Chapter 2: Gymnasium

Chapter 2: Gymnasium

Luna's Point of View

"E-Ella?" nabuhayan ako nang makilala ko siya. Unti-unting nawala ang sakit sa sikmura ko.

"Okay ka lang?" hinawakan niya ang wrist ko at tumingin sa tatlong lalakeng muntik nang dumukot sa'kin.

"Miss, umalis ka na, kung ayaw mong madamay ka rito." Saad ng lalake sa gitna. Ang dalawang lalake na nakahawak sa magkabilang braso ko kanina ay nasa tabi na niya.

"Ella, tumakbo na tayo!" hinila ko siya para sabay kaming tumakbo pero tila napako si Ella sa semento at halos hindi ko ito magalaw. Ang lakas niya.

Nanatiling nakatayo si Ella habang seryoso ang mga mata.

"Anong kailangan n'yo kay Luna?" seryoso ang boses ni Ella. At wala akong naramdamang kahit anong bahid ng kaba o takot sa boses niya.

"Wala ka na do'n," sagot ng lalake sa gitna. "Si Luna lang ang kailangan namin. At ginagawa lang namin ang trabaho naming." Kumunot ang noo ko dahil kilala nila ako.

"Sino ba kayo?! Anong kailangan n'yo sa'kin?" tanong ko kahit pa natatakot ako. Pero medyo nawala na ang takot ko dahil kasama ko si Ella. At kahit alam kong babae lang si Ella at hindi niya rin kaya ang tatlong lalaking ito.

"Sumama ka nalang," sinenyasahan ng lalake dalawa niyang kasama na agad namang sumunod at lumapit sa amin.

"Ella," tawag ko para tumakbo na kami. Pero tinignan lang ako ni Ella saka niya ako nginitian.

"Hindi siya sasama," malamig ang boses ni Ella saka siya lumayo sa akin at nilapitan ang tatlong lalake.

Sabay na sumuntok ang dalawang lalake, mabilis ang galaw ni Ella. Umikot si Ella para makailag sa dalawa at saka niya sinipa sa mukha ang lalakeng nasa kaliwa.

Hindi na nakareact ang lalake dahil diretso na itong nakatulog sa lapag. Sumuntok ulit ang isang lalake, nagside step si Ella at hinila ang wrist ng lalake. Pinress ni Ella ang batok ng lalake, may narinig akong tunog at nakatulog agad ang lalake.

Napangaga ako sa sobrang bilis ni Ella, halos hindi na ako humihinga sa nakikita. Napatulog ni Ella ang dalawang lalake wala pang isang minuto.

Patakbo niyang nilapitan ang ikatlong lalake saka tumalon si Ella, tila humina ang pagpatak ng oras. Habang nasa ere pa si Ella, umikot siya at sinipa sa sentido ang lalake.

Maging ako ay napangiwi dahil kitang-kita ko kung paano malakas na tumama sa sentido ng lalake ang dulo ng sapatos ni Ella.

Bumalibag ang lalake sa semento at diretso itong nawalan ng malay. Magaan na naglanding si Ella sa lapag. Nahulog pa ang cellphone niya kaya agad niya naman itong pinulot.

"Naku, nahulog pa g-tech ko," sabi niya habang pinapasok ang cellphone sa bulsa. Tinignan niya ako at lumapit sa akin.

Hanggang ngayon ay nandidilat pa ang mga mata ko sa nakita.

"Wait," sabi ko at napatigil naman si Ella, mga 2 meters ang distansya namin.

"Bakit?" takang tanong niya. Nandidilat ang aking mata. Palipat-lipat ang tingin ko kay Ella at sa tatlong lalake na ngayon ay wala ng malay.

"Gangster ka?" hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. Tumawa lang si Ella.

"Hindi ah," ngumiti siya at lumapit sa akin. Saka niya ako hinila.

"Tara na nga, sabay na tayong umuwi," sabi niya pa. Ako naman ay napatingin sa tatlong lalake habang kami ay lumalayo.

***

Nakauwi na ako, nasa kwarto at nakahiga sa kama ko. hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa akin ang nangyari kanina. Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan.

Sabi ni Ella hindi siya gangster, tinuruan lang daw siya ng mga kapatid niya ng self-defense dahil babae siya. Oo normal na ang matuto ng self-defense pero ang mga galaw at bilis at galing niya, hindi normal. Parang tinrain talaga si Ella na maging isang assassin. Sinabi ko pa sa kanya na magpapaturo ako sa kanya ng self-defense at pumayag naman siya kahit hindi naman talaga kami magkaibigan. Feeling close lang talaga ako.

Tumayo ako, lumabas ng kwarto at tinungo ang kusina para uminom ng tubig. Noong binuksan ko ang ref, iyong nangyari parin kanina ang nasa isip ko. At napagtanto ko na gustong-gusto kong maging kaibigan si Ella. Hindi lang dahil may alam siya sa pakikipaglaban, kundi dahil may kakaiba sa kanya.

Agad na akong bumalik ng kwarto, nakatayo ako ngayon at nakaharap sa bintana. Hinawi ko ang kurtina dahil may napansin ako sa labas.

Tila binuhusan ako nang malamig na tubig dahil sa nakita.

May lalake na namang nakatayo sa labas ng bahay namin, nakablue pants ito at black leather jacket. Natatakpan parin ng hood na ang ulo niya.

Agad akong tumalon sa higaan at nagtalukbong ng kumot. Hanggang sa hindi ko namalayan at nakatulog ako.

***

Kinabukasan, sa paglabas ko ng bahay ay hinanap ko sa paligid ang lalakeng nakita ko kagabi, at salamat sa diyos at wala na ito. Maging sa pagpasok ko sa school ay wala na rin siya.

Naglalakad ako papuntang classroom ko at malalim ang iniisip nang may kumalabit sa'kin.

"Bespren," sabi ni Patrick at tila naiinis pa ito.

"Patrick," sagot ko at sabay na kaming naglakad. Wala akong ganang kausapin siya.

"Luna, alam mo bang kanina pa kita tinatawag pero hindi mo man lang ako narinig. Pinatakbo mo pa ako," reklamo niya.

"Alam mo nang bingi ako sana hindi mo na ako tinawag," sabi ko pa.

"Pero seryoso, bespren," hinawakan niya ang kaliwang wrist ko at hinila ako palapit sa kanya dahil may dadaan na kotse. "Oh, tignan mo 'to, magpapakamatay ka pa. Ni hindi mo nga narinig ang busina ng kotse. Magpacheck-up ka na kaya, hindi na biro iyang pagiging bingi mo." Seryosong saad niya.

Aminado ako na may pagkabingi nga ako, ewan kung kailan ito nagsimula. Pero minsan lang naman ako bingi.

Pagpasok namin sa classroom naabutan namin si Triz at dalawang alipores niya na binubully na naman si Jessa, ang nerd na kaibigan namin ni Patrick.

"Napakayabang mong nerd ka, parang assignment lang hindi mo pa magawa!" saad ni Triz. Nakayuko lang si Jessa, nakaupo sa kanyang upuan habang ang tatlong babaeng kasama si Triz ay pinapalibutan siya. "Akala mo naman kung sinong matalino."

Sa loob ng classroom ay deadma lang ang mga kaklase ko, ayaw kasi nilang madamay. Alam kasi ng lahat dito na may grupo ng ganster iyang si Triz. At ayaw nilang mapahamak kaya hindi na sila nakikialam.

"Sorry, Triz," nakayuko parin si Jessa. "Ang dami kasi ng projects natin, hindi ko na kayo nagawan pa ng assignments. Pero wiling naman akong magpakopya."

"Aba, huwag mo akong bigyan ng excuses mo, ang gusto ko ikaw ang gumawa ng assignments ko. Maliwanag ba?"

"Itigil n'yo na nga 'yan Triz!" siniko ako ni Patrick. Tinignan ako nang masama ni Triz. Nagulat pa maging ang mga kaklase ko.

"Yari tayo dyan bespren, ba't sumali ka pa?" pabulong na saad ni Patrick.

"Marami na akong nabasang libro at napanood na movies. At lahat ng iyon ay may bullies, pati ba naman dito? Please lang, tumigil na kayo. Masyado kayong cliché." Sabi ko at diretsong tinungo ang upuan ko. Sakto namang dumating ang teacher namin kaya hindi na nakasagot si Triz.

Nakahinga ako nang malalim, ligtas ako! Nakakatakot iyong ginawa ko! Pumikit ako at nagreplay lahat ng sinabi ko kay Triz kanina. Lagot na, patay ako! Bakit ko ba sinabi ang mga 'yon? Patay na talaga ako.

"Good morning, class."

"Good morning, ma'am." My classmates and I answered our teacher in unison. Napansin kong may kasama pala si ma'am. At nagulat ako dahil kilala ko ang estudyanteng ito.

"Before we start, I would like you to meet your new classmate. Ms. Stern," sabi ni ma'am at nagtungo naman si Ella sa gitna. Walang akong makitang kaba o hiya sa kanyang mukha, grabe iyong confidence niya.

"Hello, everyone. I am Ellizabeth Ion Stern, transferee ako. Sana magkasundo tayong lahat." Saka nagbow si Ella. Nakita ko pang nagsmirk si Triz.

Hindi ko alam kung bakit ang saya ko dahil magkaklase kami ni Ella.

"Ms. Stern, please occupy the seat beside Ms. Fuentes," napairap si Triz dahil siya ang tinutukoy ni ma'am. Lumapit naman si Ella at tumabi kay Triz. Gusto kong lumingon si Ella sa gawi ko para malaman niyang magkaklase kami, pero nakafocus lang ang mata niya sa board sa harapan.

Aray, mukhang matinong estudyante itong si Ella, ang seryoso.

"And I want you class to know that Ellizabeth got the perfect score in her entrance exam yesterday," nagbulungan ang mga kaklase ko. Maging si Jessa na matalino ay namangha rin. "Yes, and for the first time in my teaching career and in the history of this school, Ellizabeth is the first one and the only one who easily perfected the exam. Can we give her a hand?"

Napanganga ako dahil sa pagkamangha habang pumapalakpak, ang lahat ay pumalakpak din except kay Triz. Si Ella naman ay todo thank you at medyo nahihiya pa.

Pero teka nga lang? Ellizabeth ang pangalan niya, saan nanggaling ang Ella?

Napulot sa daan?

Ay ewan, pero bilib na talaga ako sa babaeng ito, magaling na nga makipaglaban, ang talino pa!

Nakinig nalang ako sa lecture at baka tumalino pa ako gaya ni Ella. Hanggang sa lunch time. Aayain ko sana siyang sabay maglunch pero nagmamadali siyang umalis.

"Lunch time na," inakbayan ako ni Patrick. "Ano kaya masarap na ulam?" sabi niya saka kami nagtungo sa cafeteria. Sumabay naman sa amin si Jessa. Nagpasalamat pa sa akin si Jessa dahil kanina, saka ko naalala si Triz. Bahala na nga.

Mabilis ang oras hanggang sa natapos lahat ang subjects namin sa hapon. Uuwi na sana ako nang may sinabi sa akin ang kaklase ko.

"Luna, pinapatawag ka ni sir Rosas. Punta ka raw sa office niya do'n sa gym."

"Bakit daw?" takang tanong ko. Kinuha niya ang bag niya.

"Hindi ko alam. Sige, uwi na ako." Napansin ko pang nagmamadali siyang lumabas ng classroom. Wala akong nagawa kundi ang sumunod nalang at nagtungo sa office ni sir.

Medyo malayo rin ang office ni sir dahil nasa dulo ito ng campus, at sa likod pa ng gymnasium.

5:30PM, tahimik na ang paligid ng gym dahil wala ng tao at wala na ring naglalaro.

Ngunit noong narating ko ang office ni sir ay wala namang tao. Nakalock ang office. Sumilip ako sa loob sa tinted glass na bintana pero wala akong makita dahil nakapatay ang ilaw sa loob.

"Wala namang tao," sabi ko sa sarili. "Pinagtitripan ba nila ako?" sabi ko sa sarili.

Umikot ako, maglalakad na sana ako ngunit napatigil ako sa nakikita.

Anim na babae ang ngayon ang humaharang sa daan ko. Kasama nila si Triz na ngayon ay nakasuot ng malademonyong ngiti.

May dalang bola ang isa, bat naman ang hawak ng dalawa, ang isa ay may hawak pang kadena.

"Hi Luna," Triz smiled diabolically.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top