IKATLONG KABANATA (2/3)
"Players, maligayang pagdating sa aking mundo."
Hindi ko nakuha ang sinabi niya.
«Aking mundo»? Kung GM siya, meron naman talaga siyang kontrol sa mundong 'to na parang isang diyos. Kaya niyang baguhin ang mundong 'to kung kailan niya gusto. Pero bakit pa niya pinangangalandakan 'yan ngayon?
Naguguluhan na nagkatinginan na lang kami ni Klein.
"Ako si Kayaba Akihiko. Sa ngayon, ako lang ang tanging may kakayahan na kontrolin ang mundong 'to."
"Ano...!?"
Nanigas ang avatar at lalamunan ko. Baka nga ang leeg ko sa totoong mundo ay sandaling hindi gumalaw.
Kayaba Akihiko!
Kilala ko ang pangalan na 'yan. Walang dahilan para hindi ko makilala 'yan.
Bukod sa pagiging designer at genius sa quantum physics, ang taong ito ang nagtatag sa Argus, na dati ay maliit na kumpanya lang, at ngayon ay isa na sa nnagungunang kumpanya.
Siya rin ang development director ng SAO at designer ng Nerve Gear.
Bilang hardcore gamer, nirerespeto ko ng todo si Kayaba. Binibili ko ang lahat ng magasin na may laman na patungkol sa kanya at binabasa ko ang kanyang mga interview hanggang sa maisapuso ko na ang mga iyon. Kapag naririnig ko ang boses niya, nakikinita ko siya na nakasuot ng puti na overall na palagi niyang sinusuot.
Pero palagi siyang nasa likod ng eksena, ayaw na ayaw niyang malantand sa media, ni hindi nga siya naging GM, kaya bakit niya ginagawa ang ganito?
Pinilit kong paganahin ang aking utak para bigyan ng saysay ang sitwasyon. Pero ang mga salitang lumabas sa taong naka-pulang roba ay parang pinagtatawanan lang ang pagpipilit kong makaunawa.
"Sa tingin ko, halos lahat dito sa inyo ay nadiskubre na nawawala ang log out button sa main menu. Hindi ito bug; parte lahat 'to ng «Sword Art Online»'s system."
"Parte...ng system?" bulong ni Klein, parang nababasag ang boses nito.
"Hanggang hindi niyo nararating ang pinakamataas na palapag ng kastilyo, hindi kayo malayang makakapag-log out."
Kastilyo? Hindi ko maintindihan ang una niyang sinabi. Wala namang Kastilyo sa «Starting City».
Nawala lang ang pagkalito ko sa sunod na sinabi ni Kayaba.
"...isa pa, ang pag-diskonekta o pagtanggal ng Nerve Gear mula sa labas ay mahigpit na pinagbabawal. Kapag nangyari 'yon..."
Nagkaroon ng katahimikan.
Tahimik na tahimik ang sampung libong manlalaro. Ang tagal pa bago masundan ang sinabi ni Kayaba.
"Ang signal sensors na nasa inyong Nerve Gear ay maglalabas ng malakas na electromagnetic pulse, masisira ang inyong utak at matitigil ang lahat ng basic functions ninyo."
Nagkatinginan kami ni Klein sa gulat.
Parang bang ayaw maniwala ng utak ko sa mga narinig ko. Pero ang maikling pahayag ni Kayaba ay mabagsik na lumagos sa aking katawan.
Sirain ang utak.
Sa ibang salita, patayin kami.
Sinumang user ang magtanggal ng Nerve Gear ay mamamatay. Iyan ang sinabi ni Kayaba.
Lahat ng nandito ay nagsimula nang magbulungan, pero walang nagsisigawan o nagpa-panick. Dalawa lang yun, kagaya ko, hindi nila pa nila maintindihan o ayaw lang nilang intindihin.
Itinaas ni Klein ang kamay niya at sinalat kunwari ang headgear na suot ng katawan niya sa totoong mundo. Tinatamad na tumawa ito at nagsimulang magsalita.
"Haha...ano bang pinagsasabi niya? Nababaliw na ba ang taong 'yan? Walang namang sense ang mga pinagsasabi niya. Ang Nerve Gear... Laro lang naman 'to. Sirain daw ang utak... papano naman niya gagawin yun? Di ba Kirito?"
Pumiyok si Klein sa huling sigaw niya. Tumingin ng husto sa akin si Klein, pero hindi ako makatango sa kanya.
Ang walang katapusan na signal sensors ng Nerve Gear ay naglalabas ng maliliit na electric pulses upang magpadala ng mga virtual signals sa utak.
Matatawag nga na makabago ang teknolohiya na 'to, ngunit ang pangunahing teorya ay kapareho ng ilang mga appliance sa bahay na ginagamit na sa higit 40 taon sa bansang Hapon-ang microwave.
Kung may sapat na kuryente, posible para sa Nerve Gear na mag-vibrate ng water particles sa utak at prituhin ito sa init mula sa friction. Pero...
"Okay, theoretically possible, pero... baka nanloloko lang siya. Dahil kung hihilahin natin ang plug sa Nerve Gear, walang paraan para maglabas ito ng isang malakas na pulso. Maliban na lang kung may isang baterya na may malaking imbakan ng enerhiya... sa loob ..."
Nahulaan na ni Klein kung bakit huminto.
"Meron...isa," sabi niya, pasigaw. "Thirty percent ng bigat ng gear ay nasa battery. Pero...kahibangan lang lahat yan! Paano kung nawalan ng kuryente?"
Nag-umpisang magpaliwanag si Kayaba, na parang narinig niya ang sigaw ni Cline.
"To be more specific, pagkawala sa source ng kuryente for ten minutes, nadiskonekta sa system sa loob ng mahigit ng dalwang oras, o anumang tangkang pagbukas, pagtanggal, o pagsira sa Nerve Gear. Kung alinman sa kondisyon na ito ay nangyari, diyan na mag-uumpisa ang pagkasira ng utak.
"Ang mga kondisyon na ito ay pinaalam na sa gobyerno at sa publiko sa pamamagitan ng media sa labas ng mundong it. Pero may mga ilan pa ring kaso kung saan ang mga kamag-anak o kaibigan ang di pinansin ang babalang ito at sinubukang tanggalin ang Nerve Gear. Ang resulta-
Humugot ng maikling hininga ang metallic na boses.
"-nakakalungot man, 213 player na ang umalis sa larong 'to, at sa totoong mundo, habangbuhay."
May mahaba at matinis na sigaw akong narinig. Pero halos lahat ng players ay hindi makapaniwala sa mga narinig nila. Nakatayo lang sila at nakanganga, o kaya naman ay nakangiwi.
Ang utak ko ay sinubukang ibasura ang mga sinabi ni Kayaba. Pero ang katawan ko at tuhod ko ay nagsimulang manginig ng todo.
Muntik na akong matumba sa panghihina ng tuhod ko. Si Klein naman ay bumagsak, walang buhay ang kanyang ekspresyon.
213 players na.
Paulit-ulit iyon na bumabalik sa isip ko.
Kung totoo ang sinabi ni Kayaba, mahigit 200 nang katao ang namatay?
Baka iba sa kanila, beta-tester din na katulad ko. Baka nga kilala ko ang kanilang mga character names at avatars. Ang mga taong iyon ay nasunog ang kanilang utak at...namatay; ito ba ang sinasabi ni Kayaba?
"...di ako naniniwala... di ako naniniwala," sabi ni Klein sa paos na boses na nakaupo pa rin sa sahig. "Tinatakot niya lang tayo. Paano niya maaatim na gumawa ng ganyang bagay? Itigil mo na ang birong 'to at hayaan mo na kaming makalabas. Wala kaming oras para sa bobo na opening ceremony mo. Di ba... isang event lang lahat 'to. Isang opening show, di ba?"
Sa loob ng isip ko, pareho kami ni Klein ng sinisigaw.
Bumalik ang seryosong boses ni Kayaba at nagpaliwanag na para bang binalewala lang ang pag-asa na nabubuhay sa amin.
"Players, wala kayong dapat ipag-alala sa mga naiwang katawan niyo. Sa ganitong oras, lahat ng TV, radio, at internet ay paulit-ulit na nire-report ang sitwasyon, kabilang na ang mga ilang bilang na namatay. Wala na kayong dapat ikatakot na baka tanggalin ang Nerve Gear niyo. Sa isang sandali, gamit ang dalawang oras na binigay ko, lahat kayo ay ililipat sa isang ospital o anumang pasilidad at bibigyan ng magandang pangangalaga. Kaya makakapag-relax kayo... at ituon ang buo niyong atensyon na matapos ang laro."
"Ano...?" sabi ko.
Mayamaya bigla akong napasigaw. "Ano ba ang pinagsasabi mo?! Tapusin ang laro?! Gusto mo kaming maglaro sa ganitong sitwasyon?!"
Paulit-ulit akong sumigaw, galit na nakatitig sa nakapulang roba na bigla na lang lumabas sa itaas na palapag. "Hindi na ito isang laro!!"
Saka muling nagpaliwanag si Kayaba sa seryoso nitong boses.
"Hinihingi ko sa inyong lahat na maintindihan niyo na ang «Sword Art Online» ay hindi na basta isang simpleng laro. Kundi isang pangalwang katotohanan... simula ngayon, lahat ng uri ng pagbuhay ay hindi na gagana. Sa sandaling bumaba sa 0 ang HP mo, ang avatar mo ay habang buhay ng mawawala, kasabay niyon-
Nahuhulaan ko na ang kadugtong ng sasabihin niya.
"Ang utak mo ay wawasakin ng Nerve Gear."
Bigla, pakiwari ko gusto kong tumawa ng malakas. Pero hindi ko ginawa.
Isang mahabang linya ang kumikinang sa kaliwang itaas na bahagi ng aking paningin. Nang mag-focus ako dun, nakita ko ang makasulat roon, 342/342.
Hit points. Saka Life force ko.
Sa sandaling bumaba ito sa zero, mamatay ako-ang electromagnetic wave ay susunugin ang utak ko, papatayin ako sa isang iglap lang. Ito ang sinabi ni Kayaba.
Walang duda isa nga itong laro, isang laro kung saan nakataya ang iyong buhay. Sa madaling salita, Death Game.
Tantya ko isang daang beses akong namatay nung dalawang buwan ko sa beta testing. Nakakahiya man, paulit-ulit rin akong nabuhay at bumabalik sa main plaza ng Black Iron Palace, para muling lumaban.
Ganyan ang RPG, paulit-ulit kang namamatay, natutututo at nag-le-level up. Pero ngayon hindi na pwede? Kapag namatay ka, literal na patay ka na? AT hindi ka rin pwdeng huminto?
"...utot nila, hindi ako papayag," bulong ko.
Sino naman ang nasa tamang pag-iisip ang lalaban sa ganitong kondisyon? Siyempre, lahat na magtatago na lang sa loob ng City para makaligtas.
"Players, isang paraan lang para makalaya sa larong 'to. Gaya ng sabi ko kanina, kailangan marating niyo ang tuktok ng Aincrad, ang ika-sandaang palapag, at talunin ang final boss na nandoon. Lahat ng mga players na buhay sa mga oras na iyon ay agad-agad ila-logged out sa laro," sabi ni kayaba na parang narinig ang iniisip ko, o ng maging ibang manlalaro. "Isa yang pangako."
Natahimik ang sampung libong manlalaro.
Saka ko lang na-realize ang ibig sabihin ni Kayaba na 'marating ang tuktok ang ng kastilyo'.
Ang kastilyong ito-ibig sabihin ay isang malaking kulungan kung saan nakakulong ang lahat ng players sa first floor at mayroon pang ninety-nine floors na pinagpatong-patong pataas, na matayog na nakalutang sa kalangitan. Ang Aincrad mismo ang sinasabi niya.
"I-clear...lahat ng 100 floors!?" Mayamaya ay sigaw ni Klein. Mabilis na tumayo siya at itinaas ang kamao sa ere. "At paano mo gustong gawin namin yan? Narinig ko na kahit sa beta-testing ay napakahirap na ang umakyat pataas!"
Totoo yun. Sa dalawang buwan ng beta-testing, ang isang libong players na sumali ay nakaakyat lang hanggang six fllor. Kahit pa sampung libo ang maglalaro ngayon, gaano katagal naman sila aabutin bago makarating sa ika-100 floor?
Lahat ng mga players na naroon ay maaring tinatanong na rin ang tanong na 'yan na walang kasagutan. Ang katahimikan ay naging bulungan. Pero walang sign ng pagkatakot o kawalan ng pag-asa.
Karamihan sa mga narito ay malamang nalilito kung totoo bang may panganib o isa lamang itong simpleng opening event. Lahat ng sinabi ni Kayaba ay nakakatakot to the point na parang hindi na totoo.
Pinilit ko na ang utak ko na tanggapin na ang sitwasyon na ito. Hindi na ako makaka-log out, kahit kelan. Hindi na ako makakabalik sa aking kwarto, sa aking buhay. Ang tanging paraan para maibalik ko sa akin ang lahat ay talunin ang final boss. Kung ang HP ko ay bumaba sa zero bago pa man matalo ang final boss-mamatay ako. Isang totoong kamatayan at permanenteng mawawala na ako.
Pero.
Kahit anong pilit kong tanggapin ang katotohanan na ito, imposible pa rin. Lima o anim na oras pa lang ang nakalipas, kumain ako ng hapunan na niluto ni mama, nakipagkwentuhan sa kapatid kong babae, at nilibot ang bahay namin.
Ngayon di na ko maibabalik lahat ng yun? At ito na ang totoong reality?
Ang nakapulang roba na palaging isang hakbang ang layo sa kanila ay kinumpas ang kanang gwantes at nag-umpisang magsalita na walang bahid na emosyon. "Ipapakita ko sa inyo ang magpapatunay na ito na ang totoong reality. Sa inyong inventory, meron jan na regalo mula sa akin. Mangyaring kumpirmahin ito."
Pagkarinig na pagkarinig ko ng sinabi niya, pinagdikit ko ang daliri ko at hinlalaki at nag-swipe pababa. Ganoon din ang ginawa ng iba pang mga players at ang buong plaza ay napuno ng tunog ng mga bells.
Pinindot ko ang item button sa menu na lumabas. Nandoon nga ang item, na nasa taas ng belongings list. Ang pangalan ng item ay-«hand mirror»
Bakit naman kami binigyan ng ganito? Kahit nagtataka, tinapik ko ang pangalan at pinindot ang "make into object" button. Agad-agad, merong kumikislap na tunog akong narinig at isang rectagular na salamin ang lumabas.
Nag-aalangan kong hinawakan ito pero wala namang nagyari. Ang nakita ko lang ay yung mukha ng avatar na pinaghirapan kong binuo. Tiningan ko si Klein. Nakatingin din siya sa salamin na hawak niya na blangko ang ekspresyon.
-Pagkatapos.
Bigla binalot si Klein at ang mga naroon ng liwanag. Ganoon din ang nagyari sa akin at ang nakikita ko lang ay puro liwanag. Pagkalipas ng ilang segundo, nawala na ang liwanag, at paligid ay ganoon pa rin naman...
Hindi.
Ang mukha na kaharap ko ay hindi yung nakasanayan ko.
Ang armor na gawa sa metal, ang bandana, at ang spiky na pulang buhok ay ganoon pa din. Pero ang mukha niya ay naging iba ang shape. Ang kanyang mahaba, matalim na mata ay naging lubog at maliwanag. Ang matangos na ilong naging baluktot, meron na ring bigote sa pisngi at baba niya. Kung and avatar niya dati ay bata at carefree samurai, ngayon ay parang isang talunan na mandirigma ito-o kaya isang bandido.
"Sino... ka?" tanong ko, na sandali kong nakalimutan ang sitwasyon.
"Hey...sino ka?" tanong din ng lalaki sa harap ko.
Bigla akng kinutuban at na-realized ko kung ano ang ibig sabihin ng regalo ni Kayaba. Mabilis na itinaas ko ang salamin, isang mukha ang nakita ko doon.
Itim ang buhok na nakaayos, dalawang mapupungay na mata na makikita sa medyo mahabang buhok, at pinong mukha na minsan ay napagkakamalan na mukha ng isang babae.
Ang payapang mukha ng isang mandirigma na kanina ay gamit ni Kirito ay wala na. Ang mukha na nasa salamin ay-
Ay ang kanyang totoong mukha!
"Ah... ako 'to," sabay na sabi namin ni Klein.
Sabay na napatingin kami sa isa't-isa at sabay ding napasigaw.
"Ikaw si Klein?"
"Ikaw si Kirito?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top