IKAAPAT NA KABANATA (2/2)
Ang huli, ang pang-apat na grupo, sa madaling salita, ay ang mga natitirang manlalaro.
Limampung organisasyon ang binuo ng mga taong gustong tapusin ang laro ngunit hindi sumali sa mga malalaking organisasyon. Umaabot sila ng limang daan. Tinatawag namin ang mga grupong ito na “Guild” at meron silang bilis na wala ang “The Army”; at gamit yun, patuloy silang lumalakas.
Mayroon ding ilan na piniling maging mangangalakal at maging panday. Umaabot lang ang bilang nila sa dalawa o tatlong daan, pero bumuo din sila ng kanilang samahan at sinimulan hasain ang kanilang kakayahan para kumita ng Coll na kailangan nila para makaraos.
At ang natitira, na nasa isang daan ang bilang, ay tinatawag na “Solo Players”—ito ang grupo kung saan ako kabilang.
Sila ang mga makasariling grupo na nagpasya na kumilos ng mag-isa dahil mas makakabuti iyon para sa pagpapalakas ng kanilang mga sarili at manatiling buhay. Gamit ang mga impormasyon na nakuha nila, magiging mabilis ang pagtaas ng kanilang level. Pagkatapos makuha ang lakas para labanan ang mga halimaw at bandido sa sarili lang nila, wala nang saysay pa para lumaban sa kapwa mga manlalaro.
Isa sa mga tampok sa SAO ay ang kawalan ng “Mahika”; sa ibang salita, walang “malalayong atake na may isandaang posyento ang accuracy rate” na makakayang mag-isa na labanan ang grupo ng mga halimaw. Kung mayroon kang sapat na kakayahan, mas epektibo ang paglalaro ng mag-isa kung experience points ang pag-uusapan kumpara kung makiki-grupo ka.
Siyempre, hindi mawawala ang panganib. Halimbawa, kung mapaparalisa ang isang tao at kung may mga ka-miyembro siyang kasama, mabibigyan siya agad ng gamot. Pero kung isang tao ay naglalaro ng mag-isa, maaring humantong ‘yun sa mabilis na kamatayan. Ang totoo, sa simula pa lang, ang mga solong manlalaro ang may pinakamataas na antas ng pagkamatay sa lahat.
Pero kung meron kang karanasan at talino para malampasan ang panganib, meron namang mas mataas na gantimpala kapalit niyon, at ang mga beta tester, kabilang na ako, ay meron nang dalawang iyon.
Hawak ang ganitong impormasyon, napakabilis ang pag-level up ng mga solo players, at sa madaling panahon, malaki ang naging agwat namin sa iba. Pagkatapos na bahagyang humupa ang laro, halos lahat ng solo players ay umalis sa first floor at ginamit ang mga siyudad sa matataas na palapag bilang kanilang kuta.
Sa loob ng Black Iron Castle, kung saan naroon ang “Silid ng mga muling nabuhay” noong beta testing, nakatayo ngayon ang malaking munumentong bakal na wala noong beta testing. Ang mga pangalan ng sampung libong manlalaro ay naka-ukit doon. At makikita sa ang linya sa mga pangalan ng mga manlalarong namatay na, naroon maging ang oras at dahilan ng kamatayan.
Pagkatapos ng tatlong oras sa laro, lumabas doon ang unang tao na nakakakuha ng karangalan na ma-guhitan ang pangalan.
Hindi pagkatalo sa halimaw ang dahilan ng kanyang kamatayan. Nagpakamatay siya.
Naniniwala siya sa teorya na “ayon sa pagkakabuo ng Nerve Gear, kung ang isang tao ay madidiskonekta sa system ay agaran na mababawi niya ang kamalayan.” Umakyat siya bakal na bakod sa dulong hilaga ng siyudad, o sa gilid ng Aincrad at saka tumalon.
Sa ilalim ng lulumulutang na kastilyo na Aincrad, walang anumang lupa na makikita, kahit anong aninag pa ang gawin mo. Ang mayroon lang ay walang hanggan na may mga patong patong na puting ulap. Habang pinapanood siya ng di mabilang na manlalaro, paliit ng paliit ang lalaki sa paningin, nag-iwan ng mahabang sigaw at hanggan sa nawala na sa mga ulap.
Ang maikling linya ay walang awang gumuhit sa pangalan ng lalaki sa loob lamang ng dalawang minuto. Ang dahilan ng kamayatan ay “pagkahulog sa gitna ng kalangitan” Ayokong isipin kung ano ang dinaanan niya sa loob ng dalawang minutong iyon. Walang makakaalam kung nakabalik siya sa totoong mundo o—gaya ng sinabi ni Kayaba—na-sunog ang kanyang utak. Pero, naniniwala ang lahat na kung meron mang simpleng paraan para makatakas sa laro, matagal na sanang hinugot nila ang saksakan at iniligtas ang sarili nila.
Pero may iilan pa rin ang bumibigay sa madaling paraan ng pakikitungo sa ganitong bagay. Halos lahat, kabilang ako, mahirap na matanggap ang “Kamatayan” sa SAO bilang isang reyalidad.
Hindi pa rin sila nagbago. Ang palatandaan ng pagkaubos ng HP bar at pagkapira-piraso ng ating katawan sa maliliit na polygons ay katulad pa rin ng “Game Over” na pamilyar sa aming lahat. Isa lang ang paraan para maintindihan namin ang totoong kamatayan sa SAO ay ang maranasan ito mismo. Ang nakakapanghinang katotohanan na ito ay rason kung bakit pakonti ang pagbawas ng mga manlalaro.
Sa kabilang banda, madami sa mga manlalaro na parte ng “The Army”, lalo na yung mga nasa unang grupo, ay nagsisimula nang mabawasan habang sinusubukan nilang tapusin ang laro at labanan ang mga halimaw.
Sanayan lang ang labanan sa SAO. Katulad lang ito ng pagpwersa mo sa sarili na gumalaw pero ipapagkatiwala mo na sa system ang ang iyong magiging galaw.
Kung sa simpleng uppercut gamit ang one-handed sword, kung ang manlalaro ay napag-aralan ang “One-handed Sword Skill” at kinasangkapan ang “Uppercut” mula sa listahan, ang kailangan lang niyang gawin ang unang paggalaw; ang system na ang awtomatikong magpapagalaw sa kanilang katawan. Pero kung may gagaya ng galaw ngunit walang skill na katulad niyon, magiging mabagal iyon at mahina kung gagamitan sa aktwal na labanan. Parang maglalagay ka lang ng utos sa isang laro ng pakikipaglaban.
Ang mga taong hindi nakakapag-adjust sa ganito ay basta na lamang nilang winawasiwas ang kanilang espada at natatalo pa ng mga baboy ramo at lobo na kaya naman nilang matalo kung gagamitin lang nila ang pang-isang atake na nasa kanila. Kahit ganoon pa man, kung susuko lang sila at tumakbo matapos mabawasan ang kanilang HP, hindi sila mamatay pero—
Hindi katulad ng atake sa mga 2D na halimaw na nakikita sa monitor, ang mga laban sa SAO ay totoong-totoo na makakaramdam ka ng takot. Para bang totoong halimaw na nakalabas ang mga ngipin ang nasa harap mo at hinahabol ka na may intensyon na patayin ka.
Kahit pa noong beta testing, may mga mangilan-ngilan na nagpa-panick sa gitna ng laban, pero sa ngayong sitwasyon, kamatayan ang kapalit kapag natalo ka. Nakalimutang gamiting ng mga gulat na gulat na mga manlalaro ang kanilang skill at nagtatakbo pa; nawala ang HP nila at tuluyan na silang napa-alis sa mundong ‘to.
Pagpapakamatay, pagkatalo sa mga halimaw. Nakakatakot ang mabilis na pagdami ng mga pangalan na naguguhitan.
Nang umabot iyon sa dalawang libo, isang buwan sa loob ng laro, binalot ng kawalan ng pag-asa ang mga natitirang manlalaro. Kung patuloy na mauubos ang mga manlalaro ng ganito kabilis, lahat ng sampung libong manlalaro ay mamamatay sa loob ng kalahating taon. Parang panaginip na lang na matapos at masakop ang isandaang palapag.
Pero—kayang makibagay ng mga tao.
Pagkalipas ng isang buwan, ang unang kasukalan ay nasakop at ang bilang ng mga namatay ay unti-unti na ring bumabagal. Nagsimulang ipakalat ang mga impormasyon para mabuhay. At halos lahat ang tingin sa halimaw ay hindi naman ganoon nakakatakot kung makakakuha ka ng sapat na experience points at maayos na mag-level up.
Posible ng malinis at matapos ang laro at makabalik sa totoong mundo. Ang bilang ng mga manlalaro na nag-iisip ng ganoon ay patuloy bagaman pa-unti-unti ang kanilang pagdami.
Malayo pa ang pinakamataas na palapag, pero ang mga manlalaro ay kumikilos sa malabong pag-asa na ito—at ang mundo ay muli na namang umikot.
Ngayon, pagkalipas ng dalawang taon at dalawampu’t anim na palapag ang natitira, ang bilang ng mga nakaligtas ay nasa anim na libo.
Iyan ngayon ang kasulukuyan sitwasyon sa Aincrad.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top