5

5



Halik




I was busy trying to fix my hair to something that would resemble order. The stray curls of my hair framed my small face and I hastily brushed them away. I took my knapsack below my bed before rummaging it to look for a pin.

Inikot ko na lamang ang buhok ko para i-bun. Dahil sa hindi pantay pantay na pagkakakulot ay may mga hibla pa ring nahulog. I just sighed and let my hair be. I was aiming for something that would make me look older that's why I was trying for a clean look but then my hair has a mind of its own. Hindi nakatulong na mas bata pa akong tingnan sa totoo kong edad dahil sa buhok ko. Gusto ko sana ay kahit papaano mag mature ang itsura ko.

I really hate my face right now. Dati, maraming pumupuri sa mukha ko. Many say that I look like a Chinese porcelain dool. Chinky eyes, small button nose, thin lips and a mane of wild curly hair made me look very young. I was thankful before. Pero ngayon ay naiinis ako.

Nalaman kong twenty three na pala si Lukas. That's five years of age difference! I never dated any boy but I wanted someone who is older for only a year or two. Not that I want to date, Lukas, no. Nabigla lang ako sa agwat ng edad namin. Yun lang.

I mean, he looked a lot older than me. I was expecting that maybe he was just 20 or so. Nakakapanghinayang lang na may kalayuan ang edad naming dalawa.

Today I was wearing a simple lavender summer dress. Sleeveless iyon at may flowing na skirt na umaabot hanggang sa itaas ng aking tuhod. Kinuha ko ang aking liptint sa bag bago naglagay ng kaunti sa aking labi. My cheeks were already naturally blushed so I just puckered my lips and tried to fix any imaginary flaws that I have.

Noong masiguro kong mukha na akong presentable ay lumabas na ako ng kwarto. Bumungad sa akin ang boses ni Lukas na bahagyang natatawa at si Lola Esmeng na nagsasabi sabi.

"May hindi ka ba sinasabi sa akin, Lukas Miguel?"

"Lola naman, anong sasabihin ko sayo?" Lukas asked in a very boyish manner. Nagtago ako sa likod ng pader at pinakinggan ang dalawa sa pag uusap.

"Kung ganoon, bakit ngiti ka ng ngiti? May balita sa eskwela? Ano? May nobya ka na? Magpapakasal ka na?!"

Humalakhak na si Lukas at nakagat ko ang labi ko. I remembered his chuckles the day before. God, he was so...out of this world. My thoughts went back to the day he actually apologized and I saw him in a different light.

"Lola..."

"Naku Lukas, baka may kumatok na naman sa atin at hamunin ka ng away dahil may napaiyak kang babae? Kailan ka ba titigil sa bisyo mong 'yan apo? Panatagin mo naman ako."

Napanguso ako. May pumunta na dito dahil nakapagpaiyak si Lukas ng babae? No wonder, with a face like that and a body of a god, talagang maraming iiyak.

"Lola wala. Maganda lang talaga ang gising ko ngayon. May bago kasi akong kaibigan," sagot nito. Lumipad ang kamay ko sa aking bibig para pigilan ang tawa. Yung isa kong kamay ay napahawak sa aking dibdib at bahagya na silang sinilip.

Nagtama ang paningin namin ni Lukas kaya alanganin akong ngumiti. Tumaas rin ang sulok ng labi niya bago hinalikan sa noo ang Lola. Lumapit na ako sa kanila at nagmano ako agad kay Lola Esmeng.

"Magandang umaga po, Lola. Lukas," bati ko. Ngumiti lamang si Lola bago muling tiningnan si Lukas na naghahanda na ng almusal namin.

"Lukas, hindi pa tayo tapos," anas ni Lola. Kinagat ni Lukas ang kanyang labi bago napailing. My breathing hitched as I watch his jaw moved as he controls his smile.

Tinabihan ko si Lola Esmeng pero nanatili ang tingin ko kay Lukas sa mesa. Nakasuot lamang siya ng asul na v-neck shirt na hapit na hapit sa kanyang katawan. Kapares ng shirt niya ay isang itim na shorts at ang buhok niyang magulo at abot hanggang puno ng tenga niya.

He licked his lip and I unconsciously dried mine. Kumuha si Lukas ng mga plato at baso bago kami tiningnan dalawa ni Lola Esmeng.

"Kain na," pag aya niya, bahagyang nilingon si Lola bago nagtagal ang titig sa akin. Tumikhim ako para kalmahin ang aking sarili bago umupo sa aking pwesto. Noong makaayos na kami ay pinangunahan ni Lola ang dasal at kumain na.

Tahimik na kaming kumakain noong naglagay si Lukas ng isang pirasong sunny side up sa aking pinggan. Napatigil ako sa pagsubo habang siya ay patay malisya na nagpatuloy sa pagkain.

Tumikhim ako habang si Lukas ay yumuko para itago ang ngiti. Sa ilalim ng mesa ay sinipa ko siya kaya napaungol siya. Nilabas ko ang aking dila at binelatan si Lukas. Tumaas lang ang isa niyang kilay bago napangisi. Sinubo ko na lamang ang kinakain ko at nanahiik sa gilid habang napapangiti.

The morning passed with the two of us caught between a friendly bickering. The first part of my day was highlighted by Lukas' crazy antics and his devilishly handsome chuckle.

Nang nagtanghali ay pumunta ako sa dalampasigan para mamulot ng shells. I was walking on the shore, holding three different shells. One was a white, round shell. Iyong dalawa naman ay pahaba na pwedeng ilagay sa tenga para mapakinggan ang tunog ng dagat.

Nilingon ko ulit ang kubo nila Lola Esmeng at nakita ko si Lukas na pinapanood ako sa paglalakad. Nakapatong ang magkabila niyang kamay sa barandilya habang nakatitig sa akin ng malagkit. Ngumuso lamang ako at binelatan siya kaya naman napaikot ang kanyang mata. He looked so frustrated at me but then the corners of his lips rose. The wind blew hard and my hair followed the splash of air and still, Lukas kept on staring at me. Tinalikuran ko na siya dahil 'di ko na makaya ang mga titig niya sa akin.

My heart thumped a little faster than usual. Noong magkaaway pa kaming dalawa, palagi kong nasasabi sa aking sarili na dahil lang sa inis ko kaya bumibilis ang tibok ng aking puso kapag nandyan siya. Ngayon na magkaayos na kami, ganoon pa rin ba ang rason?

Naglakad lakad ulit ako sa dalampasigan para kalmahin ang nagwawala kong damdamin. Pupulot na sana ako muli ng mga kabibe ng makarinig ako ng isgaw sa di kalayuan. Nilingon ko iyon at nakita ko si Marj, iyong babaeng may siomai sa eskwelahan ni Lukas, na parating.

"Lukas Miguel!" sigaw nito. Tumakbo si Marj papunta kay Lukas sabay yakap sa matipunong braso nito. Nilingon ko si Lukas na lumawak ang ngiti habang tinitingnan iyong babae.

The girl was pretty, okay. She has legs that could run for miles. Tanned skin, tuwid na tuwid na buhok, at makurbang katawan. Her lips were pursed, showing how plump her red mouth is.

Habang tinitingnan sila ni Lukas ay di ko mapigilan mainis. The woman is the perfect height for him. Hanggang balikat, sakto ang labi sa noo kapag binigyan ng halik. Kung titingkayad naman si Marj ay abot na abot niya ang labi ni Lukas. Hindi katulad ko. Kailangan ko pa yata ng anim na pulgadang takong para maabot si Lukas.

At bakit ba iniisip mo ito, Noelle? Uhaw lang? Ang harot mo din, noh?

Pumwesto ako sa dalampasigan, sa harap lang ng kubo, dahil mainit na. mas narinig ko ng maayos ang usapan ng dalawa kaya inabala ko ang sarili ko sa mga kabibe.

"Birthday ni Ate, inimbitahan ka niya, diba? Punta ka ha, mag iihaw ako," sabi ni Marj. Marahang tumawa si Lukas kaya napalingon ako. Nagtama ang mga paningin nila at nawala ang ngiti nito habang nakatingin sa akin.

"Hindi ako nakapag paalam kay Lola—"

"Kaya nga nandito ako, ipagpapaalam kita, ha?" malambing na sabi ni Marj. Tumaas ang kilay ko at binalibag ang isang maliit na kabibe. Ang panget!

Sinipa ko ang buhangin para maghanap ng mas maraming kabibe. Umupo ako sa baybayin at marahas na naghukay pero wala pa rin akong mahanap! Nakakainis kasi si Marj!

Binato ko na lang ulit sa dagat ang mga nakuha kong kabibe bago nagmartsa pabalik sa kubo. Nakita ko ang paglingon sa akin ng dalawa habang maattitude ako naglalakad. Bumaba pa ang tingin ko sa kamay ni Marj na nakakapit pa rin sa braso ni Lukas.

"Excuse me," I said. Nakaharang ang dalawa sa daanan at gusto ko ng pumasok para magpalamig.

"Noelle," tawag ni Lukas sa akin pero nanatili ang tingin ko kay Marj. Binigyan ako ng matamis na ngiti ni Marj bago nilahad ang kamay sa akin.

"Marjnelle nga pala. Girlfriend ni Luka---"

"Marj!" sigaw ni Lukas sabay kabig sa kanyang braso. Napanganga ako at iritadong tiningnan si Lukas na 'di na alam ang gagawin sa aming tabi.

Kinuha ko ang kamay ni Marj para tanggapin. Hinawakan ko iyon ng mahigpit hanggang lahat ng buhangin mula sa paghahanap ko ng kabibe ay kumapit sa palad niya. Nanguuyam ang ngiti ko sa kanya noong ako ang nagpakilala.

"My name's Noelle. Nice to meet you," I said, throwing my words in a perfect Aussie accent. Hindi ko na hinintay ang reaksyon nila o ang mga susunod na salita. Dumiretsyo na ako papasok at agad na naghugas ng kamay. Baka mahawa pa ako sa virus ng Marjnelle na yun.

Kumuha ako ng tubig sa may lababo at uminom. Sa bintana ay nasisilip ko pa rin si Lukas at Marj na magkausap noong dumating si Lola Esmeng. May sinabi si Marj sa matanda bago ngumiti ng malawak si Lola. Napaikot na lamang ang aking mata bago ko binaba ang baso.

Surely, Lola agreed that Lukas should go to that birthday party. Huminga na lamang ako ng malalim at pumunta sa kwarto na tinutuluyan ko. Humiga ako sa papag at agad na niyakap ang unan na naroon.

Pumikit ako noong marinig ko ang tatlong mahihinang katok sa pader (wala kasing pintuan ang kwarto, tanging puting kurtina lang ang tabing) kaya napaupo ako. Nakita ko si Lola Esmeng na nakangiti sa akin kaya agad akong tumayo.

"Lola, may kailangan po kayo?

"Wala naman hija. Itatanong ko lang sana kung abala ka ba mamayang hapon?"

Agad akong umiling. Ngumiti ang matanda. Bigla ay sumulpot si Lukas sa likod ng kurtina bago pinatong ang baba sa ulo ni Lola. Alanganin itong ngumiti sa akin. Kung wala si Lola ay inirapan ko na sana siya.

"Pwede mo ba akong samahan sa birthday party?"

Napaawang ang bibig ko sa sinabi nito. Aangal na sana ako noong lumapit si Lola at hinawakan ang aking magkabilang kamay.

"Noelle, sige na, sumama ka na. Mas mapapanatag ako kung may magbabantay kay Lukas roon."

"Lola!" pag alma ni Lukas. Alanganin akong ngumiti bago ko kinagat ang aking labi.

"Pero Lola..."

"Isa pa, magandang oportunidad ito para makalabas ka. Hindi puro dito at sa palengke ka lang. Maganda ang El Nido, hija, kailangan mo ring makita." Sabi ni Lola. Binitiwan niya ako bago tinapik ang aking balikat at tuluyang lumabas na. Si Lukas ay naiwan sa may kurtina bago nagpasyang pumasok.

"Sa susunod, 'wag mo nang idamay si Lola, Lukas. Kung gusto mong pumunta, edi pumunta ka," sikmat ko. Napanguso si Lukas bago sumandal sa pader.

"Gusto mo ba akong pumunta?"

Inirapan ko siya bago pabalyang itinabi ang unan sa aking gilid.

"Fuck! If you want to go, then go. Hindi mo na ako kailangang isama! Baka makaistorbo pa ako sa inyo ng Marj mo," I spat. Niyuko niya ang ulo niya bago pailalim akong tiningnan. Tumayo naman ako at lalabas na sana noong hinigit niya ang aking braso.

"You didn't answer my question. Do you want me to go?"

Hinila ko ang braso ko at tinitigan siya. Naging matigas ang kamay niya sa akin kaya 'di ako nakawala.

"Kasi kung ayaw mo akong pumunta, hindi ako pupunta. Dito lang ako sayo," bulong niya. Nanghina ang kanina kong nararamdamang galit kaya nag iwas ako ng tingin. Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko sa paa.

"Paano si Marj?"

"Oh, she'll manage. Marami akong mga kaibigan na dadalo."

Tiningnan ko siya. Kumikinang ang kulay kayumanggi niyang mata habang nakatitig sa akin, nagmamakaawa na sagutin ang tanong niya.

"She's your girl. How can she enjoy a party without her boyfriend, huh?"

Tumaas ang sulok ng bibig niya bago niya kinagat ang pang ibabang labi. He pursed his lips to stop a smile from breaking.

"She's not my girl, Noelle. And I'm not anyone's boyfriend...yet," sagot niya, pinahabol ang huling salita. Sa sinabi ay bumalik ang dating kulo ng dugo ko. Kanina ay pinatay na ng demonyo sa loob ko ang kalan na niluluto ang galit ko, ngayon ay muli niyang sinindi para pakuluin dahil sa narinig.

"Yet? You man whore..."

He chuckled before pulling me closer. The hand on my wrist went to my waist. Nagpumiglas ako pero napatigil noong hinaplos niya ang aking pisngi.

"Yes, yet. 'Di pa kasi ako makaporma 'dun sa napupusuan ko, natatakot pa ako."

I bit my lip and placed my hand on his broad arms. Abot ko naman pala. Kailangan ko lang tumingkayad ng kaunti. Oh well, if I was home, then I woyld wear some of my expensive heels just to reach the broad expanse of his arms.

"Torpe..."

Iyong kamay niya sa aking pisngi ay dumako sa aking leeg. I shivered from his touch. His fingers danced through my skin delicately, moving as if I was a fragile glass.

His brown stare searched my face, starting from my eyes down to my small button nose 'till my lips. His gaze lingered at them and I bit it, trying to control my anticipation for his touch.

"Run, Noelle, while I still can control myself. Run now or else..." he whispered, his eyes never leaving my lips. His stare darken as I bit my lower lip. His face inched closer until we're breath apart.

"Lukas..."

Gahibla na lang ang pagitan ng mga labi namin noong bigla siyang tumingala. Bumagsak ang labi niya sa aking noo at doon ako hinalikan. Nanigas ako sa kinatatayuan ko bago niya ako binitiwan.

"Gusto mo pa bang tumuloy sa party?" aniya, parang wala ng nangyari. Wala sa loob na napatango na lamang ako at nagmamadali naman siyang lumabas. Noong wala na siya ay napahawak ako sa aking noo.

Ano 'yun, halik pang Lolo?! Lolo ko ba siya? Bwisit!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top