Marahuyo
marahuyo // historical fiction story (dagli)Mga aral mula sa nakaraan na aabog at huhubog para sa iyo.date started: february 29, 2024date finished: --© aestheticess, 2024.…
marahuyo // historical fiction story (dagli)Mga aral mula sa nakaraan na aabog at huhubog para sa iyo.date started: february 29, 2024date finished: --© aestheticess, 2024.…
kisapmata // historical fiction storyMatapos ang aksidenteng nakaharap, si Kiara na nagmula sa isang malaking pamilya ay nawalan ng ala-ala sa isipan at nakalimutan ang kaniyang totoong mundo. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahagip ng kaniyang mga mata ang isang lampara. Nabalot ng dilim ang buong kapaligiran at nang muling dumilat ang kaniyang mga mata ay laking gulat niya matapos mapunta sa nakaraang tanging ginugunita na lamang sa kasalukuyan.Nakilala niya sa mundong iyon ang lalaking nagpatunay sa kaniya na ang mundo ay hindi tunay na tungkol sa kadiliman lamang, si Rafael. Nagtagpo ang landas ng dalawang pusong nagmula sa magkaibang mundo ngunit isang lihim ang siyang pumigil sa pag-ibig na nagsimulang maghari sa kanilang dalawa.date started: august 8, 2022date finished: febuary 8, 2023© aestheticess, 2022-2023.…
balang araw // historical fiction storyIsang marangal, tanyag, at perpekto kung maitatawag ang pamilya De Vera. Mayroong ilaw ng tahanan, haligi ng tahanan, at mga anak na nagbibigay ng kulay at saya sa kanilang pinagtibay na pamilya dahil sa isang kasunduan.Nagtataglay man ng labis na katarayan ngunit mapayapa lamang na ina si Felicia na nagsisilbi para sa kaniyang pamilya ngunit sa biglaang pagkakataon at pagbabago ng kaniyang asawa ay ang pamumuo rin ng paghihinala niya rito.Paano niya kaya haharapin ang suliranin at ang lihim na nagpaguho sa kaniyang mundo? Patuloy niya pa nga rin bang mabubuo ang kaniyang pamilya sa kabila ng lihim na relasyon na kaniyang natuklasan sa pagitan ng kaniyang asawa at sa ibang babae?Taong 1762, ang labanan ng mga espanyol at briton sa bansang Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ng Espanya.date started: january 31, 2022date finished: march 31, 2022© aestheticess, 2022.THE WATTYS 2022 SHORTLIST!…
memories of the sky // historical fiction storyTaong 1898, may isang binibining nabubuhay sa panahong iyon. Isa sa kaniyang mga pangarap ay ang magkaroon ng sarili at masayang pamilya, ngunit ang kaniyang pangarap ay tila biglang naglaho nang siya'y malagutan ng hininga at mawalan ng buhay sa kalagitnaan ng laban sa bansang Pilipinas.Sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling dumilat ang kaniyang mga mata at nagkaroon ng pangalawang buhay. Ngunit paano kung siya'y nabuhay ngang muli ngunit hindi na sa kaniyang panahon? Kung hindi sa makabagong panahon.***Nangangapa at naninibago, nakilala niya roon ang isang lalaking nagngangalang Liam na siyang tutulong sa kaniyang biglaang pamumuhay sa makabagong panahon kung saan puno ng pinagkaiba sa kaniyang panahon. Si Liam na siyang kaniyang magiging kaagapay at kaibigan.Ngunit paano kung sa hindi inaasahang pagkakataon na ang kanilang pagkakaibigan ay nauwi sa pag-iibigan? Tama kayang ipagpatuloy pa nila ito lalo na't sa paglipas ng panahon ay may unti-unti siyang natutuklasang bagay na maaaring maging hadlang sa pag-iibigan nilang dalawa."Ikaw ang memorya ng buhay ko na hinding-hindi ko malilimutan kailanman..."date started: july 20, 2021date finished: september 21, 2021© aestheticess, 2021.…
te amo, adiós // historical fiction storySi Isabelita Baltazar ay nagmula sa isang mahirap na pamilya kung kaya't siya ay naninilbihan bilang isang kasambahay sa isang hacienda. Nakilala niya roon ang isang mabait at maginoong lalaki na si Ginoong Pablo Natividad.Sa kaniyang paninilbihan sa Hacienda Natividad, may hindi inaasahang nabuong komunikasyon sa pagitan ni Isabelita at Pablo na siyang nagpatuloy sa bawat pagdaan ng araw.Ano kaya ang magiging papel ni Isabelita sa buhay ni Pablo? Tama ba na umibig sila sa isa't isa kahit na sa una pa lang ay hindi na dapat pa?date started: febuary 1, 2021date finished: march 23, 2021© aestheticess, 2021.…
game on // the lamp worldAfter work, Celeste decided to go to a forest which is know as Bosque de Muerte after receiving a text from someone. She came all alone there to find her friend but a lamp brings her to a game where deaths can be found everywhere.The game is on!date started: june 25, 2022date finished: july 26, 2022© aestheticess, 2022.…
lights out // the lamp worldA girl living in the darkest world and just to die inside, suicidal Valeria going to a forest and chooses to commit suicide to end her sufferings but darkness brings her to a game where lights turning off only means death.Welcome to lights out!date started: may 1, 2022date finished: june 16, 2022© aestheticess, 2022.THE WATTYS 2022 SHORTLIST!…
hiwaga // ika-apat na serye ng pag-ibigSi Mariella Yvonne ay isang binibini na kumpara sa iba ay nabubuhay sa kasalukuyang panahon. Isang babae na nagbibigay ng ngiti sa lahat ngunit kailanman ay hindi niya nagawang ibigay ang kaniyang tunay na ngiti. Kailanman ay hindi niya naramdaman at natukoy kung ano nga ba ang pag-ibig.Kasabay ng aksidente na kaniyang nakatagpo ay ang pagbabago rin ng kaniyang kasalukuyang buhay. Sa muling pagdilat ng kaniyang mga mata, sa hindi inaasahang pagkakataon, siya ay mapupunta sa isang mundong puno ng pinagkaiba sa kaniyang mundong mapait.Makikilala niya sa mundong iyon at mula sa nakaraan ang isang malamig na ginoong nagngangalang Yuan Enriquez. Isang ginoong hindi niya kailanman inaasahang darating sa kaniyang buhay at ipadarama sa kaniya kung ano nga ba ang tunay na pag-ibig.Ngunit paano niya ito magagawang ibigin ng malaya gayong nakalaan na pala ito para sa iba? Magagawa kayang lumaban ng kaniyang puso na sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawang tumibok para sa isang taong nababalot din ng dilim?Hanggang ilang mundo ang kanilang tatahakin upang magsama at sa ngalan ng salitang pag-ibig?date started: september 28, 2021date written: december 5, 2021date finished: december 29, 2021© aestheticess, 2021.…
tadhana // ikatatlong serye ng pag-ibigSi Anastacia, isang binibini na binansagan bilang isang perpektong binibini sapagkat ang lahat ay nasa kaniya na. Kagandahan, katalinuhan, karangyaan, at kabaitan. Halos nasa kaniya na ang lahat. Siya ay tunay na ipinagpala ngunit hindi sa isang bagay na naghahari sa puso ng lahat, sa salitang pag-ibig.Umiibig sa isang heneral na handang gawin ang lahat upang makamit ang salitang hustisya, si Khalil Leviano Santiago. Isang ginoo na nagtataglay ng pambihirang katapangan at katalinuhan. Ang kababata ni Anastacia na kahit kailan ay hindi siya nagawang ibigin.Kasabay ng kaniyang pagbabalik sa bayang kaniyang pinagmulan ay ang pagbabalik din nito, ang pagbabalik ng kaniyang iniibig. Wala siyang ibang nagawa upang tulungan ang sarili sapagkat sa paglipas ng mahabang panahon ay hindi pa rin nagbago ang itinitibok ng kaniyang puso, patuloy pa rin nitong isinisigaw si Khalil.Paano niya matutulungan ang kaniyang puso gayong nagsimula na ring dumating ni Sergio sa kaniyang buhay? Ang kapatid ni Khalil at nagbibigay hangarin na makuha ang puso niya. Paano niya iibigin si Khalil nang malaya sa kabila ng tadhanang pumipigil sa kaniya? Magagawa niya pa rin kayang lumaban at hindi sumuko?Hanggang wakas ay magagawa pa rin kayang tumibok ng kaniyang puso para sa salitang pag-ibig?date started: september 28, 2021date written: november 12, 2021date finished: december 3, 2021© aestheticess, 2021.…
gunita // ikalawang serye ng pag-ibigSi Carolina ay isang palangiti at masiyahing binibini ngunit ang lahat ng iyon ay nagbago matapos talikuran ang kaniyang kaibigan. Kinailangan niyang lumisan upang magpahangin at kalimutan ang pait na nangyari sa bayang kaniyang pinagmulan.Siya ay lumisan at pagsamantalang namalagi sa isang probinsya kung saan tahimik at magbibigay ng kapayapaan sa kaniya. Ngunit muli ay nagsimulang magbago ang takbo ng kaniyang buhay matapos dumating ng isang ginoong nagngangalang Markus Esguerra.Ang buong akala nya ay isa lamang itong ginoo na darating at aalis din sa kaniyang buhay ngunit naglaho ang pag-aakala niyang iyon matapos malaman kung bakit nasa iisang lugar silang dalawa. Dahil sa labis na kunsensyang nararamdaman ay sinubukan niyang tulungan ito upang makabawi man lang sa kasalanang hindi niya naman ginawa.Ngunit paano kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay unti-unting mahulog ang kaniyang loob sa binata? Magagawa kaya itong suklian ni Markus sa kabila ng kasalanang nagdulot ng kadiliman sa buhay niya?Hanggang kailan kakayanin ng kanilang pusong lumaban para sa salitang pag-ibig?date started: september 28, 2021date written: october 20, 2021date finished: november 11, 2021© aestheticess, 2021.…
adhika // unang serye ng pag-ibigSi Gwenaelle, isang binibining may itinataglay na katarayan. Kailanman ay hindi niya ninais na magkaroon ng maraming kaibigan at nais lang na mapag-isa. Siya ay tila naging isang yelo sa loob ng mahabang panahon dahil sa isang pangyayaring lubos na nagdudulot ng lungkot sa kaniyang puso.Ngunit nagbago ang takbo ng kaniyang buhay nang siya ay itinakdang ikasal sa isang ginoong nagngangalang Danyiel Villanueva, isang ginoo na malaki ang pinagkaiba sa kanya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagtagpo ang landas nilang dalawa at kaniyang magiging asawa sa isang iglap.Magagawa niya kayang buksan ang kaniyang puso para sa binata? O tulad ng dati ay mananatili pa rin siyang matigas at malamig na bumalot sa kaniya ng mahabang panahon?Hanggang saan ang kakayanin nilang abutin para sa salitang pag-ibig?date started: september 28, 2021date written: october 2, 2021date finished: october 18, 2021© aestheticess, 2021.THE WATTYS 2022 SHORTLIST!…