CHAPTER TWENTY-THREE (Back Job)
A man that studieth revenge keeps his own wounds green. - Francis Bacon
------------------------
Martin's POV
Ang aga-aga ay tumutunog ang telepono ko. Ayaw ko pa sanang sagutin dahil puyat na puyat ako nang nagdaang gabi dahil magdamag kong pinag-aralan ang mga anak ni Matthias. Baldomero. Kaya kung si Declan lang itong nambubulahaw sa akin ay hindi ko na iintindihin.
Kinuha ko pa ang unan at itinabon sa mukha ko pero mukhang hindi titigil itong tumatawag na ito. Inis kong ibinato ang unan at tumingin sa relo. Ala-siyete ng umaga. Dinampot ko ang telepono at tiningnan kung sino ang tumatawag. Napangiwi ako nang makita kong si Matthias Baldomero ang nang-istorbo sa tulog ko.
"What?" Asar kong bungad nang sagutin ko ang tawag niya.
"Martin. I trusted you." Seryosong sabi niya.
Napakunot ang noo ko. Ano ang ibig sabihin niya sa sinabi niya.
"May problema?" Taka ko.
"Did you really get rid of the body that I told you to dispose months ago?" Seryosong-seryoso pa rin ang boses niya.
Hindi ako nakakibo. "Bakit?" Bakit siya nagtatanong ng ganoon? I cleaned up my mess. Declan helped me to burn the body and the car. Wala akong sablay doon.
Pero napamura ako sa isip ko. Hindi kaya lumabas na si Elodie?
"Just answer my god damn question." Iritableng sagot niya.
"Yes. I did. Ipinakita ko sa iyo 'di ba? Lahat ng proof na gusto mo. Alam mong malinis akong magtrabaho." Ipinahalata ko na rin sa kanya na iritable ako sa tinatanong niya.
Hindi agad nakasagot si Matthias tapos ay nagpakawala ng buntong-hininga.
"Kilala mo si Cesar Valderama 'di ba? Iisa lang ang anak niya at iyon ang dinispose mo. Pero may ipinakilala siyang anak sa akin. Evie. Evie Marie. Who the fuck was that?"
Sinasabi ko na nga ba. Shit. Kapag talaga nagkabukingan ako talaga ang maiipit sa lahat ng ito.
"I didn't know about it." Pagsisinungaling ko.
"Get to my office. We need to talk about this. Gusto kong masiguro na hindi iyon ang babaeng ipinatapon ko sa iyo."
"Okay." Iyon na lang ang naisagot ko at pinatayan ko na siya ng call. Inis kong naihilamos ang kamay sa mukha ko at napabuga ng hangin. Tingin ko ay malaking gulo itong ginawang paglabas ni Elodie.
Papasok pa lang ako sa opisina ni Matthias ay nakakarinig na ako ng pagtatalo. Tingin ko ay nasa loob ng opisina ang mga anak niya. Ngumiti ng parang nahihiya sa akin ang secretary ni Matthias dahil pareho naming naririnig ang pagsisigawan sa loob.
"Trust me! It's not her. That woman is dead!"
Napaangat lang ang kilay ko at naupo sa couch na naroon. Maghihintay ako kung kailan ako papapasukin sa loob.
"Magkamukha sila." Narinig kong sabi ng isa.
"Magkapatid nga kasi. Masyado kasi kayong praning. We've saw it in our own eyes. Daddy paid someone to fix our mess."
"Paano kung hindi naman pala namatay ang babaeng iyon? Paano kung niloko tayo ng sinasabi ni daddy na taga-dispose?"
Napa-ehem ako at tumingin sa sekretarya. Tingin ko ay sanay na ito sa ganoong usapan na naririnig dahil mukhang hindi man lang ito naapektuhan ng pinag-uusapan sa loob. Tumunog ang intercom nito at sinagot tapos ay tumingin sa akin. Panay yes lang ang narinig kong sinasabi tapos ay ngumiti sa akin.
"Pasok ka na daw sabi ni Sir."
Tumayo ako at kumatok sa pinto bago iyon binuksan. Nakita kong nakaupo sa tapat ng mesa si Matthias na hitsurang problemado tapos ang tatlong anak niya ay nakakalat sa loob ng opisina niya.
"Get in, Martin." Seryosong sabi ni Matthias at sinenyasan pa akong pumasok.
"Why do you need me here?" Tanong ko. Hindi ko pinansin ang masamang tingin sa akin ng panganay na anak niya. Dito talaga ako napipikon. Kung puwede lang talagang ngayon pa lang ay papatayin ko na ito.
"Tell me. Right in my face. In front of my sons. Did you really dispose that body? She's really dead?"
"Yes." Walang kakurap-kurap kong sagot. I've trained for this kind of situation. Sanay na sanay akong magsinungaling dahil kasama sa training namin ito noon.
Halatang sinisiguro ni Matthias kung nagsasabi ako ng totoo. Maging ang mga anak niya ay nakatingin sa akin. Lumapit pa ang isang anak niya. Si Jorge na pinakaka-aasaran ko at tinitigan ako. Nakipagtagisan din ako ng tingin sa kanya.
"Saan mo itinapon?" Tanong pa nito.
"I've sent the details to your father." Tumingin ako kay Matthias. "Disposal lang ang trabaho ko 'di ba? To clean the mess that your children did. Bakit pakiramdam ko may kasalanan ako ngayon?"
"Dahil may lumitaw na bagong anak si Cesar Valderama." Sagot ni Matthias.
Napailing si Jorge at umalis sa harap ko tapos ay humarap sa ama.
"Dad, I am telling you that was not her. I talked to Evie and she's different. Kung iyon ang babaeng dapat na iniligpit nito, dapat natakot na siya sa akin. Pero hindi." Ngumisi ng nakakaloko ang lalaki. "Well, we had connection. Trust me. It's not her."
Tumingin ako sa dalawa pang anak ni Matthias parang walang pakialam ang isang anak niya tapos ang bunso ay halatang nag-aalala.
Napahinga ako ng malalim.
"Mr. Baldomero, I don't screw up on my job. Nakita mo ang ebidensiya ng ginawa ko. And knowing Cesar Valderama, siguradong maraming anak sa labas iyon na hindi lang nagpapakilala pa." Sabi ko.
Tingin ko ay bahagyang kumalma si Matthias.
"But can you do some digging? About her identity?" Sabi pa niya.
Nagmura si Jorge. "Bakit ba kailangan mo pa ang serbisyo ng gagong 'to? I can do it. Ako na ang bahala sa Evie na iyon." Ngumisi ito. "Gusto mo ba syotain ko pa? I mean, Cesar's daughter is a good catch. Kung gusto mong pakasalan ko puwede kong gawin para lang ma-sure ball natin ang partnership sa kumpanya niya."
Naikuyom ko ang mga kamay ko at gusto ko ng bigwasan ang lalaking ito. Ang gago. Napakagago. Mga demonyo talaga.
Napahinga ng malalim si Matthias at tumango-tango.
"Pasensiya ka na, Martin. Hindi mo naman ako masisisi kung mag-aalala ako ng ganito. Alam mong gusto ko ng malinis na trabaho at ang pagsulpot ng anak ni Cesar ay hindi kasama sa mga plano ko." Ngumiti siya sa akin. "Pasensiya ka na kung naistorbo pa kita. I'll give you a call if I need you to do a job for me."
Hindi na ako kumibo at tinungo ko ang pinto at lumabas na. Dumiretso ako sa elevator at pinindot ang button noon. Pagsakay ko ay nagulat ako nang sumakay din ang anak ni Matthias na si Jorge. Tumingin lang ako sa kanya at bahagyang lumayo. Talagang kumukulo ang dugo ko sa isang ito.
"I don't like you." Sabi niya habang umaandar ang elevator pababa.
"I don't care." Maikli kong sagot na hindi siya tinatapunan ng tingin.
"Mayabang ka." Sabi pa.
Natawa ako. "Because I can do things that you can't do."
Bigla niya akong isinalya sa dingding ng elevator at kita kong ang galit sa mga mata niya. Pero hindi naman ako natatakot sa isang ito. If I wanted to kill him, he should be dead right now. Pero pababayaan ko lang siyang isipin na kaya niya ako.
"Do you want to do it here? Don't fucking test me, man." Mahinahong sabi ko sa kanya.
"'Tangina mo. Napakayabang mong gago ka. Wala ka namang binatbat. Tagatapon ka lang ng mga bangkay."
Marahan kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin at itinulak siya. Inayos ko ang nagusot kong damit at muling tumayo ng maayos.
"I don't know what's your beef with me. Nilinis ko naman ang kalat na ginawa 'nyo." Napailing ako. "What's with raping women? Raping and torturing? Ano ang nakuha mong satisfaction doon? You think you're brave after you did that?"
Kita kong lalong nag-apoy ang mata ni Jorge sa galit sa akin.
"Shut the fuck up. You are paid to clean our mess."
"And I did." Napahinga ako ng malalim. "She was still alive when I burned her. She was begging to live. But I had to do my job to clean your mess. Now, she's dead."
Hindi sumagot Jorge at nanatiling masama ang tingin sa akin. Tumunog ang elevator at bumukas sa floor kung saan ako dapat na lumabas.
"You think you're cool? You're a fucking coward. Ang kaya mo lang ay ang mga babaeng walang laban. Mga taong hindi kayang lumaban sa iyo. Isang araw makakatagpo ka rin ng katapat mo."
Pagkasabi ko noon ay tuloy-tuloy akong lumabas. Hinihintay kong sundan ako ni Jorge dahil talagang kapag pumalag siya sa akin ngayon, lahat ng buto niya sa katawan ay babawiin ko. Lahat ng galit na naipon sa dibdib ko ay ilalabas ko sa kanya at talagang may paglalamayan si Matthias.
Pero hanggang sa makasakay ako sa kotse ay walang Jorge na sumunod sa akin. Napahinga ako ng malalim at mabilis na pinaalis doon ang sasakyan ko. Kailangan kong makausap si Evie. Hindi madali itong gulo na pinapasok niya.
-------------------
Elodie's POV
Kanina pa ako nakabihis pero hindi ko inaalis ang tingin ko sa salamin at nakatitig sa kabuuan ko. Maong pants. Check. Body wraps under my polo. Check. Sneakers. Check. Wig na panlalaki. Check. Inayos ko pa ang sideburns ko at sinigurong nakakabit iyon ng maayos pati na ang mga pekeng kilay na ikinabit ko para mas kumapal iyon at makadagdag sa hitsura kong brusko. Pati ang ilong ko ay nilagyan ko ng prosthetics para magmukhang ilong ng lalaki. Inaral ko din paano gawin iyon. Naglagay din ako ng brown contact lens para talagang ibang-iba ang hitsura ko.
Dahil ngayong gabi, kailangan kong magmukhang lalaki. Kailangan kong maging macho para makuha ko ang atensiyon ni Pol Baldomero.
Dinampot ko ang litrato niya at ang mga detalye kung saan ko siya matatagpuan ngayon. He was the weakest among the three brothers. Sunod-sunuran sa kung anong sabihin ng mga kapatid niya dahil may gusto siyang pagtakpan sa sarili niya.
Oblique Manila.
Iyon ang madalas na tambayan ni Pol. Alam ko ang lugar na iyon na tambayan ng mga LGBTQ. According to the reports that gathered, every Friday ay nakatambay doon si Pol at doon kumukuha ng maiuuwing lalaki.
Napangiti ako at pinitik pa ang litrato niyang hawak ko.
"You have a dirty little secret, asshole. Don't worry. We're going to play dirty tonight."
Tumunog ang telepono ko at naka-receive ako ng text na dumating na ang sasakyang maghahatid sa akin sa bar. Hindi ko maintindihan ang kaba at excitement na namamahay sa dibdib ko.
Malayo pa lang ay dumadagundong na ang lakas ng sounds galing sa loob ng bar. Diretso ako sa loob at pumuwesto ako sa may bar area at umorder ng beer. Bruskong-brusko ang hitsura ko. Kahit sino ay hindi mag-aakala na babae ako. Inaral ko itong mabuti para sa ganitong pagkakataon. Kahit sinong makakita sa akin ay hindi ako makikilala.
Iginala ko ang paningin ko sa paligid at hinanap doon ang pakay ko. Napangiwi ako dahil wala. Dinukot ko ang telepono ko at nag-text sa taong binabayaran ko para sundan ang mga whereabouts ng magkakapatid na Baldomero. Siniguro ko kung darating dito ang Pol na iyon at sabi ng contact ko, nasa schedule ng lalaki ang pagpunta dito.
At the back of my mind, something was telling me to get up from this chair and just go home. But I looked at my hands it was shaking. I wasn't feeling terrified right now. After meeting those demons that shattered my life, all I could think about was how to get even with them and I would start with the feeblest one.
Umorder uli ako ng isa pang bote ng beer kahit hindi ko naman naubos ang unang ininom ko. Tumitingin lang ako sa paligid. Tinitingnan ang mga exits kung saan ako puwedeng tumakbo kung sakaling mabulilyaso ang plano ko.
I was thinking of how I will approach Pol. I will buy him a drink. I'll introduce myself and will make him...
"Hi."
Napatingin ako sa nagsalita sa tabi ko at pakiramdam ko ay nanigas ang katawan ko nang makilalang si Pol Baldomero ang nasa tabi ko. Nakangiti siya sa akin. At sa pagkakatingin niya sa akin, alam kong hindi niya ako nakikilala.
"Alone?" Tanong pa niya. Sumenyas sila sa bartender na bigyan siya ng beer ng katulad ng iniinom ko.
Napangiti ako. Hindi na pala ako mahihirapan na makipaglapit pa sa kanya. Tinanguan ko siya at dinampot ang nasa harap kong beer. Ito na. Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Wala ng atrasan ang gagawin ko.
"You're new here." Sabi pa niya.
"Yup." Pinalaki ko ang boses ko para lalong kapani-paniwala na lalaki ako.
"What can you say about the place?" Alam kong nag-uumpisa lang siyang magkaroon kami ng conversation na dalawa.
Itinuro ko ang paligid at bahagyang lumapit pa sa kanya para maibulong ang sasabihin ko.
"Loud and it's irritating." Tanging sagot ko.
Nakita kong napatitig sa akin si Pol tapos ay ngumiti.
"Do you want to get out of here?" Ngayon ay kumikislap na ang mga mata niya.
"Do you?" Balik-tanong ko sa kanya.
"Yes." Ngayon ay titig na titig na siya sa akin. Titig na alam kong may halong pagnanasa. I haven't seen this look from him when his brothers were raping me. Wala siyang pakialam noon. Dahil pala hindi babae ang gusto niya.
Inubos ko ang natitira kong beer at humarap sa kanya tapos ay tumayo. "Okay."
Ang ganda ng ngiti ni Pol habang nagbayad ng ininom namin at tumayo na rin. Nauna siyang naglakad palabas at kasunod ako. Kumakaway siya sa ibang mga kakilala niya at paglabas, tuloy-tuloy kaming dumiretso sa kotse niya.
"What's your name?" Tanong niya sa akin habang nagmamaneho siya.
"Alan." Maiksing sagot ko habang nakatingin ako sa kalsada. Sa isip ko ay inaaral ko na kung anong gagawin ko sa kanya.
"Nice name. Where do you want to go?"
Nagkibit ako ng balikat. "It's up to you."
Tumingin siya ng makahulugan sa akin tapos ay ngumiti at ipinarada sa isang madilim na bahagi ng kalsada ang kotse niya. Alam kong walang kahit na sino ang makakapansin sa amin dito.
"We can stay here. Talking. Kissing," lumapit siya sa akin at akma akong hahalikan pero agad akong lumayo sa kanya.
"Here? Are you sure?" Paniniguro ko.
"Why? Don't tell me you haven't did it inside a car? On the side of the road? You don't want to have fun?" Ngiting-ngiti pang sabi niya.
Ngumiti ako at may kinuha sa likurang bulsa ng pantalon ko. Ang ganda ng ngiti sa akin ni Pol. Inilalapit ang mukha sa akin. Halatang gustong-gusto na niya akong halikan. Inilapit ko naman ang mukha ko at nang malapit ng maglapat ang mga labi namin ay mabilis kong itinapal sa ilong at bibig niya ang panyo na nilagyan ko ng chloroform.
Gustong manlaban ni Pol pero naunahan ko siya. Malaki siyang tao at kayang-kaya niya akong bugbugin. Ginawa nga niya noon iyon sa akin. Siya ang kumaladkad sa akin palabas ng kotse noon. Hinding-hindi ko iyon makakalimutan.
"Fucking breathe on that, Pol. Later you will know who I am."
Wala akong kaemo-emosyon habang nakatingin sa kanya na unti-unting nawawalan ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top