IKAAPAT NA KABANATA (1/2)

Isang buwan sa loob ng laro, dalawang libo na ang namamatay.

Naglaho na rin ang pag-asang may tulong na manggagaling sa labas; walang ni isang mensahe ang nakarating sa amin.

Hindi ko man nakita, pero nakarating sa akin na grabe ang sindak at nawala ng katinuan ng mga manlalaro nang ma-realize nila na hindi na talaga sila makakabalik. May mga umiyak at pumalahaw, at ang ilan ay sinbukang maghukay sa siyudad habang sinasabi na sisirain nila ang mundong ito. Pero syempre, lahat ng gusali dito ay mga bagay na hindi nasisira. Kaya walang pinatunguhan ang kanilang mga aksyon.

Ilang araw bago matanggap ng mga manlalaro ang sitwasyon at saka lang sila nagsimulang mag-isip kung anong hakbang susunod nilang gagawin.

Nahati ang mga manlalaro sa apat na malalaking grupo.

Ang unang grupo ay binubuo ng kalahati ng bilang ng mga manlalaro; sila 'yong mga hindi matanggap ang mga kondisyon ni Kayaba Akihiko at patuloy na naghihintay sa tulong na manggagaling sa labas.

Naiintindihan ko ang kanilang iniisip. Nakahiga sa kama o kaya naman naka-upo sa upuan ang kanilang katawan na marahil ay himbing na natutulog. Iyan ang reyalidad para sa kanila at ang sitwasyong ito ang peke. Iniisip nila na meron pang kahit maliit na paraan para makalabas. Bagaman nawala ang log out button, pero maaaring may bagay pa na nakatakas sa paningin ng mga may gawa ng laro-

At sa labas, ang kumpanyang Argus na nagpapatakbo ng laro, ay sinusubukan ang lahat para mailigtas ang mga manlalaro-kung makakapaghintay lang sila, magagawa rin nilang imulat ang mata, magkaroon ng masayang reunion sa kanilang pamilya at makabalik sa eskwela o trabaho at ang lahat ng ito ay isa na lamang bagay na mapapag-usapan nila-

Hindi naman kawalan ng saysay ang mag-isip ng ganito. Sa tingin ko, maging ako sa kaibuturan ng aking pagkatao ay umaasa din ng ganoon.

Ang plano ng unang grupo na gawin ay ang maghintay. Ni hindi sila sumubok na humakbang kahit isa sa labas ng siyudad at gamitin ang kanilang pera-"coll' ang tawag sa pera sa mundong 't-at binibili lang nila ang pagkain na sapat para mamuhay sa araw na iyon at maghanap ng mumurahing hotel para matulugan, at mamasyal sa palibot nang walang anumang iniisip.

Mabuti na lang ang Starting City ay isang siyudad na sinasakop ang dalawampung porsyento ng kabuuan ng first floor. Malaki ito na kayang pagkasyahin ang Tokyo District. Kaya naman may sapat na lugar ang limang libong manlalaro para mamuhay.

Pero wala pa ring tulong na dumarating kahit gaano katagal pa silang maghintay. Sa ibang araw, ang langit ay hindi ganoon kaaliwalas at nababalutan ng itim na ulap. Ang kanilang pera ay mauubos at mauubos at na-realize nila na kailangan na nilang kumilos.

Ang pangalawang grupo ay binubuo naman ng tinatayang trenta porsyenta, o tatlong libong manlalaro. Grupo ito kung saan ang mga manlalaro ay nagtutulungan. Ang lider nito ay isang admin ng pinakamalaking online game info site.

Ang mga manlalaro na kabilang sa grupo ay hinahati-hati sa iba't-ibang maliliit na grupo. Anuman ang kanilang makuha at makolektang impormasyon sa laro ay kanilang pinamamahagi sa bawat isa. Pinapadala din sila para suyurin ang mga pasikot-sikot at nakakalitong mga daanan kung saan naroon ang mga hagdanan paakyat sa susunod na palapag. Ang Black Iron Castle ang ginawang base ng operasyon ng mga lider ng grupo at doon din nanggagaling ang mga utos para sa iba't-ibang grupo nila.

Wala pang pangalan ang malaking grupo na 'to. Pero pagkatapos matanggap ng mga miyembro nito ang kanilang mga uniporme, may isang tao ang nagbinyag sa kanila, kahit nakakatakot, ng pangalang "The Army".

Ang ikatlong grupo naman ay binubuo ng, tumatayang libong manlalaro. Kinabibilangan ito ng mga taong inaksaya ang kanilang coll pero ayaw namang lumaban sa mga halimaw para magka-pera.

Merong dalawang uri ng pangangailangan ang katawan dito sa SAO. Ang una ay pagod at ang pangalawa ay gutom.

Ang mga manlalaro na naglustay ng kanilang pera sa simula pa lang ng laro, yung mga hindi makatulog at makakain, ay karaniwang sumasali sa malaking organisasyon kagaya ng "The Army". Dahil na rin siyempre nakakatanggap sila ng makakain kahit papaano sa pagsunod nila ng utos mula sa taas.

Pero meron namang ilan na hindi nakikipagtulungan kahit ano pa ang gawin nila. Yung mga taong ayaw sumali, o kaya naman ay napatalsik dahil sa panggugulo, ay napapadpad sa patapong lugar sa Starting City at kanilang nagiging base para sa kanilang pagnanakaw.

Sa loob ng siyudad, o lugar na kilala sa tawag na «Safe Areas» ay pinoprotektahan ng system kung saan ay hindi magkakasakitan ang mga manlalaro. Pero hindi ganoon ang sitwasyon sa labas. Gumagawa ang mga palaboy ng grupo sa kapwa nila palaboy at saka mananambang ng ibang manlalaro-na mas malaki naman ang kita kompara sa paghahanap ng halimaw-sa labas o kaya sa mga masusukal na lugar.

Kahit ganoon, wala pa naman silang pinapatay-at least noong unang mga taon.

Unti-unti lumakas ang grupong ito hanggan sa maabot nila ang bilang na libo.

------------------------------------------------------------------------------------

Susunod kilalanin natin ang ikaapat na grupo, na kinabibilangan naman ni Kirito. Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top