PROLOGO
Disclaimer:
Hindi ito orihinal na gawa ng may-akda. Isang pagsasalin ang nobelang ito mula sa akda ni Reki Kawahara na Sword Art Online.
Isang malaking kastilyong likha mula sa bato at bakal na lumulutang sa isang walang katapusang kalangitan. Iyan lahat ang mundong ito.
Isang buwan ang inabot ng iba't-ibang grupo ng mga panday para masiyasat ang lugar; halos sampung kilometro ang diametro ng ibabang palapag, kayang ipasok ang lungsod ng Setagaya sa laki.
Sa itaas, mayroong isandaang palapag na nakasalansan ng padiretso; hindi kapani-paniwala ang laki nito. Hindi rin mahulaan kung gaano kalaki ang data na nilalaman nito.
Sa loob, mayroong ilang malalaking lungsod kasama ang hindi mabilang na maliliit na bayan, nayon, kagubatan, kapatagan at maging mga lawa. Isang hagdan lamang ang nagdudugtong sa bawat palapag, na makikita sa loob ng kasukalan kung saan palaboy-laboy ang mga naglalakihang halimaw. Kaya naman, hindi ito ganoon kadali mahanap o madaanan. Gayunpaman, kapag mayroon nang tao na napagtagumpayan na makarating sa isang lungsod sa itaas na palapag, awtomatikong makokonekta ang Teleport Gates doon sa mga lungsod na nasa ibabang palapag. Mas madali na para sa sinuman ang makapaglibot alinman sa mga palapag na iyon.
Sa ganitong kalagayan, patuloy pa ring nililibot at sinasasakop ang malaking kastilyo sa loob ng dalawang taon. Ang kasalukuyang nangungunang mga manlalaro ay nasa ika-74 na palapag.
AINCRAD ang pangalan ng kastilyo, isang mundo ng mga labanan na gumagamit ng espada na patuloy na lumulutang at nagkakanlong sa humigit kumulang anim na libong katao. Kilala bilang...
Sword Art Online.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top