CHAPTER TWENTY-NINE (Wake)

The fear of death follows from the fear of life. A man who lives fully is prepared to die at any time. - Mark Twain

----------------------------------

Martin's POV

Nang tumawag sa akin si Elodie ay papunta ako sa bahay ni Matthias Baldomero. Naka-receive ako ng tawag sa kanya at alam ko na ang kailangan niya sa akin.

He wanted to avenge the death of his son.

Tumunog ang telepono ko at naka-receive ako ng text galing kay Elodie.

Police Inspector Gabriel Silva. 'Yan ang pangalan ng pulis na nagpunta dito.

Kumunot ang noo ko. Why does the name sound familiar?

Gabriel Silva. Where did I hear that name?

Pero mamaya ko aalamin kung sino ang Gabriel Silva na iyon na tumutok sa kaso ni Elodie. Kailangan kong malaman kung ano na ang alam ng inspector na iyon. Dahil kung talagang magkaka-bulgaran ng totoo, sasabit at sasabit ako. Lalo pa ngayon na talagang baon na baon na kami ni Elodie. Someone already died from her hands.

Ipinarada ko ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Matthias at bumaba na. Pagpasok ko pa lang ay damang-dama ko na ang mabigat na pakiramdam doon. May isang maid siyang sumalubong sa akin at pinatuloy ako sa opisina na naroon. Pagpasok ko ay naabutan ko si Matthias na nakaupo at tulala na nakatingin sa bote ng alak na nasa harap nito. Halatang wala pang tulog. Walang ayos. Malayong-malayo sa Matthias Baldomero na nakilala kong laging business like ang hitsura.

"I'm here." Sabi ko at tuluyan nang pumasok. Tinapunan lang niya ako ng tingin tapos ay tumango lang. Dinampot nito ang bote ng alak at uminom doon.

"I am sorry for your loss. For what happened to Pol." Napa-ehem pa ako nang sabihin iyon.

Sa narinig ay alam kong nagbago ang mood ni Matthias. Ibinaba nito ang hawak na bote sa mesa pero hindi binitiwan tapos ay marahan na ibinato sa dingding. Basag iyon.

"Pinatay ang anak ko, Martin." Parang sa sarili lang niya sinabi iyon.

Hindi ako kumibo.

"If you could see my Pol. He was tortured. He experienced so much pain." Nanginginig ang boses nito at damang-dama ko ang hirap ng kalooban.

Pero sa totoo lang, wala akong maramdamang awa. Deserve naman niya ang kung anong nararamdaman niya. Kulang pa nga sa ginawa nila kay Elodie at sa mga taong ipinapatay niya.

"Do you have any lead? Who did that?" Umayos ako ng pagkakaupo.

Tumingin siya sa akin. "That's the reason you're here." Seryosong sagot niya.

Kumunot ang noo ko.

"I want you to find who killed my boy, Martin. I want you to give the same pain that they did to my boy." Ngayon ay umiiyak na naman si Matthias.

Napalunok ako at napabuga ng hangin. Fuck. Bakit ba hindi ako makawala sa ganitong sitwasyon?

"Can you find someone else? I don't do that anymore." Iyon na lang ang nasabi ko.

Sumama ang tingin sa akin ni Matthias. Halatang hindi nagustuhan ang sagot ko.

"You know I can pay. Tell me how much. I want you to punish whoever did that to Pol." Nanginginig sa galit ang boses nito. "You cannot say no to me. I want the heads of those assholes on my table."

"Find someone else. I won't do it." Tanggi ko.

Malakas na nagmura si Matthias. "Just tell me how much money you need!" Dumagundong ang malakas na boses nito sa opisina niya tapos maya-maya ay umaalog ang balikat. Umiiyak. "I need your help. I don't know what to do. That's my son. I cannot even go to his wake. I cannot see him inside a coffin."

"Now you know the feeling." Mahinang sagot ko.

"What's that supposed to mean?" Tumalim ang tingin niya sa akin.

"Alam mong mangyayari ito. Sa dami ng pinatay at pinahirapan ng mga anak mo. Do you expect them to live in peace? What happened to Pol is an eye opener. To you. To your remaining kids."

"Pol was killed because he was gay. Not because of what they did." Matigas na sagot niya.

"Fine. Kung iyan ang gusto mong paniwalaan."

"You cannot say no to me, Martin. Do this for me. Kill the one that killed my boy." Ngayon ay malumanay na ang tono niya.

"I'm sorry, I can't." Muli ay tanggi ko.

"Five million."

Hindi ako nakakibo. That was a big amount. Five million and I am tempted to accept it.

"Magpahinga ka muna. You need to clear your mind." Sagot ko sa kanya.

"Ten million. Just find the fucker who killed my son."

Napalunok ako. Fucking ten million. Shit. Malaking halaga na iyon pandagdag sa ipon ko. I could give that money to Sesi for the future of our daughter. Madali namang mag-imbento ng kung sinong pumatay sa anak niya. Napakadali ko namang mapapaikot ang mga ito.

"Okay. Ten million it is." Napahinga ako ng malalim.

May kinuha si Matthias sa drawer niya at nakita kong checkbook iyon. Nagsulat tapos ay iniabot sa akin.

"It's yours. I just want good news."

Tiningnan ko ang tseke at nakasulat nga doon ang ten million pesos. I need to talk to Elodie about this. We need to change our plan.

"Okay. I'll try to give you good news soon. I am going to Pol's wake. Aren't you coming?" Tanong ko pa.

Umiling si Matthias. "I can't go there."

Kumaway na lang ako sa kanya at umalis na doon. Tinungo ko ang kotse ko at sumakay tapos ay pinaandar ang makina pero hindi rin agad ako umalis. Marahan kong hinilot-hilot ang ulo ko. Parang mas masakit sa ulo talaga itong napasukan ko ngayon.

Pero uunahin ko na munang alamin ang kung sino ang pulis na biglang sumulpot sa opisina ni Elodie. Nagpipindot ako sa telepono ko at nagsimulang i-research kung sino ang Gabriel Silva na iyon.

Shit. Wala. Napilitan na akong humingi ng tulong kay Declan. Nag-text ako sa kanya at ipinadala ko ang pangalan na iyon. Alam kong madali lang itong mahahanap.

Pinaandar ko ang sasakyan ko at dumiretso ako sa burol ni Pol. Wala pang masyadong tao nang dumating ako. Iilan lang. Hindi ko nakita ang dalawang anak ni Matthias. Dumiretso ako sa loob at sumilip sa kabaong ni Pol.

Maayos na ang mukha niya. Halatang ginawan ng paraan ng punerarya na magmukhang hindi bugbog na bugbog ang mukha. Pero bakas pa rin doon ang pahirap na tinamo. Wala akong maramdaman na kahit na kaunting awa habang nakatingin sa bangkay nito. Sa dami ng sinirang buhay ng isang ito. Mabuti pang mawala na lang sa mundo.

Naupo ako sa isang gilid at nagmamasid-masid. Bakit nga ba ako nandito? Dahil gusto kong malaman kung ano ang susunod na hakbang ng mga Baldomero. Alam ko ang plano ni Matthias, pero kailangan ko ring malaman kung ano ang plano ng mga anak niya. Kilalang mga padalos-dalos magdesisyon ang mga iyon kaya sigurado akong hindi titigil ang mga iyon na hindi maipaghiganti ang nangyari sa kapatid.

Napakunot ang noo at bahagyang lumingon nang may marinig akong sumisinghot. Parang umiiyak. Tapos ay nag-uusap.

"Kung nakipagkita lang siya sa akin nang gabi na iyon. Hindi ito mangyayari sa kanya."

Mahina ang boses ng lalaking nasa likuran ko. Tuluyan ko ng nilingon kung sino man ang nagsalita at nakita kong dalawang lalaki iyon at seryosong nag-uusap. Ang isa ay halatang malungkot na malungkot. Iyon ang umiiyak.

"May LQ nga kasi kayo kaya dumiretso siya doon sa bar. Hindi ko akalain na mangyayari ito kay Pol." Sabi ng kausap nito.

And who could this be? Mga kaibigan ba ito ni Pol?

"He was ready to come out. Iyon ang pinag-awayan namin. He was telling me that he was going to tell his father and brothers the truth about him. Ako lang ang pumipigil sa kanya dahil sigurado akong hindi iyon matatanggap ng pamilya niya," muli ay impit na umiyak ang lalaki.

"Alam mo naman na kapag nag-desisyon si Pol gagawin niya talaga. Baka hindi na lang niya talaga kayang magtago pa. I am so sorry this happened to him." Dama ko rin ang lungkot sa boses ng kausap nito.

"We have so many plans. Sabi niya kapag nasabi niya sa daddy niya ang totoo aalis na kami. We are going to fly to New York, and we are going to get married. Ano ngayon? I was ready to get married, but I am not ready to bury him." Napahagulgol na nang iyak ang lalaki.

Lover siguro ito ni Pol.

Panay iyak na lang ang narinig ko kaya tumayo ako at kunwari ay tinungo ang banyo. Mula doon ay nakiramdam ako. Pero maya-maya ay nakarinig naman ako ng malalakas na boses.

"Hindi bakla ang kapatid ko!"

Boses ba iyon ni Jorge? Dali-dali akong lumabas at nakita ko itong nakatayo sa pinto ng punerarya at may mga kausap na lalaki din. Agad akong nagtago para hindi niya makita pero siniguro kong maririnig ko ang pag-uusapan ng mga ito.

"Hindi dahil nasa ganoong klaseng bar si Pol ay bakla na siya. Hindi. Walang bakla sa pamilya namin. Tinarget siya ng kung sino. Iyon ang hanapin 'nyo. Hindi 'nyo kailangang kalkalin ang buhay niya." Mariin na sabi ni Jorge.

Tingin ko ay mga pulis na naka-civilian ang kausap ni Jorge. Tumingin ako sa paligid. Nasaan si Karl?

"Magsi-alis kayo. Wala akong sasabihin sa inyo. Hindi bakla ang kapatid ko. Hanapin 'nyo ang pumatay sa kanya. May mga cctv sa bar. Tingnan 'nyo para hindi naman kayo magmukhang mga pulis na inutil." Tinalikuran na Jorge ang mga kumakausap dito at tinungo ang kabaong ni Jorge. Tinitingnan iyon at marahan pang hinahaplos ang salamin.

Nakita kong iiling-iling na lumabas ang dalawang pulis na kausap ni Jorge. Lumabas na rin ako para umalis na. Ayaw kong magkaharap kami ni Jorge at baka isama ko lang siya sa kabaong ng kapatid niya.

Pabalik na ako sa sasakyan nang tumunog ang telepono ko. Kay Declan galing ang text. I-check ko daw ang email ko.

Agad kong tiningnan ang ipinadala niya. Litrato ang naka-attach at ilang mga files. Sige ako browse habang naglalakad hanggang sa bumangga ako sa kung ano. Nahulog pa ang telepono ko.

"Shit. Sorry." Sabi ng kung sino. Nahulog din ang telepono nito. Napakunot ang noo ko nang makita ko sa screen ng telepono ang litrato ni Elodie. Agad kong dinampot ang telepono ko at tiningnan kung sino ang nakabangga ko.

Lalaki. Agad nitong ibinulsa ang telepono at nakatingin sa akin.

"Pasensiya na. Hindi kita napansin." Hingi niya ng paumanhin.

Hindi ako nakasagot at nakatingin lang sa kanya. Pamilyar ang mukha nito. At ang ipinagtataka ko bakit may litrato siya ni Elodie?

Kita kong kumunot ang noo niya sa akin at parang nag-iisip.

"Have we met before?" Tanong niya.

Mabilis akong umiling kahit alam kong nagkita na kami ng lalaking ito.

Halatang hindi siya kumbinsido tapos ay napailing. "Kamukha mo lang siguro. Pasensiya na uli, pare." Kumaway pa siya sa akin at dumiretso sa punerarya kung saan naka-burol si Pol.

Sinundan ko ng tingin ang lalaki hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Sumakay ako sa kotse at kinuha ang telepono. Muli kong tiningnan ang ipinadalang message ni Declan.

Binuksan ko ang file at lumabas ang litrato. Mahina akong napamura nang makita iyon.

"Shit." Sumilip pa ako sa pinagbuburulan ni Pol tapos ay inis na nahampas ang manibela.

Now I remember where I saw that man.

Naalala ko nang magkaroon kami ng encounter noon na nag-uumpisa pa lang ako sa grupo ni Carmela. That was years ago. Siya ang naging lead investigator sa case ng ipinapatay ni Torque na isang high ranking general na kasabwat ng grupo. At hindi niya tinantanan ang kaso na iyon kahit na nga nakita naman sa ebidensiya na aksidente ang pagkamatay ng general. A death that was made to look like an accidental death. At kagagawan iyon ni Stacey.

I knew this man. Hindi ito tumitigil hangga't hindi nalalaman ang totoo. He provided evidence that showed that the general was murdered and didn't die from accidental death. Nalulusutan lang talaga sa kaso at nadi-dismiss dahil hindi na napu-push ang mga imbestigasyon na ginagawa niya. Wala siyang kapit na nasa mataas na puwesto unlike Carmela's group who has several high-ranking officials on their payroll. Gabriel Silva was a straight as hell police officer. At siguradong isang pagkakamali lang, isang pagsisinungaling talagang malalaman na niya.

Tangina. Mukhang dadaan sa butas ng karayom si Elodie kung ang Gabriel Silva na iyon ang humahawak sa kaso ng fake death niya.

Kailangan talaga naming pag-usapan ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top