IKATLONG KABANATA (1/3)

"Ding, ding...!" Napatayo ako at si Klein sa malakas na tunog na iyon. Parang kalembang iyon ng kampana o kaya naman isang pang-babalang kalembang.


"Ah..."


"Ano yun!?"


Sigaw namin at saka kami nagkatitigan, parehong nanlalaki ang mga mata namin.


Pinalibutan kaming dalawa ng kulay asul na ilaw. Ang paligid namin ay unti-unti na ring nanlalabo.


Ilang beses ko na tong naranasan noong beta testing. «Teleport» ito na pinagana ng isang bagay. Wala akong gaanong bagay lalong hindi ko isinigaw ang tamang command. Ang mga tagapamahala ba ang nagsimula ng pwersahang teleport na to? Kung ganun, bakit hindi nila kami sinabihan?


Habang tumatakbo ang utak ko, lalong tumitingakad ang ilaw na nakapalibot sa akin at saka ako kinakain ng kadiliman.


Nang nawala ang asul na ilaw, mas naging malinaw ang paligid ko. Kaya lang, hindi na 'to yung lugar na kinatatayuan namin.


Malaking kalsada na pinatag ng bato. Sinaunang mga kalye na pinalilibutan ng mga poste ng ilaw at isang malaking kastilyo na kumikinang ang dilim ng kulay.


Ito ang starting point, ang central plaza ng «Starting City».


Tumingin ako kay Klein na nakabuka ang mga bibig malapit sa akin. Pagkatapos sa maraming tao na pumipalibot sa aming dalawa.


Habang tumitingin sa mga naggagandahang mga tao na mayroong iba't ibang gamit at iba't ibang kulay ng buhok, hindi maipagkakaila na mga manlalaro din sila katulad ko. Tinatayang nasa sampung libo ang tao dito. Na parang lahat ng nasa loob ng laro sa mga oras na ito ay sapilitang inilipit dito sa liwasan.


Sa loob ng ilang segundo, tumingin tingin lang sa paligid ang lahat, walang nagsasalita.


Pagkatapos nun ay mga bulungan na maririnig kung saan-saan, hanggang sa lumakasang mga iyon.


"Anong nangyayari?"


"Pede na ba tayong mag-log-out?"


"Pwede bang pakibilisan nila?!"


Ang mga komentong tulad niyan ang tanging naririnig.


Nang mag-umpisa ng mainis ang mga manlalaro, ang mga sigaw na "Biro ba ito?" at "Ilabas niyo kami dito mga GM!" ang maririnig.


At pagkatapos...


Mayroong isa na sumigaw na mas malakas pa sa mga nagbubulungan.


"Ah.. Tignan niyo yung taas!"


Si Klein at ako ay awtomatikong tumingala. Doon, isang kakaibang tanawin ang bumati sa amin.


Ang ilalim ng ikalawang palapag, isang daang metro sa taas namin, ay naging parang lambat-lambat na kulay pula.


Nang titigan kong mabuti, nakita ko ang pattern na gawa sa dalawang parirala: ang mga salita ay [ Warning ] at [ System Announcement ] na nakasulat sa kulay pula.


Nagulat ako sa ilang sandali pero naisip ko, "Oh, magsisimulang nang magbigay-alam ang mga tagapamahala," at ang tensyon sa aking mga balikat ay gumaan ng kaunti.


Ang bulangan ay namatay na sa liwasan at mararamdaman mo na ang lahat ay naghihintay sa kung anu man ang maririnig nila.


Subalit, ang sumunod na nangyari ay hindi ang kung ano ang inaasahan ko.


Mula sa gitna ng pattern, isang likido na mukhang dugo ang nagsimulang lumabas pababa doon. Bumaba iyon na pinapakita kung gaano kasama ito, pero hindi ito tuluyang bumagsak pababa; sa halip, nagsimula itong mabuo sa isang hugis.


Ang nagpakita ay isang dalawpung metro kalaking pigura na may suot na robang may pandong.


Hindi, hindi iyon tama. Mula sa aming kinatatayuan, madali naming nakikita ang loob ng pandong- wala itong mukha. Talagang wala itong laman. Nakikita din naming mabuti ang panloob at ang berdeng mga burda sa loob ng pandong. Pareho iyon ng nasa loob ng roba, ang tanging nakikita namin sa loob ay anino lang.


Ganoon din ang nararamdaman ng di mabilang na mga manlalaro sa paligid ko.


"Siya ba 'yong GM?"


"Bakit wala siyang mukha?"


Madaming bulungan na katulad niyon.


Pagkatapos, ang kanang manggas niya ay gumalaw na parang pinapatahimik ang mga manlalaro.


Isang purong puting guwantes ang nagpakita mula sa tupi ng mahabang manggas. Pero ang manggas na iyon, katulad ng ibang parte ng roba, ay walang tinatakpan na parte ng katawan.


Pagkatapos, ang kaliwang manggas ay unti-unting tumaas din. At habang iniunat niya ang dalawang guwantes na walang laman sa harap ng sampung libong manlalaro, ibinuka ng walang mukhang tao ang kanyang bibig-- hindi, pero parang ganun nga. Tapos ang mababa, kalmado, panlalaking boses ay umalingawngaw sa hangin.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top