CHAPTER EIGHTEEN (Stop thinking about me)
"There is no perfect in love; but perfect love casts out fear."
——————————-
Elodie's POV
"Fuck that fucking prank. Your fucking boob is out."
Damang-dama ko ang galit ni Martin nang talikuran kami. Pero hindi nakaligtas sa akin ang sinabi niya kaya agad akong napatingin sa dibdib ko. Oh my God! My right boob was peeking out! Agad kong tinakpan iyon ng kamay habang sinusundan ng tingin ang galit na galit na lalaki.
"Nagalit. Napikon sa joke mo," bulong ni Samantha sa akin habang nakasunod din siya ng tingin sa papalayong lalaki.
"It was supposed to be funny. Saka ako pa nga ang nasaktan. He was hitting my chest," marahan ko pang hinilot-hilot ang dibdib ko na dinidiinan ni Martin kanina.
"Gaga. Siyempre CPR 'yon kasi akala niya nalunod ka. Tapos nag-" hindi naituloy ni Samantha ang sasabihin tapos ay napangiti ng nakakaloko. "Nag-mouth-to-mouth kayo! Leche ka! Hinalikan ka ni Martin!" Hinampas pa ako sa braso ng pinsan ko.
"Aray!" Tiningnan ko siya ng masama at tiningnan ang dinaanan ng lalaki kahit wala na ito doon. Tapos ay wala sa loob na sinalat ko ang labi ko. Oo nga. Nag-mouth-to-mouth kami kanina. Wala naman akong naramdamang malisya sa ginawa ni Martin. Talagang gusto lang akong iligtas pero iba ang pakiramdam noon sa sarili ko.
Hindi ako nandidiri. Sa katunayan, gusto ko ang pakiramdam ng labi niya sa labi ko.
Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko para maialis ang alaalang iyon sa isip ko. No. Katulad lang din si Martin ng mga lalaking bumaboy sa akin. Lahat ng lalaki ganoon. Lahat sila baboy. Lahat sila walanghiya. Iisang tao lang ang lalaking hindi ganoon at iyon ang nagligtas sa akin.
"Pero tingin ko mukhang napikon talaga siya." Komento pa ni Samantha.
Napahinga ako ng malalim at napakamot ng ulo. "Tingin mo dapat mag-sorry ako?" Tumingin pa ako sa pinsan ko.
"Tingin ko. Kasi mukhang hindi naman din siya nagbibiro kanina. Talagang natataranta siya na nalunod ka. Genuine naman 'yong nakita kong pag-aalala sa kanya kanina."
Hindi ako nakakibo. Sabagay iyon din naman ang naramdaman ko. Saka ang weird. Nang nakatingin sa akin kanina si Martin habang inililigtas niya ako, pakiramdam ko ay nangyari na iyon. Parang ganoon din ang nangyari nang may makakita sa akin noong itinapon ako. I know it was the man who saved me. Ang ipinagtataka ko lang bakit hindi man lang inalam ng kung sino man na iyon kung nakaligtas ako.
"Mag-sorry ka na. Baka bigla pang mag-resign iyon. Siya pa naman ang dahilan kaya ako gumigising ng maaga. 'Di ba? Diyos ko, araw-araw pandesal ang nakahain sa harap ko. Mag-stretching ng naka-shorts lang tapos nagmumura ang mga ukit-ukit na pandesal sa tiyan. Juskolord. Bakit ba kasi hindi ako binigyan ng matres at kipay." Napapadyak pa sa frustration si Samantha.
Inirapan ko siya. "Talagang pantasya mo si Martin 'no?"
"Aba, kahit sino pagpapantasyahan ang lalaking iyon. Nakita mo naman 'di ba? Guwapong-guwapo. Ang ganda ng height. Ang ganda ng built ng katawan. Walang taba. Malaki ang paa," kinilig pa si Samantha ng sabihin iyo at muli akong hinampas sa balikat.
"Isa pang hampas mo sa akin lulunurin na talaga kita," banta ko sa kanya.
Ngumuso siya sa akin at bahagyang lumayo.
"Mag-sorry ka na. Sabihin mo lang naman, Papa Martin, sorry at na-prank kita. Pero masarap ka naman mag-mouth-to-mouth. Puwede ba nating ulitin?" Sabi ni Samantha. "Tapos kapag nagalit siya at ayaw niya, sabihin mo ako na lang ang substitute na makikipag-mouth-to-mouth. Walang tigil."
"Landi mo. Sige na nga." Napapailing na iniwan ko si Samantha at lumakad papunta sa kuwarto na tinutuluyan ni Martin. Nakatayo lang ako doon pero hindi ko magawang kumatok. Napakamot ako ng ulo at pumasok muna ako sa bahay. Dumiretso ako sa kuwarto ko at nag-shower. Well, I have to look decent in front of him. Alam kong kanina pa siya naiinis sa akin dahil sa hitsura ko at pinaggagawa ko. Tapos nakita pa niyang nakalabas ang isang boob ko kanina. Napapikit ako habang nakatapat ang katawan sa shower. Nakakahiya. Pero naisip ko, dapat lang na panindigan ko ang ginawa ko. Hindi ako puwedeng mapahiya sa Martin na iyon.
Nagsuot ako ng disenteng shorts at fitted tee. Siniguro kong maayos na ang hitsura ko kapag humarap ako kay Martin. A simple sorry would be okay. Kapag hindi pa niya tinanggap, buwisit siya, ipapa-sisante ko siya kay Daddy.
Lumakad ako papunta sa kuwarto niya. Ilang beses pa akong huminga ng malalim bago kumatok.
Napapa-rolyo ang mata ko dahil wala akong naririnig na sagot sa mga katok ko. Mukhang magpapakipot pa ang lalaking ito at hindi pa ako kakausapin.
"Martin," tawag ko at nilakasan ko na ang pagkatok sa pinto ng silid niya.
Pero wala pa ring sagot. Sinubukan kong pihitin ang doorknob at pumihit naman iyon. Hindi naka-lock.
"Martin," muli ay tawag ko habang marahang itinulak pabukas ang pinto ng silid. Sumilip ako. Tahimik. Mukhang walang tao.
"Martin?" Ngayon ay pumasok na ako. Tumingin ako sa paligid ng silid niya. One-month na siya dito pero ngayon ko lang napasok ang silid na ito. OC kaya siya? Sobrang organized ng kuwarto niya. Ang mga gamit niya ay nakasalansan sa isang lugar. Walang masyadong gamit kundi ang dalawang duffle bag na nasa isang sulok. May nakapatong na mga folders at notebooks sa mesa na naroon na ayos na ayos. Ang mga sapatos ay nakahilera sa isang gilid. Nilapitan ko at napangiti ako. Ang laki talaga ng paa niya. Napatingin ako sa kama at naroon ang isang pares ng sapatos at baril.
Nasaan kaya ang lalaking iyon? "Martin."
Napatingin ako sa banyo at nakarinig ako ng lumalagaslas na tubig. Napa-oh ako. Baka naliligo. Okay. Bad timing. Lalabas na lang ako at babalik mamaya.
Pero nakarinig ako ng bahagyang ungol na nanggagaling sa banyo. Kunot-noong tumingin doon.
"Martin," tawag ko at lumapit doon. Hindi naman nakasara ang pinto. Sa katunayan, bahagya nga iyong nakaawang. May umuungol talaga. Hindi kaya may nangyari sa lalaking iyon? Baka nadulas tapos nabagok ang kasi sobrang badtrip niya sa akin kanina. Hala. Baka may mangyaring masama sa lalaking iyon at ako pa ang masisi tapos multuhin pa niya ako.
Naglakas loob na akong itulak ang pinto ng banyo niya.
Umuusok ang buong banyo dahil sa steam na nanggagaling sa hot water ng shower. Nakatayo sa tapat noon si Martin at walang kahit na anong suot. Napatitig ang mata ko sa katawan niya at automatic na bumaba ang tingin sa hawak niya.
Umuungol pa rin siya habang wala siyang tigil sa paghawak sa nasa pagitan ng hita niya. At narinig ko ang pangalan na binanggit niya.
"Elodie..."
Napa-hingal ako at naitakip ko ang kamay sa bibig sa sobrang kabiglaan. Noon biglang tumingin sa gawi ko si Martin.
"Shit!"
Mabilis na hinablot ni Martin ang tuwalya na nakasabit sa isang gilid at itinapi sa katawan niya. Ako? Hindi ako nakagalaw sa sobrang kabiglaan sa nakita ko. I should run. I should get away from here because of what he was doing. Nakakadiri ang ganitong bagay. Naalala ko lang ang kababuyang ginawa sa akin ng mga lalaking iyon.
"E-Elodie," halatang natataranta ang boses ni Martin at hindi malaman kung itutulak ako palabas o tatalilis siya ng alis dito.
"I-I..." ano nga bang sasabihin ko? Napatingin ako sa kanya at nakatingin pa rin siya sa akin. Hindi ko magawang salubungin ang tingin niya. "I-I didn't see anything," pagkasabi noon ay patakbo akong lumabas ng silid at dumiretso sa kuwarto ko. Dumapa ako sa kama at isinubsob ang mukha ko sa unan.
Nakakahiya!
Kung bakit naman kasi pumasok pa ako sa kuwartong iyon? Gaga kasi si Samantha. Bakit kasi nakikinig ako sa baklang iyon?
Ramdam kong nanginginig ang katawan ko. Nag-iinit ang mukha ko.
He was just showering.
Iyon ang pilit kong isinasaksak sa utak ko. Nagsa-shower lang si Martin. Peron kitang-kita ko na hawak niya ang pagkalalaki niya at may ginagawa siya doon.
Ano naman kung may ginagawa siya sa sarili niya? That was his alone time. Ikaw ang nag-invade ng privacy niya.
But I thought he had an accident. He was groaning. I thought he was in pain.
Muli ay isinubsob ko ang mukha ko sa unan. Para na akong baliw. Nakikipagsagutan na ako sa sarili ko.
Nagulat ako nang makarinig ako ng katok sa pinto.
"Elodie."
Shit. Si Martin.
"Open this please."
Teka. Teka lang. Bakit naman makikipag-usap na agad siya sa akin? Hindi ba puwedeng kahit mga after one hour? O kaya bukas na? Hindi pa ako nakaka-recover sa nakita ko.
Muli ay mga katok ang narinig ko.
"Come on. I know you're in there. Let's talk." Mahinahong sabi nito.
Talk? Anong pag-uusapan namin?
Ilang beses akong huminga ng malalim.
Okay. Calm down, Elodie. Calm down. Hindi puwedeng ganyan. Nakakita ka lang ng lalaking naglalaro ng 'ano' 'nya kakaripas ka na ng takbo. You've experienced the worst. Hindi ang ganoong pagkakataon lang ang magpapatupi sa iyo.
Ilang beses akong huminga ng malalim. Para bang doon ako makakakuha ng lakas ng loob. I needed to let the fire out again. Hindi ang isang lalaking nagma-masturbate lang ang magpapatiklop sa akin. Ipinasubo nga ng walanghiyang lalaking iyon ang pagkalalaki niya sa akin at kinagat ko. Kaya walang-wala ang nakita ko kumpara doon.
Tumayo ako sa kama at binuksan ko ang pinto. Taas noo akong humarap kay Martin. Halatang nagulat siya sa ginawa ko. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Lalong lumalakas ang loob ko.
"Yes?" Ngumiti pa ako sa harap niya.
Bumuka ang bibig niya pero walang lumabas na salita doon. Napa-ehem at napakamot ng ulo.
"About earlier, I am sorry-"
"What about earlier? May ginawa ka ba?" Diretso akong nakatingin sa mata niya kahit kumakabog ang dibdib ko.
Kumunot ang noo niya sa akin. Naguguluhan sa sinabi ko.
"Well... I was..."
Ngumiti ako kay Martin at alam kong nakakainis ang ngiti ko na iyon.
"It's nothing. I think we're even. You saw my boob and I saw your..." ibinitin ko sasabihin ko at kita ko ang pagkapahiya sa mukha ni Martin.
"Look. I was taking a bath. It was my alone time. It's my own private room and you're not supposed to be in there."
Inirapan ko siya. "Told you it's fine." Tinalikuran ko siya at dumapa ako sa kama ko. Pinabayaan ko siyang nakatayo lang sa may pinto. Iniusli ko pa ang puwet ko at sinasadya kong ipakita sa kanya kahit natatabingan iyon ng shorts. "Well, would you care to share what you were thinking while doing that?"
Narinig kong sumara ang pinto at nilingon ko si Martin. Nakatayo lang siya sa may pinto at seryosong nakatingin sa akin.
"I told you it's my alone time. You don't need to know what's in my mind." Seryosong sagot niya. "I am just apologizing. Baka you might feel violated about that."
"Wow. Gentleman. Sana lahat ng lalaki katulad mong gentleman." Tumihaya na ako sa kama at nanatiling nakatingin sa kanya. I am still in play. I am still practicing how to seduce a man at sigurado ako, kapag bumigay sa akin itong si Martin, lahat ng mga lalaking isi-seduce ko ay talagang bibigay agad.
"I have to go." Hinawakan niya ang doorknob at akmang bubuksan pero agad akong tumayo at pinigilan siya.
"Come on. Don't be such a pussy. Tell me. Who was in your mind while you're playing with your pet?" Kumindat pa ako sa kanya.
"Elodie, stop what you're doing. You are not like that. Hindi bagay sa iyo."
"What am I doing? Nagtatanong lang naman ako." Kunwa ay nagulat ako sa sinabi niya.
"Stop flirting with me." Padaing na sagot niya.
Tumaas ang kilay ko at ngumiti sa kanya ng nakaloko. "Then stop thinking about me."
Hindi agad nakasagot si Martin sa sinabi ko. Muli ay napatikhim siya at napahinga ng malalim.
"Seven AM tomorrow. Don't be late." Iyon na lang ang nasabi niya at mabilis na binuksan ang pinto at mabilis na umalis doon.
"I know it was me. You're thinking about me." Pahabol ko pa habang naglalakad siya palayo. Hindi niya ako nilingon.
Tatawa-tawa akong sumilip at sinundan ang papalayong lalaki. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko nang isara ko ang pinto. Ganoon lang pala ang panlaban sa mga lalaki. Dapat hindi talaga nagpapakita ng kahinaan. Dapat sinasabayan ang kung ano mang ginagawa nila.
Napasandal ako sa pinto at unti-unting nawawala ang ngiti sa labi ko.
Ganoon lang kadali at puwedeng-puwede ko ng paikutin ang mga lalaki sa palad ko.
I can't wait to do it with other men. Pero dapat kapag ginawa ko iyon, marunong na ako ng lahat. And tomorrow would be a start of another training.
My favorite one.
I would know how to use a gun.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top