Huadelein Delzado

Huadelein Delzado "Ang Bai"

6,518 1,317 72

Maniniwala ka ba? Na sa modernong panahon natin ngayon ay may isang tradisyon pa rin ang nananatili sa isang puod na pinamumunuan ng isang Rajah? At may mga anak na Binukot at isang Ginoo?Ang tradisyon at kulturang ito ay panahon pa ng ating mga ninuno. Na kung saan noon ay pinamumunuan ng Rajah, mga Datu at ng mga sultan. Ito ay isang mayamang kultura at kinaugalian ng ating mga ninuno, na magpa-hanggang ngayon ay pinagyayaman ng isang Rajah na kung tawagin ay Rajah Bagani.Si Rajah Bagani ay may apat na mga anak, ang panganay ay si Ginoong Isagani at may tatlo itong Binukot na mga anak sina Bai Helena, Bai Huada at Bai Hera. Sa kanyang apat na anak si Bai Huada ang isa sa pinaka pilya, nais nitong lumabas ng kanyang Bukot upang masilayan ang labas ng puod at maranasan ang o na kinabibilangan ng kanyang amang Rajah, na tiyak ay hindi magiging madali para sa Bai.-ScratchPaper…

Maria Clara'ng Gangster

Maria Clara'ng Gangster

363 5 14

Si Maria Josephina Clara Alba Mercado, ay isang simpleng mag-aaral lamang- teka, sandali! Simple nga ba? Oo, yata- tipikal na estudyante lamang. Masipag lang naman siyang mambwiset, mangulit- este! Masipag siya at napakabait. Hindi makabasag pinggan ang kanyang kadaldalan- ang ibig kong sabihin ay napakatahimik na animo'y kabaligtaran ni Maria Clara- este! Waring si Maria Clara'ng banal na Binibini. Dala niya palagi ang laruang fart bomb, na kung saan ay ipasasabog sa buong klase- ang ibig kong sabihin ay dala palagi ang kanyang aklat, upang magsabog ng karunungan sa klase. Ang angkin niyang pamimilosopo ay hindi matatawaran, ang nais ko lang naman sabihin ay ang kanyang pagiging huwaran. Kailanman ay hindi naging laman ng guidance office- maya'tmaya lang naman. Dahil ipinatatawag sa angking kapilyahan- este! Kasipagan.Iyan si Maria Josephina Clara A. Mercado A.K.A "Maria Clara" A.K.A "Joey" A.K.A "Silver" ang napakaganda, makulay, marumi, mabaho at punung-puno ng kapilyahan niyang buhay ay magbabago. Dahil siya'y papasok sa isang hindi pangkaraniwan na paaralan, at sa kuwentong ito malalantad ang kanyang buong pagkatao. At makikilala niya ang isang binatang hindi pangkaraniwan ang katangian. Sa isang paaralan na ito, na kung saan ang ilang mga estudyante ay may mga microchip implant sa kanilang mga utak, upang sila'y makontrol ng paaralan at puwersahang magsilbi sa mga mag-aaral na may mataas na antas sa paaralan. May magagawa kaya si Josephina para sa mga kaawa-awang estudyante na ito?At dito magsisimula ang kuwento ni Maria Josephina Clara A. Mercado, ang itinatago na bunsong kapatid ng Mercado Brother's, at kaisang-isang tagapagmana ni Silver.-Papel????…

Sandig

Sandig

377 14 9

Isang babaeng sandig, na mapupunta sa kasalukuyang panahon na kilala bilang isang "paragahin" o ingat-yaman ng anak ng Rajah na nakatakda mamuno sa kanilang puod, sa kanyang naiwang panahon. At makikilala niya si Azul na kahawig ng kanyang pinaglilingkurang panginoon na si A-lon. Paano kung mahulog ang puso ni Ah-rem sa binatang si Azul sa kasalukuyan? Na kahawig ng kanyang panginoon? At paano kung dumating ang panahon na kailangan niyang mamili? Ang kasalukuyang panahon o ang kanyang naiwang nagisnan na panahon? Paano na si Azul? At paano na si Ginoong A-lon? Na kanyang panginoon na lihim na iniibig.…

Maka Lenlen vs. Maka Bingbong

Maka Lenlen vs. Maka Bingbong

30 0 2

Katuwaan lang 'to, ang mababasa niyo sa maikling sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang dahil sa pandedemonyo ng kaibigan ko, ang mga tauhan, tagpuan at pangyayari ay pawang kalokohan lamang ng malikot kong imahinasyon.Maka Lenlen Vs. Maka Bongbong…

Ang Puso Ng Mandirigma

Ang Puso Ng Mandirigma

48 4 1

Wattpad A Thon Challenge 2022Wattpad February EntryGenre: ShortstoryWord Count: 800Ang puso'y iyong pina-ibig, ngunit bakit sa huli ay tila binawi? Ang pag-ibig mo siyang pangako pa sa isa't-isa, ano at ikaw ay waring nakalimot?…