4


4



Maganda



We walked back to the jeepney station. Half day lang sina Lukas ngayon kaya sasamahan na niya ako pabalik sa palengke. I was at his back while Lukas' strides were too fast for me to keep up. I was panting already from the heat of the sun and the insulting way he treats me right now. Hindi ko maintindihan kung may nagawa man akong mali. Ang bait ko na ngang makitungo sa kanya pero puro kasungitan naman ang balik sa akin.

For the past three weeks, I have seen him for quite a number of times staring at me with those judging eyes. I don't know but everytime I meet those deep brown eyes, I always feel uncomfortable. Kaya siguro mas madali akong mairita sa kanya dahil sa paraan ng paninitig niya, parang laging nakabantay at nagdududa sa akin, naghihintay lamang na magkamali ako para mapaalis na niya.

Pinipilit ko siyang intindihan. Hell, would I be here, almost running after him, if I am not trying to understand all his moodswings?! Hah! Hindi ako pinalaki ng daddy ko na maging mabait sa mga taong masama sa akin. Kung masama sila, masama ako. Kung mabait, mabait ako. I treat the people around me the way they treat me. Si Lukas lang ang kaibahan.

Gusto ko siyang makasundo bilang pagtanaw ng utang na loob kay Lola Esmeng pero talagang konting konti na lang ang natitirang pasensya ko. The guy was a good for nothing jerk! I know Lola told me to give him a chance 'cuz he is a nice person pero wala talagang nice sa kanya, duh! Well, aside from his face. The man is practically beauty personified but hell, I would rather have a monstrous friend with an angelic character than a pogi who's a demonyo.

Gigil akong nakatingin sa malapad niyang likod habang naglalakad kami sa mabatong daan pabalik sa palengke. Susunduin kasi namin si Lola Esmeng sabay tutulong na rin para maisara ang karinderya.

Habang naglalakad ay biglang hinubad ni Lukas ang kanyang polo. Naiwan ang puti niyang tshirt na hapit na hapit sa kanyang katawan. Noong maalis niya iyon ay sinabit niya ang polo sa kanyang balikat bago ako nilingon. Pinagtaasan ko siya ng kilay habang siya ay huminto sa paglalakad.

"Kaya mo pa? Di ka sanay sa lakaran, ano?"

Pinalobo ko ang pisngi ko at nilampasan siya sa paglalakad. Kaasar!

Fuck you! Fuck you, Lukas Aviar! Nakakainis ka na!

"Your spoiled, dainty feet can't take it anymore, huh, princess? Umuwi ka na kasi," aniya bago binilisan ang lakad. Nilampasan niya ako bago ako hinarap at patalikod na naglakad. Namulsa siya habang iyong titig niyang arogante ay bumalik.

"Pauwi na tayo, hindi ba?"

Tumaas ang sulok ng labi niya, nairita.

"Hindi mo bahay ang bahay namin. Ang bahay ninyo, mansyon. Malayong malayo sa kubo namin ni Lola," he concluded. Huminto ako sa paglalakad at tinitigan siya ng mariin. Ganoon din ang ginawa niya. The accusing menace of his stare made me uncomfortable once again.

"Hindi ko alam kung bakit ayaw mo pa ring bumalik sa palasyong pinanggalingan mo. Bakit? Too tired with the glitter and gold, huh? O baka naman gusto mong maranasan kung paano maging mas mahirap pa sa daga? Ekperimento lang, ganoon?"

Kinuyom ko ang aking palad para pigilan ang namumuong galit sa aking dibdib. This man really knows to challenge the patience of anyone, even a saint!

Nagtaas baba ang dibdib ko habang nakatitig sa kanya. I have never been this angry my whole life! Sumakit ang lalamunan ko at nag iinit na ang gilid ng aking mata habang kinakalma ko ang sarili ko.

"Tapos ka na?" mahina kong sabi. Bumuka ang bibig ni Lukas pero nang makita ang ekspresyon ko ay napahinto siya. Iyong kunot ng noo niya ay mas lumalim habang natigilan sa pananahimik ko.

"Kung wala ka ng sasabihin, mauuna na ako," anas ko sabay hagis ng baunan sa kanya. Lumagapak iyon sa mabatong daan pero wala na akong pakialam. Agad ko siyang tinalikuran at nagmartsa ako palayo sa kanya. Narinig ko pa ang pagtawag niya pero hindi ko na siya hinarap.

Tears fell devilishly in my eyes. I wiped them harshly while I kept on walking. Ginamit ko ang braso ko para punasan ang aking luha habang patuloy na naglalakad.

The nerve of that guy! Akala ba niya porke't mayaman ako ay madali na ang buhay sa akin?! Hindi! Wala siyang alam! Hindi niya alam kung anog pinanggagalingan ko kaya wala rin siyang karapatan na pagsalitaan ako ng ganoon. Hindi niya ako kilala. Hindi niya alam kung anong tinatakbuhan ko!

Tuloy tuloy na ang hikbi ko at 'di na ako makahinga ng mabuti. Dala ng init, pagod, at inis na nararamdaman kaya nagsisikip na ang dibdib ko. Huminto ako sa paglalakad para huminga sandali ng maramdaman ko ang isang malapad na kamay na sumakop sa manipis kong braso. Tiningala ko ang may ari noon at nakita ang pawis na si Lukas, titig na titig sa akin habang bahagyang nakaawang ang labi dahil sa hingal.

"Ano?" sikmat ko. Kinagat niya ang labi niya at binitiwan ako. Nag iwas naman ako ng tingin para itago ang patuloy kong pag iyak.

"Oh," aniya. Marahas ko siyang tiningnan noong bumungad sa akin ang isang puting panyo. Nagpalipat lipat pa ang tingin ko sa kanya at sa hawak niya. Noong hindi ako gumalaw ay siya na ang lumapit at pinunasan ang mga luha sa aking pisngi.

I moved back but he held my waist closer. His touch was gentle..too gentle. His eyes were caressing my tears softly, as if silently saying sorry for causing them.

His jaw moved violently as he brush away all stray tears. Binaba ko naman ang tingin ko at kaninang kalabog ng dibdib ko dahil sa galit ay mas nag alburoto...dahil sa ibang dahilan.

Umawang ang bibig ko at binaba naman niya ang kanyang panyo. Dumako ang mata niya sa nakaawang kong labi at napako ang tingin roon. Bumilis ang pintig ng aking puso habang pinapanood siyang nakatitig sa akin.

"Tara na..." bulong niya habang nakatitig pa rin. Tumikhim ako at nilagay ang kamay sa kanyang dibdib, tinutulak siya palayo. Para namang nagising si Lukas sa isang panaginip at agad akong binitiwan. Hinagod niya ang buhok gamit ang kamay bago muli ng naglakad.

Nakarating kami sa paradahan ng jeep. Pinauna ako ni Lukas sa pagsakay at agad naman siyang tumabi sa akin. Mabilis na napuno ang sasakyan dahil sa labasan ng mga estudyante. Ilang beses akong umusog para makaupo ng maayos ang mga pasahero habang iyong katabi ko ay nakatitig lamang sa akin.

"Ayos ka lang?" mahinahon niyang sabi. Aba? Iba ah.

Hindi ko siya sinagot. Pinanatili ko ang tingin sa aking harapan, hindi siya nililingon. Noong may umakyat na isang nanay at batang estudyante ay muli akong umusog. Hindi magkasya ang mag ina kaya ako ang nagpaubaya. Ngumiti lamang iyong babae sa akin kaya sinuklian ko iyon.

Noong umandar ang jeep ay nahirapan na ako. Mabato ang daan at ilang beses na akong nauuga. Dahil sa alanganin na pagkakaupo ay parang mahuhulog na ako. Kumapit ako sa hawakan at pinatatag na lang ang aking tuhod para hindi mahulog.

Isang malaking bato ang natamaan ng jeep at muntikan na akong mahulog kung hindi nahawakan ni Lukas ang aking balikat. Tiningnan ko siya at iyong marahas niyang titig ang sumalubong sa akin. Lumingon siya sa labas ng jeep at tinignan ang kawawang bato na natamaan namin.

"Dito ka nga," aniya sabay usog para pagbigyan ako ng pwesto. Halos kalahati na lang ng pang upo niya ang nakapwesto. Sobrang haba rin ng binti niya kaya mukhang mas mahihirapan siya kaysa sa akin na kayang pagkasyahin ang sarili.

Hindi ako gumalaw kaya suplado niya akong hinarap.

"Noelle, 'wag ng matigas ang ulo. Sit, please. Nahihirapan ka," anas niya, medyo pabulong ang huling sinabi. Hindi ko alam kung bakit pero nag init ang pisngi ko at agad na sinunod ang gusto niya.

Sinilip ko ulit siya noong makaayos ako ng upo. He was biting his lip while the corners of his mouth are tugging upwards. Nakita ko ang pagtikhim niya para pigilan ang pagngiti. Napanguso na lamang ako at nanahimik sa kanyang tabi.

Nakarating kami sa palengke. Nakaligpit na si Lola Esmeng ng mga gamit kaya madali na lang nang sumakay kami sa trayk. Umupo na ako sa tabi Lola sa loob dahil maluwag na. Si Lukas ang sumakay sa likod.

Pagkauwi namin ay dumiretsyo ako sa baybayin. Mataas pa ang sikat ng araw pero hindi na mainit. Umupo ako sa mga batuhan roon bago ko niyakap ang aking mga binti.

I looked at the sky. At times like this, when I feel so alone, I miss my father so much. I know that there's no point of wishing that he's here again because that's impossible but I really, really want him back. Kung nandito pa siya ay di ako ipagkakasundo ni Mommy. Kung nandito pa siya, wala ako ngayon sa El Nido.

Pumikit ako at dinama ang hangin na umihip. The wind blew my long hair back and I groaned. Iyong mga tuhod kong yakap ay binaba ko at hinayaang mabasa ng tubig. Oh, this place is a paradise. If I could stay here forever, I will do it.

But then, my mother would never allow me to stay.

Napabuntong hininga ako at pinanood na lamang ang tubig na binabasa ang aking binti. A splash caught my attention and I saw Lukas standing behind me, holding a huge buko with a straw on his hand.

"Ang lalim nun ah," sabi niya, tinutukoy ang aking pagbuntong hininga. Ngumiti lamang ako at inabot niya sa akin ang hawak na buko.

"Here."

Atubili kong kinuha iyon. Ngumuso siya bago sumandal sa batuhan na kinauupuan ko.

"Salamat. Wala ka bang trabaho sa La Perla?" I asked. I know that every night, he has a shift in the hotel. Tumutulong siya sa paghahanda ng hapunan sa La Perla pagkatapos ay uuwi ng mga bandang alas syete sa amin ni Lola Esmeng.

"Wala. Nagpaalam ako. Sumakit ang tuhod ni Lola kaya ako muna ang magluluto para sa karinderya bukas," sagot niya sa akin. Napatango na lamang ako at ngumuso. Uminom ako mula sa bukong binigay niya bago siya tinitigan. His long fingers grazed his beautiful face before looking at me. He looked as if he wants to say something but then he can't. Napangiti na lamang ako dahil mukhang hindi niya talaga alam ang sasabihin.

"Lukas---"

"I'm sorry," he whispered. Kumunot ang noo ko sa narinig at nagpatuloy naman siya.

"Sorry sa mga nasabi ko. Pati na rin sa paraan ng pakikitungo ko. Hindi ko sasabihing 'di ko sinasadya ang mga iyon, Noelle. Ayaw ko lang talaga sayo kaya..." he trailed off. Namilog ang bibig ko bago pagak na natawa.

"Wow," maarte kong sabi. Ayaw niya sa akin? Hindi halata, ah!

Huminga siya ng malalim at hinawakan ang aking balikat. Nagulat naman ako sa ginawa niya pero nanatili ang titig niya sa akin.

"Would you just listen first? Fuck, I've never done an apology my whole life and yet..." he muttered. Binitiwan niya ako at nagbalik iyong mukha niyang lito na naman. I bit back the inside of my mouth and stared at him. Ginalaw galaw ko pa ang binti ko habang hinihintay siyang magsalita.

"Ayaw ko sa mga katulad mo. Ayaw ko sa mga mayayaman. Ayaw ko sa mga taong walang nararanasang problema at parang sobrang dali ng buhay. Ayaw ko sa'yo dahil nasayo lahat ng ayaw ko sa mundo, naiintindihan mo ba?" he said. My playful smirk from awhile ago dissolved from his violent words. I bowed my head and breathed hard before looking back up at him.

"I get it now. But Lukas, you also need to know that my life is not easy and I have tons of problems too. Hindi ako nandito sa El Nido dahil gusto kong magbakasyon o dahil gusto kong mageskperimento..." sabi ko, binabalik ang salita niya kanina. Nag iwas naman siya ng tingin bago tumango.

"Nandito ako dahil may tinatakbuhan ako. Kaya hindi ako makauwi sa amin, Lukas, kahit na anong pilit mo sa akin. Sa tingin mo ba, ipagpipilitan ko ang sarili ko sa inyo kung pwede naman akong umuwi? Damn, I never shoved myself down on the throats of those who hates me! Ngayon lang!" paliwanag ko. Tumaas ang kilay ni Lukas at tinitigan ako. The deep set of brown in his eyes shone brighter everytime the sun hits him with its light. My breathing hitched at his sight so I avoided my gaze.

"I'm really sorry, Noelle. Nasabi sa akin ni Lola na hiningi niya sayo na kilalanin mo muna ako. Patawad dahil hindi ko nagawa para sayo 'yun."

Umikot ang mga mata ko at hinarap siya. Pinagkrus ko ang mga braso ko sa aking dibdib bago siya tinitigan ng masama.

"So kaya ka nagsosorry dahil kay Lola Esmeng?"

Tumaas ang sulok ng labi niya bago siya natawa. And gosh, that chuckle was addicting. Napanganga ako habang pinapanood ang paggalawa ng panga niya habang tumatawa.

"Ang sungit mo."

Lumapit siya sa akin kaya mas napatingala ako. With his six foot and more height, it was hard for me to look at him. The magnificence of this man is out of this world. Men like him don't belong in shores of an island. He belongs in a cover of a magazine, modelling and such. Sayang ang gwapong mukha kung sa babaeng siomai lang nabibigay.

Yumuko siya at tinukod ang magkabilang palad sa gilid ng aking beywang, kinukulong ako sa batuhan.

"At hindi ako humihingi ng tawad dahil utos ni Lola. Nung nakita kitang umiyak, nung nasaktan kita dahil sa mga nasabi ko, fuck, but I wanted to hurt myself so bad at that time. Noelle, palagi akong hihingi ng tawad kapag nasasaktan kita. At kahit na ako pa ang masaktan mo, ako pa rin ang hihingi ng kapatawaran mo. Tandaan mo 'yan, ha?" masuyo niyang sinabi. Habang nagsasalita siya ay nakatitig lang ako sa mapang akit ng galaw ng labi niya. Para akong estatwa na pinapanood ang bawat kibot noon habang 'di na ako makahinga sa ibabaw ng batuhan.

Tumuwid siya ng pagkakatayo at parang gusto ko siyang hilahin muli para mabalik sa dating pwesto.

Inilahad niya ang kanang kamay sa akin at napatanga ako roon.

"Subukan ulit natin," aniya. Kumunot naman ang noo ko dahil 'di ko siya maintindihan.

"Lukas Aviar. Estudyante sa umaga. Kusinero sa gabi. Twenty three. Gustong maging enhinyero sa hinaharap. Galit sa lahat ng mga mayayaman pwera kay Noelle," pilyo niyang sabi sabay kindat sa akin. Natawa na lamang ako at kinuha ang palad niya.

"Noelle Madrid. Disiotsyo. Tanging mayaman na hindi kinamumuhian ni Engineer Aviar. Ang ganda kasi, eh. Di niya natiis," tukso ko. Napailing na lamang siya at tumingala sa langit bago natawa ng malakas.

Noong humupa ang pagtawa niya ay tiningnan niya akong muli.

"Maganda ka naman talaga," sabi niya. Natulala lamang ako at 'di na makapagsalita sa sinabi. Kinagat ko na lamang ang labi ko para itago ang ngiti na nagpupumilit na naman sa aking labi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top