The Second Person

The Second Person

34 1 2

Huwag mong tingnan.Ni tapunan ito ng kahit isang sulyap.Umalis ka na, kalimutang nakita mo ang nobelang 'to. Para sa iyong kapakanan, kaligtasan at ikaliligtas. Huwag mo nang subukang umalis sa kung nasaan ka ngayon. O kahit dumungaw sa bintana. Dahil nag-aantay na sila. Naghahanda. Nagbabantay. Malapit na ang pagdating.Pindutin mo na ang exit button. At pagkatapos, hindi mo na makikita ang lalaking 'yon. Kahit ang puting van, ang itim na pusa, ang pomegranate juice... o ng dugo. Huwag mo na itong pansinin, talikuran mo na, at isiping hindi mo ito nakita buong buhay mo. At payapa ka na sanang makapamuhay sa mundo.Pero may gusto lang sana akong itanong sa 'yo: gusto mo ba talagang malaman kung paano ka mamamatay?…

The Sleeping and the Blind

The Sleeping and the Blind

260 1 1

Ang kwento ni Christopher ay nagsimula sa "Isang araw". Siguro, isang araw, meron siyang nakalaro? Nakaaway? Pwedeng isang araw, may prinsesa? Baka mangkukulam? Siguro salamangkero?Siya ay isang labindalawang taong-gulang na bata. Pinanganak na bulag. Namumuhay kasama ang tatlong mga kapatid at ang matalik na kaibigan ng mga magulang niya, malinaw na nakikita ng mga mata ni Christopher ang higit sa pitong kulay ng bahaghari, ang mga bituin sa kabilang sulok ng kalawakan, at ang liwanag ng buwan tuwing sinusubukan niyang tingalain ang langit.Pero isang araw, namatay ang lahat ng ilaw. Isang aksidente. Isang hindi inaasahang bisita. Isang bagong pamilya. Isang batang natutulog sa tabi ng bintana sa loob ng ilang taon. Isang lugar kung saan ang pagbangon ay wala sa mga pagpipilian. Sa paligid niyang walang kahit anong posporo at napapaligiran ng tubig, magawa kaya niyang makapagsindi at buhaying muli ang liwanag?…