CHAPTER THIRTEEN (The Trainer)
"The world breaks everyone, and afterward, some are strong at the broken places." - Ernest Hemingway
----------------------------------------
Martin's POV
Muntik pa akong masubsob sa manibela nang pabigla kong tapakan ang preno ng kotse nang mapatapat ako sa bahay ni Cesar Valderama. Siniguro kong iyon nga ang tamang address at ilang beses akong huminga ng malalim bago tuluyang bumaba. Tumingin ako sa relo at nakita kong mag-a-alas diyes na ng gabi. Kailangang magawan ko ng paraan ito. If I needed to take this woman away from here at itago ko ay gagawin ko para hindi lang ako mabulilyaso kay Matthias. It would be my head on the stick if he learned that I didn't dispose this woman properly.
Nag-doorbell ako at hindi naman nagtagal nang may magbukas ng pinto. May edad na lalaki ang bumungad sa akin at halatang inaasahan ang pagdating ko.
"Si Mr. Valderama?" Tanong ko.
"Kayo si Martin? Pasok. Naroon siya sa opisina niya. Ihahatid ko kayo doon," sagot sa akin at isinara lang nito ang gate tapos ay sinenyasan akong sumunod.
Malaki ang bahay ni Cesar. Halatang alaga sa maintenance. Pero sigurado akong malungkot ang buhay niya dito dahil nag-iisa lang siya. Well, not right now dahil narito ang anak niya at ilang katiwala. Pero ang katulad ni Cesar Valderama ay ang mga taong silent but deadly. He would do anything just to get anything he would want. Even if that means killing those people who would obstruct his quest.
"Sir, narito na ho siya." Sabi ng katiwala pagkatapos kumatok. Bumukas ang pinto at nakita ko si Cesar na nakaupo sa swivel chair niya at may kaharap na bote ng alak. Hitsurang problemado. Sumenyas siyang pumasok ako at itinuro ang upuan sa harap niya. Kumuha siya ng isa pang baso at nagsalin ng scotch doon tapos ay iniabot sa akin.
"Why do you need me here?" Tanong ko sa kanya. "I thought we need to forget each other after that job."
"I already buried that job, Martin. You did well, and I got what I want. And I want you do something for me. This is a request for me that I cannot say no," ramdam na ramdam kong naiinis siya sa sinasabi niya tapos ay tumingin sa akin. "I know ikaw lang mapagkakatiwalaan ko pagdating sa ganitong bagay."
"Why me?"
"Because she doesn't know who you are and the things you could do."
Kumunot ang noo ko.
Napahinga ng malalim si Cesar at ininom ang hawak na baso ng alak tapos ay muling naupo.
"I know something happened to my daughter. She's mad at me. She hated me all her life and suddenly she came home tonight." Tumingin siya sa akin. "She went missing for a month, then suddenly she came home to me. There's something going on. She was hiding something from me," seryosong-seryosong sabi niya tapos ay tumingin ng makahulugan sa akin. "What if she knew what I did?"
Napakamot ako sa ulo. "I cleaned up your mess. No one knows about it."
"Those people deserve to die. I have them all killed because they wanted to get my company. It's mine and I worked my ass off just to be on top. And I am going to do it all again if someone would try to get what is mine or tried to hurt someone I love." Nagtatagis ang bagang ni Cesar nang sabihin iyon.
Naalala ko ang trabahong iyon. Tatlong tao ang idinispose ko. Dating mga business partner ni Cesar. Siya ang may pinaka-maliit na share nang magsimula ang negosyo niya pero magaling sa business deals ang isang ito. Nagawa niyang palakihin ang realty company at nang makita nang mga business partners niya na halos siya na ang nagpapatakbo noon, gusto nilang i-buy out si Cesar. Babayaran lang ng kung magkano dahil maliit lang naman daw ang share. And one by one, those men started to die. I was the one who was doing that. I made all their deaths looked like an accident. Ang isa ay nalunod. Ang isa ay nalason at ang huli ay nakitang patay sa CR dahil nadulas. Pero ang totoo ay pinukpok ko ng martilyo ang ulo dahil nagpanggap akong karpintero sa bahay nito.
Napa-ehem ako at kinuha ang baso na ibinigay niya at uminom doon.
"Going back to your daughter, you said something happened to her?" Gusto kong masiguro na hindi pa nagsasabi si Elodie sa kanya.
Umiling si Cesar. "I was asking her, but she doesn't want to tell. She just asked me, requested that she wanted to learn self-defense. She wanted to learn how to use a gun." Tumingin siya sa akin. "I think someone hurt my daughter."
Someone? No. Three men raped and hurt your daughter.
Iyon ang gusto kong idugtong sa sinasabi niya pero nanatiling tikom ang bibig ko.
"Isang buwan siyang nawala. Wala akong alam kung anong nangyari sa kanya. The last conversation that we had before she went missing, she said she's not safe." Naihilamos niya ang kamay sa mukha. "Can you please help me?"
"What kind of help?"
"Teach her self-defense. Teach her how to use a gun and slowly dig what really happened to her."
Napalunok ako. Ayaw ko na sana ng ganito. This would be some sort of babysitting. But I needed to know Elodie's reasons why she was not telling the truth to her father. And staying with her will be easier for me to hide her.
"Can you do it?" Punong-puno ng pakiusap ang mukha ni Cesar.
Hindi agad ako nakasagot.
"You know I pay good. Hindi ka lugi sa akin." Sabi pa niya.
"Let's ask her first. She might not like me."
"Wala na akong ibang puwedeng pagkatiwalaan pagdating sa ganyang bagay kundi ikaw lang. Please." Punong-puno ng pakiusap ang boses niya.
Tumango na lang ako.
"You can stay here tonight. Para maaga bukas magkaharap kayo ng anak ko. She's resting in her room. She wanted to be alone." Malungkot na sabi nito. "I know something is bothering her. She's not her old self. She wanted me to tell everyone that Elodie is dead. That she died."
Hindi na ako sumagot at inubos na lang ang laman ng baso na hawak ko.
Because that's what happened. People killed her and I was the one who should bury her.
Sa sarili ko na lang sinabi iyon.
------------------
Hindi rin ako pumayag na doon matulog sa bahay niya. Pagkatapos naming mag-usap ni Cesar ay nagpaalam akong uuwi. Kailangan kong ayusin ang lahat kung may ganito akong trabaho. Nagsabi ako kay Declan na mawawala ako saglit at may trabahong gagawin. Pumayag naman ang kumag at sinabing tatawag na lang siya kung may kailangan siya sa akin. Nagda-drive na ako nang maka-receive ng text galing kay Cesar. May address na ibinigay. Doon daw ako dumiretso.
Parteng Tarlac ang nakita kong lugar. Mahina akong napamura. Paghahanapin pa ako ng address pero wala din naman akong magagawa. Kahit wala sa plano ko ang bumiyahe ng malayo, ganoon pa rin naman ang gagawin ko.
Huminto ako sa isang lumang buhay at siniguro ko kung iyon nga ang address na ibinigay sa akin ni Cesar. Bumaba ako at tumimbre. Babaeng may-edad ang nagbukas sa akin at agad na nakangiti nang makita ako. Halatang expected na darating ako doon.
"Ikaw si Martin?" Paniniguro nito.
Tumango ako. "Nandiyan si Elodie?" Balik-tanong ko.
"Nasa kuwarto niya. May kausap lang. Halika pasok ka. Ipasok mo na rin ang sasakyan mo sa garahe."
Bumalik ako sa sasakyan at ipinasok iyon sa loob. Malaki ang lumang buhay. Halata ang katandaan pero halata rin na alaga sa maintenance. Nakita kong may dalawang kotse ang nakaparada doon. Bumaba ako at binuksan ang compartment ng kotse. Naroon ang dalawang bags na dala ko. Ang isa ay ilang piraso ng damit at ang isa ay mga gamit sa training.
"Ma'am, bagay na bagay sa iyo ang gupit mo. Bet na bet ko. Pati ang kulay. Ang ganda-ganda mo. Para kang si Scarlett Johannson 'nung nagpa-pixie cut hair siya."
Saglit akong huminto at nakiramdam kung sino ang nagsabi noon. Kunwari ay inaayos ko pa rin ang mga gamit ko sa compartment ng kotse pero alam kong malapit na sa akin ang boses ng nagsasalita. Boses lalaki iyon na halatang nagpipilit magboses babae.
"I like the color of my hair," boses babae na iyon.
Wala akong sagot na narinig pero ramdam ko ang presensiya ng mga tao malapit sa akin.
"Ay ang tambok!" Boses iyon ng lalaki. "Ma'am nakikita mo ba ang nakikita ko? Ang sarap pisilin." Halata ang excitement sa boses na iyon.
Wala akong sagot na narinig. Pero alam kong ako ang pinapatungkulan noon. Ako lang naman ang taong narito.
"Sana mas yumuko pa siya para lalong bumaba ang pantalon niya. Ma'am parang bilog na bilog ang puwet. Nakakagigil," sabi pa nito sa mahina na boses pero rinig ko pa rin.
Napahinga ako ng malalim at kinuha ang dalawang bag na nasa compartment tapos ay malakas iyon na isinara. Humarap ako sa nagsasalita at napapikit-pikit ako nang makita ko ang isang lalaki at isang babae na nakatingin sa akin.
Ito na ba si Elodie?
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. The last time I saw her, she was badly beaten and stuck in the hospital bed. Bugbog na bugbog ang hitsura. Laging takot at ayaw makakita ng ibang tao. Laging nagsisisigaw. But right now, the woman in front of me doesn't show any fear at all. Hindi masasabing last month lang ay naghihingalo siya at muntik ng mamatay. Right now, she looked tough. Bold. The short haircut complimented her face. Bagay na bagay sa kanya ang maiksing buhok. She was also wearing make-up. She was wearing a fitted tee and short-shorts that showed her long and smooth legs. She lost so much weight after that ordeal and it looks good on her. She was totally different to the Elodie that I met a month ago.
"Who are you?" Seryosong tanong niya sa akin.
Hindi agad ako nakasagot. Hindi ba niya ako nakikilala? Pero ako na rin ang sumagot noon. Hindi naman kasi talaga ako nagpakilala na ako ang tumulong sa kanya.
"Your father hired me." Sagot ko.
Tumaas ang kilay niya sa akin. "Hired? For what?" Kita kong naging guarded ang kilos niya.
"For your training."
Kumunot ang noo niya. "Training?"
"You said you wanted to learn self-defense."
"Ma'am, puwede ba akong makisali sa training na iyan? Gusto ko rin matutong sumuntok lalo na kung siya ang magtuturo," sabat ng lalaking katabi niya. Alam kong bakla ito dahil panay ang pa-cute niya sa akin tapos ay sumuntok pa ito ng mahina sa hangin.
Hindi kumibo si Elodie at nanatiling nakatingin sa akin. Tingin ko ay kinikilala niya ako.
"I remember you."
Lumapit pa siya sa akin nang sabihin iyon. Sumunod din dito ang lalaking kasama. Umasulto sa pang-amoy ko ang pabangong gamit niya at napakabango ng amoy niya. Mas maganda siya sa malapitan. Maayos na maayos na kasi ang hitsura at walang kahit na anong bakas na nagdaan siya sa isang matinding paghihirap.
"You know me?" Paniniguro ko. Shit. Nakikilala ba niya ako na ako ang dapat na maglilibing sa kanya?
Nakatitig siya sa mukha ko. "You helped me fixed my car. I never forget a face."
Bahagya akong nakahinga ng maluwag. I remembered that.
"I also remember that I came to your house, and I introduced myself as a Realty agent, but you didn't let me." Her voice was flat. No emotions at all.
Napa-ehem ako. All right. That was awkward. Ramdam ko ang galit sa boses niya nang sabihin iyon.
"I was doing some important things that time, and I was not expecting any visitors." Puwede ko bang sabihin sa kanya na may tino-torture ako kaya hindi ko siya na-entertain noon?
Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin sa akin.
Hindi ko alam kung praning lang ako pero kitang-kita ko sa mga mata ni Elodie ang galit habang nakatingin sa akin. There was no fear in those eyes anymore. All I could see was the fire, the anger that she could unleash any moment.
Tumaas ang kilay niya at bahagya siyang nag-smirk.
"Sana pinapasok mo na lang ako noon. You entertained me. Maybe that changed everything." Makahulugang sabi niya tapos ay humarap sa katabing lalaki. "Samantha, thank you for making me beautiful today. Can you get the clothes that I ordered from Suzette?"
Halatang ayaw pang umalis doon ng lalaki na ang pangalan ay Samantha pero wala itong nagawa. Nang tingnan ko si Elodie ay nanatili siyang nakatingin sa akin.
"Do you want to start now?" Iyon na lang ang nasabi ko sa kanya.
Ngumiti siya. Ngiting parang sa demonyo.
"With pleasure."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top