CHAPTER 2
Isang linggo na simula noong kinasal kami. Tatlong araw kami sa London para sa honeymoon namin. Pero tulad ng sinabi nito sa akin ay hindi nito ako pipilitin hanggang hindi pa ako handa. Kaya ang ginawa namin sa London ay namasyal lang.
Doon ko unti-unti nakilala si Tyler. He is dedicated and hands-on in his business. Kahit pagod na ito sa kamamasyal namin ay nakikita ko pa rin itong nagtratrabaho. Nagigising nalang ako bigla at makita siyang nakaharap sa kanyang laptop upang magtrabaho.
Sobrang maalaga din ito at maingat sa bawat galaw niya. He always asks me, kung gusto ko ba ito or hindi. Hindi niya ako pinipilit kapag ayaw ko. Siguro nasanay lang ako kay mommy na dapat ang gusto masunod nito. Hindi na kailangan tanungin opinyon ko.
"I have something for you." Nakangiting sabi nito sabay halik sa aking noo. Aaminin ko, nagugulat pa rin ako kapag ginagawa niya ito. Iyong paghalik niya sa aking noo o paghawak man lang sa aking kamay.
Nginitian ko ito sabay kuha sa hawak nito at tiningnan ito. Hindi ko naman maitago ang aking ngiti ng makita kung ano ito. "I keep looking for this one in the bookstore. Kaya lang laging sold out." Hindi makapaniwala kung sabi.
"I'm happy to see your smile."
Sino ba hindi sasaya kung ang matagal ko na gustong bilhin na libro ay hawak ko na ngayon. Natatandaan ko inipon ko pa allowance ko para mabili ito, pero sadyang minamalas ako at sold out na ito.
"Thank you!" Niyakap ko ito sa labis na tuwa. Pero agad naman ako napaatras ng matauhan sa ginawa ko. "Sorry.." nahihiyang sabi ko.
"It's alright." Ginulo nito ang aking buhok sabay ngiti. "I'm going to cook our dinner." Nakangiting sabi nito saka hinubad ang suot nitong black suit. Kaya tanging naiwan ay white polo long sleeve. Agad itong nagtungo sa kusina upang magluto.
Meron naman kaming mga katulong dito sa bahay. Kaya lang kapag nandito siya ay gusto niya talagang ipagluto ako. Minsan tinutulungan ko itong maghiwa ng mga kailangan niyang sangkap. Pero kadalasan ay gusto niya naka-upo lang ako at tinitingnan siyang nagluluto.
"What do you want to eat for dinner tomorrow?" tanong nito habang naghihiwa ito ng mga sangkap.
"Ikaw bahala.." Maikli kung sagot.
"Ano ba paborito mo?" tanong nito.
"Kahit ano... kasi hindi naman ako mapili sa pagkain," sagot ko dito. Ayaw ko naman sabihin niya maarte ako at mapili.
"Maybe we could eat at the restaurant tomorrow. I can go home early." Tiningnan ako nito na parang hinihintay ang sasabihin ko.
"A-Ah..s-sure.." Nauutal na sabi ko. Nakita ko naman ang pagngiti nito dahil sa sagot ko. Hindi ko tuloy mapigilan mapatitig sa kanya. Parang noong nagpa-ulan ng kagwapuhan at kakisigan ay gising ito. Kahit sino babae siguro makakita sa kanya ay hindi mapigilan mahumaling. Ano kaya nagustuhan nito sa kakambal ko?
Muntik naman ako mahulog sa kina-uupuan ko ng bigla itong lumingon sa akin. Mabilis akong napatayo. "M-Magbabasa l-lang ako." Nauutal ko na sabi at agad na umalis doon. Gusto ko batukan sarili ko dahil nahuli niya akong nakatingin sa kanya.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kung sa kwarto ba o sa labas upang magpahangin. Pero sa huli ay napili ko tumambay muna sa garden. Mas maganda doon dahil sariwa ang hangin at nakaka-relax ang paligid lalo na sa mga bulaklak doon.
Habang aliw na aliw ako sa bulaklak ay hindi ko mapigilan maisip na malapit na ulit ang pasukan. Paano ko sasabihin kay Tyler ito. Hindi ba ito magdududa kung nag-aaral pa ako. Naisip ko rin kung nasaan na si Kanae ngayon. Kahit ganoon ugali ng kakambal ko at minsan madalas kaming magtampuhan ay nag-alala pa rin ako.
Hindi ba ito natatakot? Naisip ko rin kung hinanap ba ito ni mommy. Kapag ba bumalik na si Kanae ay puwede na kaming magpalit at bumalik na ako sa dati kung buhay?
"Kanae!" Nagulat ako ng marinig ang boses ni Tyler. Lumapit ito sa akin. "Kanina pa kita tinatawag. Mukhang ang lalim ng iniisip mo," sabi nito.
"Pasensya na. Na-miss ko lang si mommy." Pagdadahilan ko dito. Hindi ko naman puwede sabihin na iniisip ko ang kakambal ko.
"Gusto mo dalawin natin sila bukas?"
"Hindi ba may trabaho ka?" Nagtataka kung tanong dito. Hindi ko rin alam kung matutuwa si mommy na makita ako doon. Siguro si daddy ay magiging masaya iyon. Pero si mommy, malabo naman. Lagi mainit ang ulo nito sa amin.
"Don't worry about my work. I can handle it. We'll go see your parents tomorrow. I'm sure you miss them." He said that, then gave me a small smile.
I don't know if I'll be happy or nervous. I regret telling him I miss my mother. Pero nakakahiya naman tumanggi dahil nagmamaganda loob na iyong tao. Kaya hindi nalang ako umangal.
"Let's eat." Anyaya nito sa akin. Tumango lang ako at naunang maglakad sa kanya. Naramdaman ko naman nakasunod ito sa akin. Kaya medyo hindi tuloy ako mapakali dahil nasa likuran ko siya. Binagalan ko ang aking lakad para mauna ito. Pero bigla ako napatalon ng maramdaman ang kamay nitong pumulupot sa aking beywang.
"Let's go. Lalamig na iyong niluto ko." Hindi naman ako makasagot. Para akong nakalutang habang naglalakad. Hindi ko man lang namalayan nakarating na kami. Nakita ko agad ang nakahanda na pagkain. Inalayan muna ako nitong umupo kaya nagpasalamat ako dito.
Tahimik kaming kumakain. Tanging tunog lang ng kurbertos ang naririnig. Pagkatapos namin kumain ay ang mga katulong na ng bahay ang nag-asikaso. Nagpaalam muna si Tyler na aakyat ito upang mag-shower. Kaya nanood na lang ako ng Netflix kasi wala naman akong gagawin.
Hindi ko namalayan habang nanonood ako ay nakatulog ako. Nagising na lang ako kina-umagahan nasa kwarto na ako. Naghilamos at nag-ayos muna ako bago ako bumaba. Bumungad agad sa akin ang nakangiti at bagong ligo na si Tyler.
"Breakfast is ready." Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa noo. "Good morning," malambing na sabi nito. Nginitian ko lang ito kahit medyo nagulat pa ako sa ginawa nito. Umupo na ako at nagsimula na kami kumain.
"After this, we will go to your parents." Wika nito habang kumakain kami. Napatigil naman ako sa pagsubo sabay tingin dito.
"Are you sure? Baka may importante kang gawin."
"I will do whatever my wife wants. I want my wife to be happy." Nginitian ako nito. Hindi ko maiwasan mapatitig dahil mas lalo itong naging gwapo kapag ngumingiti. Tumikhim ito kaya mabilis ako napa-iwas ng tingin sabay subo ng pagkain. Sa kamamadali ko ay nabulunan pa ako. Mabilis naman ako nito binigyan ng tubig kaya agad ko ito ininom.
"Are you okay?" Nag-alalang tanong nito.
"Oo.." Uminom ulit ako ng tubig. Hindi ko mapigilan tingnan siya paminsan-minsan.
"Do you have something to say?" tanong nito sa akin. Mabilis naman ako umiling sa sinabi nito.
Matapos namin kumain ay pumunta na ako sa aming kwarto upang maghanda sa pagpunta namin sa bahay. Hindi na ako gaano nag-ayos dahil hindi ko naman talaga iyon hilig. Simple lang talaga ako manamit. Hindi na ako naglalagay ng make-up, tanging lipstick lang.
Pagbaba ko nakita ko agad si Tyler. He was wearing khaki short, saka white polo shirt. Hinawakan nito ang aking kamay at naglakad na kami palabas. Hindi ko maiwasan mapapatingin sa kamay namin habang naglalakad kami. Pinagbuksan ako nito ng sasakyan kaya nagpasalamat ako dito. Inayos muna nito ang aking seatbelt kaya naamoy ko ang pabango na gamit nito dahil sobrang lapit namin.
Matapos maayos ang aking seatbelt ay umikot na ito para sumakay sa driver set. Ilang oras lang biyahe namin bago kami nakarating sa aming bahay.
"Ma'am Akira." Salubong sa amin ng isa sa aming kasambahay. Nagulat naman ako sa tinawag nito sa akin. Napatingin din ako kay Tyler, mukha itong nagtaka sa tinawag ng katulong namin.
"A-Ah, kayo pala yan Ma'am Kanae." Halata sa boses nito na kinakabahan ito.
"Hello Manang!" Pilit ako ngumiti dito. "Let's go." Yaya ko kay Tyler.
"Pagpansensyahan muna si Manang, medyo matanda na. Minsan talaga nalilito ito sa amin." Paliwanag ko dito. Pero ni minsan ay hindi nagkamali si Manang dahil halata naman talaga ang pagkaka-iba namin ni Kanae.
Magkatulad kami ng mukha ni Kanae. Pero iba ang hilig at damitan namin. Mas mahilig si Kanae sa make-up at sexy or revealing na damit. Gusto ko naman simple lang at tanging lipstick lang. Kapag kasi naglagay ako ng make-up ay nangangati ang mukha ko.
Kaya kahit sino malapit o nakakilala talaga sa amin ay alam kung sino ang kaharap nila.
"Manang, nasaan si mommy?" Tanong ko kay Manang at nilingon ito. Mukhang kinakabahan pa ito at hindi ito nakasagot agad.
"Tatawagin ko lang si maam." Paalam nito at mabilis itong umalis. Pina-upo ko muna si Tyler at nag-utos akong dalhan kami ng inumin. Gusto ko pumunta sa aking kwarto dahil na-miss ko ang mga gamit ko.
Napatingin naman ako kay Tyler at nakita kung nakatingin siya sa family picture namin. Kinakabahan ako, lalo na kung ano iniisip nito. Alam na ba nito nagsisinungaling ako?
"I never see your twin. Nasaan siya ngayon? I didn't even see her at our wedding." Tumingin ito sa akin. Nagulat naman ako sa tanong nito. Hindi ko alam kung ano isasagot ko dito. Labis na kaba ang aking nararamdaman.
"Kanae! Tyler!" Sabay kaming napalingon ng marinig ang boses ni mommy. Nakangiti itong lumapit kay Tyler upang yakapin ito at sumunod naman ako.
"Why are you here?" Mahinang sabi ni mommy ng yakapin niya ako.
"Ano nagdala sa inyo dito?" malambing na sabi nito at sobrang lapad ng ngiti nito kay Tyler.
"Kanae, just miss you, mom," sagot ni Tyler.
"Oh! my baby missed me." Malambing na sabi ni mommy at yumakap ito sa akin na mukhang touch na touch sa sinabi ni Tyler. "Anong drama na naman ito Akira?" Madiin na sabi ni mommy. Mahina lang niya itong sinabi, tanging ako lang nakakarinig.
"Naninibago lang talaga itong anak ko. Alam muna ilang taon siya sa amin at bigla na lang siyang aalis dahil kinasal na siya. Kahit ako ay na-miss ko ito." Malungkot na sabi nito.
I hope she misses me. But everything is a lie. Pakitang tao lang kay Tyler. Kung wala siguro si Tyler sa harap namin ay baka sinigawan na ako nito. Ipapamukha nito sa akin na sinayang ko lang oras niya at madami pa ito gagawin.
Kung ibang magulang ay matutuwa kapag binisita ng kanilang anak. Pero si mommy ay hindi, sasabihin pa sa iyo wala siyang panahon sa drama. Madami itong trabaho gagawin. Hindi ko alam kung bakit siya ganito.
Naalala ko dati iyong may program sa school at kailangan pumunta ang parents namin. Galit na galit siya dahil may trabaho siya at wala siyang panahon para sa ganyan. Pinagalitan at nasigawan pa ako noon. Hindi ito pumunta sa school at iyong yaya namin ang pinapunta. Iyak ako ng iyak noon habang tahimik lang si Kanae nakatingin sa mga kakalse namin.
Alam kung masama ang maiingit, pero sa panahon na iyon ay labis iyong inggit ko sa mga kakalse namin. Natanong ko rin kung bakit ganito si mommy sa amin? Pero dahil bata pa kami ay inintindi namin na marami itong trabaho sa kompanya.
Tanging mga kasambahay lang talaga lagi namin kasama. Kahit kaarawan o special occasions. madalas nasa meeting si mommy at sa opisina niya.
"That's why I bring my wife here, mom." Bumalik ako sa realidad ng marinig ang boses ni Tyler.
"Thank you, Tyler. You're a good husband. I know you're busy, but you make time for my daughter."
"Anything for my wife, mom."
"I'm so happy and relieved that my daughter is in good hands. Kanae is such a lovely daughter. It's extremely difficult for me to be separated from her. But I don't have anything to do. She is already married. I'm just here to support her." Nakangiting sabi ni mommy sabay tingin sa akin.
"Don't worry, Mom. I always do my best to make my wife happy."
"Good..." Nakangiting sabi ni mommy.
"Akira.." Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ang boses ni daddy. Nakita ko rin ang pagkunot ng noo ni Tyler sabay lingon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top