1

Safe


1



I woke up with a sore body and sweat all over me. I opened my eyes and the waving pale pink curtains greeted me. Dahan dahan kong inangat ang sarili ko para sipatin kung nasaan ako. The creaking old bed made a sound as I try to stand.

Bukas ang bintana ng kwarto na kinaroroonan ko. The salty air greeted me as I come nearer the window. Hinawi ko ang kurtina at doon ay nakita ko ang isang matandang babae na may buhat na banyera ng isda. Lumingon siya sa kinaroroonan ko at natigilan. Noong makita niya ako ay dali dali siyang naglakad pabalik sa bahay.

Ilang sandali lang ay pumasok na iyong matanda. Her white hair is in a tight bun. Kipkip niya sa kanyang kamay ang laylayan ng maykahabaan niyang bulaklaking daster habang naglalakad papunta sa akin.

"Gising ka na pala, hija," bati niya sa akin. Ngumiti lamang ako at lumapit sa kanya.

"Pasensya ka na sa bahay namin. Naiinitan ka yata, hala! Kukuha ako ng pamaypay para sayo," aniya bago kinuha ang nakasabit na abanikong pamaypay. Inabot niya iyon sa akin at agad naman akong nagpasalamat.

"Nagugutom ka na ba? May tawilis rito at kamatis, gusto mo bang ipaghain kita?"

Mabilis akong umiling. The woman was too hospitable. Her wrinkled smile reminded me of my late father's effort to make me feel comfortable. Her fingers were shaking as she tries to make me feel at home.

Kinuha niya ang braso ko at marahang pinisil.

"Kailangan mong kumain para makabawi ka ng lakas. Hindi biro ang pinagdaanan mo kagabi. Mabuti na lamang at dumating ang apo kong si Lukas para tulungan ka."

I bit my lip as I listen to her. Cold shivers ran down my veins as I recall what happened at the shore last night. Buong akala ko ay makakatakas na ako sa lupit ng mundo pero nagkamali ako. Kagabi ay sinampal ako ng katotohanan na kahit saan pa ako magsuot, mananatiling malupit ang lahat.

Hindi ko maintindihan iyon. Palagi, kahit ako na ang nasasaktan ay pinipili kong maging mabuti. Pero bakit ganito ang sukli sa akin? I only wanted to be free, but why does the world hurt me constantly, reminding me that the only place I should be is where I was ever since. Bakit hindi ako pwedeng lumaya? Bakit palaging may nananakit sa akin sa bawat subok kong makaalis?

"Hija?"

Natigilan ako sa pag iisip noong tinawag ako ng matanda. Naglapag siya sa harap ko ng isang tasang mainit na kape.

"Hindi ko alam kung umiinom ka ng kape pero pinagtimpla na kita para mainitan ang sikmura mo."

"Salamat po," sagot ko sabay abot sa umuusok pang tasa. I took a sip from it before feeling the warmth in my stomach.

Nakangiti lamang na nakaantabay sa akin ang matanda habang iniinom ko ang kape na ginawa niya. Noong maibaba ko ang baso ay tumikhim siya.

"Pwede ko bang malaman ang pangalan mo, anak?"

Napangiti ako at tumango.

"Noelle po, Lola..."

"Esmeng, iha. Lola Esmeng na lang," sagot niya. Her smile made me feel the same way I felt before when I was with my Papa. Hindi ko alam kung bakit sa sandali kong nakilala si Lola Esmeng ay magaan na agad ang loob ko sa kanya.

"Mamaya ay ipapakilala kita sa apo kong si Lukas. Ngayon kasi ay nagtatrabaho siya sa hotel. Kusinero siya ng La Perla." Paliwanag ni Lola Esmeng sa akin.

I tried remembering the man she called Lukas. Sa bilis ng pangyayari kagabi, ang tangi ko lamang naalala ay ang malaking bulto ng katawan niya at ang baritonong boses na nanakot sa mga manyak na nambastos sa akin. I couldn't remember anything after that. I fainted.

"Hintayin nating makauwi si Lukas. Panigurado ay may dalang pagkain iyon," magiliw na sabi ng matanda. Ngumiti na lamang ako bilang sagot. Ilang sandali lamang ay may narinig na akong kaluskos sa kanilang pintuan.

"La!" sigaw ng isang baritonong tinig sa labas. Nagkukumahog naman si Lola na tumayo mula sa mesa.

"Saglit lang!"

Pumasok ang isang binata na di hamak ay sobrang tangkad. His long, muscular legs seemed so small for this house. Nakangiti niyang sinalubong ang Lola bago ito hinila at niyakap. His smile made a lone dimple on his left cheek show. The thin, white, v-neck shirt hugged his body so tight it highlighted all the muscles he had.

Nagtama ang paningin naming dalawa at napalunok ako. His soft stare for his grandma became harder as he looked at me. Bigla ay parang gusto ko na lamang lumubog sa kinauupuan ko habang nakatitig sa malalalim niyang mata.

"Noelle, iha. Si Lukas nga pala, apo ko. Lukas, si Noelle, iyong dalagitang sinagip mo kagabi." Pakilala ng Lola niya sa akin. Tumikwas ang kilay ko sa narinig bago tumayo.

"Noelle Madrid," anas ko. Tumaas ang sulok ng labi niya bago nilampasan ang kamay kong nakalahad. Napanganga ako sa gulat habang siya ay inilapag sa mesa ang mga bitbit na pagkain.

"Nagdala ako ng mga tinapay at sopas, La. Nag agahan ka na ba?" sabi niya, hindi pa rin ako pinapansin. Nilingon ko ang matanda na tumulong sa pagsasalansan ng mga inuwing pagkain ni Lukas. Tumingin sa akin si Lola Esmeng at pagak na ngumiti.

"Lukas, bakit hindi mo ayain ang bisita nating kumain?"

Nilingon ako ng binata. His broad shoulders tensed as he stared at me.

"Alam ba ng mga magulang mo na nandito ka? Naglayas ka?" walang emosyon niyang tanong. His lips are set in a grim line and his brows are crumpled in disgust. Suplado! Akala mo ang gwapo!

"Kung naglayas ako, bakit ko ipapaalam sa mga magulang ko?" balik tanong ko. Nameywang ako at tinaasan siya ng kilay. Nagpabalik balik ang tingin sa amin ng matanda habang mas tumigas ang titig sa akin ng mayabang na binata.

He dipped his head towards me, showing the sharp edges of his angled jaw. Iyong may kahabaan niyang buhok ay bahagyang nagulo habang titig na titig siya sa akin.

Tinuro niya ako bago aroganteng tumawa.

"Lola, sigurado ka bang gusto mo talagang tulungan itong bata na ito? Sinabi ko na sayo kagabi na paalisin mo pagkagising niya---"

"Lukas Miguel!"

"---pero bakit nandito pa rin? Lola naman! Alam mo kung ano ang ayaw ko sa lahat, diba?!" gigil nitong sabi, hindi na pinakinggan ang Lola. Taas noo ko siyang tinitigan bago ako naglakad papunta sa kama. Dinampot ko roon ang bag ko bago ko binangga ang balikat niyang nakaharang.

"Aalis ako, if that's what you want! You don't have to yell at me for staying here! I'm sorry I didn't know that I am not allowed here, okay? Hindi mo kailangang sigawan ang Lola mo dahil hinayaan niya akong manatili rito," gigil kong sabi. Napatitig si Lukas sa akin. Nilampasan ko siya at nilapitan ang matanda na nakatingin lamang sa aming dalawa. Kinuha ko ang nanginginig nitong kamay bago ako nagmano.

"Maraming maraming salamat po sa pagpapatuloy sa akin rito---"

"Noelle, iha----"

"Aalis na po ako. Salamat po," sabi ko bago inayos ang strap ng aking bag. Nilingon ko si Lukas na tiim bagang lamang na nakatingin sa akin.

"Thank you for saving me last night," anas ko at tumalikod na. Narinig ko pa ang pagtawag ni Lola Esmeng sa akin pero hindi na ako lumingon. Dirediretsyo ako sa mabuhanging dalampasigan ng isla. Sa bawat hakbang ko ay tumitilamsik ang butil ng buhangin sa binti ko dala ng aking inis para sa binatang iyon.

Napakayabang! Akala mo ay saksakan ng bait! Mabuti pa si Lola Esmeng na sobrang mapagmahal. Bakit hindi nagmana iyong Lukas na iyon sa Lola niya? Sobrang bitter niya, parang lahat yata ng ampalaya sa kusina kung saan siya nagtatrabaho ay nilamon niya sa sobrang kasungitan!

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na naglalakad. Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta. Sa tagal kong nagmamartsa palayo ay di ko namalayan na nakarating na ako sa mga rock formations na medyo tago sa mga turista. May maliit na kweba roon at doon ako sumilong dahil sa init ng araw.

Umupo ako roon at binaba ang aking bag. Hinilot ko ang nangawit kong balikat bago ako sumandal sa basang haligi ng maliit na kwebang iyon.

The warm air blew and I calmly closed my eyes. I can feel my soles aching from the walk I had. Idagdag pa ang nangyari kagabi at ang ginawa kong pagtakbo mula kay Mama, talagang pagod na pagod na ako. Gusto ko ng huminto at sumuko, o kaya naman ay bumalik sa amin para maging kumportable ulit ay di ko naman magawa.

Mas gugustuhin kong mapagod buong buhay kaysa sa maitali ako sa isang kasal na hindi ko naman gusto. I will fight my mother, until the very ends of the ocean. I will fight for the freedom to live my live according to my will.

Hinaplos ko ang pendant na binigay ni Papa sa akin. Binaligtad ko iyon at binasa ang nakaukit na mga salita roon. I lovingly caressed it and read the words softly.

Alis volat propriis.

Tiningala ko ang langit at napangiti. Yes Pa, I will fly with my own wings now. I may not know where this would lead me but I will lead my own life. I will live it for myself, Pa. Please, guide me.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa lalim ng iniisip. Nagising na lamang ako ng maramdaman ang pagkabasa ng aking mga binti. The violent waves crashed on the rock formation as the sky darkened. Malalaki ang butil ng ulan at mabagsik ang ihip ng hangin. Sinubukan kong lumabas pero napahinto ako sa lakas ng mga alon na humahampas at tumatama sa maliit na kwebang kinaroroonan ko.

Basang basa ang suot kong damit sa paghampas ng alon. Kinuha ko ang bag kong nabasa rin. Nakagat ko ang labi sa panlulumo. Malakas na ang ulan at ang hangin. Kung mananatili ako rito ay mas lalo lamang akong mababasa.

Umihip ang hangin at nanlamig ako. Basang basa na ang asul kong damit at nakadikit na ang manipis nitong tela sa aking katawan. Another cold current of air blew and I shivered from coldness.

Umaabot na sa aking sakong ang tubig kaya sinubukan ko ng sumugod sa ulan. Sa unang pagsubok kong makalabas sa maliit na kweba ay muling humampas ang alon. Napasiksik ako sa loob at hinintay na humupa ang tubig dagat na pumasok.

Hinigpitan ko ang kapit sa strap ng aking bag bago ko tinakbo ang bukana ng kwebang iyon. Sinalubong ako ng malakas na patak ng ulan at ang malamig na ihip ng hangin. Tumakbo ako papunta sa gitna ng dalampasigan kung saan hindi umaabot ang alon. Noong makarating ay huminto ako para tingnan ang paligid.

Sa sobrang lakas ng ulan ay di ko alam kung saan ako dapat pumunta. Wala akong halos makita dala ng bagyo. Hinihipan ng hangin ang aking katawan at di ko na mapigilan ang panginginig.

Tumakbo ako para makahanap ng maaring masilungan pero puros puno lamang ng niyog ang nakikita ko. My feet are becoming numb. Nangangatal na rin ako sa lamig kaya nagpasya na akong huminto at magpahinga. Dumiretsyo ako sa isang puno, malayo na sa dalampasigan, bago ako umupo.

Binuksan ko ang aking bag at naghanap ng kahit na anong makapal na maari kong ipambalabal. I desperately rummaged through my wet things and found my bath towel. Inilabas ko iyon at pinulupot sa sarili ko para maibsan ang lamig.

Sumandal ako sa katawan ng puno. Magpapahinga lamang ako ng kaunti. Kung tutuloy ako sa paglalakad ay baka matumba na lamang ako sa gitna ng dalampasigan.

Pa, help me please...

Hindi ko napigilang maiyak sa awa para sa aking sarili. If my mom would knew, she would laugh at me. Aalis alis pa kasi ako, ang lakas ng loob ko, pero heto ako ngayon, basa at walang matuluyan. Nanginginig na dahil sa pagod, gutom at lamig. Wala namang tutulong sa akin rito kaya dapat ay di na lamang naglayas.

Yumuko na lamang ako at mas niyakap ang aking binti. Ilang sandali lang ay may nakita akong paanan ng kung sino sa aking harapan. Natigil rin ang pagpatak ng ulan kaya tumingala ako.

Nakita ko si Lukas, basang basa na rin, habang may hawak na itim na payong. Hinihingal ito at bakas sa mukha ang pagod at pag aalala.

"Ayos ka lang ba?" aniya. Iyong basang dulo ng buhok niya ay nalalaglag at natatakpan ang itim na itim niyang mata. Lapat na lapat rin ang panga niya at marahas ang pagtaas baba ng kaniyang dibdib.

Nalukot ang mukha ko at ang kanina ko pang pinipigilan na iyak ay humulagpos. Napahagulgol ako at agad na dinamba siya ng yakap. He caught my shaking body and held me tightly.

"I..was so s-scared!" atungal ko. He hugged me tighter and caressed my back.

"I know. I'm sorry. You're safe now," bulong niya. Kumapit ako sa kanya at tumango. Inakay niya ako bago dinampot ang aking bag at ang kaniyang payong.

"Bumalik na tayo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top