Chapter 3: A Knock on the Door


Chapter 3: A Knock on the Door

Luna's Point of View

"Pinapatawag din kayo?" pinilit kong ngumiti para alisin ang kaba ko. "Close office ni sir, mukhang walang tao."

Hindi umimik si Triz at maging ang mga kasamahan nito. Napalunok ako at tinignan ang babaeng marahan pang nilalaro ang hawak na bat at pinapalo sa isang palad nito.

Anim silang lahat kasama si Triz. Nakangisi ang babae sa akin habang hawak nito ang kadena. Nakalikha pa ng ingay ang pagkiskis ng kadena sa semento dahil sa simple niyang pag-galaw.

"Uhm," napayakap ako sa strap ng bag ko. "S-sige aalis na ako. K-kita nalang tayo bukas." I bit my lip for stuttering. Nagmadali akong maglakad.

Pero parang ang bagal ng oras noong naglalakad ako sa gilid nila. Malakas ang tibok ng puso ko at tila nag slow motion pa ang lahat. Ramdam ko ang mga tinging ipinupukol nila sa akin.

"At sa'n ka pupunta?" napatigil ako. Pumikit ako at hindi sila nilingon.

"Uuwi na ako, hehe." Napalunok ako at nagdasal nalang.

Marami na akong nabalitaang estudyante na dumiretso sa ospital at walang nakakaalam kung sino ang gumawa. Puno ito ng mga pasa at halos mawasak ang mukha. Pero usap-usapan na grupo ni Triz ang may gawa. Wala nga lang ebidensiya at malakas din ang kapit ni Triz sa school dahil isa sa mga board ang papa niya.

"Alam mo ang gusto ko kay Jessa, sinusunod niya ako kaya napapakinabangan ko siya," pabigat nang pabigat ang nararamdaman ko habang humahakbang palapit sa akin si Triz. "Kaya naisip ko, bakit ko siya sasaktan kung mapakikinabangan ko pa siya?"

Tahimik lang akong nakatayo. Malakas ang kabog ng dibdib ko, ramdam ko na rin ang mga butil ng pawis sa aking noo. Hanggang sa nakalapit siya sa akin. Nanatili si Triz sa likuran ko.

"Pero may mga taong humaharang sa mga gusto ko. And I don't think I can use Jessa as I please if there's someone stopping me. Kaya naisip ko, magagamit ko lang si Jessa kapag nawala ang taong iyon." Inilapit ni Triz ang mukha niya sa kanang tenga ko na siyang nagpatindig ng aking balahibo. "At ikaw iyon Luna." Tumawa nang mahina si Triz. Katapusan ko na ba ito?

Napapikit ako nang sinabunutan ako ni Triz gamit lang ang kanang kamay niya. Napahawak ako sa kamay niya.

"Triz, wala akong kasalanan. Ginawa ko lang ang sa tingin ko ay tama," napapikit ako at tiniis ang sakit.

"Pagsisisihan mo ang ginawa mo!" mas humigpit ang pagkakasabunot niya sa buhok ko. Pinigilan ko ang sarili na sumigaw.

"Anong ginagawa n'yo?" napamulat ako ng mata at halos umiyak ako dahil nakita ko si Ella.

"And here comes the transferee," saad ni Triz at ngumiti. Medyo lumuwag ang pagkakasabunot niya sa akin.

"Ella," banggit ko sa pangalan niya. Napakainosente ng mukha ni Ella.

"Anong ginagawa mo rito, transferee? Gusto mo bang madamay?" parang hindi narinig ni Ella ang sinabi ni Triz at nagpainis ito kay Triz.

"May hinahanap kasi ako, may kilala ba kayong Charles?" walang bahid ng takot ang mukha ni Ella. "Charles Ion Stern fullname niya. May dala nga akong picture niya eh, teka ha."

Naging busy si Ella sa bulsa niya. Habang nakatuon ang pansin niya sa bulsa ay sinenyasan ni Triz ang kasamang may hawak na dalawang bola ng volleyball.

Maya-maya lang ay lumipad ang isang bola papunta kay Ella, sa bilis nito ay siguradong matatamaan si Ella.

Parang wala lang kay Ella ang nangyayari.

"Asan na ba 'yon?" sabi niya sa sarili. Habang nakapukos ang sarili sa paghahanap, akala ko ay matatamaan na siya nang simple niya lang sinalo ang bola gamit ang kaliwang kamay niya. Nandilat ang aking mata sa nasaksihan.

"Ay ito nga pala," ngumiti si Ella. At ipinakita ang larawan sa amin. Ikinainis ito ng isang babae kaya tinapon niya ulit ang natitirang hawak na bola.

Walang ekspresyong tinignan ni Ella ang bolang lumilipad palapit sa kanya. Ipinasok niya sa bulsa ang ipinakitang larawan saka niya sinalo ang bola.

Pinaikot pa ni Ella ang bola sa daliri.

"Ayoko ng ayaw," tipid na saad ni Ella. Sinenyasan ni Triz ang limang kasama at sunod-sunod itong sumugod kay Ella. Kinakabahan ako para kay Ella, lima ang makakaharap niya at may hawak na bat ang dalawa habang may kadena naman ang isang babae.

Tinapon ni Ella ang bola, sobrang bilis at lakas ng pagkakatapon niya sa bola. Hindi na nagawang umilag ng babae at sumapol ito sa mukha niya. Napaungol ang babae, bumagsak ang katawan nito sa lapag at hindi na gumagalaw.

"Sabi ko ayaw ko ng away," saad ni Ella at tinignan ako sa mata. Lumipat ang tingin niya kay Triz. "Ikaw ba leader nila? Pakawalan mo na si Luna."

Tila nainis pa lalo si Triz sa kalmadong postura at boses ni Ella. Na tila walang kinatatakutan.

"What are you waiting for?!" inis na sigaw ni Triz. Patakbong lumapit ang isang babaeng may hawak ng bat.

Kalmadong tinitigan ito ni Ella. Saka niya tinapon ang pangalawang bola. It happened in an instant. Gaya noong nauna, sumapol sa mukha ng babae ang bola at diretso itong nakatulog. Rinig pa namin ang malakas na pagkahulog ng bat na hawak nito.

"Ano bang ginagawa n'yo?!" inis na bulyaw ni Triz, Medyo lumuwag na ang pagkakasabunot niya sa akin. Agad ko namang malakas na inapakan ang kanang paa niya.

Napasigaw si Triz at nabitawan ako. Agad akong tumakbo at lumapit kay Ella.

"Ella salamat! Umalis na tayo rito!" sabi ko ngunit sabay-sabay na umatake ang tatlong babae. Ngumiti si Ella saka niya sinalubong ang tatlo.

Sinipa niya ang isa sa sikmura at agad itong natumba at napahiga sa lapag. Matatamaan na sana si Ella sa bat nang mailagan niya ito. Hinawakan ni Ella ang wrist ng babae at itinwist ito. Napasigaw ang babae at nabitawan ang bat.

Napaluhod ang babae habang napapaimpit sa sakit.

Dalawa nalang ang natitira. Si Triz at ang babaeng may dalang kadena. Napansin kong napalunok ng laway ang babae habang nakatingin kay Ella na nakatayo lang.

Hanggang sa binitawan ng babae ang hawak na kadena at tumakbo. Tinignan ni Ella si Triz.

"Hindi na sana maulit 'to," mahinahong saad ni Ella.

Napatingin si Triz sa mga kasama niya na walang hirap na napatumba ni Ella. Naikuyom na lamang ni Triz ang kamao at umalis.

Habang naglalakad kami ni Ella palabas ng gate ay hindi ko maiwasang titigan siya.

"Hindi ka ba talaga gangster?" hindi ko napigilang itanong. Napatawa naman si Ella. "Ba't ang lakas mo? Ba't ang husay mo sa pakikipaglaban?"

"Hmmm, sabihin nalang natin na may kuya ako at mga gangster sila. Oh, speaking of kuya," inilabas niya ang picture kanina. Napanganga ako sa ganda ng lalaking ito. "May kilala ka bang Charles? Charles Ion Stern?"

"Charles Vallez lang iyong kilala ko eh, kaklase natin." Tumango naman si Ella saka tinago ang picture. Hindi niya naitago ang pagkadisappointed.

"Miss ko na siya," bulong ni Ella sa sarili pero rinig ko ito. "Sabi ni mama dito siya nag-aaral eh."

Habang naglalakad ay nagkwento si Ella tungkol sa kuya niyang si Charles at sa kapatid niyang Dorothy daw ang pangalan. Until we parted ways. Nakauwi ako nangg ligtas.

***

"Lola? I'm home!" tawag ko sa lola ko kagaya ng nasa tv na mayayaman sa oras na nakauwi ako ng bahay. Gabi na rin noong nakauwi ako. Napangiti nalang ako at nagsimulang umakyat ng kwarto.

"Apo? Nakahanda na ang dinner mo dyan!" Sigaw ni lola, hindi ko siya nakita sa living room kaya sigurado nasa kusina lang iyon.

Pagpasok ko sa kuwarto ay agad na akong nagbihis at pabagsak na humiga sa kama ko. Napapikit ako at inalala ang nangyari kanina sa gym. Akala ko kung ano na ang mangyayari sa akin, mabuti at dumating si Ella.

Pero bakit napunta si Ella sa gym? Ba't parang pakiramdam ko sinadya niyang pumunta ro'n?

Pero hindi ko na dapat isipin iyon. I shifted my position and closed my eyes. Habang nakapikit ay kinuha ko sa loob ng bag ko ang cellphone ko.

Ilang segundo lang ay nailabas ko naman agad ang cellphone ko. I opened and scrolled from social media to social media.

Halos isang oras din ang nagamit ko kakascroll lang sa social media. Pagkatapos kong magscroll sa facebook, twitter at Instagram ay binitawan ko ulit ang cellphone ko. Pumikit ako.

"Apo? Kumain ka na!" tawag ni lola sa baba. Kahit mahina ay rinig ko naman ito.

Nagpagulong-gulong ako sa kama. Tinatamad akong bumangon. Pumikit ulit ako. Halos kainin na ako ng antok nang biglang nagvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito at binuksan ang message.

Patrick

Bespren, mamaya ha? Sinabi ko na kay Jessa.

Sabi niya okay.

Hindi na ako nagreply kay Patrick at agad na binaba ang cellphone ko. Matutulog na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Apo," tawag ni lola. "Kumain ka na. dali na sa baba." Nag-angat ako ng mukha at tinignan si Lola.

"Sige po lola susunod ako," sabi ko at tinatamad na tumayo.

Bago ako lumabas ng kwarto, napansin kong nakabukas ang bintana. Kunot noo ko itong nilapitan.

Noong nakalapit ako sa bintana, isasara ko na sana ito nang may napansin na naman akong lalake sa kalsada.

Nakatayo ang lalake. Kagaya kagabi, nakasuot ito ng hood at itim na leather jacket. Napalunok ako at agad na sinarado ang bintana. Nagmadali akong bumaba ng kwarto.

Habang kumakain ako nanonood naman ang tv si lola. Hindi na kami magkasabay kumain ni lola dahil maaga siyang kumakain dahil sa edad niya. At ako naman ay 8:00PM na kumakain, minsan inaabot pa ako ng 10:00PM.

Naalala ko uli ang nakitang lalake kanina sa labas ng bahay. Pilit ko na lamang itong binalewala.

Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at nagscroll sa twitter. Kumunot ang noo ko nang may mabasang tweet mula kay Miles Campo. Isa siya sa mga students ng Gale Academy. Kilala ko siya dahil sikat siyang writer sa school paper at officer din ng Supreme Council ng School.

Miles Campo

- Like this is really creepy. For the past two days a weird guy is following me.

Miles Campo

- Is this like a prank?

Napatigil ako sa pagkain. Coincidence lang kaya na may sumusunod din sa kanya? Napatingin ako sa pinto. Saka ako tumayo at nilapitan ito.

Binuksan ko ang pinto at dahan-dahang sumilip sa labas. Parang nabunutan ako ng tinik sa paa noong hindi ko nakikita ang lalake. Bumalik ako sa mesa at nagpatuloy sa pagkain.

Ngunit maya-maya lang ay nandilat ang aking mga mata nang may biglang kumatok sa pinto.

"Sino 'yan?" mahinang tawag ni lola at dahan-dahang tumayo. "Ang lalim na ng gabi may bumibisita pa?"

Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi pwedeng ang lalake ang nasa likod ng pinto!

"Lola, huwag n'yong bubuksan."

***





October 8, 2023 (Sunday)

Haaaaaaaays! after 3 years, nakapag-update diiiiiin! Sheeeeet! isusunod ko na ibang stories koooo! Hello everyone, buhay pa po ako. Isusunod ko na ang Peritia Academy and Blue Moon High dito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top