Hindi Ako Mapapagod

It's the beginning of summer here in the U.S.A. Tahimik akong nakaupo sa ilalim ng puno rito sa parke. Natupad ko na ang pangarap kong mag-ibang bansa pero bakit parang hindi ako masaya?

Wala akong ginawa sa Pilipinas kundi ang mag-aral. Kung kasing kulay ng mga bulaklak ang buhay pag-ibig ng ibang kaedad ko sa dati kong unibersidad, wala namang kalatoy-latoy ang sa akin.

"Hey, Santos!"

Pambihira! Kahit nasa Amerika na ako ay tila naririnig ko pa rin ang boses ng nakakairita naming class president na si Carlos. Malamang ay grabe talaga ang epekto niya sa akin. Wala kasi siyang ginawa kundi ang asarin ako noong nag-aaral pa kami.

"Daryl Santos! Ano ba?"

Isinalpak ko ang headset ko. Kahit man lang sa mga maiingay na kanta ay mawala ang guni-guni ko sa kaniya.

"Da—"

Hinablot niya paalis ang nakatakip sa isang kong tainga. Mabilis akong napalingon. Napalunok ako ng laway nang makita ko ang nakangiti niyang labi na halos dumikit na sa bibig ko.

"Carlos Alejan?"

"Your one and only."

"Anong ginagawa mo rito?"

"Nangingibang bansa rin para magtrabaho gaya mo."

"Pero bakit sa New Jersey pa?"

Nginitian niya ako. Pero bakas sa kaniyang mga mata ang kalungkutan.

Sa hindi niya mabilang na pagkakataon ay ipinaliwanag niya sa akin ang lahat.

Naaksidente ako limang taon na ang nakakaraan dito sa Amerika, right after our engagement. It resulted in an odd case of amnesia. My memory would always reset every now and then. The only constant memory that I have is when I graduated from college and how I got here.

Bigla akong humagulgol.

"Hindi ako mapapagod, Daryl," alo niya sa akin.

Ito na naman ako, nahanap niyang muli sa paborito kong lugar. Malungkot niyang ipanapaalala ulit ang lahat habang kami ay nasa dati naming tagpuan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top