CHAPTER FIFTEEN (Changes)
Any change, even a change for the better, is always accompanied by discomforts. - Albert Bennett
---------------------
Martin's POV
Maagang-maaga ako bumiyahe pa-Maynila kanina. Alas-kuwatro pa lang ng madaling araw ay nasa kalsada na ako. Kukunin ko lang ang ilang mga gamit na kailangan ni Elodie para sa gun training niya. Napailing ako habang nakatutok ang mata sa kalsada tapos ay tinapunan ng tingin mula sa rear view mirror ang bag na nasa backseat. Punong-puno ng mga baril iyon. Iba't-ibang klase. During a month of training, she was always blabbing that she wanted to learn how to use a gun. Paulit-ulit at nakukulitan na ako. Ang iilan na dala ko nang magpunta ako sa bahay nila ay kulang na kulang para sa mga ituturo ko sa kanya.
Napahinga ako ng malalim at itinuon ang atensyon sa pagmamaneho. Pabiyahe na ako pabalik ng Tarlac. Another hour at darating na ako sa bahay nila. Tumingin ako sa relo. Past lunch na. Masarap kaya ang pagkain na daratnan ko? I am freaking starving.
Natawa ako sa naisip kong iyon. Food was okay in that house. Sulit ang pagkain dahil masarap magluto ang matandang katiwala doon. The place was okay too. Nakaka-relax ang paligid na puro puno at sariwang hangin ang masisinghot. Bagay na bagay sa katulad ni Elodie na nagpapagaling pa dahil sa masamang nangyari sa kanya.
Nagtagis ang bagang ko. Nagpapagaling? I don't think so. I knew there was something going on inside her head. Walang normal na tao ang basta na lang kakalimutan ang isang bangungot na nangyari sa kanya. I've been to hell years ago and I had a hard time coping up with it. I had to distract myself just to accept the fate of whar happened to me. Pero kay Elodie, ilang buwan lang ang nakalipas nang mangyari iyon sa kanya pero para na siyang okay na okay.
Physicaly she was perfect right now. Completely different from the woman that almost died in my arms. She changed everything about her. Pati ang mga kilos ay nagbago rin sa kanya. Kahit isang buwan na kaming magkasama ng babae at babad kami sa training, hindi naman kami nag-uusap kung hindi tungkol sa training iyon. Kapag mag-uumpisa kami araw-araw, wala siyang imik na susunod sa mga sinasabi ko. Tinatanggap niya ang lahat ng hirap. Hindi siya nagrereklamo kahit nasasaktan siya. Nakaka-takot ang determinasyon na nakikita ko sa kanya.
Sa tindi ng mga strenuous activities na ibinibigay ko sa kanya araw-araw, dapat naggi-give up na siya. Two-hour run every morning. Krav Maga training and other hand combat. Those trainings na talagang isinusumpa namin sa agency. At talagang sinasadya ko naman iyon para mapagod siya at mahirapan tapos ay hilingin niya sa tatay niya na umalis na lang siya dito at manirahan na sa ibang bansa para makapagsimula ng bagong buhay. That was in my thoughts for quite some time para mawala na rin ang pag-aalala ko na malalaman nila Matthias na buhay pa siya. And most people who endured a tragic situation like her would end up doing that. Magpapakalayo at magsisimula ng bagong buhay.
Just like me. That's what I did the past years. Kinalimutan ko ang lahat. Although hindi ako lumayo sa magulo at delikadong mundo na nakasanayan ko pero ang pamilya ko, kaibigan, ang lahat ng tungkol sa nakaraan ko ay pinilit kong kalimutan at talikuran.
Pero siguro nga, iba-iba ang take ng mga tao sa mga masasamang nangyari sa buhay. But I am having a hard time cracking her. Kung ano ang plano niya. Kung ano ang naglalaro sa isipan niya.
Basta ang alam ko, may pina-plano si Elodie and I am sure it was going to be a fucked up one.
Bumusina ako para buksan nila ang gate ng bahay. Hindi naman nagtagal at may nagbukas na noon. Ipinarada ko ang kotse at kinuha ang bag na nasa backseat tapos ay tumuloy ako sa silid na tinutuluyan ko. Elodie was very vocal that she wanted to know how to use a gun kaya pagbibigyan ko na siya ngayon. Binuksan ko ang bag at inilabas ko doon ang iba't ibang uri ng mga handguns. Mayroon din akong sniper gun doon na kahit alam kong hindi naman niya kailangang malaman ay ipapa-experience ko na rin sa kanya. Her father was paying me well kaya bakit hindi ko ibigay ang request ng unica hija ni Cesar Valderama.
Nang mai-ayos ko ang mga gamit ay lumabas ako at hinanap si Elodie. Dumiretso ako sa training room namin at nakakarinig ako nang nag-uusap. Nanatili akong nakatayo sa pinto dahil seryosong nag-uusap si Elodie at ang tatay niya. Kung may maganda mang nangyari sa sinapit ni Elodie, iyon ay naging close sila ng tatay niya.
"Evie, ganda! Nakuha ko na ang mga- ay kabayong mola!"
Nagulat ako nang biglang may bumangga sa likuran ko. Hindi ako handa kaya na-off balance ako at napatumba sa semento. Kasunod ko ang isang lalaki na nakilala kong tinatawag ni Elodie na Samantha. Pareho kaming natumba pero alam kong gustong-gusto naman ng lalaki na napasubsob siya sa akin at halatang yumakap pa sa katawan ko. Inis akong lumayo dito at mabilis na tumayo.
"Natapilok kasi ako. May matambok na puwet kasi akong nakita kaya nataranta ako," alam kong kabaligtaran ng nagpapaawang mukha ni Samantha ang nasa isip. Alam ko naman na sinadya naman na banggain ako.
Nakita kong sumimangot ang mukha ni Cesar nang makita ang hitsura ng lalaki. Agad na nagsesermon. Pamangkin pala niya ito. Napailing ako at natawa dahil tingin ko ay kung hindi aatakehin sa puso si Cesar, masusuntok nito si Samantha kaya ako na ang gumawa ng paraan para makaalis kami dito.
"Mr. Valderama. Can I have a word?"
Napapailing na tumingin sa akin si Cesar at kahit alam kong ayaw pang umalis doon ay napipilitang sumunod sa akin.
Dumiretso kami sa likod ng bahay at puwesto kami malapit sa swimming pool. Okay naman dito. Mapresko at mas makakapag-usap kami ng maayos.
"Kakarating mo lang ba?" Tanong niya sa akin. Nagpakuha siya ng pagkain sa katiwala para sa aming dalawa.
"Sumaglit lang ako sa Maynila. May mga kinuha akong gamit." Tanging sagot ko.
"It's been a month that you're training her, Martin. Did she tell you what happened to her?" Damang-dama ko pa rin ang pag-aalala sa boses ni Cesar.
Umiling ako. "Lagi kaming magkasama ng anak mo pero wala siyang binabanggit sa akin na kahit na ano."
"I've given her a new identity just like what she requested. Nakipagkita ako sa taong sinabi mo." Alam kong hindi masaya si Cesar sa ginawa niya tapos ay naihilamos pa nito ang kamay sa mukha. "My daughter wanted the world to know that she died. That's something. Sigurado ako na may nangyari sa kanya."
Hindi ako sumagot at napatingin ako sa katiwala na nagdala ng pagkain sa amin doon.
"Let's just respect whatever decision she have to do with her life. Maybe she thinks changing her identity would be the best for her." Sagot ko. And that move would be best for me too. Mawawalan na ako ng intindihin na malalaman nila Matthias at ng mga demonyong anak nito na buhay pa si Elodie.
Tumango-tango si Cesar. "Yeah. I already announced that Elodie died." Ngumiti ito ng mapakla. "This is really fucked up Martin, but would you believe that I am enjoying this?"
Hindi ako sumagot at nanatiling nakikinig sa kanya.
"This fucked up situation was the best thing that happened because I already have my daughter. She came home to me. She is treating me like I matter in her life. That I am her father, and she is letting me become a father to her." Namumuo pa ang luha sa mga mata niya nang sabihin iyon.
"Kaya nga pabayaan na lang natin ito. Kung ano man ang desisyon na gawin ni Elodie, i-respeto natin." Sagot ko.
"She doesn't want to be called Elodie anymore. She didn't tell you that she wanted to be called Evie? Evie Marie?"
Hindi ako nakasagot at pumako ang mata ko sa babaeng dumaan sa gilid namin ni Cesar. Nakasunod ang mata ko sa babaeng nakasuot ng white two-piece bikini at umiindayog ang katawan papunta sa swimming pool.
Pakiramdam ko ay nanuyot ang lalamunan ko habang nakatingin kay Elodie na nakatalikod na ngayon sa amin. Hubog na hubog ang katawan nito at nagmamalaki ang magandang hubog ng baywang at balakang. Lalo nang parang hinagod ng sandpaper ang lalamunan ko nang tumayo siya sa gilid ng pool at nag-stretching doon. Her God damn boobs were trying to let go from her tiny bikini top and I felt something was trying to get off inside my pants.
"Martin."
Noon ako parang natauhan at napatingin ako kay Cesar. Taka siyang nakatingin sa akin kaya napilitan akong ngumiti sa kanya tapos ay dinampot ko ang orange juice na naroon. Punong-puno iyon ng yelo pero talagang inubos ko ang laman. Pakiramdam ko ay uhaw na uhaw ako kaya kahit sumakit ang ulo ko dahil sa sobrang lamig ng ininom ko ay tiniis ko. I'd rather fucked my brains from brain freeze than stare at Elodie that was almost naked in front of me.
"Okay ka lang?" Nagtatakang tanong pa niya.
Napa-ehem ako at bahagyang bumuga ng hangin. Hinawakan ko pa ang kuwelyo ng suot kong polo at niluwagan iyon sa bandang lalamunan. Uhaw pa rin ang pakiramdam ko.
"Gutom na ako. Hindi kasi ako nag-lunch bago dumiretso dito," pagsisinungaling ko. "Kain tayo," ako na ang nagsabi noon kay Cesar. Kailangan kong ibaling sa iba ang atensyon ko dahil baka mapukpok lang ako ni Cesar kung mahahalata niyang ang mata ko ay nakapako sa katawan ng anak niya.
"Thank you for taking care of my daughter. You know, sa sobrang dami kong trabaho sa Maynila minsan na lang ako makapunta dito. Saka ayaw ko din naman na samantalahin na maayos na kami ni Elo- Evie." Sabi pa ni Cesar habang nagsasalin ng pagkain sa plato niya.
Ako naman ay nagsalin ng soup sa tasa at kahit ayaw ko ng tumingin sa gawin ni Elodie ay hindi ko magawa. Nahiga siya sa plastic beach bed na naroon at talagang ibinabandera ang katawan. Itinaas pa niya ang isang paa at bahagyang ibinuka ang mga hita. Her bikini was white and made of thin cloth. And fucking God knows I could see her freaking camel toe underneath that tiny cloth.
Wala sa loob na kumutsura ako ng soup at naibuga ko rin iyon sa sobrang init. Shit. Nagpaltos yata ang ngala-ngala at dila ko sa sobrang init ng sabaw.
"Ano ba ang nangyayari sa iyo?" Natatawa na ngayon si Cesar habang inaabutan ako ng table napkin. "Are you distracted?"
Distracted? Fuck yeah. Because your daughter was showing her fucking camel toe to the world!
Pinahid ko na lang ang bibig ko at inilayo na ang soup sa akin. Wala na akong gana kumain. 'Tangina. Ang nakahain sa swimming pool ang nakakabusog na at nakakasakit pa ng puson.
Sa totoo lang, gusto ko ng iwanan si Cesar dito dahil ang sikip-sikip na ng pantalon ko. Gusto kong ayusin ang nasa loob ng boxers ko at pakalmahin. Ganito ba ang epekto dahil ilang buwan na akong walang sex? Kaya makakita lang ako ng babaeng naka-two-piece ay ganito na ang nararamdaman ko? My cock wanted to let go from my boxers. I am used of seeing Elodie wearing a tight workout outfit every single day. Pero wala namang kaso sa akin. Pero ngayon. Ibang-iba kasi ang hitsura niya sa suot na skimpy swim wear kaya hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya.
Look away, Ted. Look the fuck away. Kaharap mo ang tatay ni Elodie. Baka nakaligtas ka nga kay Matthias, si Valderama naman ang papatay sa iyo dahil pinapapak mo na sa utak mo ang anak niya.
And I needed to get away from this. I can't stay here while Elodie was showing her almost naked body. Baka hindi na ako makapag-timpi.
Nagpaalam ako saglit kay Cesar na may tatawagan lang at nagmamadali akong umalis doon. I needed to distract myself dahil baka matagpuan ko na lang ang sarili kong sinusunod ang payo ni Declan na magkulong na lang ng banyo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top