Chapter 1: Meet Ella
Chapter 1: Meet Ella
I am an ordinary student with an ordinary life,
Until that day.
Luna's Point of View
It was the ray of the sun slicing the back of my eye lids that woke me up. I forced open my eyes, I used the back of my left hand to block the annoying sunbeam.
Pinilit ko ang sarili na bumangon kahit na sobrang inaantok pa ako at umupo lang muna sa higaan. Pumikit ulit ako, pilit na tinataboy ang antok. Bakit ba kasi hindi ako morning person?
Umaga na kaya sandali kong hinintay na tumunog ang alarm clock ko. Akala ko wala na akong maririnig nang may sumigaw.
"LUNA?" I smiled. "HOY LUNAAA! BUMANGON KA NA JAN!" sigaw ng lola, as what I have expected.
"HOY! HOTEL DE LUNA! BUMANGON KA NA!" pasigaw ulit na tawag ni lola. I smiled and grogginess suddenly left me. Tumayo na ako at napailing nalang.
"LUNAAA!"
"Oo na, Lola!" pasigaw na sagot ko at sinimulang inayos ang higaan ko. "Gising na po ako!" sigurado akong nasa kusina lang si Lola.
Bata pa lang ako ganyan na ang ginagawa ni Lola pag umaga. Lalo na kapag ka may pasok. Second week na kasi simula noong nagsimula ang klase. Fourth year high school na ako pero hanggang ngayon gano'n parin si Lola sa akin. Nasanay na rin ako, kaming dalawa nalang kasi ng lola ko ang mag-kasama dahil namatay pareho sa car accident si mama tsaka si papa.
Pagkatapos kong naligo at nagbihis, lumabas ako ng kwarto at sakto namang palabas ng bahay si Lola.
"Good morning, Lola." Bati ko sa kanya nang nakangiti pa.
"Luna, apo, may hinanda na akong breakfast sa mesa, kumain ka na at baka malate ka pa. Naku pagong ka pa naman." Pang-aasar ni Lola na parang hindi narinig ang bati ko. Napasimangot nalang ako at diretso nang kumain.
Pagkalabas ko ng gate ay may napansin agad ang mata ko. Sa kabila ng kalsada, kaharap ko ay may misteryosong lalakeng nakatayo. Nakasuot siya ng blue pants at black leather jacket. Hindi ko gaanong nakita ang mukha niya at tinatakpan ito ng itim na hood. Tanging nakikita ko lang ay ang makapal niyang balbas.
Nakatayo lang siya doon, halos hindi gumagalaw. Napatingin ako sa paligid at marami namang tao. Pumara ako ng taxi, bago ako pumasok ay binalikan ko ng tingin ang lalake sa kalsada.
Ngunit pagtataka ang sumakop sa akin dahil hindi ko na nakikita ang lalake. Napatingin ako sa paligid. Mga taong nag-uusap, naglalakad, nag-jojogging, ngunit wala ang lalake.
"Miss?" takang tanong ni manong driver sa akin. Tumingin ulit ako sa paligid bago ako tuluyang pumasok sa taxi.
"Sa Gale Academy po, manong."
Pumikit ako nang mariin at pilit na binalewala ang nakita kanina.
Nasiraan ang unang taxi na sinakyan ko kanina kaya sumakay na ulit ako ng isa pang taxi. Kaya pagkarating ko sa gate ng school ay 15 minutes late na ako sa first period ko, rumampa nalang ako sa loob ng school dahil late na rin naman ako, wala na akong mapapala kung magmadali pa ako.
Wala namang kasing pinagkaiba ang 15 minutes late sa 30 minutes late, pareho lang ang resulta, papagalitan at ipapahiya lang sa classroom. Kaya lulubusin ko na.
Bago marating ang classroom ko ay kailangan ko pang dumaan sa park ng school. Tinignan ko ang paligid ng park, may mga estudyante rito. Ang iba ay nakaupo sa stone bench at masayang nag-uusap na parang walang pasok.
Ang iba naman ay nakaharap sa libro at notebook na kulang nalang ay kainin na nila ang hawak na notebook at libro. Don't get me wrong I don't hate schooling, I mean school is fun, but studying is not.
Mayroon ding nakaupo sa damuhan kahit pa basa ang mga ito.
Hanggang sa nahuli nang mata ang isa na namang lalake. At alam ko na ang lalakeng ito at ang lalake sa may kalsada kanina ay iisa. Nagsimula akong kabahan. Hindi ko parin nakikita ang kanyang mukha.
Napalunok ako at umiwas ng tingin. Saka ako nagmadaling maglakad. Diretso lang ang lakad ako, lumingon ako sa aking likuran at nakita ko ang lalake na ngayon ay nakasunod na sa akin.
Nakapamulsa siya, nakayuko habang naglalakad. Kahit hindi ako sigurado kung ako nga ang sinusundan niya ay diretso lang ako sa paglalakad.
Lumiko ako kahit hindi naman talaga doon ang daan papuntang classroom ko para masigurado ko lang na dumaan ako sa may maraming tao. Nakapagdesisyon ako na pumunta ng canteen dahil alam kong marami ang tao roon.
Diretso lang ako sa paglalakad, hindi ko na alam kung nakasunod pa ang lalake sa akin, ang alam ko lang ay kailangan kong makalayo. Hanggang sa may nabangga akong babae.
"Aray ko po," reklamo ko noong bumagsak ang pwet ko sa sahig.
"Sorry, miss! Okay ka lang?"
Habang nasa lapag parin, natataranta akong tumingin sa paligid. Iba't-ibang tao ang dumaan sa gilid ko, ang iba ay napapatingin pa sa akin. Nakaawang pa ang aking bibig dahil habol ko na ang aking hininga.
Mga estudyante, pero wala ang lalake, hindi ko na siya nakikita sa paligid!
Tinulungan akong tumayo ng babaeng bumangga sa akin, o mas tamang sabihin na ako ang bumangga sa kanya.
"Sorry rin miss," sabi ko at saglit na tumingin sa paligid. "Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." Tumabi kami para hindi namin maharang ang daanan.
"Naku, ako dapat ang magsorry, hindi rin kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko."Napakamot pa siya. Ngumiti nalang ako.
"By the way, I'm Luna," I extended my hand and she gladly accepted it.
"I'm Ellizabeth, I mean," napapikit siya na parang kinokorek ang sarili. "Ako si Ella." We then shook hands. Ngumiti siya, natotomboy ako sa ganda niya.
"Ella," ngumiti ako. "Baka gusto mong magcafeteria muna? Tutal malapit na rin ang cafeteria." Ayoko munang mapag-isa dahil baka makita ko na naman ang lalake.
"Sure," sagot naman ni Ella.
"New student ka ba rito?" tanong ko at inilapag ang tray ng pagkain sa mesa saka ako umupo. Napansin ko kasing hindi siya nakauniform.
"Siguro?" ngumiti siya. "Kakatake ko lang kasi ng entrance exam dito, hindi ko pa alam kung matatanggap ako."
Kape lang ang inorder namin pero kung maka-tray naman kami. Pero ang init kaya ng kape.
"Naku, sigurado akong matatanggap ka. Ang talino mo kaya!" confident ko pang sabi.
"Pa'no mo naman nasabi?" tanong ni Ella at tumingin pa sa paligid na tila natatakot na may makarinig.
"Wala, feel ko lang. Tsaka nakikita ko kasi sa itsura mo." Nakangiti kong saad, ilang minuto pa lang kaming magkakilala ni Ella pero ang feeling close ko na sa kanya. Magaan din kasi ang loob ko sa kanya.
"Best, si Ken, omygash nandito na naman siya. Ang gwapo niya!"
Sabay kami ni Ella na napatingin sa lalaking pumasok sa cafeteria.
"Mag-isa na naman siya, wala ba siyang friends? Sana maging kaibigan natin siya. Kahit utusan lang."
"Oo nga best, ang gwapo niya talaga. Kahit utusan niya lang ako."
Kilala ko ang lalake, siya si Ken Gutierrez, ang lalaking kinababaliwan ng mga babae rito. Hindi gaya ng ibang campus heartthrobs, lagi lang siyang mag-isa. Hindi naman siya weirdo. Or mas prefer niya lang talaga siguro na walang kaibigan. Dahil ni isang beses hindi ko pa siya nakita na may kasamang kaibigan.
"Luna," tawag sa akin ni Ella. "May kilala ka bang Charles?"
"Charles?" tumango siya.
"Oo, Charles Stern?" sasagot na sana ako nang may biglang tumawag sa akin.
"Bespren!" pasigaw na tawag sa akin ng isang lalake, at kilala ko ito. Sabay kaming tumingin ni Ella sa lalaking lumapit sa amin kasama ang isang babae.
"Hindi ka rin pumasok?" tanong ni Patrick sa akin noong nakalapit na ito.
"So hindi rin kayo pumasok?" I asked, ignoring his question.
"Kumopya pa kasi si Patrick ng assignment sa'kin kaya hindi muna kami pumasok ng first period." Sagot naman ni Jessa sa akin na ngayon ay nasa tabi na ni Patrick. Inayos niya ang suot na makapal na salamin.
"Eh aanhin naman natin ang pagiging nerd at matalino mo kung hindi natin pakikinabangan 'diba?" sagot ni Patrick.
"May assignment?" tanong ko pa saka ko tinignan si Ella na tila may malalim na iniisip. "Si Ella nga pala, new student dito."
Patrick and Jessa introduced themselves. Ang lapad pa ng ngiti ni Patrick habang nagpapakilala.
"Pero 'di nga? May assignment? Kelan ipapasa?"
"Mamaya, second subject natin" sagot ni Patrick at tinignan si Ella at nagpacute pa ang loko.
Tumayo ako at iniligpit ang gamit ko. "Naku Ella, sorry talaga pero kailangan ko nang umalis. May assignment pa kasi. Ang bastos ko naman at iiwan pa kita, sorry talaga."
"Naku okay lang, Luna." Ngumiti si Ella. "Aalis din naman ako mamaya, dito na muna ako." Ngumiti siya na lalo lang nagpakonsensya sa akin.
"Sorry talaga," sabi ko ulit saka kami umalis.
***
Bago ako umuwi ay nagpunta muna ako sa library para gawin ang assignments ko. May mga libro naman ako sa bahay at pwedeng sa bahay ko na gawin ang assignments ko. Ang problema, tinatamad akong mag-aral kapag nasa bahay ako. Puro lang ako cellphone, oras na mahawakan ko ang cellphone ko at magbukas ng social media, wala na katapusan ko na dahil hindi ko na ito mabitawan. Kaya dito sa library ako gumagawa ng assignments ko.
Almost 7:00PM na noong nakalabas ako ng library. Habang naglalakad ako sa pathway ay bigla nalang namatay ang ilaw sa paligid ng campus. Dilim ang sumakop sa paligid. Napatigil ako sa paglalakad.
Naalala ko ang lalake kanina. Nanindig ang balahibo ko!
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang yakap ang sarili.
Naramdaman kong may sumusunod sa akin. Hindi ko na ito nilingon at binilisan ko na lamang ang aking paglalakad. Hanggang sa naramdaman kong may humawak sa magkabilang braso ko.
"Sumama ka sa amin," nanindig ang aking balahibo nang marinig ang boses ng lalake.
"Bitawan n'yo ko!" nagpumiglas ako. Halos sumabog ang puso ko sa kaba sa mga oras na ito.
Ngayon ay may dalawang lalake ang mahigpit na nakahawak sa magkabilang braso ko. Ang ikatlong lalake ay nakatayo sa harapan ko.
"Huwag ka nang pumalag, sumama ka nalang." Hindi ko sila makita dahil ang dilim.
"Sino ba kayo?! Tu---" sisigaw na sana ako para humingi ng tulong nang bigla akong sinikmuraan ng lalake sa harapan ko.
Halos mawalan ako ng malay. Napapikit ako, pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hininga. Napaimpit na lamang ako at nanghina.
"Bitawan n'yo siya!" narinig ko ang boses ng babae.
Sunod kong narinig ang pagbalibag ng dalawang lalakeng nakahawak sa braso ko. Napaluhod ako. Naramdaman kong may humawak sa kanang braso ko.
"Luna, okay ka lang? Ako, 'to, si Ella!"
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top