CHAPTER FORTY-SEVEN (Other boyfriend)

Be strong enough to let go and patient enough to wait for what you deserve.

Elodie's POV

Wala kaming kibuan ni Gabriel habang bumibiyahe. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Napatingin ako sa cellphone kong nakapatong sa dashboard ng kotse niya at gusto ko iyong kunin. Pero para ano? Hindi ko naman makokontak na si Martin dahil nakuha na ng gagong ito ang telepono niya.

Alam kong iniisip niya ang mga sinabi ko and I was so disappointed to myself. Sinisisi ko ang sarili ko at nasabi ko iyon sa kanya. Dahil nalaman kong nahuli niya si Martin kaya bumigay agad ako at umamin ng totoong nangyari. Na sigurado akong hindi magugustuhan ni Martin. Alam kong kung siya ang masusunod, hindi niya gugustuhin na gawin ko ito.

But I cannot let him take the fall for what I did. It all started with me. From the start it was about me. Tumulong lang siya sa akin at dahil doon nadamay pa siya at siya pa ang madidiin sa kasong ito.

"Why did you like him?"

Napatingin ako kay Gabriel at seryoso siyang nagmamaneho. Hindi siya nakatingin sa akin pero alam kong naghihintay siya ng sagot ko.

Hindi ako sumagot at tumingin din ako sa kalsada.

"Martin. Martin Atienza. Iyon ba ang pangalan na ibinigay niya sa iyo? As far as I know napakarami niyang alias. Alin sa mga iyon ang ipinakilala niya sa iyo?" Tanong pa niya.

Umirap lang ako at iniiwas ko ang tingin sa kanya.

"What did he do to you? Paano kayo nagkakilala?"

Hindi pa rin ako sumasagot. Naramdaman kong biglang nag-preno si Gabriel at muntik pa akong masubsob sa dashboard.

"What the hell?" Singhal ko sa kanya.

"Now I got your attention," nakakainis ang ekspresyon ng mukha niya habang nakatingin sa akin. Unti-unti ay pinaandar niya ang sasakyan. "Answer my questions."

"He saved me." Maiksing sagot ko.

"From what?"

"Basta. He saved me."

Napahinga siya ng malalim. "I thought you're going to tell me everything. Pero sa ginagawa mo pinipilit mo lang akong gawin ang dapat kong gawin."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Alin? Ang idiin siya sa kasalanang hindi niya ginawa? Do you even know what kind of monsters those people? Si Pol? Si Karl? Si Jorge? Even their fucking dad? They are all monsters, and they deserve what happened to them. And what will happen to them." Matigas na sagot ko.

"Is that a threat? You're thinking of hurting them?"

Hindi agad ako sumagot. Pilit kong isinasaksak sa utak ko na pulis ang kasama ko. Imbestigador pa at lahat ng sabihin ko ay naa-analyze na niya.

"I am stating a fact. Pulis ka. Siguro naman alam mo ang history ng mga iyon. Wala bang babaeng nagreklamo sa iyo na ginawan ng masama ng mga iyon? Imposible. Tanga na lang kayo kung hindi 'nyo alam."

"Ginawan ka ba nila ng masama? Are you one of their victims?"

Hindi ako sumagot.

"Sabi mo ikaw ang pumatay kay Pol. Kay Karl. What is you motive?"

Hindi pa rin ako sumagot. Nakita kong napailing-iling si Gabriel.

"Look, Evie. I am trying to help you here. I am getting all the details that I can to save your fucking boyfriend. All evidence leads to him. Wala akong magagawa doon. This is nothing personal. Kung gusto kong ilabas ang tarantadong iyon, ginawa ko na. Pinagpipiyestahan na dapat siya ng media. But I didn't do it. Because the witness that came out was telling me that..." hindi masabi ni Gabriel ang pangalan ni Martin. "That asshole saved her."

Tumingin ako sa kanya. "Dahil mabuti siyang tao. Iyon ang ginagawa niya. He is saving helpless people."

Napahinga siya ng malalim at naramdaman kong humawak ang kamay niya sa kamay ko. Mabilis kong inilayo iyon sa kanya at kita ko ang pagkapahiya sa mukha niya.

"He is the bad guy, Evie. Kung alam mo lang ang mga ginawa niya hindi mo siya gugustuhin. He is a killer. How can you be so sure that he is not going to hurt you in the future?" Ramdam ko ang disappointment sa boses ni Gabriel.

"Because that's what he wanted you to see. Him being the bad guy. But he is not. Trust me, Martin is the good guy. If he did kill people, they deserve to die. Or he had a reason to do that. He saves people. He thinks about other people first. He is willing to sacrifice his own happiness for others. He loves unconditionally." Bahagyang nabasag ang boses ko.

Napailing siya. "Fuck him. He manipulated you. Telling you lies. He is good with that. Preying for vulnerable women like you. Evie, masamang tao ang isang iyon. At kung iniligtas man niya ang witness na lumapit sa akin, kailangan pa rin niyang managot sa batas. He killed people."

"Pumapatay ka rin naman 'di ba? Ang kaibahan 'nyo lang may tsapa ka. Lisensiyadong baril ang gamit mo. But what's the difference? Marami pa rin kayong mga masasamang taong hindi nahuhuli. Maraming masasamang tao ang pakalat-kalat dahil hindi kayo tumitingin sa mga totoong masasamang tao."

Inihinto ni Gabriel ang kotse sa isang townhouse at bumaba. Pinagbuksan ako ng pinto at inalalayan na bumaba.

"Don't fucking touch me," lumayo pa ako sa kanya at nauna ng naglakad.

Nang makarating kami sa pinto ay kumatok siya. Pero walang nagbukas. Sinubukan niyang pihitin ang doorknob at narinig ko siyang napamura. Dinukot ang baril niya at itinulak pabukas ang pinto habang nakatutok sa ang baril sa ere.

Natawa ako.

"What's wrong? He escaped 'no?" Nakakalokong sabi ko.

Sinamaan niya ako ng tingin at muli ay itinuon ang pansin sa hawak nab aril.

"Varona!" Tawag niya. Nililingon pa niya ako dahil iniisip niya na tatakbo ako.

"Oh, don't worry. I am not going to run." Tuluyan na akong napahalakhak. Ang galing talaga ni Martin. Natakasan niya ang mga tanga na 'to. Ngayon ay wala na akong dahilan na mag-alala pa.

Naupo ako sa sofa na naroon at nakangiting pinapanood na natataranta si Gabriel. Dumampot pa ako ng magazine at nagbasa-basa. Habang siya ay pumasok sa isang silid tapos maya-maya ay may inaalalayang lalaki palabas. Putok ang mukha ng lalaki. Puno ng dugo. Ang leeg ay namumula gawa ng pagkakasakal ng kung ano. Sigurado akong kagagawan ito ni Martin.

"Ang bilis niya. Naunahan ako." Mahinang sabi nito habang inaalalayan ni Gabriel na maupo sa silya malapit sa akin.

Napahinga ng malalim si Gabriel at masamang tumingin sa akin. Nagkibit lang ako ng balikat. "What?" Inosenteng tanong ko.

"And you still trust Martin? After he did this to a police officer? Mas may dahilan na akong ilabas siya sa media. Don't try to test my fucking patience. Dahil gagawin ko talaga. Kung hindi mabubulok sa kulungan ang syota mo, mamatay naman siya." Galit na sabi nito.

Nawala ang ngiti ko sa labi at umirap.

"I think you're the one who's blackmailing me. Ano pang kailangan mo sa akin dito? Natakasan naman kayo ni Martin. I think I should go back. Home."

Tumawa ng nakakaloko si Gabriel.

"Sa tingin mo magkakaroon kayo ng normal na buhay na dalawa? Araw-araw na kasama mo siya, parang may aninong laging nakasunod sa inyo. You will never have a normal life with him."

"Well, I think I'd like to try." Napahinga ako ng malalim at sumeryoso na. "Look, Gabriel. You need to stop this. Hindi mo naman alam ang totoong nangyari. Huwag mong paniwalaan ang mga sinasabi ko sa iyo kanina. Sinabi ko lang iyon para dalhin mo ako kung nasaan si Martin. And now that he escaped, I think I need to leave too. Kung hindi mo ako paaalisin, magrereklamo ako. Magsasampa ako ng kaso against you. Harassment. I'll tell them that you are forcing me to like you. I have an evidence. Remember what you did in the elevator? I can get a copy of that." Nakataas ang kilay na sabi ko sa kanya.

Ang sama ng tingin sa akin ni Gabriel at gusto kong humalakhak dahil pakiramdam ko ay nanalo na ako.

"You bitch." Mahinang sabi niya.

"Oh," tumawa ako ng nakakainis. "I get that a lot. Just like you. Asshole."

"I am trying to save you." Sagot niya sa akin.

Umiling ako. "You don't need to save me. Someone else did that for me and I am in love with him. I will never love anyone but him."

Kita ko ang paglatay ng pait sa mukha ni Gabriel nang sabihin ko iyon.

Pare-pareho kaming napatingin sa pinto nang biglang bumukas iyon. Nanlalaki ang mata ko sa takot dahil dalawang lalaki ang pumasok. Isang may-edad at isang medyo bata pa. Agad na tumutok ang baril ni Gabriel sa mga ito pero tinutukan din siya ng baril ng lalaki.

"Drop it," kalmadong sabi ng lalaking dumating. Ang mas bata ang nagsabi noon.

Pero hindi gumagalaw si Gabriel. Nanatiling nakatutok ang baril nito sa lalaki. Nagpapatigasan kung sino ang unang magbababa ng baril.

"Pulis ako. Ayokong dumanak ang dugo dito. Ibaba mo ang baril mo." Pilit na nagpapakahinahon si Gabriel.

Tumawa lang ang lalaki. "Ano naman kung pulis ka? Pulis character naman ako." Humalakhak pa ito ng nakakainis at tumingin sa kasamang may-edad na lalaki. "Can I shoot this asshole? His face screams like he is a total asshole." Tonong nagpapaalam ito.

"No shooting." Sagot ng may-edad na lalaki at tumingin kay Gabriel. "Drop your gun, son. We're going to talk." Bumaling ito sa kasama. "Take the girl out. Ako na ang bahala dito."

Nagulat ako nang biglang tumayo ang kasama ni Gabriel doon at biglang dinaluhong ang may edad na lalaki. Pero hindi naman ito natinag. Mabilis nitong nahuli ang lalaki at agad hinawakan sa leeg. Maya-maya lang ay ay wala ng malay ang lalaking naroon.

"Don't worry. He's not dead. He'll live." Kalmado pa ring sabi nito. Pinagpag pa nito ang suot na suit at muling humarap kay Gabriel. "Iho, please. Drop your gun. It's not necessary here. I am the good guy."

"Okay ka na dito, dad?" Tanong ng lalaki na ngayon ay hawak na ako. Nakatutok pa rin ang baril nito kay Gabriel.

Sumenyas ito na tinataboy ang lalaki. "Go. I'll call you. Ako na ang bahala dito." Muli ay tumingin ito kay Gabriel.

Halatang pigil na pigil ang galit ni Gabriel.

"Evie, stay here. Don't go with them. I can't protect you if you go with them." Matigas na sabi niya.

Alanganin din akong tumingin sa lalaking nakahawak ngayon sa akin. Hindi ko nga kilala ang mga ito. Baka tauhan lang ito nila Matthias at nalaman na totoong buhay ako.

Lumapit sa akin ang lalaki at bumulong.

"I am Martin's best friend." Ngumiti pa siya sa akin. "You can trust me."

"Best friend? Ikaw ang magiging asawa ng dating asawa niya?" Paniniguro ko.

Nanlaki ang mata ng lalaki at hitsurang nandidiri na umiling. "No. No! Fuck, no. Yosh is going to kill me if I do that. We'll I am his other best friend." Ngayon ay ngumiti na siya.

"Is Martin okay?" Kumakabog na ang dibdib ko sa kaba.

"Yes. Let's go." Inalalayan na niya akong makalabas pero nilingon ko si Gabriel. Kahit paano ay nag-aalala ako sa kanya dahil baka kung ano ang gawin ng lalaking narito. "Please don't hurt him." Pakiusap ko.

Nakita kong bahagyang lumambot ang hitsura ni Gabriel habang nakatingin sa akin.

Natawa ang may-edad na lalaki. "Hurt? I will not hurt him. We are just going to talk. You have my word." Nakangiti na ngayong tumingin ito sa gawi ni Gabriel.

Pero bakit pakiramdam ko ay huling pagkakataon ko ng makikita ngayon si Gabriel? Parang hindi ako maniwala sa sinasabi ng lalaki. Kahit mukhang mabait ang hitsura ng may-edad na lalaki, ang tingin ko sa kanya ay kayang pumatay ng tao.

"Come on. My father is true to his words. He is not going to hurt your other boyfriend." Saglit itong nag-isip. "But I think, Martin is not going to like if he knew that you're trying to save your other boyfriend." Natatawang sabi ng lalaking nakahawak sa akin. "By the way, I am Declan."

Hindi ko na maintindihan ang ibang mga sinasabi niya. Nakatingin pa rin ako kay Gabriel habang palabas ako ng bahay.

Nang isakay ako sa kotse ng lalaki ay hindi pa rin ako makampante.

I hate what Gabriel did to Martin, but I am not asking for Gabriel's death.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top