CHAPTER NINE (First Time)
Keep the faith. The most amazing things in life tend to happen right at the moment you're about to give up hope.
----------------------------------------
Martin's POV
"Come on. Pick up. Pick up!"
Ang bilis ng pagpapatakbo ko ng sasakyan. Hindi ko pinapansin ang mga kasalubong kong bumubusina sa akin. One-way na yata itong napasok ko pero wala akong pakialam. Every minute counts and if I didn't drive fast, the woman at the back will going to die.
Tinapunan ko ng tingin ang naghihingalong babae na nakahiga sa backseat tapos ay itinutok ang tingin ko sa kalsada. Fuck. I am fucking fucked for doing this. I screwed up my job by saving this one. But I cannot dispose a living person. She was still alive and even if Matthias wanted this one to be taken care of, I knew I had to do something.
Kaya ang ginawa ko, ipinakita ko kay Matthias na sinusunog ko na ang pinapa-dispose niya. Nang makuhanan ko ng litrato at maniwala siya na nagawa ko ang trabaho ko, agad kong inalis ang babae sa nasusunog na tarpaulin at agad na isinakay sa kotse. She was still breathing but I knew she was hanging by a thread. She might give up any time.
Muli kong tinawagan si Declan. Mamumura ko talaga ang isang ito. Bakit lagi na lang ang tagal kung sumagot sa tawag? Ngayon pa ba siya mag-iinarte na hindi sagutin ang tawag ko? I needed him right now.
"God damn you, Laxamana. Pick up your god damn phone!" Malakas ko pang pinukpok ang manibela ng sasakyan at lalong binilisan ang pagpapaandar noon. Nakahinga ako ng maluwag nang sumagot siya.
"Ano na naman?" Iritableng sagot nito.
"I need your help. Doctor. I need a doctor. Papuntahin mo sa bahay." Kahit ang boses ko ay nanginginig. Muli kong tinapunan ng tingin ang babae sa likod at napamura ako kasi tingin ko ay hindi na ito gumagalaw.
"Doctor? Bakit?"
"Please. Please. I need a doctor as in right now. I'll explain everything later. Then I need your help to get me a body. A dead woman's body." Iniliko ko sa isang eskinita ang sasakyan. Malapit na ako sa bahay.
"'Tangina ka, Martin. Ano na naman trip ang ginagawa mo? Lumagok ka ba ng isang gallon na krudo?" Natatawa pa siya sa sinasabi niya.
Pero hindi ako tumawa. "Doctor. Now. Hintayin ko. And I desperately need that body. I'll give you an address kung saan mo dadalhin at kung ano ang gagawin mo."
"Are you in trouble, Ted?" Ngayon ay seryoso na ang boses niya.
"Yes. Big fucking trouble. But I need the doctor first." Mariin kong inapakan ang preno ng sasakyan nang makarating ako sa bahay at pinatayan ko na ng tawag si Declan. Nagmamadali ang bawat kilos ko at bumaba tapos ay binuksan ang backseat door. Kinuha ko ang babae at pinulsuhan muna. Nakahinga ako ng maluwag nang malaman kong buhay pa siya. Agad kong binuhat at ipinasok sa bahay. Idiniretso ko sa kuwarto at latag na latag na ang katawan nito. Pumunta ako ng banyo at kumuha ng planggana na nilagyan ko ng tubig at bimpo. Pagbalik ko ay kita kong nagkalat ang dugo sa bedsheet. Agad kong nilinis ang mga dugo sa buong katawan niya. Shit. Fucking terrible mess. Napapailing ako sa tindi ng bugbog ng babaeng ito. Bilib ako sa kanya at kahit ganito ang nangyari sa kanya ay talagang hindi siya bumibigay.
Nang malinis ko ang buong katawan ng babae ay sinunod kong pinunasan ang mukha niya. I clenched my jaw just by looking at her face. Magang-maga sa bugbog. Her eyes were swollen. Face was literally black and blue. Magang-maga ang bibig. Tingin ko nga ay bali pa ang ilong nito. Sa isip ko ay pinapatay ko na ang kung sino man na gumawa nito sa kanya. Walang sino mang lalaki ang may karapatan na manakit ng babae. Napaka-demonyo ng gumawa nito. Kung sino man na gumawa nito sa kanya. Kung ano man ang nagawa ng babaeng ito, hindi niya deserve ang ganitong klaseng pahirap.
Muli ko siyang tiningnan nang malinis ko na ang babae. Napakunot ang noo ko dahil hindi pa rin nawawala ang dugo sa katawan niya. She was still bleeding. Agad kong tiningnan kung saan nanggagaling iyon. Sa dibdib at sa tiyan. Nang masusi kong tingnan ay napamura ako. She got two bullet wounds. Fuck this. Muli kong tinawagan si Declan pero hindi na siya sumasagot sa tawag ko. Marahan kong hinilot ang ulo ko at nag-iisip kung ano ang gagawin ko sa babae. She needed a fucking doctor. Pero kung dadalhin ko siya sa ospital, siguradong magkakagulo. Magkakaroon ng imbestigasyon. Malalaman ni Matthias na hindi ko itinapon ang babaeng ito. Her life would still be in danger kahit makaligtas siya.
Tumayo ako at dumiretso sa banyo. Binuksan ko ang medicine cabinet at kumuha ng Betadine, gauze, surgical forceps, scissors. 'Tangina. Bahala na kung anong mangyari sa gagawin ko. I've done this in missions. Sa mga kasama ko noon na nababaril. I knew how to do first aid sa mga gunshot wounds, but I didn't know if there were vital organs that were hit in her body.
Inilatag ko ang mga gamit sa kama. Lumabas ako ng kuwarto at dumiretso sa kusina tapos ay kinuha ang alcohol. Dinampot ko din ang bote ng cognac na nakita ko doon. Binitbit ko at bumalik ako sa kuwarto. Nilinis ko ng alcohol ang kamay ko tapos ang cognac ay ininom ko. I needed this para kumalma ako.
Napabuga ako ng hangin at tiningnan maigi ang tama ng babae sa tiyan. Left upper quadrant. Ano ba ang mga organs na narito? Kinapa-kapa ko at lalong madaming dugo ang lumabas sa butas na may tama ng bala. Damn it. I have to do this. Kinuha ko ang surgical forceps at nilinis din ng alcohol tapos ay ipinasok iyon doon para makuha ko ang bala. Bahagyang gumalaw ang babae. Tiningnan ko siya pero latag pa rin ang katawan. Sa tindi ng hirap na naranasan niya, malamang hindi na niya iindahin ang sakit nito. Kinapa-kapa ko para makuha ko ang bala. Shit. Where the fuck are you?
"There!" Para akong nakahinga ng maluwag nang makapa ko ang foreign object sa loob ng katawan niya. Pinilit kong kunin at nang hugutin ko ang surgical forcep ay napangiti ako nang makita kong nakaipit na doon ang bala.
"Fucking 9mm." Tiningnan ko pa iyon maigi at painis na inilagay sa kama. Agad kong tinakpan ng gauze ang sugat at sunod kong tiningnan ang tama niya sa dibdib.
This one was crucial. I didn't know if the bullet hit an artery. Nagdadalawang-isip ako kung gagalawin ko ito dahil baka mas lalong lang mag-cause ng matinding bleeding kapag ginalaw ko ang tama na ito. Iniisip kong hintayin na lang si Declan at magbabakasakaling tutulungan niya ako. Hindi naman siguro siya ganoong kasama at hindi intindihin ang pakiusap ko sa kanya. Ramdam naman siguro niya na talagang kailangan ko ng tulong.
But she was going to die kapag nagtagal pa. Panay ang agos ng dugo mula sa sugat. Dinampot ko ang bote ng cognac at tinungga iyon. Halos lunurin ko ang sarili ko para lang mawala ang kabang nabubuhay sa dibdib ko. One wrong move, I knew I am the one who was going to kill this woman.
"God. Please. Please. Help me with this one," panay ang buga ko ng hangin at muling dinampot ang surgical forceps. Pikit-mata kong ipinasok iyon sa sugat nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko.
"Move. Now."
Nang tingnan ko ang nagsalita, iyon ang kaibigang doctor ni Declan. Si Mervin. Naroon din siya at seryosong nakatingin sa akin. Nagugulat sa nakikita niya.
Mabilis akong lumayo at agad na tiningnan ng doctor ang kalagayan ng babae. Napapailing ito at tiningnan ang pulso at mga sugat. Mabibilis ang bawat kilos. Kinuha ang mga gamit na dala at inilabas lahat tapos ay ina-assess ang tama ng bala.
"Two gunshot wounds. One in the abdomen and one in the chest. I took out the one in the abdomen. They used 9mm gun," sabi ko habang nakatingin sa doctor.
Hindi naman ito kumikibo at patuloy lang sa ginagawang paggagamot sa babae. Naramdaman kong hinawakan ako sa braso ni Declan at inilabas sa kuwarto.
"What the fuck happened?" Nanlalaki pa ang mga mata nito na nakatingin sa akin.
"I screwed on my job." Padaing na sagot ko.
Kumunot ang noo niya. "Anong you screwed up? Anong ginawa mo?"
"Someone called and asked me if I can do this job. Disposal. No fucking brainer. And I did it. When I was about to burn her, she moved. She's still alive. I cannot let her die." Napatingin ako sa babae na walang kagalaw-galaw sa kama.
"Shit. What did you do?" Tanong pa niya.
"I told Matthias that I took care of it. I sent him proof that I burn the body." Tumingin ako ng makahulugan kay Declan. "They're going to hunt me if they will know that there is no body. That's why I am asking for your help."
"Jesus Christ, Ted. What the fuck did you do? Ano ba 'tong trouble na pinasok mo?" Naisuklay ni Declan ang kamay sa buhok niya at hitsurang kunsumido.
"Kaya mo bang patayin 'yan? 'Tangina, look at her. Look what they did to her? What if that is Stacey? Pababayaan mo ba siyang mamatay?" Inis kong sagot sa kanya.
Sinamaan niya ako ng tingin at napapailing na kinuha ang telepono niya.
"Dad, I need your help. Yes. I need a body. Female. Yeah. Now. Right now." Nakatingin sa akin si Declan. "I'll give you the address where your man can bring it." Naparolyo ang mata niya. "Anong kapalit ang gusto mo? Dinner? With June? Kukulitin mo na naman kung kailan siya manganganak. Saka kaka-dinner mo lang sa bahay 'nong nakaraang gabi."
Lumayo na ako kay Declan at pinabayaan ko siyang kausapin ang tatay niya. I knew Ghost could do magic and I trust them that they would help me fix this mess. Nilapitan ko ang doctor at nakita kong tinatahi na niya ang mga sugat ng babae. Sa kama ay naroon ang dalawang bala na nakuha mula sa katawan nito.
"She's still lucky. The bullet didn't hit any vital organ or artery." Tila anunsiyo nito habang patuloy sa pagtatahi.
"Is she going to make it?" Tanong ko.
Matagal bago sumagot ang doctor tapos ay napahinga ng malalim. "I still don'tknow. I need to check her thoroughly. She needs an MRI so I can see the extent of her injuries. I treated the gunshot wounds, but I think, she suffered severe beating. Malamang may mga nabugbog na vital organs. Siguradong may side effect iyon." Hinawakan nito ang mukha ng babae at muling napailing. "What kind of monster could this kind of shit to a woman? 'Tangina, sa mga ganitong pagkakataon ko naiisip na bumalik sa agency. Ang taong gumagawa ng ganito ang mga hindi na dapat binubuhay." Parang sa sarili lang iyon sinasabi ng doctor. Dahan-dahan niyang iniangat ang talukap ng mata ng babae at pulang-pula iyon dahil sa pamumuo ng dugo. Hinawakan din ang ilong at napamura ang doctor. "Fucking broken." Isinunod na tiningnan ang bibig ng babae. Ibinuka ang mga labi. "She lost a tooth too." Bumaba ang kamay ng doctor at tiningnan ang leeg ng babae. "Mukhang sinakal din ito," ipinakita niya sa akin ang bakat ng mga kamay sa leeg ng babae. Kumapa-kapa ang kamay nito sa balikat ng babae at napahinga ito ng malalim. "She got a dislocated shoulder."
Naikuyom ko ang mga kamay ko dahil sa nalalaman ko. Sa isip ko ay gusto ko ng puntuhan si Matthias at bugbugin para paaminin kung sino ang gumawa nito sa babaeng ito.
Tumayo ang doctor at humarap sa akin.
"She cannot stay here. She needs to go to a hospital." Tumingin ang doctor sa likuran ko at alam kong si Declan ang kinakausap niya.
"No. No hospital. She's going to die there." Protesta ko.
"And she's going to die here." Sabi ni Mervin. "It's your choice. She's your patient, ikaw ang magde-desisyon kung ano ang gusto mong gawin sa kanya. Ang ginawa ko sa kanya ay pansamantala lang. She needs to be monitored every fucking minute. Puwedeng magkaroon ng internal bleeding, puwedeng may iba pa siyang internal injuries na puwedeng mag-cause ng mas malalang problema."
"Mervin has a point. She cannot stay here." Sabi ni Declan.
"At saan ko 'to dadalhin? I don't even know her. Hindi ko naman siya puwedeng basta na lang iwan sa ospital."
"Bring her in my clinic. Kumpleto ang gamit ko doon. I have staff who can monitor her. I can give you updates from time to time." Suggestion ng doctor.
Hindi ako nakasagot.
"Let him do his job. You ask for help, and here it is. May kailangan ka pang ayusin." Sabi ni Declan sa akin.
Tumango ako. "Okay, Doc. Ikaw na ang bahala. Please save her. I think she wanted to live. She was begging me to let her live." Nakatingin ako sa babae habang sinabi iyon.
Dinukot ng doctor ang telepono niya at may tinawagan.
"Let's go. You still have a body to burn." Sabi ni Declan sa akin at nauna ng lumabas.
Lumapit ako sa babae at tiningnan ang kabuuan nito. Kahit paano ay nakaramdam ako ng relief dahil natanggal na ang bala sa katawan niya. Kahit alam kong hindi pa siya totally na ligtas, nakakaramdam pa rin ako ng pag-asa
Yumuko ako at bumulong sa kanya.
"Don't you fucking die. This is my first time to mess up a job. First time to save someone I should dispose. Don't you waste it by dying. You fight. You live and I will help you kill those monsters that did this to you. You will give them a horrible death that they deserve."
Pagkasabi ko noon ay iniwan ko na siya at naabutan ko si Declan na nakatayo sa labas.
"Where's the Mustang?" Taka niya.
"We're going to pick it up. Let's go." Seryosong sabi ko at sumakay na sa kotse.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top