Chapter 7

Sinulit namin iyong araw namin doon. We go to Anguib Beach and Crocodile Island. The ocean has an amazing view, pure white sand beaches, and a relaxing tropical vibe. Sobrang nakaka-relax ang lugar. Kung hindi lang kailangan pumunta ni Tyler sa Cebu dahil may problema ang isang business niya doon ay hindi ko pa sana gusto umalis. You will truly find peace in that place.

"Are you okay?" Nag-alalang tanong ni Tyler sa akin sabay abot ng tubig.

"Yeah, I'm fine." Nginitian ko ito at kinuha ang inabot na tubig.

"I'm sorry. I know you are tired from our flight. Tapos kailangan mo pa ako samahan sa dinner ng mga investor."

"Don't worry, I'm fine." Paniniguro ko dito. 

Pagdating kasi namin sa Cebu ay pumunta lang kami sa hotel na aming tutuluyan para sa gamit namin. Agad kami nagbihis papunta sa restaurant kung saan naghihintay ang mga investor ni Tyler. Gusto ko man magpahinga pero nakakahiya naman. Pareho naman kami pagod sa flight kaya okay lang sa akin. Kahit sa ganitong paraan ay masuklian ko ang kabutihan niya.

Napatingin ako sa kamay ni Tyler ng bigla itong pumulupot sa akin baywang habang naglalakad kami papunta sa private room. Kung saan nandoon ang mga investors. Sinalubong naman kami ng lalaki at mukhang kilala nito si Tyler. Pinagbuksan kami nito ng pintuan at doon ko nakita ang tatlong matatanda nag-uusap.

Natigil lang ito ng pumasok kami at agad tumingin sa aming kinaroroonan. Mukhang nagulat pa ito nang makitang may kasama si Tyler at agad napatingin sa kamay ni Tyler nasa aking baywang. Tuluyan tuloy akong nakaramdam  ng kaunting hiya.

"I'm sorry, we were late." Seryosong sabi ni Tyler at inalayan akong umupo.

"It's alright, Mr. Lee. We just came, too." sabi ng isang matandang chinito.

"This is my wife, Kanae Lee." Pakilala ni Tyler sa akin.

"Hindi ka lang magaling sa negosyo, Mr Lee. Pati sa pagp[ili mo ng asawa." Nakangiting sabi ng isang matanda nasa harapan namin.

Tumikhim si Tyler. "Let's start now." Hindi nito pinansin ang sinabi ng lalaki. Mukhang napansin naman ito ng iba at iniba ang usapan. 

Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanila. Sobrang seryoso nila nag-usap. Palipat-lipat ako ng tingin habang nag-uusap sila. Napatigila lang ito ng may waiter na kumuha ng mga order namin. Tinanong pa ako ni Tyler kung ano gusto ko. Naramdaman ko naman ang mga mata nakatingin sa akin.

Nahihiya kung sinabi ang order ko. Pagka-alis  ng waiter ay bumalik sila sa pag-uusap. May mga pinaliwanang si Tyler dito at mukhang sang-ayon naman ang mga ito. May mga pinag-usapan sila hindi ko naintindihan. 

Napatingin naman ako kay Tyler ng hawakan nito aking kamay. Seryoso itong nakatingin sa kausap nito habang nilalaro nito ang aking kamay sa ilalim ng mesa.

"I agree with what you say, Mr. Lee. We all know you are really good. Lahat ng naririnig namin tungkol sa iyo ay totoo. Kaya willing kami mag-invest sa company mo." Nakangiting sabi ng matanda.

"My secretary will contact you about some important information." Tyler said something to them. Napatigil ito ng dumating ang mga order namin. Habang kausap nito ang mga investor ay nagulat ako ng kunin nito ang aking order.

Abala ito sa pakikinig sa sinabi ni Mr. Ching habang hinihiwa naman nito ang  steak. Napatingin ako dito, nang tiningnan ko ang kausap nito na dalawang matanda ay nakatingin kay Tyler habang hinihiwa ang steak. Matapos nito hiwain ang steak ay binigay niya ito sa akin habang kinakausap pa rin si Mr. Ching.

Nagpasalamat ako sa ginawa nito at nagsimula na kumain. Kahit nahihiya akong kumain ay kinapalan ko na aking mukha dahil kanina pa talaga ako gutom. Nang muntik naman ako mabilaukan ay agad ko nakita si Tyler na may inabot sa aking tubig.

"Thank you." Nahihiya kung sabi nito saka ininom ito. Tiningnan muna ako nito kung maayos na ba ako bago nito binalik ang tingin sa mga kausap. Hindi ko mapigilan makaramdam nanghiya, para kasing nakakaabala ako sa kanya.

Nang nagpaalam na ang mga kausap nito ay kami nalang naiwan ni Tyler. Nagulat ako ng pumasok ang waiter at may dala itong pagkain.

"I'm sorry kung na bored ka. Ayaw lang talaga kita iwan sa hotel." Ani nito at inabot sa akin ang isang strawberry ice cream cake.

"Thanks.. Huwag ka mag-sorry, okay lang." Sabi ko dito at tinikman ang ice cream cake. Napangiti ako dahil sobrang sarap nito. Napatigil ako sa pagkain ng mapansin nakatingin lang si Tyler sa akin.

"Gusto mo." Alok ko dito sabay lapit ng kutsara. Nagulat ako ng bigla nitong sinubo, matapos ay ngumiti sa akin.

"Your reaction is so cute." Mabilis naman ako umiwas ng tingin dahil biglang uminit ang pisngi ko. Napatingin ako ulit dito ng marinig ang mahinang tawa. Hindi ka makapaniwala na iyong lalaking sobrang seryoso kanina at hindi mo man lang makitang nakangiti, lagi lang naka-poker face kapag kausap ang mga investor ay tumatawa nasa harap ko.

Siguro kung may makakita sa kanya ay labis itong magulat. Pero tao lang naman si Tyler. He knows how to smile or laugh like normal people. Siguro sobrang seryoso lang nito kapag trabaho na. Kasi kapag kasama ko ito ay lagi naman itong nakangiti o tumatawa. Parang ibang Tyler kaharap mo.

Matapos namin kumain ay bumalik na kami sa hotel upang magpahinga. Nauna akong mag-shower at pagkatapos ko ay si Tyler. Pinatuyo ko muna aking buhok bago ako nahiga sa kama. Hindi ko na namalayan ang paglabas ni Tyler sa banyo dahil nakatulog na ako sa labis na pagod. 

Nagising na lang ako na katabi ko ito at nakayakap na sa akin. Hindi tuloy ako makagalaw sa takot na magising ito. Kahit sobrang bilis na ng tibok ng aking puso. Tiningnan ko ito habang mahimbing natutulog.

Napansin ko napakahaba ng kanyang pilik mata at sobrang tangos ng ilong nito. Ang ganda naman tingnan ng kanyang makakapal na kilay. Hindi ako magtataka kung madami nagkakagusto dito. Bulag nalang siguro ang hindi magkagusto. He was successful in business. Nasa kanya na ang lahat na hinahanap ng mga babae.

"Good morning." Namamaos na sabi nito at unti-unting minulat ang mata. Hindi ko alam ang aking gagawin kaya agad ako napapikit at nagpapanggap na tulog. Nahihiya akong iminulat ang aking mata dahil baka isipin nitong kanina pa ako nakatitig sa kanya. 

Narinig ko naman ang mahina nitong tawa at parang nanigas ako ng maramdam ang labi nito sa aking noo. "Good morning, wife. I know you are awake."

Nahiya naman ako sa aking narinig at unti unti minulat ang aking mata. Agad naman nagtagpo ang aming mga tingin. Nginitian ako nito at inalis ang ilang hibla ng aking buhok na nakaharang sa aking mukha.

"Good morning," ulit nito. May ipinanganak talaga na kahit kagigising palang ay mamangha ka pa rin sa kanya.

"Good morning," nahihiya kung sabi. Parang doble kill ako sa kahihiyan na ginawa ko. Una nahuli niya akong pinagmamasdan siya habang natutulog at pangalawa ay nagpanggap ako na tulog pa.

"Gusto mo magpa-akyat ako dito ng breakfast natin o lalabas na lang tayo?" Tanong nito sa akin habang hinihimas ang aking buhok. 

"Ikaw ang bahala." Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas upang hindi magka-utal utal ang sinabi ko. 

"What do you want?" Tanong nito sa akin.

"Dito na lang?" Patanong na sabi ko, medyo naiilang na kasi ako sa lapit namin.

"Okay, dito na lang. I have already done my business here. But I plan to stay for two days to extend our vacation." Hindi ko naman maitago ang labis na tuwa sa aking narinig.

I don't know how to explain this feeling. Simula ng makita ko iyong magandang pinuntahan namin ay parang gusto ko na lang magtravel at puntahan ang mga hindi ko napuntahan dati. Gusto ko mag-enjoy at mag-relax. Gusto ko muna takasan ang stress sa buhay. Gusto ko muna kalimutan ang mga bagay na laging nasa aking isipin. 

Siguro dahil buong buhay ko ay hindi ko man lang ito naranasan. Kinulong ko ang aking sarili sa pag-aaral at paggawa ng gusto ng aking magulang.I forgot to have fun with my friends. I don't have the most memorable childhood. Naalala ko lang ay mag-aral ako ng mag-aral.

Kaya siguro ganito ang aking nararamdaman. Sobrang excited sa adventure at makita ang mga magagandang tanawin. Siguro parang napunuan ni Tyler ang mga bagay na matagal na kulang sa akin. Simula ng kinasal kami ni Tyler ay hindi na gaano ako nakakatanggap ng text galing kay mommy. Hindi tulad noon na lagi nitong pinaalala na mag-aral ako dahil mahal ang tuition fee ko. Lagi ako tinatakot na kapag bumagsak ako at hindi gusto nito ang grades ko ay ililipat niya ako ng kurso o hindi na ako bibigyan ng pambayad sa school.

Alam ko naman panandalian lang ito. Pero habang nararanasan ko pa ay kailangan ko ito i-enjoy muna. Kahit papaano ay naranasan ko ito habang nagpapanggap ako bilang kakambal ko. Kahit ngayon lang maging selfish ako para maging masaya. Pero minsan nakaramdam ako ng konsensya kay Tyler. Sobrang bait niya sa akin at maalaga. Tapos niloloko ko lang siya.

Nagsisisi man ako sa ginawa ko. Pero natatakot naman akong aminin ang totoo. Ayaw kung magalit sa akin si mommy. Baka kapag ginawa ko yun ay itakwil na ako bilang anak. 

"Shower lang ako." Paalam nito sabay halik sa akin sa labi at tumayo na ito saka nagtungo sa banyo. Hindi naman ako makagalaw dahil sa ginawa nito. Nagulat ako sa biglaan paghalik nito.

Napatakip ako sa aking mukha ng unan dahil naisip ko hindi pa ako nakapagsepilyo. Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa. 

But I cannot deny that it gives me uncomfortable feelings in my stomach. This kind of feeling is new to me. I never felt this before. And now, I am scared for myself. I am not dumb enough to know what will happen. The things that scared me the most.

Because I know this is not my life, this is temporary.



****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top