IKATLONG KABANATA (3/3)

Translator Note: Happy New Year, everyone! Thanks sa support niyo mga anime lovers and otakus! Dahil sa inyo, we've reach 5, 179 reads... continue supporting this project! Thank you all! Wish you all the best for 2013.

_________________________________________________________________________

Nagbago din ang boses namin, malamang hindi na gumana ang voice modulator. Pero wala na kaming pagkakataon para pansinin pa 'yon.

Nahulog ang hawak naming salamin at tumama sa lupa. Nabasag iyon at lumikha ng mahina ngunit kumakalat na tunog.

Nang inikot ko uli ang aking paningin sa paligid, wala na yung mga manlalaro na kamukha ng mga fantasy game character. Napalitan na sila ng mga ordinaryong kabataan. Parang nasa isang game show venue sila at nakabihis ng armor. Malaki din ang nabago sa mga kasarian na naroon.

Papaano 'to nangyari? Si Klein at ako, at marahil ang mga player na nakapalibot sa amin, ay nagbago mula sa avatar na ginawa namin papunta sa totoo namin na itsura. Parehas pa rin sa polygon model ang tekstura, at kakaiba pa rin ng konti sa pakiramdam, pero halos kopyang-kopya ang itsura namin. Parang may full body scanner ang gear.

-Scan.

"...ah, tama!" bulalas ko saka tumingin kay Klein. "May high density signal sensors ang nerve gear na tinatakpan ang buo nating ulo. Kaya naman hindi lang nito masasabi kung paano ang magiging itsura natin, kasama na rin ang ating mukha..."

"P-pero, paano naman nito malalaman kung ano ang itsura ng ating katawan... kagaya nang kung gaano tayo kataas?" tanong ni Klein, habang nililibot ng tingin ang paligid.

Ang karaniwang taas ng isang manlalaro, na ngayon ay tinitingnan ang kanilang mga sarili at katabi na may iba-ibang ekspresyon sa mukha, ay kapansin-pansin na nabawasan pagkatapos ng mga naging pagbabago. Ako, at malamang si Klein, ay naka-set ang taas katulad ng taas namin sa totoong mundo. Maganda iyon para hindi maka-sagabal sa aking paggalaw. Pero karamihan sa mga naroon ay nagdagdag ng sampu hanggang dalawampung sentemetro sa kanilang taas.

Hindi pa 'yun lahat. Ang aktwal na kabuuan at sukat ng manlalaro ay lumaki din. Walang paraan para sa nerve gear na malaman ang lahat nang detalye na ito.

"Ah...teka. Kabibili ko lang ng Nerve gear kahapon kaya natatandaan ko pa," sabi ni Klein. "Sa isang parte ng set-up, meron doon na... ano nga ang tawag doon, calibration? Basta, sa parte na iyon hahawakan mo ang iba-ibang parte ng katawan mo, baka 'yun na 'yun...?"

"Wala nang iba... 'yun na nga 'yun..." sagot ko.

Ang calibration ay kung saan ang nerve gear ay sinusukat kung gaano mo kailangan na galawin ang iyong kamay para abutin ang katawan mo. Ginagawa iyon para makopya ng tama ang pakiramdam ng paggalaw sa laro. Pwedeng sabihin na halos hawak ng Nerve gear ang datos tungkol sa ating eksaktong hugis ng nakatwan na naka-save dito.

Posible ngang gawin, na ang lahat ng avatar ng mga players ay eksaktong replika ng kanilang sarili. Malinaw na sa akin ang layunin nito.

"...reality," bigkas ko. "Sabi niya ito ang reality. Na itong avatar...at ang ating HP ay ang totoong katawan at ating totoong buhay. At para maniwala tayo, gumawa siya ng eksaktong kopya natin..."

"Preo...pero Kirito. Bakit? Anong rason kung bakit niya ginagawa 'to?" sigaw ni Klein.

Hindi ko siya sinagot. Sa halip itinuro ko ang naka-pulang roba sa itaas. "Hintayin natin. Malamang sasagutin niya 'yan mamaya."

Ganoon nga ang nagngyari. Pagkaraan ng ilang sandali, pumailanlang ang boses ni Kayaba. "Lahat kayo malamang nagtatanong, 'bakit', bakit ako-ang lumikha sa nerve gear at SAO, Kayaba Akihiko-ginagawa ang ganitong bagay? Terrorist attack ba ito? Ipapatabos ba niya tayo ng pera?

Biglang nagkaroon ng emosyon ang boses ni Kayaba. Biglang sumagi sa isip ko ang salitang pakikiramay, kahit alam kong malayo namang maging totoo 'yun. "Wala sa mga rason na 'yun ang dahilan kung bakit ginagawa ko ito. Ngayon para sa akin, wala nang rason o layunin para gawin pa 'to. Iyan ay dahil... ang sitwasyon mismo na 'to ang layunin ko sa paggawa nito. Ang bumuo at pagmasdan ang mundong ito ay ang tanging rason kaya ko ginawa ang Nerve gear at SAO. At ngayon, lahat nangyari na."

Pagkatapos ng ilang saglit, nagsalita muli si Kayaba. This time, bumalik ulit sa dati ang boses niya, walang emosyon. "Ngayon, tinatapos ko na ang opisyal na tutorial pasa sa Sword Art Online. Players-hangad ko ang inyong tagumpay."

Ang huling salita ni Kayaba ay dumagundong sa paligid.

Ang malaking pulang roba ay nagsimulang maglaho, parang natutunaw. Balikat, dibdib, braso at binti hanggang sa bigla na itong nawala, kasing bilis ng paglitaw nito.

Ang tunog ng ihip ng hangin sa taas ng plaza, at ang background music na tinutugtog ng NPC orchestra ay pumailanlang sa tenga namin.

Ang laro ay bumalik sa normal, sa kabila ng katotohanan na madaming rules ang nabago.

At sa wakas. Saka pa lamang nag-react ng tama ang sampung libong manlalaro doon. Sa madaling salita, madaming boses ang nagsimulang pumuno sa plaza.

"Joke lang 'to, tama? Joke lang lahat ng 'to, di ba!?"

"Tama na ang biro! Pakawalan niyo ako! Ilabas niyo ako dito!"

"Hindi! Hindi mo pwedeng gawin 'to! May kakatagpuin ako sa labas!"

"Hindi ko 'to gusto! Gusto ko nang umuwi! Gusto ko nang umuwi!!!!"

Sigawan. Pakiusap. Murahan.

Ang mga manlalaro ay biglang naging preso sa loob lamang ng ilang minuto. Nakaupo sila sapo ang kanilang mga ulo, kinakaway ang mga kamay, nagyayakapan o nagsisimulang sumigaw ng malakas.

Sa kabila ng ingay, nakakamangha na kalmado ang aking isipan.

Ito ang reality.

Totoo ang lahat ng sinabi ni Kayaba Akihiko. Kung ganito nga, lahat ng 'to ay inaasahan na. Kakaiba kung hindi. Itong karunungan ay isa sa bahagi ni Kayaba kaya siya nakukuhang hangaan.

Hindi na muna ako makakabalik sa reality-malamang ilang buwan o baka higit pa. Sa panahong ito, hindi ko makikita ang aking ina o kapatid na babae, ni makausap sila. Posible na hindi ako magkaroon ng pagkakataon. Kung mamatay ako-

Mamatay ako sa totoong mundo.

Ang Nerve Gear, na dati ay isang game machine, ay isang kandado sa kulungan na ito at isang kasangkapan para sa aming kamatayan.

Huminga ako ng mahina, saka bumuga, at ibinuka ang aking bibig. "Klein, pumunta ka muna sandali dito." Hinawakan ko ang kamay niya, na parang mas matanda sa akin sa totoong buhay, at nakiraan sa nagngingitngit na mga tao.

Nakalampas kami agad sa kanila, kasi malapit kami sa gilid. Pumasok kami sa isa sa mga kalye doon palabas ng plaza na may hugis bitwin. Tumalon ako papunta sa likod ng naka-park na karwahe.

"...Klein," Tinawag ko uli ang pangalan niya. Blangko pa rin ang ekspresyon niya. Nagpatuloy ako sa pagsasalita, sinusubukan kong maging seryoso. "Makinig ka sa akin. Aalis ako sa siyudad na 'to papunta sa susunod na bayan. Sumama ka sa akin."

Napadilat si Klein. Nagpatuloy ako sa pagsasalita sa mahinang boses, pinipilit kung ilabas ang mga salita.

"Kung ang lahat ng sinabi niya ay totoo, para maka-survive tayo tayo sa mundong 'to, kailangan nating palakasin ang ating mga sarili. Alam mo na ang MMORPGs ay isang labanan para sa kayamanan laban sa mga manlalaro. Tanging ang mga taong makakakuha ng maraming pera at experience ang magiging malakas...

"...ang mga taong nag-iisip ng ganito ay hahanapin ang lahat ng halimaw sa palibot «Starting City». Matagal ang hihintayin mo bago muling mabuhay ang mga halimaw. Ang pagpunta ngayon sa susunod na bayan ay ang pinamabuting gawin. Alam ko ang lahat ng daan at delikadong bahagi, kaya makakarating ako roon, kahit pa level one lang ako."

Mahaba ang naging pahayag ko, na hindi normal sa akin, pero sa kabila niyon ay tahimik lang si Klein.

Pagkaraan ng ilang sandali nalukot ang mukha niya. "Pero...alam mo naman. Nasabi ko dati na matagal kong pinilahan ang larong 'to kasama ang aking mga kaibigan. Tiyak na nakapag-log-in din sila at malamang sa malamang nasa plaza na sila. Hindi ako makakasama... nang wala sila."

"..."

Napabuntong-hininga ako at kinagat ko ang pang-ibabang labi. Naiintindihan ko lahat ang gustong sabihin ni Klein sa pamamagitan ng kanyang tingin.

Matalino siya at madaling pakisamahan, at pinangangalagaan niya ang ibang tao ng mabuti. Tiyak na umaasa siya na isasama ko ang mga kaibigan niya kasama siya. Pero hindi ako makatango.

Kung si Klein, makakapunta ako sa susunod na bayan habang pinoprotektahan ko ang aming mga sarili laban sa mga agresibong halimaw. Pero kung magdadagdag ng dalawa-hindi, kahit isa lang ay delikado na para sa amin. Kung may mamamatay, mamamatay sila gaya ng sinabi ni Kayaba.

Ang responsibilidad ay walang duda na babagsak sa akin, na nag-alok na umalis sa ligtas na «Starting City» at nabigong protektahan ang aking mga kasamahan.

Ang magdala ng ganoon pasanin, ay hindi ko magagawa. Imposible.

Nabasa marahil ni Klein ang mga pag-aalinlangan na nasa isipan ko. Isang ngiti ang lumabas sa may konting balbas na pisngi nito at umiling. "Hindi... hindi ako pwedeng umasa na lang sa'yo. Isa akong guild master sa isang laro na dati ko nilalaro. Magiging ayos lang ako. Kailangan ko lang sanayin ang techniques na tinuro mo sa akin. Saka...meron pang tsansa na isa lang biro ang lahat ng ito at lahat tayo ay ila-logged off. Kaya 'wag mo na kaming alalahanin pa at pumunta ka na sa susunod na bayan."

"..." Sa tikom na bibig, naguluhan ako ng pagkalito na hindi ko pa nararamdaman sa buong buhay ko. Saka ko piniling sabihin ang salita na nagngangatngat sa akin sa loob ng dalawang taon. "...OK."

Tumango ako, umatras, at nagsalita na tuyo ang aking lalamunan.

"Kung ganun, dito na tayo maghiwalay. Kung anuman man ang mangyari, padalhan mo lang ako ng mensahe. ...sige, kita na lang tayo, Klein."

Tinawag ako ni Klein nang tumingin ako sa ibaba at tumalikod.

"Kirito!"

"..."

Nagtatanong ang matang tiningan ko siya, pero wala siyang anumang sinabi; ang kanyang pisngi ay gumalaw ng konti. Kumaway ako sa kanya at bumaling sa hilagang-kanluran-ang direksyon ng bayan kung saan magiging susunod kong base.

Nang makahakbang ako ng lima, isang boses muli ang tumawag sa likod ko.

"Hey, Kirito! Parang ang galing mo sa totoong buhay! Parang ako lang ikaw!"

Mapait ako na ngumiti at sumigaw. "Mas bagay sa'yo ang hitsura mo ng sampung beses!"

Saka ako tumalikod sa unang kaibigan na nagkaroon ako sa mundong ito at tumakbo ng deretso nang walang humpay. Pagkatapos kung lumampas sa paikot-ikot na daanan, lumingon ako muli. Siyempre, walang sinuman ang naroon.

Hindi ko na pinansin ang kakaibang pakiramdam sa aking dibdib at tumakbo.

Mabilis akong tumakbo sa hilagang-kanlurang tarangkahan ng Starting City at pagkatapos ay nilagpasan ang malawak na kapatagan, ang masukal na kagubatan, pagkatapos ay isang maliit na bayan ang lumitaw pagkalampas sa mga ito-pagkalampas doon ay isang walang katapusan, at malungkot na laro para sa buhay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top