ANGEL HEART (Published Under FPH)
Sa loob ng mahigit limang taon na 'in a relationship' si Elisa Nantes sa boyfriend niyang si Terrence, inakala ng marami na perpekto ang kanilang relasyon. Maraming naiinggit sa kanya dahil lahat na yata ng qualities ng isang ideal boyfriend ay napunta kay Terrence. Pero sa kabila nito, hindi siya naging masaya. Unti-unti niyang nalalaman ang totoong kulay ng kanyang nobyo at kinaiinisan niya ito sa pagiging over protective at laging pinakikialaman ang mga bagay na gusto niyang gawin. Botong boto ang kanyang pamilya at mga kaibigan para pakasalan si Terrence, pero umabot siya sa punto na halos sukuan na niya ang ugali nito. Hindi niya makita si Terrence bilang asawa na mamahalin niya habambuhay at napagpasyahan niyang makipag-cool off sa binata. Habang nasa cool off stage si Lisa, kailangan niyang hanapin ang dahilan para makumbinsi ang sarili kung dapat pa niyang ipagpatuloy ang relasyon sa nobyo. Pero sa di inaasahang pangyayari, iba ang mahahanap niya, walang iba kundi isang pag-ibig na magpapabago ng kanyang point of view sa buhay.…