His Modern Maria Clara ( Remake )
" Lolo, sino ho siya? "" Siya yung anak ni Proporio, iniwan na siya rito dahil ulila na siyang lubos apo «Bata pa lamang ng makasama't makilala ko siya ngunit tila naglaho ang mga ala-alang ito ng tumungtong sa kakaibang palapag ang aking buhay. Bukod sa pakikipagsapalaran sa Lolo kong nakakaloka- chos, bukod sa pinatapon niya ako sa bansang Los Angeles nagbago bigla ang aking pamumuhay. " Aray ha! Tumingin ka naman sa dinaraanan mo! " biglang bulyaw ng nabangga kong babae, tinignan ko naman ang pagmumukha niyang puno ng kolorete na may emosyong kulang nalang patayin ako. " Sorry ha. " kainis na babaeng to. " Kala mo kung sinong maganda, nagmamaganda lang naman " bulong ko sa sarili ko." May sinasabi ka? " inirapan naman niya ako at ang sarap dukutin ng mata niya, kunin ko kaya yung ballpen sa bag ko? tusukin ko mata mo diyan." Babe! "Gulat naman akong napatingin sa tumatakbo papalapit sa aming direksyon ng himprokitang kalansay. No, hindi pwede 'to. " IKAW!? "…


