayo. Muli po ay sasabihin ko ito, ang mga nilalaman ng kwentong ito ay labis na mapangahas, brutal, sekswal at lubhang kinakailangan ng matinding pang-unawa. At sana humingi na rin kayo ng gabay sa mga nakatatanda para sa mga edad 17 pababa. Maraming salamat.- chufalse…

School of Myths: Ang ikatlong aklat

School of Myths: Ang ikatlong aklat

213,425 6,593 51

Genre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, HaremDahil sa kagustuhan ng kaniyang pamilya na lumagay na sa tahimik ay napagpasyahan ng mga ito na magtungo sa Travincial. Hindi ito tukoy ng kanilang anak, si Jared Euphemia at hindi rin siya nakakasiguro na hindi na sila hahabulin dito ng alagad ng mga batas, dahil sa pagkakasala ng kaniyang mga magulang.Ngunit ang hindi niya alam ay sa lugar na ito magbabago ang takbo ng kaniyang buhay. At ang inaasahan niyang mapayapang bansa ay nababalot pala ng misteryo at ang bagay na ito ay kaniyang haharapin dahil sa wala na siyang pagpipilian pa.…

School of Myths: Ang ikalawang aklat (COMPLETED)

School of Myths: Ang ikalawang aklat (COMPLETED)

755,011 16,274 57

Genre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, HaremLumipas ang dalawang taon magmula ng mawala si Rain. Maraming nagbago sa kanilang section. Hindi na sila isang block-section, kaya ang iba ay nalipat sa ibang section; tulad nila David, Melisa at Krystine na napunta sa class wind-3. Napunta naman sila Aron, Chris at Sai sa class lightning-3. Napunta naman sa magkakaibang section ang magpipinsang Eyesdrap. At nanatili naman sila Mark, Annie, Selina, Lina, Alex at ang iba pa sa class fire-3. Ngayong taon lang nangyari ang ganito, kung saan naiba ang section ng mga istudyante. Mungkahi kasi ito ng ilang sa mga guro ng Olympus university na sinang-ayunan naman ni Zeus. Sa paraan kasing ito ay mas darami pa ang maki-kilalang mga mythical shaman/tao ng bawat istudyante.Sa ngayon ay hawak pa rin ng dating class fire-2 ang "Special classroom" na napalanunan nila sa naganap na "Duel event" nung nakaraang taon. Samantala, nasa mundo naman ng mga tao sila Drake at Rachelle, dahil hinahanap nila dito ang naging reincarnation ni Rain. Halos may dalawang taon na din silang naghahanap at sa ngayon ay wala pa ring balita sa mga ito.…

Fallen Wing: Ang makasalanang sandata [REMAKE!]

Fallen Wing: Ang makasalanang sandata [REMAKE!]

55,522 1,200 32

Genre: Fantasy, Spiritual, Action,Sa pamamagitan ng binitiwang pangako upang maprotektahan ang mga bagay na mahalaga sa kanya, nilikha niya ang sandata gamit ang sariling kaluluwa. Ngunit sa bandang huli, Siya ay nabigo at na paslang. Subalit ang kanyang kaluluwa ay nanatili sa sandata kaya hanggang sa ngayon ito'y patuloy na nabubuhay at patuloy sa paghahanap ng karapat-dapat na tumapos ng naiwang tungkulin.© All rights Reserved.-chufalse…

Magkatabing kwarto [COMPLETED!]

Magkatabing kwarto [COMPLETED!]

52,028 1,205 9

Tayo na’t alamin na’tin kung ano ang meron sa magkatabing kwartong ito.Genre: Short story, Romance, Paranormal, Mystery, Slice of life.…

Gun X Bounty

Gun X Bounty

67,135 2,140 35

Ang magkapatid na bounty hunters na sila Eiel at Lisa Griswold ay patuloy na naglalakbay upang mahanap ang isang ma-alamat na kriminal, si Bul-khatos Vidala. May nakapatong sa ulo nitong 44 billion gold, ngunit hindi ang bounty sa ulo nito ang pakay ng magkapatid. Gusto nila itong hanapin upang pagbayarin sa mga naging kasalanan nito sa kanila. At sa paglipas ng mga taon ay bigo pa rin silang mahanap ito at sa ngayon ay puro mga kriminal na nagpapanggap na si Bul-khatos ang kanilang mga nahuhuli. At salamat sa mga ito dahil naging tanyag silang mga bounty hunters sa buong mundo.…