CHAPTER THIRTY-ONE (Nightout)
Darkness cannot drive out darkness. Only light can do that. Hate cannot drive out hate. Only love can do that. - Martin Luther King Jr.
---------------------------------------------
Elodie's POV
Seeing Pol's dead body inside a coffin was priceless.
Kahit na inuusig ako ng konsensiya ko, mas nangingibabaw ang galit na nararamdaman ko dahil sa ginawa nila sa akin. Lalo na nang makita ko ang umiiyak na si Matthias at hindi matanggap ang nangyari sa anak niya. Hindi makapaniwala na sasapitin ng anak niya ang ganoon. If only I could tell everyone that I was the one who did it.
But I cannot stay inside in that room with Jorge. Just looking at his face made me furious, and I wanted to kill him right there.
Napahinga ako ng malalim at itinutok ang tingin ko sa kalsada. Kailangan kong kumalma kaya lumabas ako. Pero hindi ko naman akalain na doon ko naman makikita ang pulis na si Gabriel.
Napakagat-kagat ako sa daliri habang patuloy na nagmamaneho. Damn police investigator. Sobrang napaka-coincidence naman na pati ang kaso ni Pol ay siya ang humahawak. Kahit paano kinakabahan din ako. Mukhang magaling ang lalaking iyon sa ginagawa niya. Kung hindi nga, nagawa niyang paikot-ikutin ang tanong sa akin nang una kaming magkita hanggang sa may masabi akong hindi dapat sa kanya.
But I think he was harmless. Well, I thought he was an asshole the first time I met him, but earlier maayos naman siyang kausap. I could feel his sincerity when he was asking me if I was okay. Natawa nga ako nang maalala ko na sinabi ko sa kanya na may boyfriend ako. Ano ba ang nangyari sa akin at pati si Martin ay naisip kong gamitin at sabihin na boyfriend ko? Baka mag-histerikal lang iyon kapag nalaman ang ginawa ko.
Si Martin. Napailing ako at natawa. What's with that guy? I mean, magkakilala kami, nagkasama, he even saved me when I was dying, but still there was so much mystery around him. I could feel that he doesn't want to open himself to anyone. Laging parang may barrier sa pagitan namin but I could feel the connection between us. Hindi ba siya nagagandahan sa akin? Pero ramdam ko naman na nag-aalala siya para sa akin. He was thinking of my welfare. O, baka naaawa lang siya sa akin dahil sa nangyari kaya siy ganoon. Kasi when I tried to seduce him a couple times, he didn't give in. Ang tindi ng self-control ng isang iyon.
Alam kong talagang eager siyang tulungan ako sa paghihiganti sa mga Baldomero na iyon. He said we needed to have a plan and he would help me to execute it. But right now, I don't think I'll need his help. I got a report that Karl will be at Isidro's. I knew that bar. I've researched it already. Sex and drugs were rampant. And I saw how Karl was so indisposed earlier. It would be easy to lure him. I think, this would be my night.
I got Pol. And I am sure, I'll get Karl tonight.
Umuwi muna ako at naligo. Nagbihis din ako. Nagsuot ng blonde wig at talagang siniguro kong ibang-ibang ang make-up ko para mag-iba ang hitsura ko. My play for tonight would be a hooker. Ganoon pala ang mga tipo ni Karl. Mga babaeng bayaran para madali niyang makuha. Ang iba ay ginagamitan niya ng date rape drug kapag ayaw sumama sa kanya. He doesn't like challenges when it comes to women. He wanted to be in control. Sa report na nakuha ko, kahit mga babaeng bayaran ay niri-rape din niya. He wanted rough sex. Talagang nananakit sa kama. May mga reklamo na rin sa kanya pero dahil sa may pera, at ang nagri-reklamo ay mga babaeng nasa pagbebenta ng laman ang linya, nalulusutan niya.
Nakaharap ako sa salamin at inayos-ayos pa ang mahaba kong wig. Mas inayos ko pa ang full bangs noon. Inayos ko din ang plunging neckline ng suot kong damit. Siniguro na kahit na sinong lalaki ang makakita ay talagang maglalaway. Tinernuhan ko ang damit kong hanggang kalahati ng hita ang haba ng boots. Napangiwi ako sa hitsura ko. I really looked like a hooker or porn star. But if I wanted to get Karl's attention, I needed to look like this.
Nag-book ako ng taxi at nagpahatid sa bar kung nasaan si Karl. Pagdating ko doon ay hindi ko pinansin ang mga sumisipol na lalaki sa akin. Dumiretso ako sa loob at nakakalula ang dami ng tao. Nakakahilo ang iba't-ibang ilaw sa loob. Ang ingay ng tumutunog na mga naglalakihang speakers. Sumasakit ang ulo ko at pakiramdam ko ay gusto ko nang kumaripas ng takbo palabas. Pilit akong kumalma at pumuwesto sa bar area. Humingi ako ng tubig sa bartender at nang maibigay iyon sa akin ay talagang inubos ko. Tapos ay ilang beses akong huminga ng malalim.
Nang maramdaman kong okay na ako ay iginala ko ang paningin ko. Hinahanap ko doon si Karl. Napangiti ako nang makita ko siya na nasa isang sulok at napapaligiran ng mga babae. Tumatawa pa. Halatang lasing na lasing na. Parang hindi namatayan ng kapatid ang hitsura. Umorder ako ng scotch on rocks sa bartender at ito ang ibibigay ko kay Karl.
Naghihintay ako sa ginagawa ng bartender nang maramdaman kong nagba-vibrate ang telepono ko. Sino kaya ang istorbong ito? Mahina akong napamura nang makita kong si Martin ang tumatawag doon. Parang ayaw ko nang sagutin. Kaya ko naman si Karl ngayong gabi.
Pero ayaw huminto nang pag-vibrate ng telepono ko. I cancelled his call pero maya-maya ay text naman ang na-receive ko.
Where are you?
Napataas ang kilay ko sa text niya. At kailan pa naging interesado ang lalaking ito kung nasaan ako?
With friends. Iyon na lang ang ni-reply ko.
Where is that? We need to talk.
Napangiwi ako tapos ay nagpipindot-pindot sa phone ko para sagutin siya.
Next time, Martin. This meeting with my friends is important.
Elodie, where the fuck are you? We need to talk now. This is important.
Naparolyo ang mata ko. Maybe next time. I can't answer you anymore. My friends are calling me now.
Ini-off ko na ang telepono ko para hindi na niya ako maistorbo pa. Sumenyas sa akin ang bartender at itinuro na okay na ang order ko. Kinuha ko sa bag ang isang sachet at kumuha doon ng isang tableta ng Rohypnol. Ang hirap makuha ang drug na ito. Talagang naghanap pa ako internet para lang makabili nito at kung saan-saang site ako itinuturo. I took one tablet and put it in the glass with scotch.
I was preparing the drink when someone pushed me and knocked the glass. Napatingin ako sa paligid. May nag-aaway. Fucking bar fight. Pumuwesto ako sa gilid para hindi ako madamay sa nagkakagulong mga tao. Tumitingin ako sa gawi ni Karl pero wala itong pakialam sa nangyayari. Patuloy lang sa pakikipaglandian sa kasamang babae.
Nahinto naman agad ng bouncer ang pangyayaring gulo at muli akong umorder ng scotch rocks. Nang tumingin ako sa gawi ni Karl ay napakunot ang noo ko nang makitang wala na siya sa puwesto niya. Nagpalinga-linga ako. Saan napunta ang lalaking iyon?
Lumapit pa ako sa puwesto niya kanina pero wala ng tao doon kundi ibang mga babae na lang. Pumunta ako sa CR at kahit may mga tao sa restroom ng lalaki ay pumasok ako at hinanap ang lalaki doon. Shit. Wala din.
Bumalik ako sa bar area at naupo doon. Patuloy pa rin akong tumitingin sa paligid sa pagbabakasakaling makita ulit doon si Karl. Pero wala talaga. Medyo naubos nga ang mga tao sa loob dahil nagkaroon ng gulo. Siguradong na-spook si Karl dahil sa nangyari kaya umalis.
Halos kalahating-oras din akong naghintay pero tingin ko ay hindi na babalik ang lalaki. Nagbayad na lang ako at tumayo na. Sumiksik ako sa makapal na tao para makalabas at sinubukan ko pa rin na hanapin si Karl sa paligid pero wala na talaga.
"Evie?"
Nanlaki ang mata ko at hindi agad lumingon sa boses ng lalaking tumawag sa pangalan ko. Shit. Agad akong napahawak sa ulo ko dahil baka natanggal ang wig ko pero naroon naman. And I am pretty damn sure that my make up was different and no one was going to recognize me in this kind of get up.
"Evie. Hey." Muli ay tawag ng kung sino sa likuran ko. Pero hindi ko iyon pinakinggan. Naglakad na lang ako palayo pero alam kong sinusundan ako.
"Hey. Hey. Evie." Ngayon ay naramdaman ko nang may humawak sa braso ko at doon na ako hindi nakatiis kay napilitan akong humarap na. Ganoon na lang ang pagkabigla ko nang makilala kong si Gabriel iyon. Kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha niya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa dahil sa kakaibang hitsura ko. "Why are you dressed like that?"
Tumaas ang kilay ko. "And what are you doing here? Are you following me?" Asar na sagot ko sa kanya.
Kita kong nagulat siya sa sinabi ko.
"Follow you? Of course not. I got a call from the station to go here. May gulo daw." Talagang nakakunot ang noo niya at hindi inaalis ang tingin sa akin. "Why are you like that?"
"Nothing. I got to go," tinalikuran ko na siya pero muli ay naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko.
"Don't touch me," mariing sabi ko sa kanya. Parang napahiya naman siya at agad na binitiwan ang braso ko.
"Sorry. I-I just can't believe that I can find you here. You left your dad just to go in this kind of bar?" Tumingin pa siya sa paligid.
Tumaas ang kilay ko. "And? What's wrong in this kind of bar?"
Natawa si Gabriel. "You don't know? Prostitutes swarm this place. This is their lair. And wearing like that?" Muli ay tiningnan niya ako. "People might think you're one of them."
"And so? May masama kung ganoon ako?" Naasar ako sa kanya. Naasar ako sa nangyayari. Bakit kasi kailangan na naman kaming magkita ng Gabriel na ito?
Halatang napahiya siya sa sinabi ko.
"I didn't mean to offend you. But..." napakamot siya ng ulo. "Sobrang ibang-iba ka kanina kaysa ngayon. Are you into some kind of experiment?"
"What?" Kunot-noong tanong ko.
Sumeryoso ang mukha ni Gabriel tapos ay tumingin sa paligid.
"Are you trying to get drugs here?" Hininaan pa niya ang boses.
Natawa ako sa sinabi niya. "Drugs? Do I look like a drug addict?"
Hindi siya tumawa pero nanatiling nakatingin sa akin. Inaaral ako. Halata talagang hinihintay niya ang sagot ko kaya sumeryoso na din ako.
"I am with friends. We are partying." Iyon na lang ang nasabi ko.
"And where are your friends? You left your dad in Pol's wake just to get in this kind of place? Just to party with your friends in a drug infested bar?"
"Ano bang pakialam mo? I am trying to enjoy. Okay? Diyan ka na." Tinalikuran ko na siya at tinungo ko ang gilid ng bar at nagpipindot sa phone ko. Pagbukas pa lang noon ay sunod-sunod na ang message na na-receive ko galing kay Martin pero hindi ko pinansin. Nagpipindot ako doon para magpa-book ng masasakyan pauwi.
Muli ay naramdaman ko na may humawak sa braso ko at para akong hinihila. Agad akong pumiksi pero lalo lang dumiin ang pagkakahawak sa braso ko. Si Gabriel ang gumawa noon.
"Get in my car." Seryosong sabi niya.
"What? Why? No!" Pilit kong inaagaw ang braso ko sa pagkakahawak niya.
Halatang nagpipigil siya ng inis na nararamdaman.
"Just get in my damn car," matigas na sabi niya at ngayon ay talagang wala akong magawa na iginigiya niya ako palapit sa kotse niya. Binuksan pa niya ang pinto noon at pilit akong pinapapasok.
"No!" Malakas kong sigaw.
Imbes na sumagot ay naglabas ng posas si Gabriel.
"What the fuck? Are you arresting me?" Nanlalaki ang matang tanong ko.
"If you don't get inside my car, then yes. I am going to arrest you."
"Are you fucking crazy? On what grounds? I am trying to enjoy here." Reklamo ko.
Napahinga siya ng malalim at pilit akong pinapasok sa passenger side ng kotse niya at pilit na pinaupo doon. Yumuko pa siya para makalapit ang mukha sa mukha ko.
"I know your dad. I know how he was devastated when your sister died. Think about that. There are so many predators in this place. Waiting for a woman like you. And if you're going to show yourself wearing like that, you are inviting them to feast on you." Mahabang litanya ni Gabriel.
Tiningnan ko siya ng masama at sinalubong ko ang tingin niya.
"It doesn't matter what kind of clothes I am wearing. Men are going to rape because they are rapist. They cannot control their fucking dicks inside their pants. Kahit pang-Maria Clara pa na damit ang suot ko, kahit balot-balot ang katawan ko, kapag ang lalaking demonyo ay gustong mang-rape, gagawin nila." Nagtatagis talaga ang mga bagang ko nang sabihin iyon. "Don't try to lecture me that I might get raped because of my fucking clothes. No. You don't know anything. You don't know what happened to me."
"Then what happened to you, Evie?" Diretsong nakatingin sa akin si Gabriel.
Natigilan ako sa nasabi ko. Shit. I let my emotions take over me kaya kung ano-ano ang nasabi ko.
"Can you please let me leave? I already booked my ride home," mahinang sagot ko.
Pero hindi sumagot si Gabriel at isinara lang nito ang pinto sa tabi ko. Tapos ay nakita kong may lumapit na dalawang lalaki dito at kinausap. Pagkatapos noon ay bumalik siya sa kotse niya at sumakay sa driver's side at pinaandar iyon paalis.
"Do you live with you dad? Or you have your own place?" Tanong pa niya habang nagmamaneho.
Inirapan ko siya at inis na ikinabit ang seatbelt ng sasakyan. Hindi ko siya sinagot.
"I can call your dad and ask him where you live. But I am sure he is going to ask me what is happening. And I am loyal to your dad. I can tell him everything I saw about you earlier." Kahit hindi nakatingin sa akin ang lalaki ay alam kong seryoso siya na gagawin niya iyon.
Humihingal ako sa galit. Bakit kasi pakielamero ang isang ito?
"Tama lang talaga ang laging impression sa 'yo 'no? Because you are really an asshole." Humalukipkip pa ako at tumingin sa labas ng bintana.
"I told you I get that all the time. Sanay na ako. Your address please." Walang anuman na sagot niya.
Hindi ako sumagot. Napa-tsk-tsk si Gabriel at pinindot nito ang telepono na nakapatong sa dashboard nito. Nagpipindot doon at nakita kong may hinahanap siya sa contacts. Nakita kong pangalan ni daddy ang ini-open niya at handang tawagan.
"Damn you!" Inis ko siyang hinampas sa braso. "Fuck it. Fine! Magenta Towers." Wala na akong nagawa kundi sabihin sa kanya kung saan ako tumutuloy.
"See? It's so easy." Nagpatuloy siya sa pagmamaneho at itinuon ang pansin sa kalsada. Asar na asar talaga. Nararamdaman kong nagba-vibrate ang telepono ko at kinuha ko iyon. Si Martin na naman ang tumatawag pero ni-reject ko lang ang call niya.
"Boyfriend problems?" Tanong ni Gabriel.
"Wala kang pakialam."
"I know." Natawang sabi niya. "But I am just wondering. Your boyfriend allows you to wear clothes like that?"
"Open minded siya." Inirapan ko uli siya.
"And he allows you to go to that kind of place by yourself? Hindi ka niya sinasamahan?" Muli ay tanong niya.
"As I said, he is open minded and he trust me. Can you please shut your mouth? Sinira mo na ang gabi ko."
Hindi na siya kumibo at tahimik na lang na nagmaneho hanggang sa makarating kami sa tinutuluyan kong condo. Huminto siya sa tapat ng building.
Ini-unbuckle ko ang seatbelt at akmang bubuksan ang pinto pero naka-lock pa rin iyon.
"Please unlock the door." Utos ko sa kanya.
"If you'll get my honest opinion, blonde fake hair doesn't suit you. Your pixie hair is nice. It suits you well. You are beautiful just the way you are. You don't need to change for someone or something."
Hindi ako nakasagot. I just want to get off from this car and away from him.
"Unlock the door," tumaas na ang boses ko sa kanya.
Ginawa naman niya iyon at binuksan ko na ang pinto.
"Have a good night sleep." Pahabol pa niya.
Hindi ko na siya pinansin at dire-diretso akong pumasok sa loob. Painis akong pumasok sa unit ko at agad na inalis ang wig na nasa ulo. Ibinato ko iyon at sumigaw ng malakas. Inis na inis ako sa nangyari. God damn Gabriel ruined my plan.
Hinubad ko na ang damit ko at naligo na lang. My plan didn't work at sobrang nanghihinayang ako. Nandoon na si Karl. Abot kamay ko na. Nilinis ko ang sarili ko, inalis ang make up at nagbihis na ng pantulog. Pabagsak na akong nahiga lang sa kama.
Nakatitig lang ako sa kisame at naalala ko na naman si Gabriel. Kinuha ko ang unan at itinabon sa mukha ko at doon sumigaw ng sumigaw. Nang mahimasmasan ako ay pilit kong kinalma ang sarili ko.
Tumayo ako at humarap sa laptop ko at muling tiningnan ang email sa akin. Nanghihinayang talaga ako at hindi ko nagawa ang balak ko. Naalala ko na tumatawag nga pala sa akin si Martin. Dali-dali kong kinuha ang bag ko para kunin ang telepono nang marinig kong may nag-buzz sa pinto ko.
Tumingin ako sa relo. Past eleven na ng gabi. Sino ito? Kinuha ko ang baril ko at ikinasa iyon? Wala akong inaasahang bisita ngayong gabi? Naisip kong baka ang Gabriel na naman na 'yon. Tinungo ko ang pinto at sumilip sa peep hole. It was Martin.
Binitiwan ko ang baril at agad na binuksan ang pinto. Pero nagulat ako sa nakitang hitsura niya.
Punong-puno ng dugo ang damit niya. Kahit ang kamay niya ay ganoon din.
"What the-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko.
Hindi siya kumibo at pumasok na lang. Sumilip ako dahil baka may nakakita kay Martin tapos ay agad kong isinara ang pinto. Nakita ko siyang nakaupo sa sofa at nakatingin sa mga kamay niya.
"Martin. Hey. What happened?" Nag-aalalang tanong ko.
Umiling lang siya.
"Martin. Anong-"
Tumingin siya sa akin. "I killed him."
Kumunot ang noo ko. "Who?"
"Karl Baldomero." He looked at me with dead cold stare.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top