CHAPTER FIFTY-FOUR (Fresh start)

The life in front of you is far more important than the life behind you. - Joel Osteen

Martin's POV

Hindi ako makagalaw sa pagkakaupo ko habang nanlalaki ang mata na nakatingin sa taong nakatali sa silya.

Imposible ito. She died. Her father told everyone that she died. I kept on coming to her grave. Bringing her flowers. Talking to her grave like I was crazy person. Kaya ano ito? Did someone was trying to play a prank on me? Made a mask that will looked like Elodie's face?

But her smile. The way she was looking at me. She really looked like her. Her face looks so real.

"You can untie me now." Nakangiti pang sabi niya. Hindi man lang kakikitaan ng takot ang mukha. Ang mata niya ay masaya habang nakatingin sa akin.

Umiiling lang ako habang nanatiling nakatitig sa kanya.

"You're dead." Ipinikit ko ang mata at bumilang ng sampung beses. Sigurado ako pagmulat ko ng mata ay wala na ito dito. Malamang epekto lang ito ng ilang araw na wala akong tulog. Nagha-hallucinate na ako.

Pero nang imulat ko ang mata ko ay nanatiling naroon ang babae. Ngayon ay nakataas na ang kilay sa akin.

"Pagod na ako. Kanina pa ako nakatali dito." Sabi pa niya.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at sinubukang pindutin ang binti niya. And it felt real. Sunod kong pinindot ang braso niya. It felt real too. Nakita kong natatawa siyang nakatingin sa akin dahil sa ginagawa ko. Huminga ako ng malalim. I am sure this was one of Declan's pranks. Malamang si Mia lang ito at nakasuot ng fake mask para i-goodtime ako. Pinisil ko ang pisngi niya at sinubukang hilahin iyon.

"Ouch! What the fuck, Martin?!" Malakas na sigaw ng babae. Halatang nasaktan sa ginawa ko.

And her face felt real. Hindi maskara. Humihingal ako sa kaba habang nakatitig sa kanya.

"Elodie?" Naitakip ko ang kamay sa bibig ko at hindi pa rin makapaniwala sa nakikita ko.

"Yes, it's me. Jesus. Ouch. Do you really have to do that?" Asar na sabi niya sa akin.

"B-but... how... you're dead." Nagkakandabulol na ako.

Umirap siya sa akin. "Bakit? Ikaw lang ba ang puwedeng mamatay at muling mabuhay?"

Hindi pa rin ako makapaniwala. "How?"

Napahinga siya ng malalim. "I don't know what happened. Nagising na lang ako na nandoon ako sa clinic na pinagdalhan mo sa akin dati. Remember Doc Mervin? He was the one fixed me. Again." Natawa siya. Pero sa pagkakataong iyon ay namumuo na ang luha sa mga mata niya. "I knew I was dying. And I was willing to give up just to see you live. After what happened to me, many people died and suffered. I guess my death will end everything." Tuluyan nang nahulog ang mga luha niya.

"Someone helped me. To recover. To pick up the pieces again. He said, if I wanted to have a new life, I needed to stay dead. He could help me with my new identity, but the downside was people I love should know that I am dead. My dad. You. That's for my safety." Napakagat-labi siya habang nakatingin sa akin. "It was hard, Martin. Recovering and seeing you and my dad crying over my death. But he said, that's for the better. He said I can come out when everything is clear. When there will be no threats anymore."

Hindi ko alam na namumuo na ang luha sa mga mata ko at mabilis kong pinahid iyon nang tumulo sa pisngi ko.

"Who? Who helped you?" Basag ang boses ko nang tanungin iyon.

Saglit siyang nag-isip. "Someone named Ghost. I don't know him. But I remembered he was there when he helped me escape from Gabriel. He knew everything about me. About you. About anything. I was so scared of him."

Napapailing ako at sa isip ko ay minumura ko si Ghost. God damn Ghost. He knew that Elodie was alive, but he kept it from me for months. He let me live in agony. He left me sulk in that house torturing people thinking that I'll be alone for the rest of my life.

But I knew, just like before, Ghost has plans. And every time, those plans would be for the best.

"Tinanong ko sila kung paanong nangyari na bigla akong naka-survive. Sabi ni Doc Mervin, Ghost knew what happened and he took me out from the scene. Hindi daw puwedeng malaman ni Matthias na buhay pa ako dahil gagawin noon ang lahat para mawala ako. I was the reason his boys were dead. And he was still on the loose kaya hindi pa rin ako ligtas. But I guess, they got him. Kasi kahapon, inihatid ako ni Ghost dito. Sabi niya, maghintay lang daw ako." Patuloy ang pagluha ni Elodie habang nakatingin sa akin.

There were so many things happened in my life. Extra ordinary. Impossible things. But this one, was the best thing that happened. Seeing her alive in front of me. Hindi ko na kailangang malaman ang detalye kung paano siya naka-survive sa shooting na iyon. Siya lang ang importante sa akin.

"Baka gusto mo na akong pakawalan dito? Kanina pa ako nangangalay. I am not going to do a stunt like this again."

"Shit." Mabilis akong lumapit sa kanya at kinalag ang pagkakatali niya. "Paano mo naitali ang sarili mo ng ganito?" Ang hirap nito kalagin. Kailangan ko pang gamitan ng kutsilyo para maputol ang tali na ginamit sa kanya.

"Someone helped me too. Well, actually it was his idea. Sabi niya mas bonggang come back daw kung medyo may thrill. He was here hours ago. Sinamahan niya ako habang naghihintay sa iyo." Napangiwi pa si Elodie habang hinihilot ang mga braso.

"He?" Sino na naman kaya?

Saglit siyang nag-isip. "Your best friend. Wait, he specifically said, new best friend. Huwag na huwag daw mawawala ang new."

Mahina akong napamura. Gusto kong tawagan si Declan at pagmumurahin talaga. Silang mag-ama. Ilang buwan nila ako pinabayaang malunod sa kalungkutan dahil akala ko ay wala na si Elodie.

"Gago talaga. I am going to kill that son of a-"

Pero bago ko pa maituloy ang sasabihin ko ay mabilis na lumapit sa akin si Elodie at hinalikan ako ng mariin sa labi.

And her kiss melted everything. I always dreamt of tasting her lips again. Feeling the warmth of her body. I automatically embraced her and kissed her hungrily. I wanted to make sure that she was really here, and this was not a god damn crazy dream.

"I missed you. So much," umiiyak na sabi niya habang nanatiling nakalapat ang labi sa labi ko. Tapos ay isinubsob ang mukha sa balikat ko at humagulgol ng iyak. "I missed you." Paulit-ulit na sabi niya.

Napapikit lang ako at mahigpit siyang niyakap. Kahit habambuhay kaming ganito na lang. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan naming dalawa, hindi ko na yata kaya pa kung may susunod pang problema. All I wanted right now was a quiet life. To start over with her.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nakatayo lang at magkayakap ni Elodie. Tahimik lang siyang umiiyak. Until now I can't believe that I was hugging her. This was like a miracle and I couldn't believe that a devil like me could have another chance of starting over like this with an angel.

"Do you want to live here?" She murmured while her face still buried on my chest.

"This house is not mine." I kissed her forehead.

Bahagyang lumayo si Elodie at nakakunot ang noong tumingin sa akin.

"Not yours? Pero may ipinakitang title si Declan sa akin. Named after you." Napangiti siya. "Wedding gift daw ni Ghost."

Natawa ako. "Don't believe that asshole. Puro kagaguhan ang alam ng isang iyon."

"No. Believe it." Seryosong sabi niya at hinila ang kamay ko papunta sa sala ng bahay. Sa ilalim ng center table ay may kinuha siyang folder at ibinigay sa akin. "Look at that. This house is yours."

Naiiling na nakangiti na kinuha ko ang folder at tiningnan. Unti-unting nawawala ang ngiti sa labi ko nang makitang totoo ang sinasabi niya. The house was under my name.

"Sabi niya, wedding gift for you. For being one of his loyal man. What do you do for him?" Tanong pa niya.

Natatawa akong isinara ang folder at umiling. "You don't want to know."

Tumaas ang kilay niya. "I'll be your wife, so I guess I deserve to know what you do."

"You know what I'm good at." Kumindat pa ako sa kanya.

"Killing?" Paniniguro niya.

Ngumiti ako ng pilyo. "Besides killing."

Nakita kong kumislap ang mata ni Elodie. "Action in bed?"

Napahalakhak na ako ng malakas at hinila siya para makaupo kami sa sofa. Kumandong siya sa akin paharap at marahang hinahaplos ang mukha ko.

"Do you want to settle here? I asked you if you want to go to Mexico. Hindi ko alam na sa local Mexico mo pala ako ititira." Nakangiting sabi niya.

"This is not my plan. Actually, you, everything that is happening right now is not my plan."

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Elodie habang nakatitig sa akin.

"Me too. I thought I'll never see you again." Inilapit niya ang mukha sa mukha ko at hinalikan ako sa labi. "Kung dito tayo titira to start over, it's okay with me. I think the neighborhood is nice. Walang nakakakilala sa atin. Wala ng manggugulo. Wala ng..."

"Wala ba kayong patis dito?"

Mabilis na umalis sa kandungan ko si Elodie at maging ako ay naging alerto nang lumingon. Mahina akong napamura nang makita kong si Declan ang nakatayo sa may pinto ng kusina. May hawak na bote ng suka at toyo.

"Patis. Kailangan ko ng patis. Walang sawsawan ang sinigang na kinakain ko." Walang anuman na sabi nito.

"Fuck you. What are you doing here? I thought kasama ka ni Stacey?" Sagot ko sa kanya.

Ngising-aso ang isinagot niya sa akin. "Ah. About that. I lied. Ayoko munang umuwi kasi siguradong lumilipad na tsinelas ang isasalubong sa akin noon. Hanggang ngayon hindi pa ako nakakakita ng saging na kulay blue."

Dinampot ko ang isang throw pillow na nakuha ko at ibinato ko sa kanya. Mabilis naman siyang nakaiwas.

Gusto ko ng sugurin si Declan at bugbugin dahil feeling ko ginagago ako ng isang ito. Pero nang makita kong natatawa lang sa isang gilid si Elodie ay kinalma ko ang sarili ko.

"Ano na? Wala kayong patis dito sa bahay 'nyo? Ano? Ako na naman ang magiging official na taga-pamalengke mo? Abuso ka na." Kunwa ay sumimangot pa ito.

Naiiling na tumingin ako kay Elodie at hinawakan ang kamay niya. Bumalik sa kusina si Declan habang walang tigil ng kaka-monologue dahil walang makitang patis. Kung ano ang mga ginawa niya para lang maging maayos ang bahay na ito. Kung paanong tumulong siya na maging maayos si Elodie. Iniwan namin siya at umakyat kami sa itaas. Pinasok namin ang unang kuwartong nakita namin.

"Finally. Only us." Natatawang sabi ko.

"I like your friend. He is nice. Funny." Nakangiting sabi niya.

"Funny? Buwisit kamo." Reklamo ko.

Napabungisngis si Elodie tapos ay yumakap sa akin. "Are we going to settle here?"

"If you want. If you want somewhere else, it's also fine with me." Hinila ko siya palapit sa kama.

"I like it here."

"All right. Then let's start building our family here."

Napatili siya nang hilahin ko sa kama at italukbong ang comforter sa aming dalawa.

I kissed her passionately. I traced my hands on the curves of her body. I was trying to process everything that happened. But what matters right now was only her. Elodie being alive and with me.

And finally, we could start our new lives together.

To our fresh start.

- END

-------------------------------

And we've reached the end of their story. Thank you so much for being with me following Martin and Elodie's roller coaster story. God bless and stay in love everyone.

- HM

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top