CHAPTER TWENTY-FOUR (Favor)

You can't fix yourself by breaking someone else.

----------------------------

Elodie's POV

Siniguro kong mahigpit ang pagkakatali ng mga kamay ni Pol sa kinauupuan niya habang wala siyang malay. Sinubukan ko pang kalagin iyon pero natapatango-tango ako dahil talagang mahihirapan na siyang makaalis dito. Tumingin ako sa paligid namin at sobrang dilim. Heavily tinted din ang kotse niya kaya walang mag-iisip na may tao sa loob ng kotse na ito. Na-survey ko na rin ang buong lugar. Walang mga cctv cameras sa paligid. Kaya pala talaga alam na alam niya ang lugar na ito. Siguro dito niya dinadala ang mga nabibingwit niyang lalaki.

Marahang umungol si Pol at napapangiwi pa habang nagpipilit na gumalaw. Nakita kong nataranta siya nang pagmulat niya ng mata ay makita ako tapos ay nakatali siya sa kinauupuan niya.

"Relax." Tanging sabi ko. Hindi ko na nilakihan ang boses ko. Pinabayaan kong boses babae ang narinig niya.

Kumunot ang noo niya. "What the hell is this? Alan?" Taka niya ay nagpipilit na makaalis sa pagkakatali.

"Don't waste your time. Hindi ka makakaalis sa pagkakatali na 'yan. I've learned from the best," sagot ko at tinanggal ko ang suot kong wig. Sunod kong inalis ang fake eyebrows ko at sideburns tapos ay ang prosthetic nose ko. Kitang-kita ko na nanlalaki ang mata niya habang titig na titig sa mukha ko.

"You're a woman?" Ramdam ko ang pandidiri sa boses niya nang sabihin iyon.

Ngumiti lang ako ng nakakaloko sa kanya at ngayon ay mukha na ni Evie ang nakikita niya.

"I know you. You're the daughter of Cesar Valderama. You're..." hindi siya makapaniwala. Napaawang ang bibig na parang may gustong sabihin pero hindi magawa. "I knew it. It's you. You didn't die?" Ngayon ay may takot na sa mukha ni Pol.

"In the flesh." Umayos ako ng upo para lalong mapalapit sa kanya. Tingin ko kay Pol ay parang nakakita ng multo. "You thought I died?"

"Shit! Fuck!" Lalong nagpilit na makawala si Pol sa pagkakatali niya kaya malakas ko siyang sinuntok sa mukha. Agad na tumulo ang dugo sa ilong niya at umalsa ang bahaging sinuntok ko.

"You did this to me, right?" Muli ay sinuntok ko siya. Isa. Dalawa. Hindi ako tumitigil hangga't hindi namamaga ang mukha niya tulad ng ginawa nila sa akin. Agad na pumutok ang kilay niya. Namaga ang pisngi. Ang ilong. Kita kong tumutulo ang luha mula sa mga mata niya.

"I told you just let me leave. But what did you do?" Nanginginig ang mga kamay ko at muli ay pinagsusuntok ko ang mukha niya. Napapaubo na si Pol at punong-puno na ng dugo ang mukha niya.

"I-I didn't rape you. I d-didn't pull the trigger," hirap na hirap na sabi nito.

"Yes, you didn't rape me, but you let your brothers to violate me." Hindi ko namalayan na tumutulo na ang mga luha ko. "I begged over and over but you didn't listen. You didn't do anything," punong-puno ng galit ang dibdib ko. "Instead, you just watched how your brothers rape me. Hurt me. You were laughing while they were feasting on my body!"

Humagulgol ng iyak si Pol at umiling-iling. "W-wala akong magagawa. Sunod-sunuran lang ako sa mga kapatid ko."

"That's why you let them do that to me? All of you killed me. You don't deserve to live." Dinukot ko ang baril na nasa likuran ko at itinutok sa kanya. Pero kataka-takang hindi ko nakitaan ng takot ang mukha ni Pol habang nakatingin sa baril na hawak ko.

"Just pull the trigger. You're going to do me a favor," mahinahong sabi niya.

Kumunot ang noo ko. "What?"

"Pull the trigger. I've always wanted this to happen. You don't know how many times I tried to kill myself. I wanted to die. Living in that family was like living a nightmare. Violence every day. Killing. Violating women. I cannot stand it anymore," umiiyak na sabi ni Pol.

"Liar. Sinasabi mo lang iyan para hindi kita patayin. Kulang pa 'yang ginawa ko sa iyo sa mga kahayupang ginawa 'nyo sa akin. I should have taken out your eyes. Cut your ears and cut your tongue. See no evil. Hear no evil. Speak no evil. Because that's what you did."

"Look at my arms if you don't want to believe me," sagot niya.

Nanatiling nakatutok sa kanya ang hawak kong baril at tiningnan ko ang mga braso niya. Hindi nga siya nagsisinungaling. Napakaraming hiwa sa magkabilang braso nito.

"I've tried to kill myself. I've tried to cut myself to end it. Overdosed so I couldn't wake up anymore. It was so hard living like this. On the outside I am the brave and tough youngest Baldomero, but inside I am dying. I wanted to come out. Tell the whole world who I really am. My family won't understand what I'm going through. Ayoko ng ginagawa nila pero wala akong magawa. Kailangan ko silang mapaniwala na lalaki ako dahil walang baklang Baldomero." Humagulgol ng iyak si Pol.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Dama ko naman na talagang totoo iyon pero hindi ako puwedeng magpakita ng kahit na kaunting kahinaan sa harap niya. No. He had seen me helpless and vulnerable but not this time.

"How many women did your brothers rape and killed?"

Umiling lang siya at halatang hirap na hirap huminga. "Many. I don't know. I lost count anymore. I could still hear them every night before I go to sleep. Their cries. But, I couldn't do anything."

Dumiin ang pagkakatutok ko sa kanya ng hawak kong baril. Tumingin sa akin si Pol.

"Pull the fucking trigger. But make sure that once you do it, you can still stand to fight for your life. Because after you kill me, there won't be no turning back. My family will hunt you and every last breathing relative or friends that you have," seryosong-seryosong sabi niya.

"Shut up!" Malakas ko siyang pinukpok ng baril sa ulo. Paulit-ulit ko iyon ginawa hanggang sa hindi na siya halos gumagalaw. Hindi na makilala ang mukha ni Pol dahil sa bugbog na tinamo. Kung hindi lang siya humihinga ay talagang iisipin kong patay na siya.

A voice in my head was telling me stop. It kept on telling me that I am not like this. I am not a murderer. But every time that incident will play in my head, the anger was winning. The demon inside me wanted to get out and get even. And this was my moment to get the revenge that I planned for months.

"Just kill me," mahinang-mahinang sabi ni Pol. Nakasandal lang siya sa kinauupuan niya. Patuloy ang pagtulo ng dugo sa sabog na mukha.

My hand was shaking this time. My conscience was telling me to stop. I am having second thoughts. Can I do this?

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Ano na ang gagawin ko? If I leave him here alive, siguradong malalaman ng lahat na ako ang gumawa nito. Shit. What the hell did I do?

Tumingin sa akin si Pol at ngumiti.

"It's okay. I deserve this. It's not your fault." Mahinang-mahinang sabi niya.

Hindi ako sumagot. Ngayon ay nagsisimula na akong mag-panic. I can't do this. God. Oh, God what the hell did I do?

There's no turning back now, Elodie. You've started this and you have to finish this. Kung hindi mo 'to gagawin, ikaw ang babalikan nila.

Pero nagulat ako nang biglang umangat ang dalawang kamay ni Pol at hinawakan ang kamay ko. Nakalag niya ang pagkakatali niya? Ang higpit ng hawak niya sa kamay ko at nag-aagawan kami ng baril.

"Just fucking pull the trigger!" Malakas niyang sigaw.

Hinila niya ang kamay ko at inilagay ang dulo ng baril baril sa bibig niya tapos ay sapilitan na kinalabit iyon.

Napasigaw pa ako nang pumutok iyon. Agad na lumungayngay ang ulo ni Pol at umagos ang dugo sa beige leather seat ng kotse niya. Nagtalsikan din ang mga dugo at ilang bahagi ng utak niya sa salamin.

Napatingin ako sa hawak kong baril tapos ay sa walang buhay na katawan ni Pol.

He's dead.

I killed him.

God. I killed someone.

Parang napapasong binitiwan ko ang baril at hindi ko malaman kung anong gagawin ko. Lahat ng plano ko ay nawala sa isip ko. I am here inside a car with dead man.

Think. Think, Elodie. You've researched about this. You know how to get away with murder. You've planned all this.

Wala ako dapat na ebidensiyang maiwan. Lahat ng gamit ko ay kinuha ko at isinilid sa bag kong dala. Siniguro ko din na wala akong fingerprint na maiiwan. Napatingin ako sa kamay ko at may mga nagtalsikang dugo doon. Ipinahid ko sa damit ang mga dugo sa kamay ko. Nang masiguro kong wala nang kahit na anong bakas na naroon ako ay mabilis akong bumaba sa kotse at mabilis na lumayo doon.

Kailangan kong magpaka-normal. Mabilis kong pinahid ang luha ko at hinubad ang suot kong mga damit. May shorts naman akong suot sa ilalim ng pantalon. Ang mga damit na suot ko kanina ay inilagay ko sa bag. Kailangan kong sunugin ito para walang ebidensiya.

Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa condo ko. Pinilit kong maging kaswal kahit na nga nanginginig na ang buong katawan ko.

Nang makauwi ay agad kong tinungo ang banyo at naghubad tapos ay tumapat sa shower. Sige ako ng kuskos sa katawan ko. Pakiramdam ko ay naroon pa ang mga talsik ng dugo galing kay Pol. I looked at my hands and it was still shaking. My whole body actually and I couldn't stop myself from crying.

I should be happy because somehow, I got the revenge that I wanted but I couldn't feel any happiness. Pakiramdam ko ay lalo lang lumalim ang pait na nararamdaman ko. Bakit hindi ako masaya?

Dahan-dahan akong napaupo habang nakatapat sa shower at patuloy na umiiyak. Ang mahihinang paghikbi ay napalitan ng malakas na hagulgol. Was it the guilt? The reality that I took someone's life.

Technically, hindi naman ikaw ang nag-pull ng trigger. He got your hand and he pulled it. He wanted to die. You give himself a favor.

Naitakip ko ang mga kamay sa tainga ko. Nababaliw na yata ako. My mind was telling me that what I did was okay.

They've hurt you. They raped and tortured you. Sinira nila ang buhay mo. Hindi mo kailangang makonsensiya. Tama lang ang ginawa mo.

No. I am not a monster. I won't be like them.

But you just did. You killed someone and it felt good. Right?

No. No. I am not crazy. I didn't hear any voices. Shit. What did I do?

Mabilis akong tumayo at pinatay ang shower. Kinuha ko ang nakasabit na tuwalya at itinapi sa katawan ko. Paglabas ko ng banyo ay agad kong kinalkal ang bag ko. Where the fuck was that? Sige ako hanap at para akong nakahinga ng maluwag nang makita ko ang kapirasong papel na iyon.

Nanginginig ang mga kamay ko habang idina-dial ang number. Puro ring lang ang naririnig ko.

"Please. Pick up. Answer my call." Umiiyak na sabi ko.

Muli ay nag-dial ako. Parang tumalon ang puso ko nang may sumagot at marinig ko ang boses na iyon.

"You said, if I need your help you'll be here." Nanginginig ang boses ko. "I don't know what to do. Please help me." Umiiyak na sabi ko.

Matagal bago may sumagot. "Elodie?" Paniniguro ng kausap ko.

"Please help me, Martin."

Tuluyan ko nang nabitawan ang hawak kong telepono at napasubsob sa mga palad ko habang patuloy na humahagulgol.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top