CHAPTER FORTY-TWO (Breakfast)
Trust the timing of your life.
——————-
Elodie's POV
Mag-isa na lang ako sa kuwarto nang magising. Pinakiramdaman ko pa ang paligid at sigurado akong wala nang ibang tao sa kuwarto ko. Agad akong napabalikwas at tumingin sa paligid. Everything was in place. The only difference was, there was no Martin around.
I looked at myself and found that I was still naked. Tumayo ako mula sa kama balot ng comforter ang katawan. Dumiretso ako sa banyo at sumilip kung nandoon si Martin. Pero wala siya din siya doon.
"Martin?" Lumabas ako ng kuwarto ko at nakita kong malinis na ang paligid. Wala na ang nagkalat na petals ng roses dahil sa paghahampas ko sa kanya kagabi. At wala na rin doon ang mga bulaklak na bigay ni Gabriel. Pero wala din si Martin doon.
Nagmamadali kong kinuha ang telepono at tumawag sa kanya. Pero hindi sumasagot si Martin. Sige lang ang ring ng telepono. Naiiyak na ako.
Shit. Where did he go? Did he ditch me after what happened to us?
Ang tindi ng kabog ng dibdib ko at gusto ko nang maiyak. Pinagbigyan lang ba niya ako kagabi? Dahil makulit ako? Dahil mapilit ako? Pinilit lang niya ang sarili na makipag-sex sa akin? Hindi ko napigil na hindi mapaiyak. Naaawa na ako sa sarili ko.
Agad kong pinahid ang mga luha sa pisngi ko nang marinig na may nag-buzz sa pinto. Hinigpitan ko lang ang balot ng comforter sa katawan ko at hindi inalam kung sino ang nag-buzz. Basta ko na lang binuksan ang pinto at nakita kong si Martin ang nakatayo doon. Nakangiti pa. May kipit na dalawang paper bags ng McDonalds sa isang braso at ang isang kamay ay may bitbit na bungkos ng bulaklak.
Pero agad na nawala ang ngiti nang makita ako at tumingin sa paligid tapos ay mabilis akong itinulak papasok sa loob ng unit at sinipa pasara ang pinto.
"Are you out of your mind?" Tonong naaasar siya at diretsong tinungo ang mesa at inilapag ang mga bitbit.
"Why?" Nagtatakang tanong ko.
"Magbubukas ka ng pinto na ganyan ang hitsura mo? Just a fucking comforter?" Nanlalaki pa ang mata nito.
Tiningnan ko ang sarili ko. "Anong masama dito? Wala namang ibang tao dito."
"But you opened your door looking like that. Paano kung hindi pala ako ang nag-buzz? Paano kung ibang tao? Paano kung ang gagong Gabriel na iyon?"
Kumunot ang noo ko. "Ano?"
Naihilamos niya ang kamay sa mukha at inis na tumingin sa akin.
"I don't want you to open your door looking like that. Hell, I don't want you to wear almost nothing when you open your fucking door."
Lalong nangunot ang noo ko. "Ano ba ang nangyayari sa iyo? Ako nga ang dapat mainis dahil bigla ka na lang nawala. Pag-gising ko wala na akong katabi. Wala ka na dito. You don't know that I was afraid that you ditched me after what we did."
Lumatay ang pagtataka sa mukha niya. "I went out and bought some food." Nilapitan niya ang mga paper bags na dala at isa-isang inilabas ang mga naroon. "I hope you like longganisa meal."
Lumapit ako at tiningnan ang mga pagkain. Tapos ay dinampot ko ang mga bulaklak na binili niya.
"May pagbibigyan ka?" Ipinakita ko iyon sa kanya.
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Why?" Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang vase na walang laman na pinaglalagyan kagabi ng mga bulaklak na bigay ni Gabriel. "What did you do to the flowers?"
Tumaas lang ang kilay niya at patuloy na nag-ayos ng mga pagkain. "I threw it out. Hindi bagay dito sa bahay mo. Ipalit mo 'yan." Hindi siya tumitingin sa akin at patuloy lang sa pag-aayos ng mga pagkain.
Noon na ako napangiti pero pilit kong pinipigil. "Ayaw mo ng bulaklak dito sa bahay ko?"
Sinamaan niya ako ng tingin. "Ayaw ko ng bulaklak na bigay ni Gabriel dito sa bahay mo. Kung gusto mo ng bulaklak, sabihin mo sa akin at ibibili kita."
Tuluyan na akong napangiti at lumapit sa kanya tapos ay yumakap. Nabitiwan ko ang comforter at tuluyan iyong nahulog sa lapag. Hubad ako sa harap niya.
"Jesus, Elodie. Don't tempt me," napabuga siya ng hangin habang nakatingin sa kahubaran ko.
Lalo akong napangiti at lumayo pa sa kanya at lalong ipinakita ang katawan ko.
"Ayaw mong ganito na lang ako habang kumakain tayo?" Nanunukso kong sabi sa kanya.
Dinampot niya ang comforter at ibinalot sa akin.
"Don't try to ask me that. Baka magmukhang tanga ang mga pagkain na binili ko dahil ikaw ang kakainin ko." Naiiling na sabi niya.
Lumabi ako pero natawa sa sinabi niya. Naupo ako sa harap ng mesa. Inilapag niya ang pagkain sa harap ko at naupo din siya doon.
"Eat. I know you're hungry." Sabi pa niya at patuloy na inaayos ang mga pagkain na nasa harap ko.
"So, ganito ka manligaw? Mcdo breakfast?" Nang-iinis pa rin ako.
Napakamot siya ng ulo at hitsurang nahihiya. "Walang ibang mabilhan ng food na malapit dito kundi 'yan lang. Ayaw ko naman mawala ng matagal dahil baka mag-alala ka." Dinampot niya ang kape at humigop doon habang nakatingin sa akin.
Ngumiti ako sa kanya pero hindi ko ginalaw ang pagkain na ihinain niya.
"You don't like the food? Hindi ka ba kumakain ng fast food?" Nag-aalalang tanong niya.
Agad akong umiling. "No. Favorite ko kaya ang longganisa meal ng Mcdo." Napa-ehem ako at marahan pang iniipit ang buhok sa tainga ko. "About last night..." hindi ko itinuloy ang sasabihin ko
"What about it?" Nakita kong humigpit ang hawak ni Martin sa baso ng kape.
"What will happen to us? Ganoon lang ba iyon? Was it a one-time deal? Because I want it, you gave me what I want?" Napalunok ako nang sabihin iyon. Kinakabahan ako sa sasabihin ni Martin.
Tumingin siya sa akin tapos ay naihilamos ang kamay sa mukha.
"Do you like me?" Balik-tanong niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Kailangan ba paulit-ulit ako diyan? Napapahiya na ako. Kagabi ko pa sinasabi sa iyo. Ako na ang nag-initiate. Ano ba 'to, Martin? Gusto mo ba ako o naaawa ka lang sa akin?" Namuo na ang luha sa mga mata ko.
Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko at hinalikan iyon.
"What do you think?"
"Buwisit ka! Bakit kailangan ko laging manghula? Sabihin mo kung gusto mo ako." Tuluyan na akong napaiyak. "Kasi ako gusto kita. Gustong-gusto kita."
Marahan niyang pinisil ang kamay ko.
"I am not good with words. My ex-wife, I met her and instantly we eloped together. Thinking that she could complete my life. Thinking that she could be the key so I could feel that I have a normal life. I had a very dangerous and chaotic past. You won't like me if you know who I am." Ngumiti siya ng mapakla sa akin habang patuloy na hinahaplos ang kamay ko.
"Then tell me who you are. Pareho lang naman tayo. You know what happened to me. You know what they did to me." Katwiran ko.
"I killed many people, Elodie. Good. Bad. Innocent. I have blood in my hands. My conscience doesn't let me sleep at night. Their cries were haunting me. Every fucking night. And when I got sick, I thought everything would be over. I planned everything. Left my family for good. I was ready to die." Ngumiti siya ng mapakla. "But I was wrong."
Hindi ako kumibo at nakatingin lang sa kanya.
"I was dying of cancer back then. I was given six months to live. Six fucking months to do everything right. I had a family, a wife, a daughter waiting for me to come home. But I couldn't bear the thought of breaking their hearts because I was going to leave them soon."
Pakiramdam ko ay may kumurot sa dibdib ko. Tanggap ko naman kung ano si Martin noon. Kung may dati siyang pamilya. Pero masakit pa rin pala kapag sa kanya nanggagaling kasi ramdam ko na nanghihinayang siyang nawala ang pamilya niya.
"So, I did what I had to do. I connived with the enemies. I needed money for the family I am going to leave. At least even if I am dead, they are going to be okay. And I was shot, I almost died. But someone, revived me. Technology and new drugs helped me to be cancer free."
"Do you still love your wife?" Kahit nakakahiya ay tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya ng mapakla. "Sesi? She is a good woman. She doesn't deserve me. She deserves someone better than me."
"I was asking if you still love her."
Tumingin siya sa akin at marahang tumango. Mapait akong napangiti at hindi ko napigil ang luha na sumungaw sa pisngi ko. Ang sakit naman.
"You asked me, and I told you the truth. Plastic naman ako kung sasabihin kong hindi 'di ba? But it's a different thing. She still matters to me because we were married. We have a daughter. She was a part of my life and I couldn't let it go just like that. But you, what I feel for you is different. It's deeper. It's something more special." Titig na titig siya sa mukha ko nang sabihin iyon.
Napatingin ako sa kanya at bahagya siyang lumapit sa akin.
"You gave a meaning to my life. You made me believe that I am still worthy after all of what I did. You saved me." Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ako sa labi.
"But you still love her." Napapiyok ako nang sabihin iyon.
"It's a different thing. I think what I feel with her is more on guilt because in some way I abandoned them. But luckily, my best friend, my ever-dependable best friend, saved my family."
"Best friend?" Taka ko.
Tumango siya. "They are getting married. And I am happy for them. At least they have their happy ending without me."
"What?" Naguguluhan kong tanong. "But you are married with your wife. Hindi ba bawal iyon?"
Napahinga siya ng malalim.
"You see this face?" Itinuro niya ang sariling mukha. "This is not mine. Martin Atienza is not the real me. This face was created to be someone else. So, I could have my new life. Away from the chaos that I did. A fresh start." Bahagyang nanginig ang boses niya nang sabihin iyon.
Kumunot ang noo ko. "What? What do you mean?"
Binitiwan niya ang kamay ko at may dinukot sa bulsa niya. Wallet iyon at binuklat. May hinugot siyang dalawang litrato doon.
"This is my ex-wife Sesi and our daughter Lesley."
Dinampot ko ang litrato at napakunot ang noo dahil hindi mukha ni Martin ang nakita kong kasama ng babae at bata. Ibang mukha. Taka akong tumingin sa kanya. Tapos ay isang litrato pa ang ipinakita niya sa akin.
"And this is my best friend Yosh. We were both working in an agency. We were both an agent. He saved my life so many times."
"Wait. This is crazy. Pero hindi ikaw ito. Sino ito?" Nagpapalit-palit ang tingin ko sa litrato at sa mukha niya. Kahit saang anggulo ko tingnan, hindi mukha ni Martin ang naroon.
"That is Teodoro Castro. Ted. That was me before I got this new face." Ngumiti pa siya sa akin.
"Fuck you, Martin. Are you fucking with me?" Inis kong pinalis ang litrato na ibinigay at tumayo palayo sa kanya. "Kung ayaw mo sa akin, huwag kang gumawa ng kung ano-anong kuwento."
"Nagsasabi ako ng totoo. That was me before. That was the face, the life I left behind." Titig na titig siya sa akin.
Naitakip ko ang kamay sa bibig ko at papalit-palit ang tingin ko sa kanya at sa lalaking nasa picture. Ibang-iba ang hitsura.
"Ikaw 'to?" Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinasabi niya.
Tumango siya. "Alam mo naman ngayon wala ng imposible. I don't want to remember my old life. I've been Martin for years and I am used to be like this."
"Oh my God. I can't believe it." Naiiling na sabi ko.
"Believe it." Natawa siya ng mapakla. "Disappointed ka? Mas pangit kasi ako ngayon?"
"No. I mean, I just can't believe it. Akala ko sa mga movies ko lang napapanood ang ganoon. It was like Face Off? Nicolas Cage and John Travolta thing?" Naalala ko ang isang old movie na napanood ko na ganoon ang tema.
"Well, parang ganoon. Ang difference lang wala naman akong inagawan ng mukha so technically this is new. New identity."
"Gosh. This is insane." Muli ko siyang tiningnan. "But I like your new face. Mas fierce. Mas guwapo."
Natawa siya at kinuha ang mga litrato at muling ibinalik sa wallet niya.
"But you still keep that with you." Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko mapigilang hindi magselos.
"Pagbigyan mo na ako dito. I mean, these photos are the only reminder of the life that I once had. They are still a part of me." Katwiran niya.
"Sabagay. Pero ang asawa mo. Hindi ka niya hinanap?"
"Alam niyang patay na ako. And technically I am officially dead. Teodoro Castro is dead."
"Ang weird. You are full of surprises." Naiiling na sabi ko at kinuha ang pagkain na ibinigay niya.
"So, gusto mo pa ako sa kabila ng nalaman mo tungkol sa akin?" Bahagya siyang nakangiti sa akin.
Lumabi ako. "You're still my crush."
Tumaas ang kilay niya. "Crush lang? After what happened to us? Akala ko kakatayin mo na ako kagabi dahil sa nakita mong picture." Ngayon ay natatawa na siya.
Inirapan ko siya. "Sino naman kasi ang matutuwa na may iba kang kahalikan? But you said she was your alibi. Knowing Gabriel, napaka-nosy ng isang iyon." Saglit akong napahinto at mabilis na tumayo tapos ay hinanap ang mga litratong ibinigay ni Gabriel sa akin na kuha ni Martin. "Look. He gave these to me. Hindi ka lang niya makilala kasi Malabo ang footage ng CCTV. Pero the fact na nakakuha siya ng ganito, he really knows what he's doing."
Mahinang napamura si Martin at tiningnan ang picture.
"Gago talaga ang isang iyon." Seryoso siyang tumingin sa akin. "Nanliligaw ba siya sa iyo?"
Napakagat-labi ako at napangiti ng alanganin. "Well, he gave me flowers last night."
"Para saan daw?" Halatang iritable siya sa itinatanong niya.
Napakamot ako ng ulo. "Nothing. Kasi nagpunta siya sa office tapos ang daming tinatanong about sa nangyari dito 'nong nagpunta ka. About the bloody shirt and everything. I know he was investigating, and I was irritated kasi ang kulit-kulit niya. Then we were inside the elevator, we were arguing, and he suddenly kissed me, and..."
"Wait." Putol niya sa sinasabi ko. "What? He did what?" Tumaas ang boses ni Martin.
Shit. Naitakip ko ang kamay sa bibig ko at kita kong mukhang manununtok ang hitsura niya.
"What did he do?" Ulit niya.
"He did what? Nothing." Kunwari ay hindi ko intindi ang sinasabi niya. Shit. Bakit ba nasabi ko iyon?
"You said he kissed you," he said that in between his teeth.
Pilit akong ngumiti. "We were just talking and..."
"Did he fucking kiss you?" Namumula ang mukha ni Martin nang itanong iyon.
"It was nothing. And I am glad that he did that." Ipinakita ko sa kanya na hindi ako apektado sa ginawang iyon ni Gabriel. "Because I know what I feel for you is true."
"God damn it, Elodie. 'Tangina, bakit ka nagpapahalik sa iba?" Galit na sabi niya.
"Teka, wala naman tayong relasyon kahapon. So, okay lang iyon. I think we're even. Hinalikan mo ang Mia na iyon."
Sinamaan ako ng tingin ni Martin kaya ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang mukha niya.
"Trust me. I don't like his kiss. I still want you." Hinalikan ko siya sa labi pero hindi siya gumanti ng halik sa akin. "This is what I want." Lalo kong nilaliman ang paghalik ko sa kanya at nararamdaman kong gumaganti na rin siya.
"I still want to kill that asshole," he immediately blurted when he let go from my lips. I laughed and kissed him again. Deeper and passionate this time. We both stopped with what we were doing when I heard a phone rang. I know it was his. When he took his phone from his pants, his mood immediately shifted.
"Everything okay?" Tanong ko.
"I have to go. Matthias is calling me. Kailangan kong magpakita doon."
Napasimangot ako. "Karl deserved it. He deserved to die. Kulang pa iyon sa ginawa ng anak niya sa akin. And when the time comes that I can kill Jorge, I will make him suffer more than his brothers."
"Stop it. Let's stop. We killed the two, let the police handle Jorge. I'll do everything to put him in jail." Hinawakan niya ang mukha ko kaya inilayo ko iyon.
"What? What happened to the part that you're going to help me kill them? All of them?" Nagugulat ako sa sinasabi niya.
"Elodie, time will come that we need to stop. And that time is now. Don't you want to start over? Start fresh? With me?" Seryosong tanong niya.
Napalunok ako at hindi nakasagot sa sinabi niya.
"I lived in violence all my life and I want to end it. Come on. Let's plan our lives together. Away from them. Away from the bad past that we had. Sisiguraduhin ko naman na hindi makakatakas si Jorge at si Matthias sa ginawa nila sa iyo. Pagbabayaran nila iyon."
"At paano mo gagawin iyon?" Hamon ko sa kanya.
"Trust me. I can do it. For you. For us." Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan iyon. "I promise you."
"So, ako na ang gusto mong kasama sa future?"
"May iba pa ba? Siyempre ikaw lang." Natatawang sagot niya.
"Magpapakasal tayo?" Napakagat-labi ako nang itanong iyon. Wala na akong pakialam kahit nakakahiya ang tanong ko kasi kinikilig ako.
"Kung okay lang iyo na dati na akong ikinasal, yes. I'll marry you."
Napangiti ako at yumakap ng mahigpit sa kanya pero agad din na lumayo.
"We were talking about marriage pero hindi ka naman nanligaw. Hindi mo pa nga ako sinasabihan ng I love you."
Natawa siya at napakamot ng ulo. "For real? Kailangan ko pang manligaw? What part of what happened last night on the bed you didn't understand?"
"Siyempre gusto kong marinig. Hindi mo naman ako sinabihan ng ganoon. Sabi mo lang like mo ako. Tapos puro ungol na tayo sa kama saka kapaan ganoon." Parang batang lumabi ako.
Ang lakas ng halakhak ni Martin. "You are really something."
"Dali na. Ano? I want to hear it." Umayos ako ng upo at naiiling na napahinga siya ng malalim. Hindi agad makapagsalita si Martin kaya nawala ang ngiti ko sa labi. "You can't say it." Ngumiti ako ng mapakla. "It's okay. If you're not ready it's fine. Baka lang hindi ka sanay na sabihin iyon sa ibang babae. Nasanay ka kasing sabihin ang salitang iyon sa asawa mo."
"Elodie, come on. It's not like that. Hindi naman kasi puwedeng iutos mo 'yon na sabihin ko na parang inutos mo lang. It should come from me naturally."
"It's fine. You go." Tumayo na ako at iniwan na siya. Dumiretso ako sa kuwarto at hindi na pinakinggan ang pagtawag niya. Napahiya na naman ako doon. Gaga kasi talaga ako. Bakit ba pinipilit ko siya? Kung hindi naman iyon talaga ang nararamdaman niya. Ako lang naman yata talaga ang may gusto.
"Elodie, come on. Open the door." Kumakatok siya.
Painis kong binuksan ang pinto at nakita kong nakatayo doon si Martin.
"Umalis ka na. Papasok na rin ako sa trabaho." Pagtataboy ko sa kanya.
Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ako sa labi.
"I love you. Okay? Remember that. I'll see you later." Hinalikan niya ako sa noo at tumalikod na para umalis.
Ako? Naiwan akong nakatanga lang na nakatayo sa pinto at sinundan ang dinaanan niya.
And he said I love you to me.
Malakas akong tumili at patakbong tumalon ng tumalon sa kama.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top