CHAPTER 3
Hindi ako makalingon dahil sobrang kaba iyong nararamdaman ko. Baka dahil dito ay maghinala si Tyler. Kinakabahan akong malaman ang tinatago naming sekreto.
"Oh! You're here, honey. I thought you were with your friends. Tyler and Kanae are here. They come to see us. Our daughter is missing us." Masiglang sabi ni mommy.
"K-Kanae.." Nauutal na sabi ni daddy. Nilingon ko siya at nakita kung pilit ito ngumiti.
"Sorry about that, Tyler. Itong asawa ko kahit kailan ay nalilito pa rin sa kambal ko. He just missed our other daughter." Kahit nakangiti si mommy at nakikita kung iba ang sinasabi ng kanyang mga mata.
"It's alright. Napagkamalan din siya kanina ng katulong n'yo. Siguro dahil magkamukha sila," sabi ni Tyler. Nakita kung sumulyap siya sa family picture namin.
"Yeah! Even their previous teacher and classmate are confused. Oh! Kanae, do you want to eat something?" Abot tenga ang ngiti ni mommy pero walang kislap ang mga mata. Alam ko naman iniba lang nito ang usapan. Hindi ako tinanong nito dahil concern siyang gutom ako o may gusto kainin. Gusto lang niya maiba ang usapan at mawala iyong tungkol sa kakambal ko.
"Anything, mom." Maikli kung sagot.
"Okay, I will tell them to cook your favorite food." Nakangiting sabi ni mommy at nagpa-alam ito saglit.
"Kumusta ka na anak?" Tanong ni daddy ng maka-alis si mommy.
"Okay naman, dad. Inaalagaan naman ako ni Tyler. How are you doing, Dad? Are you all right?"
"I am alright, swetie. No need to worry." Nagulat ako ng yakapin ako nito, ramdam ko ang labis na pagka--miss nito. "I am happy that your husband takes care of you. Thank you, Tyler," saad nito ng humiwalay sa yakap namin.
Inaya kami ni daddy lumabas para magpahangin na rin. Nasa tabi ako ni Tyler habang naglakad-lakad kami. Abala ito sa pag-uusap nila ni daddy. Minsan hindi ko maintindihan ang topic nila. Tahimik lang ako nakikinig at paminsan-minsan ay sa mga bulaklak ang paningin ko.
"Nasaan po ba ang kakambal ni Kanae? I didn't even see her at our weeding or at a special event." Nakuha naman nito ang atensyon ko at napatingin ako dito. Nakita ko naman ang gulat sa mukha ni daddy. Halatang hindi nito alam kung paano sasagutin si Tyler.
"She was busy with her study." Ako na sumagot para sa kakambal ko.
"Oh! I am hoping to see her soon. So I can see what your differences are. Also, why do people always think she's you?" Hindi ako magkapagsalita sa kanyang sinabi. Narinig ko ang pagtikhim ni daddy kaya napalingon ako dito. Nakita ko ang pagkabahala sa kanyang mukha.
Sa mga tao nakakilala talaga sa amin ay hindi naman talaga mahirap makilala kung sino kami, kahit magkapareho kami ng mukha. Sa pananamit at kilos palang ay magka-iba talaga kami ni Kanae. Magka-iba rin ugali namin at mga gusto namin.
"Magkamukha kasi," maikling sagot ni daddy at dinaan sa tawa.
"That is extremely difficult. But even though they are twins, they have some differences."
"Mukhang hinanap na tayo ni mommy. Let's go back inside." Pilit kung pag-iba sa usapan. Mabuti naman at napaniwala ko sila. Nakita ko naman ang tingin ni daddy na mukhang kinakabahan din.
Pagpasok namin ay agad naman kami sinalubong ni mommy. Nakangiti ito at agad tumabi kay daddy.
"Food is ready." Tuwang-tuwa na sabi nito. Nagtungo kami sa may kainan at nakita ko ang nakahanda na pagkain.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa dami ng pagkain nakahanda o malulungkot dahil sinabi niya ipapaluto niya ang paborito ko. Kahit isa sa pagkain ay wala akong paborito. Baka hindi lang talaga alam nito ang mga gusto at ayaw ko kahit ina ko pa ito. Nasaktan ako dahil umasa ako.
"Let's eat." Nakangiting sabi ni mommy sabay upo. Nasa harapan ko si mommy at daddy habang katabi ko naman si Tyler.
"Thank you," sabi ko ng bigyan ako ni Tyler ng pagkain. Nakita ko naman ang mga tingin ni mommy habang ginagawa ito ni Tyler. Hindi ko alam kung ano nasa isip niya. Hindi ko na lang ito pinansin at nagsimula na kumain.
Hindi ko naman mapigilan ilagay sa may gilid iyong kamatis. I hate eating tomatoes. Simula pagkabata ay ayaw ko na talaga kumain. Hindi ko gusto ang lasa nito. Kahit anong pilit ko noon, maiiyak na lang ako kapag pinilit ko.
"You don't eat tomatoes?" Napalingon naman ako kay Tyler dahil sa tanong niya. Nakita ko nakatingin siya sa plato ko. Hindi ko akalain mapapansin niya ito.
"Oh! I didn't know you weren't eating tomatoes now." Inosenteng tanong ni mommy. Pilit naman ako ngumiti dito. Magugulat pa ba ako kung hindi niya alam. Baka magulat pa ako kung alam niya. That's my mom. Pera at negosyo lang talaga nasa isipan at mahalaga sa kanya. Kahit simpleng bagay hindi niya alam.
"I just don't like now, mom." Pagsisinungaling ko dahil bata palang ako ay ayaw ko na ito. Kahit si yaya ay alam ito.
"Why?" Nagtatakang tanong ni mommy.
"Just let our daughter, hon," singit ni daddy. Ngumiti lang si mommy kahit alam kung hindi nito nagustuhan ang sinabi ni daddy. Tahimik lang ako kumakain. Minsan inalok pa ako ni Tyler sa ibang pagkain pero panay lang iling ko. Hindi naman makaligtas sa aking paningin ang pagkunot ng noo ni mommy sa bawat tanggi ko sa pagkain.
Siguro nainis ito at inisip nitong nag-iinarte na naman ako. Hindi ko alam ang takbo ng isip ni mommy. Ang hirap nito basahin o hulaan kung ano takbo ng isip nito. Matapos namin kumain ay nag-usap lang sandali si mommy at Tyler tungkol sa business.
Tuwang-tuwa naman si mommy sa mga sinabi ni Tyler dito. Hindi ko maintindihan ang iba nilang pinag-usapan. Hinayaan ko na lang ito at nagpaalam ako sandali. May kinuha lang ako sa aking kwarto. Hindi naman ako nagtagal baka kasi sumunod sa akin si Tyler.
At hindi ako nagkamali dahil nakasalubong ko ito sa may hagdanan ng pababa ako. Lumapit ito sa akin sabay akbay.
"What's that?" tanong nito sa akin.
"Books.." Itinaas ko iyong box na may laman na libro at ilang gamit na importante sa akin.
"I can buy you some more books, wife." Malambing na sabi nito. Napatingin ako dito at hindi ako makapagsalita dahil sa kanyang sinabi.
"Kanae, darling.." Sabay kami napalingon ni Tyler dahil sa pagkatawag ni mommy. Ngumiti naman ito ng makita kami at lumapit ito. "Can I talk to my daughter before you leave? I have something to say to her."
Tiningnan naman ako ni Tyler at tumango lang ako. Kinuha nito ang dala kung box at nagpaalam ito. Lumapit naman sa akin si mommy at nag-iba ang ekpresyon ng mukha nito.
"Next time, sabihan mo ako pupunta kayo dito!" Madiin na sabi ni mommy. "I have a meeting today. But I have to cancel because of that. At saka huwag ka magdrama na parang bata. Anong na-miss? Ilang taon ka nanirahan sa condo mo mag-isa at hindi ka gaano umuuwi dito dahil sa pag-aaral mo. Saka sabihin mo na-miss mo kami." Naiiritang sabi ni mommy.
Hindi na lang ako nagsalita. Alam ko naman na ito sasabihin niya. Busy siya at bawat oras niya ay mahalaga. Sa mga tingin palang nito ay alam ko na hindi niya nagustuhan nandito kami. Hindi lang nito masabi dahil nandito si Tyler. Nang sabihin niya gusto niya ako maka-usap ay ito agad pumasok sa aking isipan.
"Saka Akira, umayos ka at huwag ka magpahalata hindi ikaw si Kanae. Huwag mo sirain ang mga plano ko. Hindi kita mapapatawad kapag nasira na naman ang mga plano ko. Minsan n'yo na sinira ni Kanae ang mga gusto ko dahil pinagbuntis ko kayo." Saad nito at iniwan ako.
Pinigilan ko ang aking sarili maiyak. Tumingala ako sabay pikit ng aking mata. Huminga ako ng malalim. Sinubukan ko ang breathing exercise upang ikalma ko ang aking sarili. Lagi ko ito ginagawa noon pa man.
Akala ko manhid na ako sa mga salita ni mommy. Pero nasasaktan pa rin pala ako. Kailan kaya niya kami mapapansin at mamahalin tulad ng ibang ina. Minsan napapaisip ako kung bakit hindi na lang niya kami pinalaglag kesa lagi niya sinusumbat sa amin pinanganak niya kami at kami ang dahilan kaya hindi niya natupad ang kanyang pangarap.
Nang medyo kumalma na ako ay hinanap ko na si Tyler. Nakita ko ito kausap si daddy. Ngumiti naman ito ng makita ako. Lumapit ako sa kanila.
"Take care always, princess. I will miss you." Malambing na sabi ni daddy. Niyakap ko ito ng mahigpit. Wala akong pake kung nandito si Tyler at nakatingin sa amin. I love my dad so much. Siya lang ang meron ako at umintindi sa akin. He gave us all the love that my mother failed to give.
"If we have time, we'll visit you again, dad. You are also welcome to come to our home." Tyler stated. My father smiled and tapped Tyler on the shoulder.
"Bumisita kayo ulit ha." Maiiyak na sabi ni mommy ng lumapit ito sa amin. Niyakap ako nito. "Tandaan mo sinabi ko, Akira." Madiin na bulong nito. Humiwalay ito sa yakap at hinarap si Tyler. Binanggit ulit nito ang tungkol sa shares. Nag-usap sila sandali ni Tyler at nagpaalam na kami.
Habang sa biyahe ay tahimik lang ako. Napapansin ko naman panay sulyap ni Tyler sa akin. Napasandal ako sa bintana at pinikit ang aking mata. Malapit na ang pasukan. Hindi ko pa alam kung paano sabihin kay Tyler na hindi maghinala. Dinala ko rin ang ibang libro ko na naiwan sa bahay
Napatingin ako kay Tyler ng huminto ang sasakyan. Ngumiti ito sa akin at lumabas ito saka pinagbuksan ako ng pintuan. Paglabas ko ay napatingin ako sa kanya na may pagtataka na tingin.
"It's still early for our dinner. I decided to bring you here," saad nito sabay turo. Kaya napasunod ang aking tingin dito. Nakita ko agad ay ang National Bookstore.
"Ano gagawin natin d'yan?" nagtataka kung tanong.
"It's a bookstore, wife."
"I know."
"Then you know we'll buy books there, not cosmetics or food. He then smirked. I can't help but roll my eyes. I know it's a bookstore, and what exactly is inside the bookstore. I'm just not sure why we're here.
"Wife, we'll buy all your favorite books." He said, then hold my hands.
Nagsimula itong maglakad kaya napasunod ako dito. Pagpasok namin ay agad kami binati ng guard at nakangiting saleslady. Napairap naman ako ng makita ang ngiti ng saleslady na mukhang hindi ako nag-exist at kay Tyler lang buong atensyon nito. Iwan ko ba sa kababaihan ngayon, ang hilig na magpapansin.
"Do you need any help, sir?" Nagpapa-cute na sabi nito.
"I don't know what my wife wants. I let her choose," sagot ni Tyler. Nakita ko naman ang pagbago ng ekpresyon ng mukha nito sabay tingin sa akin at unti-unti nawala ang ngiti sa labi. Ngayon nakita na niya na may kasaama pala si Tyler. Nakita ko napatingin ito sa magkahawak namin na kamay.
"Hello, ma'am." Nahihiyang sabi nito. Mukhang nagising na ito sa katotohanan. "Do you need any help, ma'am?" Pilit ang mga ngfiti nito.
"I'm alright," sabi ko dito at naglakad na. Dahil magkahawak ang kamay namin ni Tyler ay nadala ko ito. Hinanap ko agad iyong mga gusto kung libro. Hinayaan lang naman ako ni Tyler. Siya ang nagdala sa lahat ng mga napili ko. Tamang-tama din ang araw na ito at nandoon lahat ang gusto ko na libro.
Nang mapagod na ako ay naisipan kung tumigil na sa kahahanap. Niyaya ko na si Tyler bayaran namin ito. Kukuha na sana ako ng pera sa wallet ko ng inabot ni Tyer ang kanyang caed.
"A-Ako-"
"Don't worry, wife. Let me pay it." Nilalaro nito ang aking kamay. Hindi ko naman mapigilan mahiya dahil sa dami ng binili ko. I buy 15 medical books and 10 novels by my favorite author. Kumuha ako ng madami kasi buong akala ko ako ang magbabayad. Siya na din nagdala lahat ng binili ko. Hawak ng isang kamay nito ang paperbag habang ang kamay ko naman sa isang kamay niya.
Naglakad kami papunta sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Nilagay muna nito ang pinamili ko sa likod saka ito umikot para sumakay na.
"Where do you want to eat dinner, love? Tanong nito kaya napatingin ako dito. Seryoso itong nakatingin sa harapan.
"I don't know. Ikaw na lang mamili."
"Your choice, love."
Sinabi ko na lang iyong madalas namin kinakainan namin ni daddy kapag dinadalaw niya ako sa school. Pagdating namin doon ay agad kami sinalubong ng mga crew. Nakasunod lang kami ni Tyler sa isang crew upang ihatid kami sa aming table.
"Tyler.." Napahinto ako at si Tyler ng marinig ito. Napalingon naman si Tyler kaya napasunod din ang tingin ko. May dalawang lalaki at babae nakangiti sa amin. Tiningnan ko naman si Tyler, hindi man lang ito ngumiti at walang reaksyon ang mukha nito.
"Is that your new girl?" Maarteng tanong ng babae sabay tingin sa akin."Let me guess. That is one of your pastimes. It appears to be different now. Just a little low-class." Tiningnan ako nito ng may panghusga. "Not good in fashion." Napapailing na sabi nito.
"Thelmarie, stop that." Saway ng lalaking katabi nito. Hindi naman ako nasaktan sa sinabi nito Sanay na ako minsan nilalait ang pananamit at ayos ko. I dislike wearing make-up or a sexy dress. I prefer to keep things simple and simply lock myself in a room to study.
Naniniwala kasi ako na okay lang hindi pala-ayos sa sarili basta may laman ang utak. Aanhin ko naman ang pagiging fashionista kung wala naman laman utak ko. Puro lang paganda nalalaman.
"This is my wife." He said it seriously and proudly. Then he pulls me in closer, which makes me shiver.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top