CHAPTER THIRTY-NINE (Flowers)

A real relationship has fights, trust, faith, tears, pain, arguments, patience, secrets, jealousy and LOVE.

------------------------

Martin's POV

Mia was a good hacker.

Wala pa akong isang oras dito sa bahay niya ay napakarami ko ng nalaman tungkol kay Gabriel. Kung saan siya nakatira, kung ano ang natapos niya. Kung paano siya magtrabaho. Kung ano ang mga achievements niya. At sa totoo lang, magaling talaga ang gago.

Pinabayaan ako ni Mia na tingnan ang mga nakuha niyang information tungkol sa lalaki. Siya ay pasilip-silip sa labas para tingnan kung naroon pa si Gabriel. Matagal din na naghintay doon ang lalaki. Mga kalahating oras pa ang itinagal bago umalis.

"Wala na siya. Nagsawa na din sa pagbabantay." Natatawang sabi nito.

"Good." Tumayo na ako at inayos ang sarili. "I'll get going. Thank you for your help." Tinungo ko ang pinto at kumaway pa sa kanya bago tumuloy sa kotse ko.

Habang nagbibiyahe ay nag-iisip ako kung tatawagan ko si Elodie. Pero pinigil ko na rin ang sarili. Malabo ko naman na ma-contact siya dahil naka-block na ako sa kanya. Diretso na lang akong umuwi. I needed to rest. To relax a little bit. Sa dami ng nangyari nitong mga nakalipas na araw ay talagang pakiramdam ko ay napapagod na rin ako.

Tinawagan ko si Declan pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Kailangan ko siyang makausap. Kailangan niyang malaman kung anong nagawa ko at ang mga plano ko. If the shit hits the fan because of what I did to Karl, I needed a back-up.

Ipinarada ko ang kotse sa tapat ng bahay at diretsong pumasok sa loob. Ipapasok ko na lang ang susi sa doorknob nang biglang bumukas iyon. Nakakarinig din ako na parang may kumakaluskos sa loob.

Shit. Someone was inside my house. Agad kong kinuha ang baril na nakasuksok sa likuran ko at ikinasa iyon tapos ay dahan-dahang binuksan ang pinto. Patay ang mga ilaw sa loob. Sa kusina ko naririnig na may kumakaluskos.

Walang kilatis akong pumunta doon at nakita kong nakabukas ang ref at may isang tao ang nakayuko at mukhang may hinahanap na kung ano doon. Nanatiling nakatutok ang baril ko at nang tumayo ito ay nakita kong si Declan ang gumawa noon. May kagat-kagat na tinapay tapos ay may hawak na dalawang lata ng beer. Takang nakatingin sa akin dahil nakatutok ang baril ko sa kanya.

Nagsalita siya pero wala akong maintindihan sa sinabi niya. Mumbled ang paraan ng pagsasalita dahil sa nakapasak na tinapay sa bibig.

"Wala akong maintindihan sa sinasabi mo." Asar kong sabi sa kanya. Ilang beses ko na siyang sinabihan na huwag siyang mag-sneak in ng ganito dito sa bahay dahil baka mabaril ko lang siya.

Agad niyang tinanggal ang tinapay sa bibig at ipinatong iyon sa counter.

"For real? After I helped you to have your serious alibi? This is what I get?" Nakakaasar ang mukha ni Declan habang nakatingin sa akin.

"Fuck you." Tinalikuran ko na siya at inalis sa pagkakakasa ang baril ko at tinungo ang sala. Pabagsak akong naupo sa sofa at isinandal ang ulo sa headrest noon tapos ay pumikit.

"Beer." Naramdaman kong may tumama na malamig sa tiyan ko. Nang tingnan ko iyon ay ang lata ng beer. Naupo rin siya sa kaharap kong sofa at binuksan ang hawak din na beer at ininom iyon.

Kahit wala naman ako sa mood na mag-inom ay ganoon din ang ginawa ko at tinungga ang laman noon.

"Ano ba itong pinasok mo?" Narinig kong komento ni Declan.

"Ano ba ang pinasok ko?" Balik-tanong ko sa kanya.

"This. I heard that another son of Matthias Baldomero is dead. Gawa mo?" Paniniguro niya.

Napahinga ako ng malalim. "The situation calls for it."

Mahinang napamura si Declan. "I know how you hate those fuckers. But let me remind you, it's just a matter of time before those assholes can connects the dots and everything will point at you."

Marahan kong hinilot ang ulo ko.

"Karl was raping someone. What do you want me to do? Let him do that? I wasn't able to save Elodie when she was being..."

Napapalatak si Declan na nagpahinto sa sinasabi ko.

"So, it's about her again."

Napatiim-bagang ako. "You know it's always about her."

"Ted, this is not your fight." Napakamot siya ng ulo. "Sabi ko 'di ba tutulungan kita. But you are getting deeper. May pulis ng sumusunod sa iyo at konti pa siguradong wala ka ng lulusutan."

Inis kong ibinaba sa mesa ang hawak kong beer at naihilamos ang kamay sa mukha. Naiinis na naman ako nang maalala ko ang Gabriel na iyon.

"I did some research about that guy. Mia sent me some info, and he is quite an investigator. Straight. Lagi lang napupulitika sa trabaho kaya madalas walang nangyayari sa kasong hinahawakan." Paliwanag pa niya at uminom sa hawak na beer in can.

"Can you do something about that guy? I mean can you make him disappear?"

Sinamaan ako ng tingin ni Declan tapos ay ibinato sa akin ang lata ng beer na iniinom niya.

"Gago ka. You want to kill him? At anong kasalanan niya? Dahil lang sa magaling siyang imbestigador titirahin mo? You fucked up on that. Kasalanan mo kung bakit siya nakabuntot sa iyo ngayon. You should have stopped after you helped her. She's alive because of you. But what did you do? Nakialam ka pa." Tonong nanenermon si Declan.

All right. What I thought about killing Gabriel was way out of line. But the guy was getting on my nerves. Hindi lang dahil sa ini-imbestigahan niya ako, kundi dahil pati si Elodie ay dinidikitan niya.

"He is getting close to Elodie. Getting close like texting her late at night. Going to her office. Who in his right mind would do that? Hindi naman suspect si Elodie. I am just concern for her welfare. I mean, what if people know about what happened to her and what she did. She's been through a lot and...

"Wait." Putol ni Declan sa sinasabi ko kaya taka akong tumingin sa kanya. "Wait the fucking minute." Ngayon ay natatawa na siya at naiiling na nakatingin sa akin.

"What?" Kunot-noong tanong ko.

"Fuck you, Ted." Patuloy siyang umiiling-iling at natatawan.

"What?" Tumaas na ang boses ko at ibinato ko pabalik sa kanya ang lata na ibinato niya sa akin kanina.

"You like her."

Kumunot ang noo ko at napa-ehem. Umayos pa ako ng upo. "No." Pero alam kong labas sa ilong ang pagkakasabi ko noon.

"Sa lahat ng ginawa mo para sa kanya sasabihin mong hindi mo pa siya gusto? You jeopardize your new life for her. Risked your identity for her. I mean, all the efforts that you made for Elodie was way above everything. Did you even do that to someone? To Sesi?"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Look, man. Kung magkakaroon ka ng bagong love life ako ang unang magchi-cheer para sa iyo. 'Tangina, may bagong love life si Ted. Yehey!" Nagkunwa pang nagchi-cheer ang gago. Pero hindi ako ngumingiti at ang sama lang ng tingin ko sa kanya. "All right. Not funny." Siguro ay na-realize niyang hindi ako natutuwa sa pinaggagawa niya. "Ang ibig kong sabihin, masaya ako at in-love ka. But she's another broken soul. Like you. All she cares about is how to get her revenge. Pagkatapos noon, anong mangyayari sa inyo? Saan ka mapupunta sa buhay niya?"

Napahinga ako ng malalim. May punto naman si Declan sa sinasabi niya.

"Napakarami mong dapat ayusin. You're digging your own fucking grave. You're working with Matthias and you also work for her father. Paano mo gagawan ng paraan 'yan? Kapag nagkabukingan ang lahat. You are the only who is on the losing end." Tonong nanenermon na si Declan.

Umasim ang mukha ko sa kanya.

"Good speech. Really. Nakakabuhay ng confidence." Sarcastic na sagot ko.

"I am just stating a fact. Siguro kung si Yosh din ang kaharap mo 'yan din ang sasabihin sa iyo."

"But he is not here. He's happy. Good for him." Inis kong dinampot ang lata ng beer at ininom iyon.

"Pero natutuwa ako at may bago kang love life. At least I know you are over with Sesi and she will live happily ever after with Yosh. Hindi na ako mag-aalala na manggugulo ka pa sa kanila."

"Gago lang? Kung gusto kong manggulo noon pa. How many times do I have to tell you that I am over with Sesi?" Tumaas na ang boses ko.

"All right. All right. Calm down. Jeez. Okay. Okay." Sumenyas pa ng parang pinipigilan ako ni Declan. Kahit kailan talaga ang isang ito nakakapikon kausap. "We're good. Everyone is good. What are you plans right now?"

"I want to beat that Gabriel." Wala sa loob na sagot ko.

"Besides beating him. Huwag mo siyang bigyan ng chance na kasuhan ka. Pag-planuhan natin kung ano ang gagawin kung sakaling magkabukingan ang lahat."

"Matthias paid me ten million just to look for the killers of his sons." Napayuko nang sabihin iyon.

"You're in really deep shit. Tinanggap mo ang pera?"

Tumango ako. "I'll give it to Sesi. It's for the future of our daughter."

"Damn you, Ted. This is so fucked up." Tonong helpless na si Declan.

"I don't have a choice, man. It's a one in a lifetime opportunity. That's a big money. Sa ganoong bagay man lang makapag-ambag ako para sa future ng anak ko."

Napakamot ng ulo si Declan tapos ay tumingin sa akin at tumayo. "Get up."

Taka akong tumingin sa kanya. "Bakit?"

"Aakyat tayo ng ligaw." Tumayo siya at naglakad patungo sa kuwarto ko.

"What?" Napatayo nga ako sa sinabi niya at sumunod sa kanya. Dire-diretso si Declan sa kuwarto ko at binuksan ang cabinet na naroon at tiningnan ang mga damit ko.

"White shirt. Black shirt. White shirt. Black polo." Isa-isa niyang inaalis iyon at hinahagis sa kama. "Ganito ka ka-boring?" Naiiling na sabi niya.

"Umalis ka nga diyan." Tinabig ko na siya at kinuha ang mga damit kong pinaglalabas niya at ibinalik sa cabinet pero tinabig din niya ako at kinuha niya ang isang naka-hanger na white polo.

"Puwede na 'to. Ito na lang ang isuot mo." Ibinigay niya iyon sa akin. "Lagyan mo na rin ng kurbata para mukha ka ng namimigay ng bibliya sa bahay-bahay at kalsada."

"Hindi ko isusuot 'yan." Inilayo ko sa akin ang damit.

"I am helping you here." Tonong nagpapaalala si Declan.

"At hindi ko kailangan ang tulong mo sa ganitong bagay. I am cool. I am fine." Sagot ko sa kanya at ibinalik sa pagkakahanger ang damit.

"Sure ka diyan, ha?" Nagkibit-balikat na lang si Declan tapos ay lumabas na ng silid. Inayos ko ang mga damit na ginulo niya. Nang lumabas ako ng silid ay may kausap na siya sa telepono.

"Are you sure about your intel? Galing siya doon? How about now? Where can you locate him this time?" Seryosong-seryoso si Declan sa kausap niya. Kunwari ay hindi ko siya pinapansin pero nakikinig din ako.

"Magenta Towers? Nandiyan siya ngayon?" Nakakunot pa ang noo ni Declan habang seryosong nakikinig sa kausap.

Napatingin na ako sa kanya. Magenta Towers. Doon nakatira si Elodie.

"May trouble ba doon? Bakit nandiyan si Gabriel Silva?" Malakas ang boses ni Declan. Halatang ipinaparinig sa akin ang sinasabi.

What? Nandoon si Gabriel Silva sa Magenta Towers? Wala naman business ang gagong iyon doon kundi si Elodie lang. Inis kong inagaw ang telepono ni Declan pero mabilis niyang naiiwas iyon sa akin. "Huwag ka ngang magulo. Kausap ko si Mia. May pinapa-locate ako."

"Give me the fucking phone." Pilit kong inaagaw ang telepono sa kanya.

"Back off." Pinanlalakihan pa niya ako ng mata at bahagyang lumayo sa akin tapos ay patuloy na nakipag-usap. "Sige. Sige. Thank you sa details. Can you check his movements too? Kung saan-saan pa siya dumaan bago siya pumunta diyan? Okay. Sige. Email mo lang akin. I'll wait." Tatawa-tawa pa si Declan nang matapos makipag-usap at ibulsa ang telepono.

Ang sama lang ng tingin ko sa kanya nang mapatingin siya sa akin.

"What?" Takang tanong niya.

Hindi ako kumibo at inis ko siyang iniwan at lumabas ng bahay. Dire-diretso ako sa kotse at sumakay doon. Pero nakasunod pa rin siya at sumakay sa passenger side.

"Get out." Asar na sabi ko nang paandarin ang sasakyan.

"Bakit ba? Bubuntot lang ako. Wala akong magawa."

"This is an important matter. Get out."

"Sigurado ako pupunta ka lang ng Magenta Tower. Sige na. Sasama ako. Hindi ako magulo." Ngumiti siya ng nakakaasar sa akin.

Alam ko naman na wala na akong magagawa dito kaya pagalit ang paraan ng pagpapaandar ko sa sasakyan. Ilang beses akong nag-beat ng red light.

"Hinto mo. Hinto mo saglit." Utos ni Declan.

"Bakit na naman? Ang dami-dami mong commercial." Reklamo ko.

"Basta ihinto mo."

Wala na akong nagawa at iginilid ko ang sasakyan. Ibinaba ni Declan ang bintana tapos ay inilabas doon ang ulo at may tinawag. Maya-maya ay may lumapit na dalagita na may mga bitbit ng mga roses.

"Pakyawin ko na 'yan. Magkano?"

"Five hundred lang 'to lahat, Boss." Sagot nito.

Dumukot siya ng pera at iniabot tapos ay ngiting-ngiti pa si Declan nang makuha ang bungkos ng bulaklak.

"Anong gagawin mo diyan?" Tanong ko nang paandarin na ang sasakyan.

"Secret." Tatawa-tawa pang sagot nito.

Hindi ko na lang siya pinansin. Ipinarada ko sa tapat ng building ang kotse nang dumating kami sa building ng unit ni Elodie. Agad akong bumaba at sumunod din siya.

"Will you get lost?" Asar na sabi ko sa kanya.

"Huwag mo na nga akong pansinsin. Lakad na. May friend din ako diyan. Dalhan ko ng bulaklak." Sagot nito.

Napahinga lang ako ng malalim at napapailing nang sumakay ng elevator. Humuhuni-huni pa ng kanta si Declan na talagang nakaka-irita na. It might be you pa ang hinuhuni ng gago. Nakakairita.

Nang huminto sa floor ni Elodie ang elevator ay agad akong lumabas. Sumisipol-sipol pa si Declan habang inaayos ang hawak na mga bulaklak. Malayo pa lang ay nakita ko na may nakatayong lalaki sa tapat ng unit ni Elodie. Pakiramdam ko ay umakyat ang dugo sa ulo ko nang makilala kung sino iyon. Si Gabriel Silva na naman.

"Uh-oh. Rival is on the loose." Kunwari ay sa sarili lang iyon sinabi ni Declan.

Nakita kong nakatayo doon si Gabriel at may hawak din na bulaklak. Bumukas ang pinto at halatang nakikipag-usap ito kay Elodie. Ang ganda ng ngiti ng animal. Gusto ko ng sugurin at lumpuhin ang isang ito.

"Ganda ng bulaklak. Siguradong mamahalin 'yon. Effort naman pala si Silva sa panliligaw. Hindi katulad ng iba diyan. Ayaw na ngang magdamit ng maayos wala pang pabulaklak." Nag-tsk-tsk pa ito.

Lalo akong nagngitngit nang makitang ibinigay ni Gabriel ang bulaklak. Sigurado naman akong si Elodie ang nakatayo sa pinto kahit hindi ko nakikita. 'Tangina, kapag ito talaga pinapasok ni Elodie susunugin ko ang buong building na 'to.

"Mukhang makaka-first base si Pulis ngayon. Mukhang makakapasok," bulong pa ni Declan sa akin.

"You are not fucking helping." Inis kong baling sa kanya.

Pero nakita kong kumaway si Gabriel sa kausap tapos ay sumara ang pinto ng unit ni Elodie. Ilang minuto pang nakatayo doon ang lalaki tapos ay ngumiti. At kitang-kita na masaya ang mukha habang naglalakad patungo sa elevator.

Agad kaming nagtago ni Declan sa emergency exit. Hinintay namin na makasakay doon ang lalaki bago kami lumabas agad.

Talagang nagngingitngit ako habang nakatingin sa elevator na sinakyan ni Gabriel. Gusto ko talagang sundan ang isang iyon at gulpihin.

Naramdaman kong hinawakan ako ni Declan sa balikat tapos ay iniharap sa kanya. Tinampal-tampal ang mukha ko na lalo kong ikinairita.

"Relax. Calm down." Natatawang sabi niya.

"I am calm." Medyo mataas ang boses ko.

Inayos-ayos pa niya ang damit na suot ko. Pati ang buhok ko ay inayos ang pagkakahati. Ang kilay ko ay inayos kaya talagang tinatabig ko ang kamay niya.

"What you need to do is go to her unit and give these flowers." Iniabot niya sa akin ang bulaklak.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"What? 'Tangina, hindi ka ba marunong manligaw? Paano mo naging asawa si Sesi?"

"Fuck you." Painis kong hinablot ang bulaklak sa kanya at huminga ng malalim. Ibinigay ko ang susi ng kotse sa kanya. "Ikaw na ang bahala sa kotse."

"Go get her, tiger." Natatawa pang sabi ni Declan habang naglalakad ako papunta sa unit ni Elodie. Nang mapatapat ako doon ay nakita kong sumisenyas pa si Declan na mag-doorbell na ako. Napabuga ako ng hangin. Nang muli akong tumingin sa gawi ni Declan ay nagmumuwestra na itong parang may sini-sex sa hangin. Nakalabas pa ang dila at nakatirik pa ang mata tapos ay kunwaring nilalaro ang nipple niya.

Demonyo talaga ang isang ito. Nakakadiri. Hindi ko talaga alam bakit naniniwala ako sa tarantadong ito.

Inayos ko ang sarili ko at inamoy ang t-shirt kong suot. Mabango pa naman. Huminga ako sa kamay ko at inamoy iyon. Okay pa rin naman ang amoy. Medyo may kagat lang ng beer. Pinindot ko na ang buzzer at maya-maya lang ay bumukas na ang pinto.

Agad na sumimangot ang mukha ni Elodie nang makitang ako ang naroon. Pero mas sumimangot ang mukha ko nang makita ko ang suot niya. Napaka-igsing shorts. No. Tingin ko ay hindi nga shorts ito. It looks like a boyleg panties. Tapos ay naka-spaghetti sando lang. Puti pa. Halatang-halata na wala pang suot na bra. Putangina. Kaya naman pala abot tainga ang ngiti ng animal na si Gabriel dahil langit ang nakita dito.

"What do you want?" Ang sama ng tingin sa akin ni Elodie.

"Can I come in?" Ipinakita ko sa kanya ang hawak na bulaklak.

Umirap lang siya at nilakihan ang bukas ng pinto. Tinalikuran ako at napatingin ako sa kabuuan ng likod niya. Kung maganda ang view ng harap, mas nakakatakam ang view ng likuran niya. Hubog na hubog ang katawan ni Elodie at talagang namimilog ang pang-upo nito.

Wala akong masabi nang makapasok ako at muli siyang humarap sa akin. Lukot na lukot talaga ang mukha niya.

"Elodie," napahinga ako ng malalim. "About what happened last time. I want to..."

"Save it." Sinamaan niya ako ng tingin. Sumenyas siya sa akin na huminto ako tapos ay lumapit sa akin at kinuha ang hawak kong bulaklak. Inamoy-amoy iyon. Tapos ay walang sabi-sabing pinaghahampas sa akin.

'Tangina. Bakit pakiramdam ko ay mabubugbog ako dito?

Ano ba ang ginawa ko?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top