Stranger has Disconnected (on indefinite hiatus)
"Ikaw ba si stranger has disconnected?"…
"Ikaw ba si stranger has disconnected?"…
Fate, forever at destiny? Yan ang bagay na kailanma'y hindi bumenta sa labingsiyam na pamamalagi sa mundong ibabaw ng isang Architecture student na si Kris. Paano siya maniniwala kung simula sa magulang niya'y nasaksihan niyang panandalian lang ang relasyon? Kung sa bawat relasyong napasukan niya'y siya ang laging talo? Siya ang laging naiiwan at siya ang laging ipinagpapalit. Hindi naging madali sa kanya ang lahat. Ni hindi man lamang niya kayang panindigan ang salitang relasyon. Na ang tanging alam niya lang sa bagay na iyon ay ang bumitiw ng maaga habang kaya niya.Ngunit nagbago ang lahat ng iyon ng dahil sa click ng camera, flash ng ilaw at anggulong nakuhaan niya. Isang babae-- babaeng tila sayang-saya sa buhay niya at walang problema. Pinagmamasdan ang kalangitan habang umuulan. Nakangiti't ninamnam ang bawat patak ng tubig. Paano kung ang babaeng sa kauna-unahang pagkakataong pinaniwalaan niyang makakasama niya habang buhay ay ang dahilan ng pagkasira ng pamilya niya?…
GIRLXGIRL STORY…
"If it weren't for second chances, we'd all be alone.."…