CHAPTER FORTY-THREE (Savior)
A truth that's told with bad intent beats all the lies you can invent - William Blake
Gabriel's POV
Kanina pa ako nakaupo lang sa harap ng desk ko at napakaraming patong-patong na folders ang naroon. Cold cases. On-going cases. Nagkalat na mga litrato. Pero hindi ko pinapansin ang mga iyon. Prente lang akong nakaupo habang hindi mawaglit ang ngiti sa labi ko.
I knew Evie loved the flowers that I gave her last night. Kahit alam kong naiinis siya sa akin, ramdam ko na unti-unti lumalambot na din siya. And I won't give up. Wala sa isip ko ang mag-give up sa ginagawa ko sa kanya. Alam kong darating ang araw, papayag na rin siyang ligawan ko siya.
Nangingiti pa rin na dinampot ko ang litrato ni Elodie at napailing-iling.
"I am sorry, Elodie. But your sister is really something." Para akong tanga na napapatawa na. Kung may nakakakita lang sa akin ngayon iisipin na nababaliw na ako. "I like you, but I think I like your sister more. Well, reality wise she's alive and you're not. But I promise that I will find everything about what happened to you. I know. I can crack your case and I will know what really happened to you."
Pakiramdam ko ay nakangiti sa akin si Elodie habang tinitingnan ko ang litrato niya. Inilapag ko iyon kahilera ng mga litrato ng mga on-going cases. Litrato ng case ni Karl. Mga litrato ng case ni Pol. Litrato ng lalaking pinapasok ni Evie sa unit niya. Napasimangot ako nang makita iyon. Tapos ay pumako ang tingin ko sa litrato ni Martin Atienza na may kahalikang babae nang sundan ko ito.
Napakunot ang noo ko at napatitig sa litrato na iyon. Tapos ay sa litrato ng lalaking nakatayo sa harap ng unit ni Evie.
Dinampot ko at pinagdikit. Ang built ng katawan. Paraan ng tindig. Lalo ko pang ipinagkumpara iyon.
"Putangina," mahina kong nasabi habang titig na titig sa mga litrato.
Parehong-pareho ang porma ng lalaking nasa mga litrato. May mukha lang ang litrato ni Martin Atienza na may kahalikang babae at ang lalaki sa harap ng unit ni Evie ay halatang itinatago ang mukha. Pero hindi ako puwedeng magkamali. Halatang iisang tao lang ito.
Kilala ba ni Evie si Martin?
Mabilis akong humarap sa computer ko at nagsimulang mag-search. Kinuha ko rin ang telepono ko at hinanap ang litrato ng ID ng lalaki na kinuhanan ko ng litrato noon. Martin Nicolas Atienza. Who the fuck are you?
Madidiin ang pagta-type ko sa keyboard. Umaalsa ang inis ko. Tumitingin din ako sa litrato at talagang nasisiguro ko na iisang tao lang ito.
Pero wala akong makitang file tungkol sa lalaki. Walang kahit na anong kaso. Walang social media account. Kahit mga credit cards at kahit na anong online activity ay wala akong mahanap sa kanya.
Sino ang lalaking ito? Imposibleng wala siyang kahit na anong pagkakakilanlan bukod sa ID na ibinigay niya. Napakalinis ng record. Kahit parking ticket ay wala. Imposible. Mas lalo akong nagdududa sa mga ganitong klaseng tao. Mas sigurado ako na mas maraming itinatago ito.
Kinuha ko ang telepono ko at tinawagan ko si Matthias Baldomero. Matagal bago ito sumagot pero hindi ako tumigil hanggang hindi niya sasagutin ang tawag ko.
Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang boses ng lalaki.
"Mr. Baldomero. This is Police Inspector Gabriel Silva. Again, I am sorry for your loss." Panimula ko.
"Anong kailangan mo?" Walang kabuhay-buhay ang tono nito.
"Ginagawa ho namin ang lahat para magkaroon ng katarungan ang nangyari sa mga anak 'nyo. Pero kailangan namin ang inyong kooperasyon. Lahat ng malalapit sa inyo ay itinururing naming suspect at kailangang maimbita dito sa station. Puwedeng bigyan mo ako ng list ng lahat ng inyong empleyado?" Napabuga ako ng hangin dahil hindi ko alam kung papayag siya. Gusto kong dito pa lang ay maayos ko na ito para hindi na ako mangailangan ng search warrant.
"I'll ask my secretary to forward it to you."Malamig na sagot nito.
Napa-ehem ako. "Sir, I need your official and unofficial list of your employees."
Matagal bago sumagot si Matthias. "Ano ang ibig mong sabihin?"
"Unofficial list. Ang mga empleyado mong hindi official na nagta-trabaho sa iyo pero gumagawa ng trabaho para sa iyo. You know what I mean, Mr. Baldomero. And I want to start with Martin Atienza."
"Wala akong empleyado na Martin Atienza." Ngayon ay tumigas na ang boses nito.
Kumunot ang noo ko. "Wala? Pero nandoon siya sa ospital nang mamatay ang anak 'nyo." Katwiran ko.
"Are you talking about Martin Darke?"
Martin Darke. Why does that name ring a bell?
"Ilan ang empleyado mong Martin ang pangalan?"
"Mr. Silva. If you want to get the information about my employees, you need to have a warrant. And I am telling you all my employees, official or unofficial are all clean. Hindi nila magagawang saktan ang mga anak ko. Look somewhere else. The killer of my boys is not in my own backyard." Matigas na sabi nito tapos ay busy tone na ang narinig niya.
Mahina akong napamura at inihagis ang telepono sa mesa. Fuck. Bakit ayaw na lang makipagtulungan ng matandang iyon? Hindi ba niya alam na kakampi niya kami at gagawin namin ang lahat para mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng anak niya?
Inis kong naisuklay ang kamay sa buhok ko tapos ay bahagyang natigilan.
Are you talking about Martin Darke?
Nanlaki ang mata ko at agad akong tumayo at patakbong pumunta sa stock room kung saan naroon ang nga old cold case files at mga solved files. Inisa-isa ko ang mga folders na naroon. Sigurado ako alam ko ang pangalan na iyon.
Napangiti ako nang makita ko ang folder na hinanap. CASE 1742. Lieutenant Jimmy Ostos.
Agad kong kinuha iyon at binuklat. Naroon ang investigation na ginawa ko para sa namatay na official na iyon. Cause of death, cardiac arrest during sleep. Fucking cardiac arrest. I knew he died because of something else. I did my investigation. I knew the needle marks that I saw on his neck was something. And the more I was digging deeper, more names connected to the Lieutenant emerges. Alam ko na naman na hindi malinis ang official na iyon. Names that were connected to him were known to be head and members of bigtime syndicates.
Inisa-isa ko ang mga litratong naroon. Ang mga pinaghihinalaang miyembro ng mga sindikato. Torque Salazar. Carmela Salazar.
Mabilis kong kinuha ang file na iyon at bumalik sa mesa ko. Binuksan ko ang drawer ko at may hinugot na folder sa pinakailalim. Binuksan ko iyon at tiningnan ang mga listahan ng mga taong connected sa kanila. Investigation ito na ginawa ko ng sarili ko. Off case dahil hindi na pumayag ang boss ko.
Napabuga ako ng hangin nang makita ang mga litrato na kuha kong kasama nila Carmela Salazar. Naroon din ang mga pangalan. Kinuha ko ang litrato ng ID ni Martin Atienza. Pati ang mga litrato ng lalaki na kuha ko na may kahalikan. Pati ang litrato ng lalaking pinapasok ni Evie sa unit niya. idikit ko sa mga lumang litrato na kuha ko.
Naitakip ko ang kamay sa bibig ko.
It was all the same.
Martin Atienza was Martin Darke.
And Martin Darke was associated with crime lords, killers, drug syndicates. He just changed his name. Fucking asshole. Hiding in plain sight.
Dinampot ko ang litrato ng lalaki na nasa harap ng unit ni Evie. Sigurado ako na si Martin ito. Pakiramdam ko ay umaakyat ang dugo sa ulo ko. Paano nakilala ni Evie ang ganitong klaseng lalaki?
Kinuha ko ang telepono ko at ibinulsa. Ibinalik ko sa drawer ang mga files na tiningnan ko at tumayo. Ang mga active case files ang iniwan ko sa mesa na babalikan ko mamaya. Sa ngayon, kailangan naming mag-usap ni Evie.
Palabas na lang ako sa station nang may bumangga sa akin. Napaupo pa ang babae at agad ko itong tinulungan na makatayo. Agad itong lumayo sa akin at halatang takot na takot. Parang maiiyak pa ang hitsura.
Ano ang nangyari dito? Itinatago nito sa buhok ang mukha dahil sigurado akong may blackeye ito. Bahagyang namamaga ang ilong at may gasgas sa pisngi.
"Okay ka lang, Miss?" Tanong ko.
Tumango ito at tumingin sa paligid. "S-sino po ba ang puwede kong makausap?"
"Tungkol saan?"
Mabilis nitong pinahid ang luha niya.
"Tungkol sa nangyari kay Karl Baldomero."
Natigilan ako. "May alam ka sa nangyari sa kanya?"
Napaiyak ang babae. "Dapat lang sa kanya iyon. Hindi ko matanggap ang mga napapanood ko sa social media na ipinapalabas nila na mabuting tao ang hayop na iyon. Rapist ang walanghiyang iyon. Mahilig manakit ng babae." Ngayon ay galit na ang tono nito.
Tumingin ako sa paligid at kita kong ilang mga tao doon ang nakatingin na sa amin.
"Halika. Pumasok ka muna. Dito tayo sa loob."
Inalalayan ko siya hanggang sa makarating kami sa mesa ko. Mabuti na nga lang at nasa sulok iyon at may cubicle kaya hindi rin mapapansin ng mga kasama ko kung anong ginagawa ko dito. Sinenyasan ko ang babaeng maupo at naupo ako sa tapat niya.
"Anong pangalan mo?"
Patuloy ang pagtulo ng luha ng babae.
"Analie. Analie Estrella."
"Paano mo nakilala si Karl Baldomero?"
Sa narinig na pangalan ay tuluyan itong napahagulgol at napasubsob sa mga palad.
"Lagi siyang nasa Isidro's. Doon ako nagta-trabaho. Alam mo na," nahihiyang ngumiti siya sa akin. "Maganda naman magbayad si Karl saka ang ibang kasama niya. Madalas niyang kasama doon ang mga kapatid niya. Pero kapag tumatagal na, bigla na siyang nagbabago. Bigla na siyang nagiging bayolente."
Napatiim-bagang ako. Shit. Parang ayaw ko na ang susunod na maririnig ko.
"Maraming babae doon ang ayaw talaga siyang maging kliyente. Kasi nga pagkatapos niyang gamitin kailangan naming magpa-ospital. May isang kasama ko na na-dislocate pa ang balikat dahil pinilipit niya ang braso. May isang kasama ako na nabali ang ilong kasi sinuntok niya dahil ayaw siyang i-blowjob." Nagpahid ng luha ang babae. "Sir, huwag mo kaming i-judge. Kailangan naming mabuhay. Pero ang katulad ni Karl, dapat lang ang nangyari sa kanya. Kulang pa iyon sa mga ginawa niya sa mga babae na kilala ko. Sa ginawa niya sa akin." Umiiling ito at mababakas ang galit sa mukha. "Tapos, ipinapalabas nila na mabuting tao ang hayop na iyon? Sinungaling ang mga gumagawa noon. Hindi mabuting si Karl Baldomero. Demonyo iyon."
Kinuha ko ang Kleenex na nakapatong sa gilid ng mesa ko at ibinigay sa kanya para magamit niyang pampahid ng luha.
"Ilang babae na, Sir ang dumaan sa kanya. Pero hindi puwedeng hindi niya saktan. Papasok kaming may blackeye. May sugat sa anit. May sakal. Kahit ayaw namin pinipilit niya kami. Ilang beses na namin na sinubukang magsumbong sa pulis pero walang nangyayari. Kasi mayaman sila. Wala kaming magawa. Babayaran lang nila ang mga pulis tapos dismiss na ang kaso."
"Anong alam mo sa nangyari nang gabing iyon?"
Alam kong pilit lang na nagpapakatatag ang babae at tumingin sa akin.
"Ako ang natipuhan niya noon. Lasing na siya at alam ko na nakagamit na rin. Binayaran niya ako ng limang-libo. Pumayag na ako. Kailangan ko ng pera. Ang akala ko sa CR namin gagawin. Sige na lang. Pero lumabas kami. Akala ko sa kotse. Pero hindi. Dinala niya ako sa gilid ng bar. Puro basura. Doon niya kami gustong mag-sex. Ang baboy niya. Lahat ng kababuyan gusto niyang ipagawa sa akin. Ayoko na. Sinasabi ko sa kanya na ayoko pero ayaw niyang huminto. Sininuntok niya ako tapos ay inginudngod niya ang mukha ko sa pader at gumasgas ang mukha ko."
Nakita ko nga ang malaking gasgas sa pisngi niya.
"Nakikiusap ako na huwag na. Ayoko. Pero hindi siya nakikinig. Talagang pinipilit niya ang sarili niya sa akin. Mabuti na lang at may dumating na lalaki at iniligtas ako."
"Lalaki? Sinong lalaki?" Shit. Bago ito.
"Madilim sa area na iyon, Sir pero kapag nakita ko siya makikilala ko talaga. Hinding-hindi ko makakalimutan ang lalaking iyon. Niligtas niya ako. Kung hindi dahil sa kanya baka ako na ang patay na nasa basurahan." Iyak ng iyak ang babae.
"Ano ang naalala mo sa kanya? Sa nagligtas sa iyo?"
"Hinila niya ako palayo kay Karl tapos sabi niya umalis na ako. Hindi na ako lumingon. Tumakbo na lang ako palayo. Hindi ko na alam kung anong nangyari. Pero sigurado ako, iniligtas niya ang buhay ko." Muli ay napahagulgol ito ng iyak .
Napahinga ako ng malalim at napakamot ng ulo. Tumayo ako at tumungo sa pantry namin tapos ay kumuha ng tubig. Pagbalik ko sa cubicle ko ay nakita kong may hawak na litrato ang babae. Tinitingnan niya.
Iyon ang print out ng ID ni Martin Atienza.
"This is evidence. Hindi mo dapat pinapakielaman." Kinuha ko ang print out na iyon.
Nanlalaki ang matang tumingin siya sa akin at sa hawak kong papel.
"Siya iyon, Sir." Seryosong sabi ng babae.
Kumunot ang noo ko. "What?"
Napalunok siya at tumingin sa akin. "Siya ang lalaking nagligtas sa akin."
"Ha?" Inilapag ko sa mesa ang kopya ng ID at ipinakita sa kanya.
"Hindi ako magkakamali. Sigurado ako. Kahit madilim doon hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha niya. Siya," itinuro pa niya ang papel. "Siya ang nagligtas sa akin kay Karl Baldomero." Tapos ay napahagulgol siya ng iyak.
Fuck.
And this was a huge revelation.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top