CHAPTER SIX (The Witness)
Elodie's POV
"Hey! Hey!"
Malakas kong pinupukpok ang pinto pero sumakit na ang knuckles ko ay wala pa ring nagbukas sa akin. Malakas na tunog lang ng rock music ang narinig ko. Napabuga ako ng hangin at pagigil na sinipa ang pinto ng bahay. Ang yabang! Akala ko pa naman mabait ang lalaking iyon dahil tinulungan niya ako pero wala palang kuwenta ang ugali. Hindi man lang niya inalam ang offer ko. Hindi naman basta-basta ang perang pakakawalan ng company namin para sa kanya. Bahagya akong lumayo at sinipat ang bahay tapos ay napangiwi. What was so special about this house? Mukhang luma na. Ang kulay ang pangit. Hindi naman ito maibebenta ng mahal. Hindi ko alam kung anong trip ng tatay ko at gusto niyang makuha ang lupain na narito.
Tumingin ako sa paligid. Mangilan-ngilan lang ang bahay na narito. Ang lalayo pa ng pagitan. Puro bakanteng lote at halos talahiban pa. Hindi pa well-lit ang paligid kaya hindi ko maisip kung bakit importanteng mabili ito ng company namin. Yes, we could develop this but definitely susuka ng malaking pera ang company. Napataas ang kilay ko at napangisi. Well, mayabang naman ang tatay ko kaya sige. I'll help him to get this para mabawasan naman ang kaban ng kayamanan niya.
Sinubukan ko ulit na kumatok pero wala pa rin. Mukhang sa lakas ng rock concert sa loob, hindi na talaga maririnig ang pagkatok ko. Napahinga na lang ako ng malalim at painis na bumalik sa kotse. Kinagat-kagat ko ang daliri at nanatiling nakatingin sa bahay tapos ay sa folder na hawak ko. Ayaw ko naman na bumalik sa Maynila na walang nangyari sa lakad ko. Hindi puwedeng hindi ko makausap uli ang lalaking iyon. If I needed to double my offer, I am going to do it just to get this place and shove it to my father's face. Para hindi isipin ng magaling kong tatay na hindi ko kaya ang trabaho ko.
Tumunog ang telepono ko at si Anne ang tumatawag sa akin kaya agad ko iyong sinagot.
"Is my father still looking for me?" bungad ko sa kanya.
"Nagpunta pa dito. Mukhang importante yata na makausap ka. Kanina pa rin daw tumatawag sa iyo pero hindi mo sinasagot ang call mo."
"Pakisabi sa kanya na ginagawa ko ang trabaho ko." Napairap lang ako at sumandal sa kinauupuan ko habang nakatingin sa bahay na pinanggalingan ko kanina.
"Kausapin mo na kasi. Tatay mo naman iyon."
"Ayaw ko siyang kausap." Pinaandar ko ang sasakyan ko at aalis na muna ako doon. Maghahanap ako ng fast food na puwede kong kainan. Past lunch na at nagugutom na rin ako.
"Ano naman ang nangyari sa iyo diyan? May nakausap ka?" Tanong pa ni Anne.
"Meron pero ang sungit. Ayaw akong i-entertain." Tumaas ang kilay ko nang maalala ang hitsura ng lalaki. "But I still use my charm to get his attention."
"Guwapo?" Tonong interesado ang boses ng kausap ko.
Napangiti ako. "Yes. Total package. With abs."
Napatili ng impit si Anne. "At paano mo naman nakita ang abs? Hinarass mo na agad?"
"Hindi naman masyado. Na-sight ko lang naman kasi talagang nagmumura ang abs niya. Nasiraan ako ng kotse kanina and he helped me. He was nice 'nong tinulungan niya ako. I didn't know na siya ang may-ari ng bahay na pupuntahan ko. Pero nang magkaharap na kami uli, he became an asshole stranger who doesn't want to talk to anybody."
"Wow, sounds mysterious and exciting. Anong gagawin mo?"
"Kailan pa ako umatras sa laban? Siyempre babalikan ko siya 'no at hindi puwedeng hindi siya o-oo sa akin. Ako pa ba? Wala pang tumatanggi kay Elodie Valderama."
"Malamang siya pa lang." Tumawa ng malakas si Anne. "Okay. Let me know the details pag-uwi mo. Nai-excite naman ako sa adventure mo today."
"At least dito may silbi ang adventure ko. Kaysa diyan sa office. Mag-iikot muna ako dito sa site bago ako pumunta uli sa kanya."
Nakita ko ang isang fast food at nag-park ako doon. I was starving and ordered a full meal of chicken and rice plus palabok and fries. Not my usual food. Hindi naman ako mahilig kasi sa fast food talaga. But between these foods and sa karinderya na nakita ko kanina, I'd rather munch on these processed goods.
Sige ako sa pagchi-check ng mga papers na nasa harap ko at napakunot ang noo ko. Twenty thousand square meters? Ang liit naman. Sobrang liit ng lot area na iyon para pilitin na mabili ng tatay ko. Usually by hectares ang bili ng company namin tapos saka idi-develop. But twenty thousand square meters?
Kain ako ng kain habang nanatiling nakatingin sa mga papeles. Tumunog ang telepono ko at ang mayabang na assistant na naman ng tatay ko ang tumatawag. Napairap lang ako at ni-reject ko ang call niya. Ilang beses pang nag-attempt na tumawag pero panay reject lang ako hanggang sa i-off ko na lang ang telepono ko para hindi na ako maistorbo.
Masyado akong na-overwhelmed sa mga papel na binabasa ko kaya hindi ko na napansin ang oras. Inabot na pala ako ng hapon dito kaya mabilis akong bumalik sa kotse para bumalik sa pinanggalingan ko kanina. Hindi ko kabisado ang lugar at talagang talahiban ang dadaanan papunta doon. Walang matinong daan kundi rough road. Gosh. Kapag talaga nabili namin ito, iyon ang unang-unang project na ipapagawa ko. Ang gawing sementado ang lahat ng daan dito at pailawan ang buong paligid.
Napahinto ako habang nagmamaneho at tumingin sa labas. Teka. Bakit parang wala na akong makitang bahayan sa paligid? Bakit puro talahiban na ito? Kinuha ko ang telepono ko at ini-on para makapag-waze pero kataka-takang walang signal na makuha ang phone ko. Itinaas ko pa sa ere pero wala talaga. Shit. Sinubukan kong tumawag pero wala pa rin. Painis akong bumaba at iniikot ang tingin ko sa puro damuhan na kapaligiran. Nasaan na ako? Sigurado naman ako na dito ako dumaan kanina.
Nakaramdam ako ng kaba kaya bumalik ako sa kotse ko. Okay. Maybe going back was a bad idea. Maybe I shouldn't push it anymore. Kung ayaw, okay hindi na. Hindi ko na ipipilit kahit cutie pa 'yong guy na masungit. Iniatras ko ang sasakyan ko at napasigaw ako nang may malakas na putok akong narinig. Ang tindi ng kabog ng dibdib ko. Sinubukan kong paandarin ng mabilis ang kotse ko pero kataka-takang ayaw umandar noon. Nagri-rev lang ang makina pero hindi tumitinag ang sasakyan.
Napilitan akong bumaba para makita kung anong nangyari. Pakiramdam ko ay sumakit ang batok ko nang makitang flat ang dalawang hulihang gulong ng kotse. Sinilip kong maigi at napangiwi ako. Flat nga. Anong nangyari dito? Shit. Mabilis akong bumalik sa loob ng sasakyan at kinuha ang telepono ko. Pero sa malas, wala pa ring signal. Gusto ko ng maiyak sa kamalasang nangyayari sa akin ngayon.
Napabuga ako ng hangin. I need to ask for help. Kinuha ko ang mga gamit ko sa loob ng sasakyan at naglakad. I am sure may makikita naman akong mahihingan ng tulong dito kahit na ba puro talahiban ang nakikita ko sa paligid. Lakad-takbo na nga ang ginagawa ko. My Valentino shoes were ruined. Nakakaiyak. This cost me too much and nagtuklap-tuklap na dahil sa rough road ko inilalakad. Ang sakit na sa paa. Hindi ko na alam kung gaano kalayo na ang nalalakad ko pero wala pa rin akong nakikitang kahit anong kabahayan. Puro talahib pa rin. Medyo lumalapag na ang dilim at ayokong abutan ng gabi dito.
Patuloy pa rin ako sa pagbabakasakaling makakuha ako ng signal sa dinadaanan ko. Pero wala pa rin. Gusto ko ng isumpa ang mobile provider ko. Kung kailan kailangan, hindi maasahan. Ang mahal-mahal pa naman maningil.
Hanggang sa makarinig ako nang mga nag-uusap na mga tao. Mabilis akong naglakad at sinundan ang pinanggagalingan ng mga boses para makahingi ng tulong. Inihahanda ko na ang ngiti ko para siguradong hindi nila ako matatanggihan pero agad na nawala iyon nang makita ko ang ginagawa nila.
Tatlong lalaki ang nakita kong naroon. Ang isa ay nakasandal sa kotse at ang dalawa ay nakatayo at nakatingin sa isang lalaki na nakaluhod at nakatali ang kamay sa likod. Bugbog na bugbog ang hitsura ng lalaki. Puro dugo pa ang mukha.
"B-boss. Chief. Amo." Umiiyak na sabi ng lalaking nakagapos. "Sinabi ko na ang alam ko. Lahat-lahat ng alam ko. Pakawalan 'nyo na ako."
Walang kumibo sa mga lalaking naroon. Pinagtatawanan pa nga nila. Wala akong aw ana nakikita sa mga mukha nila.
"Utos lang naman 'to sa amin. Saka wala ka na rin namang silbi." Tumatawang sabi ng lalaking nakasandal sa kotse. "Pasensiya na. You happen to be in a wrong place at a wrong time."
Napahagulgol ng iyak ang lalaking nakaluhod.
"Ser, parang awa 'nyo na. May pamilya ako. Itatahimik ko ang bibig ko. Hindi ko sasabihin kahit kanino ang nakita ko. Maawa kayo sa mga anak ko."
"Huwag kang mag-alala. Magsasama-sama din kayo sa langit ng asawa mo at mga anak mo. Alam na naman namin kung saan sila nakatira." Sagot ng isa.
Nakita kong binuksan ng isang lalaki ang kotse at may kinuha. Plastic at alambre. Anong gagawin nila doon.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong isinuklob ng lalaki ang plastic sa mukha ng lalaking nakaluhod tapos ay pinuluputan ng alambre ang leeg nito. Naitakip ko ang mga kamay sa bibig ko habang kitang-kita ko kung paano mangisay ang lalaki dahil sa hirap na huminga. Lalo pang ipinupulupot ang alambre sa leeg.
Shit. Shit! They killed that man.
Gustong-gusto kong isigaw iyon. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha sa mga mata ko habang nakatingin sa lalaking nakahandusay na unti-unting humihinto sa paggalaw. Hanggang sa tuluyang wala na itong kakilos-kilos ay hindi na humihinga.
I've seen scenes like this in movies and it never bothered me. But right now, I've seen someone being killed, in actual and I wanted to vomit. Literal na nasusuka ako sa tensiyon at kaba.
"Karl, Pol. Alam 'nyo na ang gagawin diyan. Isama sa mga iba pa. No trace." Tingin ko ang pinaka-leader ay ang lalaking pumatay.
"Yes, Boss. Kami na ang bahala." Sagot ng dalawa at inayos nito ang walang buhay na katawan ng lalaking pinatay nila.
Kinuha ng lalaki ang telepono sa bulsa at may tinawagan. I needed to get out of here. Kailangan kong makapunta sa mga pulis at magsumbong.
Pero sakto naman na biglang tumunog ang telepono ko. Pagkalakas-lakas ng tunog na rinig sa buong paligid. Damn it! Ngayon pa tumawag ang daddy ko!
"'Tangina! May tao!"
Iyon ang narinig kong sigaw ng isang lalaki. Nagmamadali akong tumakbo para makaalis sa lugar na iyon. Nagkadapa-dapa na ako dahil sa taas ng taking ng sapatos ko. Sugat-sugat na ang paa ko pero hindi ko iniinda. Siguradong kapag nakita nila ako ay papatayin din nila ako.
"Ayon! Babae! Habulin 'nyo!"
"Oh my god! They saw me." Humahagulgol ako ng iyak. Sinagot ko ang tawag ng daddy ko. "Dad."
"Elodie. Nasaan ka ba? Kaninang-kanina pa kita tinatawagan." Halatang inis na ang boses ng tatay.
"Dad. Daddy! Help me. They're going to kill me," umiiyak na sabi ko. Bago ko pa maituloy ang sasabihin ay dire-diretso akong napasubsob sa baku-bakong. Sumabit ang takong ko sa nakausling bato at nabitawan ko ang telepono.
Umiiyak akong gumapang para kunin iyon pero may paa na tumapak sa phone. Pag-angat ko ng ulo ay nakita ko ang lalaking pumatay sa lalaki kanina.
"Gotcha." Nakangising sabi nito.
Naramdaman kong may humawak sa damit ko at sapilitan akong itinayo. Iyon ang dalawang lalaking kasama niya.
"P-please. Please. I-I didn't see anything." Umiiyak na sabi ko.
"Let's see." Sabi pa nito at may isinenyas sa lalaking nakahawak sa akin.
Sisigaw na lang ako nang lagyan nila ng mouth gag ang bibig ko. Dinampot ng lalaki ang telepono ko at tiningnan iyon tapos ay nakangising ini-off at pinagtatapakan hanggang sa masira.
Napaiyak na lang ako lalo na nang may isuklob sila sa ulo ko. Tela. Itim na tela at totally wala na akong makita.
Itinutulak nila akong maglakad. Naramdaman kong isinakay ako sa kotse at pinaandar paalis doon.
Naririnig ko silang nag-uusap kung paano idi-dispose ang katawan ko. Kung ano ang gagawin nila sa akin. Chop-chop. They were talking about cutting all my body parts and they were going scatter it in different places. Patuloy ako sa pagluha dahil hindi ko akalain na mangyayari sa akin ito.
Matutulad ako sa lalaking pinatay nila kanina and no one would ever find that this horror happened to me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top