CHAPTER FORTY-FIVE (Cracked)

Telling the truth is a beautiful act even if the truth itself is ugly. - Glen Duncan

——————-

Elodie's POV 

            Nasa board meeting kasama si daddy at ilang executives pero hindi ko iniintindi ang dini-discuss doon. Nakatutok ang atensiyon ko sa telepono ko at bumibili ako online ng mga kailangan ko sa lulutuin ko mamaya. I wanted to surprise Martin how I can cook good food. Gusto kong malaman niya na wife material naman ako pagdating sa pagluluto sa kusina.

            Ano kaya ang mga bet niyang kainin? Does he like steak? Salmon? Pork? Napangiwi ako. Huwag ng pork. Huwag na ang taba at masama sa diet iyon. Steak na lang. Nag-search ako ng masarap na steak recipe pero madaling lutuin. Napangiti ako nang makita ko ang Classic French steakau Poivre. Iyon. Madali lang. Mahirap lang bigkasin ang pangalan pero easy to cook naman.

            I ordered an expensive wine. I wanted our first dinner together to be romantic and perfect. Because tonight we are going to plan for our lives. Our new lives together away from the nightmares that we had. Tama naman siya. Us only matters. Our love only matters.

            How about dessert? Ano kaya ang masarap na dessert para kay Martin? Napangiti ako. Chocolate cake. Classic chocolate cake never fails to set the romantic mood. I'll put some fresh strawberries on top para may twist. I am sure he will going love my surprise for him.

            In my mind, I was already visualizing what would happen later. We were going to eat dinner, drink some wine, and I promised to him I am going to give him a massage that he would love to get. And after that...

            Hindi ko na napigil ang hindi mapabungisngis nang maisip ko ang nangyari sa amin noong nakaraan.

            "Evie."

            Napaangat ako ng tingin at napatingin sa tumawag sa akin. Si Daddy iyon at seryosong nakatingin sa akin. Tumingin ako sa ibang mga naroon at nakita kong lahat sila ay nakatingin din sa akin.

            "Yes?" Nagkunwa akong interesado sa pinag-uusapan nila. 

            Alam kong alam ni daddy na hindi ako nakikinig sa discussion. Sumimangot ang mukha niya at napailing.

            "Mr. Bodie here is the representative of the Baldomeros. And he was discussing about the pending partnership of their company with ours. Jorge cannot come, and in his behalf, Mr. Bodie would discuss the terms that they want to propose," seryosong sabi ni daddy sa akin.

            Nakita kong lahat ng mga tao doon ay hinihintay ang sagot ko. Ngayon ko lang naalala na kasama nga pala dapat ang mga Baldomero sa meeting na ito. Pero dahil sa nangyari sa dalawang anak ni Matthias, and thank heavens they were in hell already, representative na lang ang pinapunta dito.

            "If the proposal would benefit us both then I think it's fine with me. Well, it would still depend on the say of the board members." Iyon na lang ang nasabi ko.    

            Alam kong hindi naman nagustuhan ni dad ang isinagot ko pero inalis na niya ang tingin sa akin. Sinenyasan ang representative ni Jorge na mag-discuss at hindi ko rin naman inintindi. Muli akong tumingin sa telepono ko at nagti-text kay Martin. Kung ano-ano lang ang isini-send ko. This meeting was getting me bored. I wanted to run away from this and go home so I could prepare for Martin.

            Pero weird. Hindi na siya nagre-reply. Napahinga ako ng malalim. Sabagay, hindi naman talaga pala-text ang isang iyon. Mas more on tawag siya kaya ibinalik ko sa online purchases ang browser ko. Binayaran ko ang dapat kong bayaran at ipina-deliver ko dito sa opisina ko.

            Marami pang idiniscuss ang representative ng mga Baldomero. At para akong nakahinga ng maluwag nang matapos ito at sinabi ni Dad na tapos na ang meeting na iyon. Agad akong tumayo pero pinigilan niya ako. Hinintay niyang lumabas ang lahat ng mga tao doon at nang kaming dalawa na lang ay tumayo siya at isinara ang pinto.

            "I have to go, Dad." Sabi ko sa kanya.

            "Stay here, we need to talk," seryosong sabi niya.

            Napahinga ako ng malalim. "If this is about this meeting, I am really not in the mood. Ang totoo, I wanted to ditch this. Ayaw ko ngang pumasok ngayon." Katwiran ko sa kanya.

            "What is wrong with you? Hindi ka ganyan. Is there something bothering you, Elodie?"

            Umiling lang ako.

            "I am still disappointed about you letting strangers in your unit. You haven't told who that was."

            Pinigil kong mapangiti.

            "Boyfriend, dad."

            Nakita kong nainis si daddy sa sagot ko.

            "At hindi mo man lang ipakilala sa akin? Kung boyfriend mo 'yan, bastos 'yan. Hindi man lang mag-initiate na makipagkilala sa akin. Hindi katulad ni Gabriel. Marunong rumespeto."

            Napasimangot ako. "Gabriel is working for you kaya puwede ka niyang puntahan kahit kailan niya gusto. Saka hindi kayo nakakasiguro kung totoong ugali ang ipinapakita niya."

            "Iha, you've been gone for how many months. And then you came back asking me to do the impossible which I did because I love you and I truly care for you. And as your father, all I am asking is your honesty. Hanggang ngayon hindi mo pa sinasabi sa akin kung ano talaga ang nangyari sa iyo noong nawala ka. You asked me to make up stories about your new identity, and I did. Lahat ng hilingin mo ginagawa ko para sa iyo. And this one. This is the only one that I am asking. I think as your father, I deserve to know who that man is." Damang-dama ko ang disappointment sa boses ni Daddy.

            Nakaramdam ako ng hiya sa mga sinabi niya. Totoo naman kasi iyon. Talagang blindsided si daddy sa lahat ng nangyari sa akin at sa ginagawa ko.

            Tumayo ako at lumapit sa kanya tapos ay yumakap.

            "Dad, I am sorry if you think that I am betraying you. But trust me, I am not. I think hindi pa ito iyong time para sabihin ko sa iyo ang nangyari sa akin. I don't want to give you a heartbreak. And I don't want to remember it anymore. Right now, I am happy." Napangiti ako habang kita kong nagtatampo siyang nakatingin sa akin. "I am happy that I am in love. I am happy that someone is loving me whatever happened to me. He is accepting everything about me. And it's all that matters."

            "Hindi mo ba alam kung gaano kasakit sa akin ang sinasabi mo? In love ka pero hindi mo kayang i-share sa akin kung sino? Don't you think it's unfair for me, Elodie?"

            "I promise I am going to tell it to you. But soon. Not today. I think he is not yet ready too but trust me, he is a good man. And you will be proud of whatever he did. What he did for me."

            Napailnig lang si Daddy at napahinga ng malalim tapos ay ngumiti ng mapakla.

            "It's not Gabriel?" Disappointed pa rin siya at hindi si Gabriel ang gusto ko.

            "Jesus, I don't like him. Masyadong pakielamero iyon. And you think, magugustuhan pa niya ako kapag nalaman niyang pare-pareho natin siyang niloko?" Natawa ako. "Imagine, he was doing investigation about my death for how many months. Tapos malalaman niyang buhay naman pala talaga ang iniimbestigahan niya. Baka kasuhan pa tayo pareho." Katwiran ko.

            Hindi kumibo si daddy pero alam kong naintindihan niya ang ipinupunto ko doon.

            "I just want everything to be normal, dad." Hindi ko maintindihan kung bakit namuo ang luha ko nang sabihin iyon. "I want my normal life back. And I think, I can have it now. With the man that I love. All I am asking from you is to be happy for me." Tuluyan nang nahulog ang mga luha ko nang sabihin iyon.

            "And I am happy for you, iha. Ako ang unang-unang masaya kung masaya ka. At ako rin ang unang-unang masasaktan kung masasaktan ka."

            "Thank you, dad." Nakangiti na ako ngayon.

            "So, this boyfriend of yours. Mas guwapo ba kay Gabriel?" Tonong nanunukso na siya.

            "Dad, stop rooting for Gabriel. He is not my type. And yes, my boyfriend is good looking and stronger than that police officer."

            Tumawa na si daddy. Pareho kaming napatingin sa pinto dahil bumukas iyon at nagtaka ako nang makita kong naroon si Jorge Baldomero.

            "Jorge? What are you doing here? I thought you cannot make it today kaya nag-proceed na kami ng meeting kanina."

            Hindi ako nakasagot at nakatingin lang ako kay Jorge. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatingin siya sa akin tapos ay ngumiti.

            "I was knocking the whole time but no one's answering. Kaya binuksan ko na. Okay lang naman. I was at the area kaya dumaan na rin ako dito kahit si Mr. Bodie ang nag-represent para sa amin." Sagot niya.

            Kahit ayaw ko siyang ngitian ay napilitan akong gawin iyon. Ayaw kong makahalata siya. Pero sa totoo lang, makita ko palang ang mukha niya ay nanginginig na ako sa takot, sa galit. Lahat ng ginawa niya sa akin ay bumabalik sa isip ko.

            Tumayo si dad at lumapit sa lalaki.

            "I am really sorry for what happened to your brothers. I do hope they get the justice that they need. And I've heard Matthias is in the hospital too. Is he okay now?" Damang-dama ko ang pag-aalala ni daddy.

            Nasa ospital ang matandang iyon? Sana nga ay tuluyan ng hindi makahinga para mabawasan ng isa pang demonyo dito sa lupa.

            Tumango si Jorge. "Yeah, he is getting better. Kaya ako lahat ang nag-aasikaso sa burol ng mga kapatid ko." Muling tumingin sa akin si Jorge. "Even if there is a tragedy in our family, I am still hands-on to our business and I wanted everything to push thru. Our partnership would definitely help our business and I know it would help yours too."

            "Alam ko naman iyon, Jorge and members of the board are going to review your company proposal and I think it will be okay in the end."

            And I cannot stay here anymore. Not if Jorge was around. Pakiramdam ko ay nararamdaman ko pa ang kahayupang ginawa niya sa akin. Mabilis akong nagpaalam sa kanila at halos takbuhin ko ang opisina ko.

            Para lang lalong mainis dahil naroon si Gabriel Silva at nakaupo sa harap ng mesa ko. Tinitingnan pa ang mga grocery items na nai-deliver na nakapatong sa mesa.

            "What the hell are you doing here?" Akma akong lalabas para pagalitan ang sekretarya ko dahil pinapasok niya dito ang lalaking ito.

            "Huwag kang magalit sa sekretarya mo. I am here because of a police business." Sagot niya.

            Asar na ako kay Gabriel, although medyo nabawasan na ng konti dahil sa mga ipinakita niyang effort sa akin, but this time umaapaw na naman ang asar ko sa kanya. Just looking at his face, gusto kong kalmutin dahil nakakainis ang expression ng mukha niya.

            "I don't have any business with you. Si daddy lang may business sa iyo. Not me." Matigas kong sagot at inagaw ko ang mga plastic ng groceries na tinitingnan niya.

            "Are you sure about that?" Ngumisi pa siya ng nakakainis sa akin.

            "Yes, I am sure. Kaya please lang, umalis ka na. Busy ako."

            "Can you please spare me even just five minutes. I just want to show you something," may ipinakita siyang folder sa akin.

            Inirapan ko siya.

            "If that is about Elodie, go tell it to Dad. Kung wala namang bago sa sasabihin mo, get out."

            Hindi siya sumagot. Inilapag lang ang folder na hawak at binuksan iyon. Inilatag ang mga litrato sa mesa ko.

            Biglang kumabog ang dibdib ko nang makita ko kung sino ang nasa litrato.

            Si Martin!

            Litrato ni Martin na naka-upo sa mesa. Wait. Kailan ito? Bakit nakaposas si Martin? Duguan pa ang mukha.

            "This man is a murder suspect. We have a witness that tells us that he was at the crime scene where Karl Baldomero was killed. You don't know him, don't you?" Kaswal na tanong pa niya.

            Napalunok ako at hindi nakasagot. Hindi ko maialis ang tingin sa mga litrato. Naiiyak na ako dahil kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Baka may masama ng nangyari sa boyfriend ko.

            "I-I don't know him. C-Can you please put those pictures away?" Kinapa ko ang telepono sa bulsa ko at sinubukang tawagan ang telepono ni Martin. Pero nagtaka ako nang marinig ko ang ring tone ng telepono nito sa loob ng opisina ko.

            May dinukot sa bulsa niya si Gabriel at ipinakita sa akin ang telepono. Telepono ni Martin.

            "Do I need to answer this?" May nakakalokong ngiti sa labi niya nang sabihin iyon.

            Nanginginig na ang buong katawan ko sa kaba. What the fuck happened? Paanong napunta sa kanya ang telepono ni Martin? I know he was careful. Hindi ito basta-basta mahuhuli. Pero ang mas lalo akong kinabahan ay sa mga puwedeng nalaman ni Gabriel. Does he know about me? About what happened to me?

            Napahinga siya ng malalim at napailing-iling habang lalong inilalatag ang mga litrato.

            "I know you know him, Evie. He was the owner of the bloody shirt that I found in your house. He was there cleaning himself after he killed Karl. Am I right?" Punong-puno ng confidence ang pagsasalita ni Gabriel. Alam kong alam na niyang kinakabahan ako at sira na ang composure ko kaya lalo niya akong inaatake.

            "I-I don't know what you're talking about. I don't know him." Pinilit kong magmukhang matatag sa harap niya.

            Napatango-tango siya at iniligpit ang mga litrato.

            "All right. That's what I need to know. Kung sinasabi mong hindi mo siya kilala, mas maigi. At least, walang masamang taong nakalapit sa iyo. You know I don't want demons to get near to you. Ngayon, mas matibay ang ebidensiya namin sa kanya. What we are going to do is to call for a press conference and tell everyone that we found the murderer of Karl Baldomero. Case closed."

            "No!" I cracked. Naitakip ko ang kamay sa bibig ko. Nagulat din ako sa nasabi ko at nakita kong nagtatanong ang tingin sa akin ni Gabriel. Huli na para mabawi ko ang nasabi ko. Pero hindi ko magagawang hindi tulungan si Martin.

            "Please." Tuluyan na akong napaiyak at umiiling sa kanya. "No. D-don't do that. Please. He is going to die if you do that. People will kill him. Oh my God," tuluyan na akong nawala sa composure. "Please, Gabriel. I'll do everything you want. I'll tell you everything you want. Just don't do that. Don't tell people about Martin."

            Nakita kong lumatay ang galit sa mukha ni Gabriel sa narinig na sinabi ko.

            "The truth, I killed Pol. I killed Karl. Martin has nothing to do with it. Me. I did that. I did everything." Walang patid ang pagtulo ng luha ko. I cannot let Martin fall for this. It started with me and it should end with me.

            "What the hell are you talking about? Evie, do you hear yourself? Damn it. What did this guy do to you? Bina-blackmail ka ba niya kaya ganyan ka na lang katakot? Fuck, tell me what he did, and I'll be the one to kill him." Nanggigigil na sabi niya.

            "You don't understand. Wala siyang kasalanan. Ako. Ako lahat. If you want to get the person who did the killings, it was me. I have all the reason to do that."

            Marahang hinilot ni Gabriel ang ulo niya. Halatang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

            "Evie, please stop it. Kaya lang ako nagpunta dito, at ipinakita sa iyo ang mga litratong ito ay para malaman mong masamang tao ang lalaking pinagkakatiwalaan mo. Alam kong siya ang sinasabi mong boyfriend mo. And you trust this kind of guy? Did you know what he did? He killed so many people. He connived with murderers. Syndicates that destroy people's lives."

            Pinahid ko ang luha ko at tumingin sa kanya tapos ay iniabot ang dalawang kamay ko sa harap niya.

            "Arrest me. I will take the fall. But can we do it without telling my dad? I don't want him to know what happened and what I did."

            Napapailing sa akin si Gabriel pero hinawakan niya ang kamay ko at ibinaba iyon.

            "We will get out of here and you will tell me everything." Seryosong sabi niya.

            "Are you going to promise that you won't tell anyone about Martin?" Gusto kong masiguro na ligtas pa rin si Martin. Hindi puwedeng may mangyaring masama sa kanya.

            Matagal bago sumagot si Gabriel pero maya-maya ay tumango siya.

            "You have my word."

            Napapikit ako at napahinga ng malalim.

            "Okay. I'll go with you."

            Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko habang sinisenyasan ako ni Martin na sumunod sa kanya palabas. Sa isip ko ay bumabalik ang lahat ng nangyari sa akin. I need to tell him every detail that happened to me. And I tried so hard to bury that nightmare.

            But for Martin's safety, I am willing to tell everything.

            I can even give up my life for him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top