Tale Of Enchanted Hearts

Tale Of Enchanted Hearts

289 30 15

Lumaki sa lansangan at mulat sa hirap ng buhay, hindi na pagsubok para kay Aya ang mabuhay nang mag-isa. Namulat man na hindi batid ang tunay niyang pagkatao at pinagmulan, natutunan niyang gumawa ng paraan upang patuloy na mabuhay sa kabila ng kaniyang mapapait na kapalaran at karanasan. Sa pagnanais na malaman ang katotohanan sa kaniyang tunay na pagkatao, binalikan niya ang baryo kung saan naroon ang ampunan na unang kumupkop sa kaniya. Muli niyang nakita ang kaniyang Lola Bing, na siyang unang nagparamdam sa kaniya ng kalinga. Ngunit hindi niya alam na ang kaniyang pagbabalik sa baryo na iyon ay kasabay rin ng isang naka-ambang panganib at malaking pagbabago sa kaniyang buhay. Ang alamat tungkol sa mundo ng Avediana kung saan matatagpuan ang apat na mahiwagang kaharian ng Azalea, Revela, Eridia at Tiana ang kuwento na palaging isinasalaysay kay Aya ng kaniyang lola Bing noong siya ay musmos pa at unang napunta sa ampunan. At sa biglang pagbali ng tadhana at kapalaran, tila naging makatotohanan ang lahat para kay Aya nang mapunta siya sa mundong iyon na buong buhay niya ay inaakala niyang isa lamang pantasya. Ang pangyayaring iyon ang magdadala kay Aya sa isang nakakaaliw, nakamamangha at makulay na paglalakbay patungo sa mundo ng hiwaga at kapangyarihan. Sa isang mundo na magmumulat sa kaniya sa mga aral, mga kuwento, karanasan, kabayanihan at pag-ibig. Ang makabalik sa tunay niyang mundo ang naging una niyang layunin. Ngunit may isang suliranin. Kailangan niyang magpanggap na si Prinsesa Gabriella-- ang nakatakdang ikasal kay Prinsepe Martin. Date started : November 10, 2023Date ended:Language : TagalogBook cover by: Ajjay_Arts✨…

Espera 'Yo Contigo (Maikling Kwento) ✔

Espera 'Yo Contigo (Maikling Kwento) ✔

69 3 1

[ROMANCEPH Remembering November Love- WINNER✨]"At sa oras na matupad na ang lahat ng ating tungkulin... Pakakasalan kita" Hanggang saan at hanggang kailan kayang panghawakan ni Erika ang mga pangako ng pagsinta ni Miguel? Magagawa niya bang tiisin ang paghihintay sa pagitan ng mahabang panahon at malaking balakid sa kanilang pag-iibigan? O tuluyan niyang tatanggapin ang maging bahagi na lamang ng kanilang nakaraan? Date written : November 22, 2023 #Remembering November Love 2023…

Eclipsed Destiny
Whispers Beyond Twilight
Sa Ilalim Ng Buwan [MAIKLING KWENTO] ✔

Sa Ilalim Ng Buwan [MAIKLING KWENTO] ✔

155 8 1

[AMBASSADORSPH Silakbo Ng Damdamin- WINNER] "Mabubuhay ka sa ala-ala ko kailanman. Ikaw ang daan na muling babalikan.Sa bawat dilim na daraanan, Liwanag mo at hiwaga ang tanging susundan." Paano kung magising ka na lamang isang umaga.... At makita sa iyong tabi ang isang estrangherong dalaga? Magtagumpay kaya si Mateo na alamin ang hiwagang bumabalot sa katauhan ni Luna? Note: This is a work of fiction. My official entry for AmbassadorsPH writing contest "SILAKBO NG DAMDAMIN"#AmbassadorsPH#ShortStory #SilakboNgDamdamin#Mailiw#IlokanoDate Written : August 17, 2023Language : Tagalog…

Close your eyes, Hermosa ✔

Close your eyes, Hermosa ✔

9,800 3,506 34

[ THE WATTYS 2023 SHORTLIST ]"Sabi nila, naglalakbay daw ang diwa ng isang tao habang nahihimbing. Ngunit sakaling makamit mo ang kaligayahan at pag-ibig sa panaginip na binuo ng iyong isip, pipiliin mo pa rin bang magising?"***Isinilang sa isang marangyang angkan, puspos ng katalinuhan, kayamanan at kagandahan. Isang malaking sumpa pa rin kung ituring ni Camilla ang buhay na ipinagkaloob sa kanya ng kapalaran. Sa murang edad ay maaga siyang namulat sa mundo ng pag-aasawa, matapos siyang matali sa isang kasunduan na hindi niya ginusto kailanman. Nang dahil dito, naging madilim ang bawat araw na nagdaan sa kanilang pagsasama. Walang gabi ang lumipas kung saan hindi niya tinitingala ang kalangitan, humihiling at umaasa ng pagbabago sa mapait na buhay na kanyang taglay----at dumating nga ang araw na iyon. Dumating ang isang madilim na tagpo. Isang trahedya ang naganap na bunga ng kataksilan. Mula sa isang mahabang pagkakahimbing, tila isang panaginip ang dumating na siyang magbabago ng lahat. Mula sa isang madugong aksidente, magigising si Camilla at matatagpuan ang sarili sa isang kakaibang mundo. Sa ibang oras. Sa ibang lugar. At sa ibang pagkakataon. At higit sa lahat, sa isang lugar na tila walang lagusan upang makaalpas. Sa maikling panahong pananatili niya roon ay magsisimula na siyang mangulila at hanapin ang daan pabalik sa tunay niyang pinagmulan. Ngunit makikilala niya ang isang misteryosong estranghero na si Emilio---ang magpapabago nang tuluyan sa tibok ng kanyang puso.Gugustuhin niya pa rin bang mahanap ang daan? Kung siya ay bihag na ng pag-ibig? At sa kabila ng mga nakatagong lihim na kanyang matutuklasan... Handa pa rin ba siyang matawag na "Hermosa" sa huling pagkakataon? Date written : April 7, 2022Ended : March 15, 2023Language : TagalogBook cover : Chrys_tala✨…

A Cup Of Tea (ONE SHOT STORY) ✔

A Cup Of Tea (ONE SHOT STORY) ✔

60 23 3

"Sa wakas, habambuhay na tayong magkasama,"Alamin ang hiwaga sa likod ng bawat umaga. Ang dilim na bumabalot sa bawat tsaa na inihahanda ni Elena para sa kanyang pinakamamahal na asawa. DATE WRITTEN : July 10-11, 2023…

LIHAM NI MARIA SAMPAGUITA (Maikling Kwento)

LIHAM NI MARIA SAMPAGUITA (Maikling Kwento)

37 7 1

Ito ay isang maikling kwento lamang.Naglalaman ng munting liham ni Maria Sampaguita... Para sa kanyang minamahal.Date written: June 5, 2023Book cover design : Señorita Hermosa…

"GUNITA" [Maikling Kwento]

121 37 1

"Sa lalim ng aking pag-ibig, gugunitain kita"Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa taong bahagi ng iyong gunita?Date written: March 26, 2023Language: TagalogBook cover : Señorita Hermosa…

KARIMLAN (Maikling Kwento)

KARIMLAN (Maikling Kwento)

62 42 1

Nagmula man sa karimlan, patuloy na babangon upang harapin ang katotohanan. Hindi lahat ng nagmula sa kawalan ay mananatili sa presensiya ng kadiliman.Ito ang patunay na may sinag sa anino ng kalungkutan.May pag-asa sa akap ng kapighatian.At may rosas na mamumukadkad sa disyerto ng kanluran.Halina't samahan si Amalia. At ito.... Ang istorya ng buhay niya.*This is just a short story * An International Women's Month special. Date written: March 18, 2023Book cover design by: Señorita Hermosa…

Ang Gintong Buhok Ni Amelia ( MAIKLING KWENTO )

Ang Gintong Buhok Ni Amelia ( MAIKLING KWENTO )

92 56 1

Tahimik. Misteryoso. At malayo sa iba.Iyan ang dalagang hinahangaan ng ating bidang si Samuel. Ngunit ano nga ba ang pinakatatagong lihim? Ano ang sikretong pilit na ikinukubli? Ang hiwaga sa likod... ng ginintuang buhok ni Amelia.This is just a short story.A Valentine's day special.Date written : January 29-30, 2023…

"BIBINGKA" (A short story)

74 64 1

Do you have the courage to confess to someone?Are you hesitant to express your admiration?Will you just hide your true feelings? Will you just keep quiet and not fight anymore?Or will you regret your silence in the end?This is just a short story.A Christmas day's special.Date written: December 17, 2022…