3
3
Pinagsisilbihan
Binuhat ko ang ilang mga kaldero at sandok ni Lola Esmeng para sa kanyang karinderya sa palengke. Sa tatlong linggo kong nakikitira sa kanila ay tumulong na ako sa pwesto ni Lola Esmeng. Siya ang nagluluto at ako naman ang nagseserve sa mga customers niya.
I am really having fun with my work here. I can't call it work talaga since I am not being payed but knowing that someone needs and appreciate me being here means a lot to me. It's hard for Lola Esmeng to tend to her karinderya so my presence makes everything easy for her. Madali lang naman ang trabaho ko sa kanya at talagang mabait ang matanda kaya di naman ako nahihirapan.
"Lola, ayos na po!" sigaw ko bago pinunasan ang pawis sa aking noo. Sumungaw si Lola Esmeng sa bintana ng kanilang bahay.
"Nariyan na! Lukas, aalis na kami ni Noelle!" sigaw ng matanda at lumabas na. Tumakbo ako papunta doon sa tricycle na maghahatid sa amin bago umangkas sa likod ng driver.
"Hintayin na lang po natin si Lola," anas ko. Lumabas si Lola Esmeng na kasunod si Lukas na nakasuot na ng kanyang uniporme sa eskwelahan nila. The white polo shirt paired with a grey pants that hung loosely on his waist made him look like a spoiled boyish lad that is still learning how to break young girls' hearts. His ripped muscles were highlighted by his uniform, making him look like a lethal heartbreaker.
Bumaba siya sa kahoy na hagdan habang ginugulo ang basa niyang buhok. Sa bibig ni Lukas ay may nakasubong pandesal na hindi niya pa nakakain dahil sa pagmamadali. Noong makababa siya ay nagtama ang aming paningin.
His eyes turned to slits as he watch me sit at the back of the trike. The dark menace behind his glare made me uneasy. I really don't get why he gets mad at me everytime I leave with Lola Esmeng. Natethreaten ba siya? Iniisip ba niyang inaagaw ko ang Lola niya? O dahil sa pabigat ako sa kanila?
His jaw clenched as he looked at me with disgust. Tumaas naman ang kilay ko at nilabanan rin ang titig niya. Sa loob ng tatlong linggo ko rito ay walang araw na nagdaan na hindi kami nag aaway dalawa. Hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo niya sa akin dahil wala naman akong ginagawa.
Ang bait ko kaya!
Inirapan ko lamang siya at di na pinansin. Lumapit siya sa amin at inalalayan si Lola na makapasok sa trike. Noong ayos na si Lola sa loob ay lumapit naman sa akin si Lukas.
"Ano?" mataray kong salubong. He raised his brows at me and looked at me furiously. Umawang ang bibig ko at aawayin na sana siya noong maramdaman ko ang palad niya sa aking magkabilang tuhod.
"Close your knees. Nakapalda ka pa naman," mahina niyang sabi. Napasinghap ako at agad na tinampal ang kamay niyang nasa tuhod ko.
What the hell! Sinisilipan ba niya ako?
"Bastos!"
Ngumisi siya, sa likod ng ngiti ay naroon ang tinitimping galit. His dark brown eyes turned black as his fury became more uncontainable with every second that passes.
"Nasisilipan ka, Noelle. Anong bastos doon?"
"Paano mo nalaman na nasisilipan ako? Sinisilip mo rin, ano?"
He parted his mouth in disbelief. Umahon naman ang ibayong inis sa dibdib ko habang nakatitig sa kanyang mukha. His thick brows crashed with each other as he listened to all of my whining.
Itinaas niya ang kanyang mga kamay tanda ng pagsuko. Humakbang siya palayo sa akin habang umiiling.
"Bahala ka sa buhay mo," arogante niyang sabi bago naglakad palayo. Pinanood ko naman ang mga hakbang niya bago ako kumapit sa hawakan ng tricycle. Pinaharurot na iyon at muli naming nadaanan si Lukas na naglalakad. Dikit na dikit ang tuhod ko noong dumako ang tingin niya roon. Noong nagtama ang paningin namin ay agad kong inilabas ang dila ko at inirapan siya. Nakita ko ang paggalaw ng gilid ng labi niya bago napailing at tumawa sa ginawa ko.
"Bata," he mouthed. I made a face and the trike took a turn. Lumiko na rin siya sa kabilang kalye habang kami naman ay tumahak papunta sa palengke.
Mataas na ang araw ng makarating kami ni Lola Esmeng sa aming puwesto. Mabilis naming ibinaba ang kaldero ng mga ulam at agad na binuksan ang puwesto. Dumiretsyo si Lola Esmeng sa kalan at agad na ipinatong roon ang mga putahe para initin. Ako naman ay kinuha ang mga tray at naglagay na ng mga ulam roon na pwedeng ihain.
Itinali ko ang mahaba kong buhok at agad na pinaypayan ang paninda para hindi dapuan ng mga langaw. Si Lola Esmeng naman ay naging abala sa pag iinit ng mga ulam.
People buzzed to and fro in the market. I watched as some of the locals chat with one another while buying their own things. May mga bata pang nagtatakbuhan at pinaglalaruan ang mga de kulay na sisiw na nabili nila sa isang matandang naglalako ng kariton na puno ng mga laruan.
I sighed and looked at the sky. Three weeks and yet I feel that I belong here more than the eighteen years I spent in our mansion. I would trade everything that I have to keep this life, to have this peace and to hold on to this freedom.
Alam kong mas mahirap itong buhay na ito kaysa sa nakasanayan ko. Noon, hingiin ko lang sa mga magulang ko ay agad ng nakabigay. Dito, kailangan kong magbanat ng buto para lamang magkaroon ng kahit na ano. But then, it's fine for me. It's more than fine, actually. Mas masaya ako dahil dito, natututo ako. Dito, nakikita ko kung ano nga ba talaga ang mundo. I am learning things I will never learn if I kept myself locked inside my mother's chains.
Sa araw araw na narito ako sa El Nido ay chinicheck ko ang balita. Inaabangan ko kung pinapahanap na ako ni Mommy para alam ko kung ano ang sunod na hakbang ko para hindi niya ako makita. Pero sa loob ng tatlong linggo ay wala pa rin siyang ginagawa. Maybe she doesn't know yet? Pero imposibleng hindi magsabi ang mga kasambahay namin.
I don't know what my Mom plans but I am sure she won't succeed. I will never let her coerce me into marrying a complete stranger. Kung sa huli ay itatakwil niya ako, o babagsak ang kumpanyang itinayo ni Daddy, then so be it. I would stand firm with my decision. I will not marry Phoenix Fuego. I will only marry the man I will love.
Alam ko kung ano ang epekto ng isang pag aasawa na walang pagmamahal. I grew up in that kind of set up. Ikinasal si Mommy kay Daddy dahil kailangan ni Daddy ng asawa para makuha ang mana niya. Mommy was a maid at my grandparent's household. Pinakasalan siya ni Daddy para makuha ang mana nito. Pumayag naman si Mommy dahil sa pagkakaalam ko ay iniwan naman siya ng talagang nobyo niya.
Growing up, I never saw love reflected in my parent's eyes. They were civil and formal with each other. Daddy had affairs with other women because Mommy never really moved on with her first love. Si Mommy naman ay naging abala sa mga party at socializations kasama ang mga amigas niya at iniwan ako sa pangangalaga ni Daddy.
She was too strict. She said that I have an image to maintain being the sole heiress of the Madrid clan. She taught me how to stand straight, how to talk, how to sit, how to smile, and everything. Buong buhay ko ay pinlano niya at wala akong kahit na anong karapatan na sawayin siya. Even after my father died, I still kept on being a good daughter for her.
Not until the marriage agreement. That was my last straw.
Ang pag upo ng tatlong kargador ang pumutol sa aking isipan. Mabilis silang nagtaas ng takip ng mga ulam bago ako nginitian.
"Nakakakumpleto talaga ng araw kapag nakikita ka na namin, Noelle!" biro ni Tonny. Si Mel at Rod naman ay humalakhak at kumuha na ng kanilang mga pinggan.
"Mamaya na nga ang pambobola, Ton. May aangkatin pa tayo sa aplaya pagkatapos," sagot ni Mel. Ngumuso lamang so Tonny at tinitigan ako.
Inayos ko ang kulay pink kong shirt na pinaresan ng puting palda. Tonny's stared made me a bit uncomfortable. It was a good thing that Rod elbowed him and gave Tonny his rice.
"Kumain ka na nga! Di pwede yang si Noelle!"
Nilingon ko silang tatlo bago kumunot ang aking noo.
"Huh?"
Umismid naman si Tonny at kumuha na ng ulam.
"Itong si Rod, sinasabi na 'di ka pwede sa akin. Syempre, tiga Maynila ka hindi ba? Mataas ang pinanggaligan," sagot ni Tonny sabay taas ng kamay, parang ipinahihiwatig ang totoong estado ko.
"Tonny naman, hindi naman ganyan..." nalulungkot kong sabi. Ayaw kong malayo sa mga tao dito dahil lang sa taga Maynila ako. I want to be one with them. I don't want to be isolated just because I am not from here.
"Ayan, nalungkot na yata si Noelle. Tonny kasi!" iritadong sabi ni Mel. Kumindat ito sa akin at nagpatuloy na sa pagkain. Si Lola Esmeng naman ay abala na sa pag aasikaso sa mga iba pa naming kustomer.
Pinunasan ko ang aking kamay sa apron na suot bago ko iniligpit ang mga nakakalat na pinaglutuan ni Lola. Hinugasan ko ang mga iyon bago binalikan sina Tonny na kakatapos lamang kumain.
"Alis na kami, Noelle! Salamat po, Lola!" paalam ni Rod. Kumaway lamang ako at agad na niligpit ang kanilan pinagkainan bago ko iyon hinugasan.
Saktong alas dose ay dumagsa na ang mga tao sa karinderya. Abala na kaming dalawa ni Lola noong mapansin ko ang maliit at asul na baunan ni Lukas sa gilid, katabi lamang noong mga hinihugasan ko. I checked the wall clock again just to confirm the time.
"Lola, yun pong tanghalian ni Lukas, hindi pa po naihahatid," sabi ko. Nilingon ako ng pawis na pawis na si Lola Esmeng bago napangiwi.
"Aynako..nakalimutan kong ibigay kanina, Noelle. Baka naisama ko sa tray ng pagkain. Paano ba yan? Hindi ko na maiiwan itong karinderya," nag aalalang sabi ni Lola. Kinagat ko ang labi ko at nilingon ang baunan noong mayabang na iyon bago huminga ng malalim.
Kahit ba mayabang ka, ayaw kong magugutom ka.
Inalis ko ang aking apron bago ko dinampot ang baunan. Lumapit ako kay Lola at niyakap siya.
"Ako na pong maghahatid, Lola."
Kumunot ang noo niya. "Noelle? Hindi mo naman alam kung saan ang escuelahan ni Lukas---"
"Sasabay po ako kina Tonny," sabi ko sabay turo sa tatlo na nagkakarga sa kanilang truck. Hinalikan ko ang pisngi ni Lola at di na hinintay ang kanyang sagot. Tumakbo ako papunta kina Tonny na pasakay na sa truck.
"Rod! Tonny! Mel! Saglit lang!" sigaw ko. Huminto ang tatlo at agad akong binalingan.
"Pwede bang makisabay? Ihahatid ko lang sa school ni Lukas itong tanghalian niya," alanganin kong sabi. Itinaas ko ang hawak na asul na lunch box at nginitian ang tatlo.
"Tanginang Lukas, swerte ah," bulong ni Mel bago tumawa. Napanguso na lamang ako at tiningnan ang tatlo.
"Ano, pwede ba? Di ba ako makakaistorbo? Di ko kasi alam ang papunta sa eskwela ni Lukas eh."
Tumikhim si Rod. "Sa may university na siya diba? Tara, may dadaanan din kami malapit doon. Magdedeliver kami ng gulay malapit."
Napapalakpak ako sa narinig. Pinagbuksan ako ni Tonny ng pinto at tumabi ako kay Rod sa loob. Iyong dalawa ay sa likod ng truck pumwesto.
Mainit ang sasakyan nila, idagdag pang mataas na rin ang sikat ng araw. Habang nasa biyahe ay di ko maiwasang pagpawisan sa init. Kipkip ko sa aking kandungan ang pagkain ni Lukas.
Ibinaba nila ako sa isang malaking unibersidad sa tapat lamang ng munispyo. Mga sampung minutong byahe rin bago ako nakarating doon. Nagpaalam lamang ako kina Rod at agad ng pumasok para hanapin si Lukas.
The University was not that big compared to my previous school. Sa tingin ko, base sa mga buildings nito, ay pampubliko ang paaralan. May mga buildings na kinulang na sa pintura habang iyong daanan ay maalikabok mula sa init ng araw. Maraming mga lumang benches roon at shades kung saan nakaupo ang mga estudyante.
Ngumuso ako at luminga. Pilit kong hinahanap si Lukas pero hindi ko siya makita kaya nagpasya na akong lumapit sa isang gwardya roon.
"Kuya, magandang tanghali po. Saan po banda ang building ng Engineering?" magalang kong tanong. Tinuro ng gwardya ang abong building sa kaliwa at agad akong nagtungo roon.
Habang naglalakad ay pinagtitingnan ako ng mga estudyante roon. I guess maybe because I look different from them. My paper white skin made me very distinct from them. Hindi ako katulad nila na may natural na tan sa mga balat. Mukha akong pinagkaitan ng dugo sa kulay ko.
Naglakad lakad pa ako noong makita ko si Lukas sa isang bench malapit sa malaking puno ng acacia. May kasama siyang tatlong lalaki at dalawang babae. Ang isa roon ay halatang tinupi ang palda para umikli. Kulot kulot ang buhok nito at may sobrang pulang lip tint sa bibig. Sinusubakan niyang subuan si Lukas ng isang pirasong siomai sa stick.
"Sige na, Lukas. Di ka pa kumakain eh," maarteng sabi noong babae. Tumawa lamang si Lukas at umiling doon sa babae.
"Marj, sige na. Hindi naman ako gutom," sagot ni Lukas gamit ang baritonong tinig nito. Namula ang babae at mas inilapit pa ang katawan rito.
"Anong hindi gutom? Pagkatapos mong maperfect ang exam natin sa OperEng siguradong napagod ka. Kumain ka na kasi, eh," atungal pa rin noong babae. Napanganga ako sa sobrang kadesperada nito. She even had the nerve to hug the arm of Lukas as she kept on whining.
At itong Lukas na malandi, hindi man lang iniwasan ang babae?! What the fuck lang!
"Lukas, kainin mo na kasi si Marj..ay este..." humalakhak ang dalawang lalaking kasama ni Lukas at mas lalo lamang akong napairap. Iyong Marj naman ay parang walang narinig na kabastusan. Tumawa pa ito at mas niyakap si Lukas.
Napalingon iyong isang babae sa akin (hindi si Marj) at tinuro ako sa kaibigan. Nilingon ako ni Marj kaya napadako rin ang tingin ni Lukas sa akin. Sumipol ang mga kasama nilang lalaki habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.
Matalim ang tingin ni Lukas doon sa kaibigan niyang sumipol. Napatahimik ito bago tumayo sa kanyang kinauupuan.
"Noelle? Anong ginagawa mo dito?"
Inabot ko ang lunch niya bago siya inismiran.
"Hinatid ko. Baka kasi wala kang kainin. Hindi ko alam na may nagpapakain na pala sayo," sagot ko sabay tingin doon sa babaeng may siomai.
Hinawakan niya ang aking braso kaya tiningala ko siya. The wrath in my eyes mirrored his. Sinilip kami ng mga kaibigan niya, lalong lalo na iyong babae.
"Lukas? Sino 'yan? Pinsan mo? Wala na bang pasok ang mga highschool ngayon?" tuloy tuloy na sabi noong Marj. I rolled my eyes and opened my mouth in awe. Nakakagulat ang kabobohan ng babaeng ito.
"Anong highschool---"
"Noelle!" tawag ni Lukas sa akin sabay higit paalis. Tinitignan ko pa rin iyong babae noong sumigaw ang kaibigan ni Lukas.
"Pare, pakilala mo naman ako!" sigaw nito. Tiningnan ko si Lukas na mas lalong binilisan ang paglalakad. Humigpit lalo ang hawak niya sa akin at napadaing ako. Nilingon niya ako at bumaba ang tingin niya sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.
Binitiwan niya ako at doon namin nakita ang mga pulang marka ng daliri niya sa aking puting balat. Napamura siya noong tinitingnan niya iyon bago nilingon ang aking mukha.
"Bakit nandito ka? Paano ka nakarating dito? Hindi mo naman alam ito, ah."
Napalunok ako. Acid was dripping from his voice already. Tiim na tiim ang bagang niya habang hinihintay akong sumagot.
"H-hinatid ko nga ang baunan mo---"
"Paano ka nga napunta dito, kung ganoon?!"
Napatalon ako sa sigaw niyang iyon. Taas baba na ang dibdib niya dahil sa galit at inis sa di ko malamang dahilan. At bakit ba siya naninigaw, ha?
"Nagpahatid ako kina Tonny---"
"Tonny? Iyong kargador ng gulay?" gagad niya sa sinasabi ko. Tinalukuran niya ako bago sinuklay ng kanyang palad ang buhok. His hair toppled and almost covered his eyes, making him look manlier than ever.
Napalunok ako at bumugso ang kaba sa aking dibdib. May itinuro na kung ano si Lukas sa labas habang gigil na nakatitig sa akin.
"Sumama ka sa mga kargador para makarating dito? Sumakay ka sa truck nila? Noelle, naisip mo bang pwede mong ikapahamak iyon! Hindi mo kilala sina Tonny! Paano kung dinala ka nila sa kung saan, ha?"
Umikot ang mata ko. Iminuwestra ko ang sarili ko sa kanya bago ako sumagot.
"Mukha bang may nangyari sa aking masama? Nanghingi ako ng tulong dahil nagalala kami ni Lola at baka wala kang makain. Tinulungan nila ako, iyon lang! Mabait sila, Lukas! Hindi tulad mo!" sigaw ko pabalik. Uminit ang gilid ng aking mata habang nakikipagsagutan sa kanya. Namilog ang mata niya at mas naging delikado ang titig sa akin. Humakbang siya palapit at napaatras naman ako. Tuloy tuloy ang bawat hakbang niya hanggang sa tumama ang likod ko sa pader.
Kinulong ako ng magkabila niyang binti. Iyong kaliwa niyang braso ay tinukod niya malapit sa aking pisngi. Ginamit naman niya ang kanan para hawakan ang aking baba at iangat ang aking paningin.
"Talagang hindi sila tulad ko, Noelle. Hindi mo alam...kung paano ko...kinokontrol ang sarili ko...ngayon," bulong niya. Lumapit pa siya lalo at dinikit ang bibig sa aking tenga.
My heartbeat haywired with our closeness. The rigid hardness of his body contrasted my softness. Para na akong puputulan ng hininga sa pagkakalapit naming dalawa.
"Pinipilit na kitang umalis dito dahil baka mapahamak ka pero ang tigas mo. Ang tigas tigas mo, Noelle..." sumusuko niyang sabi. Hinawakan ko ang balikat niya para itulak siya palayo pero mas hinapit niya ako.
"Kapag may nangyaring masama sayo...tangina..." bulong niya. His voice shook with the intensity of his words. Humiwalay ang bibig niya sa akin pero nanatili ang lapit namin.
Tiningnan niya ang hawak kong lunchbox bago siya napailing. Dumako naman ang mata niya sa aking noo at tinitigan iyon ng para bang galit na gait siya roon. Tinaas niya ang kaniyang palad at akala ko ay sasaktan ako kaya napapikit ako. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pagpupunas niya sa aking pawis.
"Hindi bagay sayo ang ganito," aniya habang pinupunasan ang pawis ko.
"Ano?"
"Hindi ka dapat naninilbihan. Wala ka dapat sa karinderya. Hindi ka dapat sumasama sa mga kargador. Di ka dapat naghahatid ng tanghalian dahil alam mong wala akong pera para bumili ng sariling pagkain. Hindi mo dapat ginagawa ito."
Lumunok siya bago nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Naging bagyo na iyong pagtambol ng dibdib ko kanina habang nagkakatitigan kaming dalawa.
"Dapat ikaw ang pinagsisilbihan, Noelle. Kami, kami ang luluhod sayo. Ako..." makahulugan niyang sabi na di ko naman nakuha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top