Escape To Fantasy

Escape To Fantasy

36,814 1,508 18

4th Place in Nayin's Novel Writing Contest 3 A.K.A. PNY Battle 1Special award: Best Character - Alfie***Si Alfie, isang dalagang nangarap at humiling na mamuhay ng marangya at takasan ang reyalidad. Nang dahil sa isang pusa na may palawit na bell na kwintas at babaeng may ngising kakaiba at laging may bitbit na aklat, nagbago ang lahat. Napunta siya sa ibang katauhan. Napunta siya sa isang pantasya. Buong akala niya, magugustuhan niya ito sapagkat ito ang kanyang minimithi ngunit hindi... Nang unti-unti na niyang nakakalimutan ang sarili niyang damdamin, nangamba na siya. Kung noong una namamangha pa siya sa pantasyang ito pwes ngayon, hindi na. Kung noong una, tinakasan niya ang reyalidad, ngayon, tatakasan na niya ang pantasyang tila ba binubura ang tunay niyang katauhan.Hindi masamang mangarap at hindi rin masamang humiling. Ngunit sa kaso niya, pinaglaruan siya ng tadhana at binigay ang lahat ng nais niya at sumobra pa nga kaya ngayon, siya ay nagdurusa.©cgthreena***Maraming salamat, BM Pagayon sa napakagandang pabalat!…

Adrasteia

Adrasteia

196,660 7,497 30

Book 1Adrasteia Laxamana o mas kilala sa palayaw niyang Dia, kung sa tingin niyong isa lamang siyang pangkaraniwang babae na napakataray at iwas sa lahat, pwes nagkakamali kayo. Isa siyang babaeng may ibang kakayahan na wala ang isang normal na tao. Nakakakita siya ng mga bagay-bagay na hindi nakikita ng iba at nakokontrol pa nga niya ito.Dahil sa kakayahan niyang ito, naging iwas siya sa lahat sapagkat napapahamak ang mga taong malapit sa kanya dahil dito. Ngunit hindi nagpapaawat ang isang Dentrix Casabuena. Patuloy niyang kinukulit ito kahit na halos murahin na siya nito at ito ay nagsimula noong madiskubre ni Dentrix na nakikita ni Dia ang mga nararamdaman niyang kakaibang presensya ng nilalang.Sa ayaw at sa gusto ni Dia, susunod sa kanya si Dentrix at pipilitin pa siyang diskubrihin at pasukin ang mundo ng ibang mga nilalang.Ngunit, bakit nga ba pinagtagpo ang dalawang ito? Ito ba'y dahil may koneksyon sila o sadyang makulit lang si Dentrix?Ano kayang madidiskubre nila?Anong klaseng mga nilalang pa kaya ang haharapin nila?©cgthreenaHighest rank: #2 in Paranormal (05.11.17)#15 in Paranormal (08.13.17)#13 in Paranormal (08.14.17)#28 in Paranormal (10.14.17)#22 in Paranormal (10.21.17)#28 in Paranormal (01.31.18)#20 in Paranormal (02.25.18)#22 in Paranormal (04.04.18)#19 in Paranormal (04.05.18)#2 - horror (05.18.18)#1 - paranormal (05.27.18)#1 - ghost (12.04.18) #1 - paranormal (01.20.19)#2 - ghost (07.15.19)***Thank you @KrungRi_Gizibe sa napakagandang cover!…

Aletheia

Aletheia

2,146 123 3

Book 3 of AdrasteiaSa paglipas ng isang taon, tahimik na binabantayan ni Adrasteia si Astraea mula sa malayo habang patuloy itong naninirahan sa kweba at inilalayo ang sarili sa lahat ngunit ang kwebang tinutuluyan pala ng diwata ay hindi isang pangkaraniwan lamang. Sa nadiskubre nilang ito, masasagot ang mga lihim at katotohanang nagmula sa nakaraan at maging ang trahedyang naganap sa diwata. Ang lahat ng ito ay sisikapin ni Adrasteia na madiskubre upang mapigilan ang masamang engkanto sa paggulo at pagsakop sa buong kagubatan kahit na kailanganin niya pang maglakbay patungo sa nakaraan.***Maraming salamat kay @Nheczxo sa napakagandang pabalat!…

The Stupendous Badass' Tale

The Stupendous Badass' Tale

240,797 7,463 36

PAALALA:Hindi pa po ito na-e-edit. Maraming mga mali lalo na sa grammar. Ang plot ay hindi pa ganoon kaayos.***Si Briella Cabrera A.K.A Bree, isang babae na mahilig maghanap ng thrill sa buhay. Handa siyang makipagbasag ulo once na tawagin mo siyang "stupid." "I'm not a stupid badass! I'm a stupendous badass!"She loves adventures -- deadly adventures. Nang dahil sa deadly adventures niya, napunta siya sa isang mapanganib na lugar at mapanganib na sitwasyon. 'Yung thrill na hinahanap niya, lumapit na sa kanya -- tumindi pa nga.Pa'no niya ito maha-handle lahat kung may mga taong nakikisabay sa magulo at peligroso niyang buhay? Pa'no niya ito malulusutan nang walang masasaktang iba kung ang pinoprotektahan niya ay may malagim na lihim na matagal nang itinatago sa kanya?©cgthreena…

Astraea

Astraea

59,842 2,536 23

Book 2 of AdrasteiaMatapos lisanin ni Adrasteia Laxamana ang Bayan ng Amissa upang mag-aral sa Maynila at sa muling pagbabalik ni Ceres sa kagubatan ay isang gintong binhi ang tumubo sa puno ng Narra na nakatirik sa tirahan ng pamilyang Laxamana. Ang hindi inaasahang binhi ay lubhang nakapagpaligaya sa buong kagubatan at lahat ng mga engkanto sapagkat isang maharlika ang muling isisilang. Si Astraea Laxamana o kilala rin sa palayaw na Sea (Se-ya), ang kauna-unahang maharlikang diwata. Imbis na ito ay manatili sa kagubatan kasama ang iba pang mga engkanto ay naenganyo itong makisalamuha sa mga tao at mag-aral sa isang paaralan. Hindi man sang-ayon si Ceres ay wala siyang ibang nagawa kung hindi pakawalan ang dalaga nang tumuntong na ito sa tamang edad. Sa paglabas ni Sea sa mundo ng mga tao, ano kaya ang bubungad sa kanya? Mapapanatili niya kayang lihim ang tunay niyang katauhan? Ano kaya ang magiging trato sa kanya ng mga tao? Higit sa lahat, sino ang wawasak sa busilak na kalooban ng maharlikang diwata? ©cgthreena Highest rank: #17 in Paranormal (06.04.17)#19 in Paranormal (08.27.17)#26 in Paranormal (01.19.18)#22 in Paranormal (01.31.18)#18 in Paranormal (02.28.18)#39 in Paranormal (04.04.18)#21 in Paranormal (05.07.18)#3 - fairy (08.03.18)#4 - engkanto (08.03.18) ©cgthreena *** Maraming salamat @Nheczxo sa magandang pabalat!…

Langit, Lupa, Impyerno

Langit, Lupa, Impyerno

440,645 9,501 25

Paalala: Marami pa pong itong mali lalo na sa grammar sapagkat hindi pa ito na-e-edit.***Gusto mo bang maglaro?Kahit sino at kahit anong edad, pwedeng sumali rito. Anong laro?Hmmm...Langit, Lupa, Impyerno.Gusto mong sumali?Kaso may thrill 'to.Paghinto ng kanta at kung sinuman ang matuturo, siya ang... Mamatay.***Si Aya Corpuz ay isang dalagang nagbabalik-bayan sa Bayan ng Sta. Evilia kasama ang kanyang kaibigan na si Gabby. Ngunit sa pagtapak nila sa bayang iyon, sunod-sunod na ang mga taong namamatay. Sa kabila ng karahasang nangyayari sa kanilang bayan, hindi niya akalaing dito niya muling mahahanap ang kanyang pag-ibig na iniwan niya sampung taon na nakararaan. Nahanap na nga niya ang kanyang kasiyahang abot langit ngunit mas lalo namang lumala ang pagkamatay ng mga tao roon. Ano nga ba ang dahilan? Sino nga ba ang pumapatay? Matutuklasan kaya nila ito o magsasama-sama sila sa ilalim ng lupa at magdurusa sa impyerno?©cgthreena***Ranking:#80 in Horror (08.23.17)#31 in Horror (10.24.17)#7 - impyerno (08.27.18)#1 - impyerno (07.29.19)***Lubos akong nagpapasalamat kay Arlene Turla sa paggawa ng simple ngunit napakagandang pabalat ng nobelang ito. Maraming salamat! -CG…

Black Rose

Black Rose

157,792 1,369 10

"I'm Black Rose and I can kill you in just a snap.""I'm Aisha Trinely Montez and I don't really exist.""Hell is my home. Killing is my passion.Blood is just an ordinary liquid for me.I have no mercy. So, better back off!"©cgthreena…