7
7
More Than
Tahimik kaming bumalik ni Lukas sa bahay. Tension still radiated in him while I can't still grasp whatever I am feeling now. Everything was too fast for me. The past few weeks have changed my life and threw me in a rollercoaster of emotions. Hindi ko na alam kung anong nangyayari, basta ang alam ko ngayon, ay unti unti ko nang naiwawala ang sarili ko sa dagat ng nararamdaman ko.
Noong pumarada ang tricycle sa tapat ng bahay nila Lukas ay agad akong bumaba, hindi na siya hinintay. Nakakailang hakbang pa lamang ako noong naramdaman ko ang kamay niya sa aking siko. Tumikhim siya bago ako pinaharap sa kanya. His head was dipped low as the long curls of his hair masked his eyes.
"Bakit nagsinungaling ka sa mga kaibigan mo? Bakit sinabi mong katulong ako?" mahinahon kong sabi. Lukas bit his lip and he looked at me. His eyes were begging me to stop my questions but I just couldn't. It bothers me that he wants to hide me from everyone that is close to him.
"Noelle..."
"Lukas, sabihin mo kasi sa akin yung totoo? Hindi yung bibiglain mo ako, katulad na lang kanina. May problema ba sa akin?" My voice shook with my words. Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko para mapigilan ang luha na nagbabadyang tumulo. My heart throbbed painfully as I wait for the painful lash of his words.
Kinahihiya niya ba ako? Ayaw niya ba sa akin? May mali ba ako?
Ang daming tanong na pabalik balik sa utak ko. I braced myself for whatever disappointment his words will bring upon me. Sanay na akong hindi nagiging sapat para sa mga taong mahalaga sa akin. Lukas is no different.
I thought my newly found friendship with him would turn the tides around but I was wrong. Oo, at hindi na siya galit sa akin pero may nakikita pa rin siyang mali sa pagkatao ko kaya mas gusto niyang ilihim ang totoong ako.
Tiningnan niya ang bintana ng kanilang bahay. Nakasindi pa ang ilaw at maingay ang palabas na pinapanood ni Lola Esmeng sa TV. Bumuntong hininga si Lukas at lumapit sa akin. Kinuha niya ang aking kamay at inakay ako papunta sa dalampasigan.
Malamig ang ihip ng hangin at nililipad noon ang aking buhok. Madilim na at ang tanging liwanag na mayroon kami ay nanggagaling sa buwan. Umupo ako sa batuhan roon habang si Lukas ay nanatiling nakatayo sa gilid ko. Ilang sandaling walang nagsasalita sa amin noong basagin ni Lukas ang katahimikan.
"Hindi ba't sinabi ko sayo na ayaw ko sa mga mayayaman?" aniya. Nilingon ko siya at tumango. Mas lalong bumigat ang dibdib ko habang unti unti siyang nagpapaliwanag.
A part of me wants him to like me. I just want it so bad. My heart throbs so painfully whenever I think of him, being disgusted with me. Kahit na gaano kasama ang pakikitungo niya sa akin noon ay binabalewala ko. The moment he saved me before, something inside me has changed. I just want him to like me.
Yumuko ako para itago ang pagkabigo sa aking mukha. Lumapit si Lukas sa akin at hinawakan ang aking baba. Half of his face was illuminated by the moon while the other half was covered by the darkness of the night. I sighed painfully as I swallow the funny metaphor. Lukas is light and dark, a mystery and an answer all at the same time. He's the mixture of sweet heaven and painful hell.
Umigting ang panga niya bago hinawakan ang aking batok. Huminga siya ng malalim na para bang hirap sa susunod na sasabihin.
"Sinira ng mga mayayaman ang buhay ko, Noelle. Sinira ng mga may kapangyarihan ang maraming buhay dito sa isla."
Lumunok ako bago kumunot ang aking noo. Lukas breathe so hard and I reached for his chest. His heart was drumming so bad against my palm.
"Luke..."
He opened his eyes and stared at me. His bloodshot gaze filled with anger searched my face. Hindi ko napigilan ang sarili ko at hinawakan ang magkabila niyang pisngi para maibsan ang paghihirap niya.
Binaling niya ang mukha pakaliwa bago lumapat ang labi sa aking palad. Violent shivers ran down on my spine as I felt his lips on my bare skin.
"T-they killed my mother..." his voice broke. Tumulo ang luha sa kanyang kaliwang mata at pumatak iyon sa aking palad.
"Lukas...stop.." I whispered. My voice shook as I watch him in pain. My heart just went out to him as he struggled in narrating his story.
"Twenty three years ago, a rich family came here. Hindi pa moderno ang isla namin at hindi rin bukas sa turismo. Namumuhay lang ang mga tao sa pangingisda."
Huminto siya at huminga ng malalim. Bumaba ang kamay ko at agad niya iyong hinagip at hinawakan.
"Nagtayo iyong mayaman na pamilya ng minahan rito, sa may dulo lang ng isla. Maraming umapila noon pero mas maraming mga taga isla ang nasilaw sa pera. Sumama sila at naging minero ng pamilyang iyon. Isa sa mga naging empleyado nila ang inay ko."
His thumb absentmindedly played with my hand. He was trying his best to calm down but the memory of his pained past haunts him now.
"Nakilala ng inay ko si Soren Cirineo, anak ng may ari ng minahan. Minahal siya ni inay pero..."
Pumikit siya ng mariin. His adam's apple bobbed savagely as he control his ravaging emotions.
"Nagkaroon ng malakas na bagyo sa isla pero hindi pinatigil ng mga Cirineo ang operasyon sa minahan. Nagkaroon ng landslide at maraming namatay."
"Kasama ang inay mo?" tanong ko. Madilim ang mukha ni Lukas noong umiling siya.
"Hindi. Pero tinakbuhan ng mga Cirineo ang pamilya ng mga namatay. Kasama nilang umalis si Soren para bumalik sa Maynila."
Napapikit ako. Kahit hindi tapusin ni Lukas ang kwento ay may ideya na ako. If my hunch is right, then, he has all the rights to hate every rich person that he would cross paths with.
"Sumunod si inay sa Maynila para kay Soren. Pero noong makarating siya roon ay sumalubong sa kanya ang balita na ikakasal na si Soren sa isa pang anak mayaman. My mother came back here heartbroken. Sa kanya rin hinahanap ng mga taga isla ang pamilyang Cirineo. Alam ng lahat na naging karelasyon ni inay si Soren kaya siya ang napagdiskitahan."
I bit my lip and pulled him to sit beside me. Umusog ako at kahit maliit ang bato para sa aming dalawa ay pinagkasya niya kami. Hinawakan ko ang kanyang kamay at marahan iyong pinisil.
"Hindi alam ni inay na buntis na pala siya sa akin. Noong manganak siya ay iniwan niya ako kay Lola Esmeng para subukang lumapit ulit kay Soren," umiling si Lukas at tinitigan ang malawak na dagat.
"Alam mo ba kung anong nakita niya Noelle? Nakita niya si Soren kasama ang asawa niya. Buntis rin ito at masayang masaya. At doon tuluyang nawasak ang inay," basag ang boses niyang sabi.
"Noong makabalik siya rito ay sirang sira na siya. Ilang araw lang ang lumipas at...nagpasya ang inay na wakasan ang buhay niya. Dito sa dagat na ito, Noelle...nilunod niya ang kanyang sarili."
Natutop ko ang bibig ko sa narinig. Lukas gazed at the sea, his expression hard and cold.
Nanginig ang baba niya at umiling.
"Hindi ako naging sapat para sa kanya, Noelle. At hindi rin siya naging sapat para kay Soren. Dahil mahirap siya. Kung talagang minahal siya ni Soren...kung talagang minahal ng itay ko si inay..." umiling lamang siya at huminga ng malalim.
"Your mother..was Loriane, right?" mahina kong tanong. Nagtiim ang bagang niya at tumango.
I bowed my head. I get why the people here look at me differently. Sa eskwela ni Lukas, sa palengke at noong unang beses ko rito ay iba na ang tingin sa akin. Akala ko noong una ay dahil sa kulay ng balat ko at sa aking itsura. Now I understand that they look at me differently because of their pained past.
"Ayaw kong malaman ng kahit na sino rito na mayaman ka, Noelle. Hindi ako sigurado kung nabura na ba ang alaala ng mga Cirineo dito sa isla pero kailangan nating mag ingat. Ayaw kong may manakit sayo," madamdamin niyang sabi. Tumango ako bilang pangako sa kanya.
"Nangako ako sa sarili ko, na walang mayaman na papasok sa buhay ko..." he reached for my cheek and touched it.
"And then you came. All my ideals and principles flew to the air the moment I met you, Noelle. At kung mangyari man sa akin ang nangyari kay inay..kung iiwan mo ako dahil lang sa mahirap ako---"
"Hindi, Lukas. Pangako 'yan. Hindi ako katulad ng ama mo. I'll stay here. Tutulungan ko pa si Lola sa karinderya," masigla kong sabi. Malungkot lamang siyang ngumiti bago tumango.
"Kaibigan kita, Luke. Kahit kailan hindi kita tatalikuran," dagdag ko pa. Iyong ngiti niya ay biglang naging mapakla sa sinabi ko. Humarap siya bigla sa dagat bago napabuntong hininga.
"Tangina," bulong niya. Napanguso ako at tinapik ang balikat niya. Humarap siya sa akin bago mabilis na tumayo. Inalalayan niya rin ako sa pagtayo kahit na mukhang banas ang itsura niya.
His lips were in a thin line while his jaw was firmly set. The darkness of his face made him look more arrogant. Kunot na kunot rin ang noo niya at parang nagpipigil ng kung ano mang galit.
"Bumalik na tayo," aya niya bago ako iniwan sa dalampasigan. Kinain ng malalaking hakbang niya ang daan pabalik sa kanilang bahay. Patakbo naman akong humabol sa kanya papasok.
Buong gabing naging mainit ang ulo ni Lukas pagkatapos ng pag uusap naming dalawa. Hanggang sa nakatulog ako ay 'di niya pa rin ako pinapansin. Hindi ko alam kung may nasabi ba akong mali o may nagawa ako. Masyado ba akong naging pakialamera at pinilit ko siyang magkwento sa kanyang personal na buhay? Hindi ba't magkaibigan naman kami? Normal lang iyon sa magkakaibigan.
Noong mag umaga ay may nakahanda na agad na almusal. Abala si Lola Esmeng sa pagsasampay ng kanyang mga labahan sa labas kaya si Lukas ang naabutan ko sa kusina. He was topless while frying something. Napalunok ako habang pinapanood ang paggalaw ng likod niya. All the muscles in his back danced sensually at his every movement. I bit my lip as beads of sweat formed in my forehead.
Nilingon niya ako at nakitang nakatayo na sa may hamba ng pinto. Tumaas ang isa niyang kilay bago naglagay ng isang pirasong itlog at tatlong tawilis sa pinggan.
"Kumain ka na," utos niya. Lumapit ako sa mesa at pasimpleng inayos ang aking buhok. Humarap siya sa akin at naglagay ng isang pitsel na malamig na tubig sa aking harapan. Halos mabilaukan pa ako ng tumambad sa akin ang kanyang katawan.
The man has abs! The lines separating each marvellous crack of his abdomen is sinful. Tiny drops of sweat from cooking slowly dripped from each pack down to his deep v-line.
Tumikhim si Lukas at napatigil ako sa paninitig sa kanya.
"Kumain ka na nga...kaibigan," he said, emphasizing his last word. Tumaas naman ang kilay ko sa pagtataka. He said the word as if it has poison laced through it.
"What?"
Masungit lamang niya akong tiningnan bago siya naglagay ng kanin sa aking pinggan. Ngumuso lamang ako at nagsimula na ring kumain.
Tahimik ang hapag habang nagaalmusal kaming dalawa. Noong matapos siya ay nanatili siya sa kanyang upuan. Noong ako naman ang matapos ay agad siyang tumayo at kinuha ang aking pinggan. Mabilis niyang hinugasan iyon habang ako ay nakatanga sa kanyang likuran.
Marahas ang bawat galaw niya habang naghuhugas. He splashes the water as if he was having a fight with it. Binabagsak din niya ang sabon at ang mga kubyertos na para bang galit na galit talaga siya.
"Lukas?"
Hindi niya ako sinagot. Binalik niya ang mga pinagkainan namin sa lalagyan bago hinila ang puting tshirt na nakasabit sa upuan. Mabilis niya iyong sinuot at napatanga na naman ako habang pinapanood ang pagbibihis niya.
Noong matapos siya ay tinitigan lamang niya ako at walang paalam na lumabas. Napanguso na lamang ako at hinabol siya. Naglalakad na siya sa dalampasigan ngayon at agad akong tumakbo sa kanyang direksyon.
"May nasabi ba ako, Luke? Bakit hindi mo ako kinakausap?" hinihingal ko pang tanong. Iyong pinulot niyang kabibe ay binato niya sa dagat. Hindi pa rin niya ako pinapansin.
Tiim na tiim ang bagang niya habang ako ay tahimik lang na nasa gilid niya. His jaw moved harshly as he stared at the blue ocean. Tinaas ko ang aking palad at hinawakan ang kanyang braso. Natigilan naman siya pero hindi pa rin ako hinarap.
"I'm sorry. Lukas, please talk to me," I begged. Tiningnan niya ako bago ako mabilis na hinapit. His arm wrapped around my waist and he lifted my chin with his fingers.
"What am I to you, Noelle?" he asked. I swallowed as I try to understand his words. My heart was beating painfully against my chest. We were so close I can almost feel his breath against mine.
"H-huh?"
Napapikit ako sa nasabi. Seriously, Noelle? Hanggang 'yan lang ang masasabi mo?
He smiled wickedly before closing his eyes. Noong nagdilat siyang muli ay punong puno na iyon ng determinasyon.
"Sinabi mo kagabi...na kaibigan mo lang ako," aniya. Tumango ako at naningkit ang mga mata niya.
"T-totoo naman hindi ba?"
"Bullshit..." he cursed. Napasinghap ako ng mas hinila niya ako palapit sa kanya.
Inilapit niya ang mukha sa akin at halos maputulan na ako ng hininga. Our lips were a breath apart. His eyes move towards my lips and he sighed. The fingers in my chin touched my mouth as he cursed.
"I want to be more than your friend," he whispered seductively. Nanatili akong nakaestatwa sa harap niya, hinihintay na lumapat ang labi niya sa akin.
"I...Lukas..."
His lips brushed the side of my mouth and I moaned. Thousand feelings that I have never felt before exploded inside me. Shivers were sent to my spine as I feel his lips move at the side of my mouth.
Lumipat ang labi niya sa gilid ng aking tenga bago siya nagsalita.
"Liligawan kita. Fuck, but I will be more than your friend, Noelle," he promised. Muli niya akong hinarap, iyong mata niya ay nasa labi kong ulit.
"Someday, it will be more than your lips," he said darkly, his words laced with an unknown promise.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top